Share

Chapter 7

"Jade, are you okay? Mayroong bali-balita sa company na na-kidnap ka raw kagabi. Is that true?" kaagad na tanong ng isa sa mga kasamahan ni Elle sa Managment Department  na si Amelia. 

Kakalabas pa lamang nilang dalawa sa kotse ngunit ito kaagad ang tanong na bumungad sa kanila. Nagkataon din kasi na magkatabi lamang na nai-park ang kotse ni Elle at kotse ni Amelia kaya hindi na nila maiiwasan ang katrabaho.

Bahagyang tumingin naman sina Elle at Jade sa isat-isa na animo'y alam na nilang mayroon na tatanong sa kanila.

"Well, its just a misunderstanding Amelia. Actually, that person was our friend and she just really like franking us. She wanted us to surprise sa paraan ng pag-kidnap kay Jade," paliwanag ni Elle na sinang-ayunan naman ni Jade. Nagtataka at hindi naman mapakaniwala si Amelia ngunit naunawaan rin ito ni Amelia.

"I'm just glad nothing happened to Jade," turan ni Amelia at napabuntong hininga ito.

"Huwag mo ng isipin 'yon besides I'm fine," saad naman ni Jade at hinahangad na sana ay doon na lamang ang maging pag-uusap nila sapagkat ayaw na niyang malaman ng buong tao sa kompanya ang nangyari kagabi.

"Is what I heard true? You've been almost kidnap last night?" Bungad ng CEO sa kaniya matapos niyang makapasok sa opisina nito. Sa ngayon ay nakatayo rin si Greg at pinagmamasdan ang kabuuang anyo ni Jade.

"Aren't you hurt?" nag-aalalang tanong ni Greg at sa hindi malaman na dahilan ay parang hinaplos ang puso ni Jade sa paraan ng pagtatanong nito sa kaniya.

"I'm alright, sir," simpleng sagot niya. Bahagya na rin na naiinis si Jade dahil mula sa parking lot pa lamang ay tinatanong na siya ni Amelia at sa ilang minutong pananatili niya sa elevator ay palaging siyang tinatanong ng mga nakakasabay na katrabaho kung ayos lamang ang kaniyang kalagayan.

Ang akala ni Jade na hindi malalaman ng iba pang mga katrabaho ang nangyari ay nagkamali siya sapagkat halos lahat ata ng tao sa kompanya ay alam ang naging kaganapan kagabi maliban na lamang sa totoong katauhan ni Zhyryl. Nagpapasalamat na lamang sila ni Elle na hindi na pinost or ibinalita ang nangyari sa underground parking lot ng kompanya at naitago na ang may kagagawan ay ang isang sikat na artista sa Pilipinas at kilala rin sa ibang bansa.

"I should add more security personel in this company. I don't want anything bad to happen to my employees. If you want to take a rest Ms. Wetzel, I would gave you a three days day off. I'm sure you were shocked by what happened last night," saad ni Greg habang nakatitig sa kaniya, bakas din sa kaniyang mukha ang pag-aalala sa kaniyang sekretarya.

"You don't have to do that sir. As I said a while ago, I am alright... And now, kung wala po kayong ipagagawa ay lalabas na ako. Just call me sir if you need something," magalang na saad ni Jade at pagkatapos ay umalis na sa opisina ni Greg.

Kaagad siyang umupo sa kaniyang upuan na animo'y pagod na pagod na. Kakasimula pa lamang ng araw at wala pa siyang nagagawa na trabaho ngunit pakiramdam niya ay wala na siyang lakas pa sa buong araw na ito.

***

Sa loob ng isang linggo ay nanatili si Zhyryl sa bahay na pagmamay-ari ni Elle kung saan naninirahan din si Jade. Samantala ang tatlong kasamahan ni Zhyryl ay pinatuloy niya naman sa isang hotel na hindi kalayuan sa kanila.

Nanatili lamang sa loob ng bahay si Zhyryl sa tuwing nagtatrabaho silang dalawa at sa pag-uwi nina Elle at Jade ay muli silang nagkukulitan at nagkwekwentuhan ng kung ano-ano hanggang sa makatulog silang tatlo. Kung minsan din ay nanonood sila.

Ngunit hindi rin nagtagal ang pagsasama nilang tatlo dahil matapos lamang ang isang linggo ay nahanap na si Zhyryl ng kaniyang manager. Sa hindi inaasahan ay nagkasalubong ang tatlong kasamahan ni Zhyryl at ang kaniyang manager habang naglilibot-libot. Wala na rin na nagawa ang tatlong lalaki at sinabi ang lugar kung saan naroroon ang aktres.

Kaagad na nagtungo sa bahay ni Elle ang babaeng manager ni Zhyryl. Ayaw pa sanang sumama ni Ryl ngunit kinausap siya nina Elle at Jade. Sa huli ay pumayag ang aktres na sumama sa manager at tanggapin ang proyekto para sa isang pelikula. Nangako rin si Zhyryl na muling pupuntahan ang dalawang kaibigan pagkatapos ng shooting.

"Its a bit quiet in here," saad ni Elle habang pinagmamasdan ang paligid ng bahay, kaagad din na sumang-ayon sa kaniya si Jade. Noong naroon kasi si Zhyryl ay palagi silang nagtatawanan at nagkukulitan sapagkat madaldal talaga ang actress. Samantalang hindi naman gaanong madaldal sina Elle at Jade.

"Are you alright?" tanong ni Jade ng mapansing sunod-sunod ang pagbahing ni Elle. Namumula na rin ang ilong at bahagyang namamasa ang kaniyang mga mata.

"I think I have a flu," saad ni Elle habang pinapakiramdaman ang sariling katawan. "Actually, kanina pang umaga ay masama na ang pakiramdam ko at sa tingin ko ay lumala ito ng magtrabaho ako." Hinawakan din ng kaniyang kaibigan ang kaniyang noo, napagtanto ni Jade na mayroong mataas na lagnat si Elle.

"Dito ka lang, kukuha lang ako ng gamot mo," turan ni Jade habang pinagmamasdan ang kaibigan na humiga sa sofa. 

Kaagad siyang nagtungo sa kusina at binuksan ang kabinet na naglalaman ng first aid kit at ilang mga gamot. Kinuha niya ang isang maliit na drawer at naghanap ng gamot ngunit wala siyang makita na gamot para sa lagnat at sipon ng kaibigan. Naisipan na lamang ni Jade na magdala ng isang maliit na palanggana na may tubig at bimpo.

"Wala akong mahanap na gamot," saad ni Jade habang nilalapitan ang kaibigan na sa ngayon ay nakapulupot na sa katawan ang kumot. Hinawakan niya ang noo nito at napansin ni Jade na mas lalong tumaas ang lagnat ng kaibigan. Si Rosabelle ang tipo ng taong bihira lamang magkasakit ngunit kapag nagkakasit naman siya ay malala ito o kaya naman ay umaabot ito ng ilang araw bago siya gumaling.

"Hindi magiging sapat ito," turan niyang muli na ang tinutukoy ay ang bimpo na nasa noo ng kaibigan. "I will buy some medecine for you," saad niya ngunit kaagad na pinigilan siya ni Elle.

"Its almost midnight," pagpipigil sa kaniya ni Elle. Napatingin naman siya sa wall clock, its already eleven thirty in the evening.

"I will be just back. Alam naman natin pareho na hindi mawawala ang lagnat mo kung wala kang gamot na iinumin. Don't worry, bibili lang ako ng gamot at pagkatapos ay uuwi rin ako." Ayaw pa sanang pumayag ni Elle dahil iniisip niya na baka mapahamak ang kaibigan sa labas ngunit wala na rin siya nagawa dahil walang lakas ang kaniyang katawan upang makipagtalo pa sa kaibigan.

Katulad ng sinabi ni Jade ay mabilis lamang siyang nakabili ng gamot sa isang drugstore na hindi ganoon kalayo sa kanilang tinutuluyan ngunit kaagad siyang natigilan sa pagmamaneho ng mapansin sa isanh gilid ang isang babae na mukhang pinagtritripan ng limang kalalakihan. 

Alam ni Jade na lasing ang babae sapagkat wala ng itong lakas na makipag-usap pa sa mga lalaking nakapalibot sa kaniya. Nakaramdam si Jade ng pagkabahala sa maaaring mangyari sa kaniyang kapwa babae. Hindi na nagdalawang isip pa si Jade at kaagad na nagtungo sa kinaroroonan ng babae.

Inilapit niya ang sasakyan na minamaneho doon at maka-ilang beses na binusina ang kotse. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba ng makitang papalapit ang tatlong lalaki sa kaniyang kotse. Bakas sa mukha ng mga lalaki ang talim na tingin nito kay Jade ngunit hindi siya nagpatinag at patuloy ang pagbusina hanggang sa makaagaw siya ng pansin at huminto ang isang police mobile na kasalukuyang nagpapatrol sa kanilang kinaroroonan.

Pinaliwanag ni Jade ang kaniyang nasaksihan ngunit patuloy na sinasabi ng mga lalaki na kasamahan nila ang babaeng lasing. Ngunit ng walang maibigay na pruweba ay wala ng nagawa ang limang lalaki kundi ang umalis. Kinuha rin sa kanila ang ilang gamit ng babae. Naiwan naman si Jade kasama ang natutulog na lasing na babae at ang dalawang police officer.

Sa huli ay isinama na ni Jade ang babae sa bahay ni Elle. Bahagya naman siyang kinakabahan sa maaaring reaksyon ni Elle dahil baka magalit ito dahil mayroon siyang isinama na isang babae na hindi nila kakilala at hindi alam ang totoong katauhan nito. Wala naman kasing ID ang malaking wallet na dala ng babae.

Nang makarating ay kaagad niyang pinaliwanag ang nangyari kay Elle. Jade was glad when Elle understand the situation. Sinabi rin ni Elle na ituloy na lamang ang babae sa isang guest room. Ngunit bago ito mangyari ay kaagad na natigilan ni Jade ng maramdaman ang maiinit na likidong dumadaosdos sa kaniyang damit. Bahagyang nandiri si Jade dahil sa pagsusuka ng babae sa kaniyang damit at umabot na ito sa kaniyang suot na jogger.

Bahagya naman na napatawa si Elle sa nasaksihan ngunit kaagad din na kumunot ang noo at nandiri ng maamoy ang suka ng babae at amoy ng alak mula rito.

***

Nang sumapit ang umaga ay kaagad ng naghanda ng makakain si Jade para sa kanilang tatlo.

Sa kalagitnaan ng gabi ay nagpaalam na si Jade sa kaniyang boss na hindi muna papasok ng isang araw sapagkat mayroon siyang mahalagang aasikasuhin, kung saan ang kaniyang tinutukoy ay ang pagbabantay at pag-aalala sa may sakit na kaibigan at sa isang lasing na babae. Wala rin na maayos na tulog si Jade sapagkat hinihintay niya na bumaba ang lagnat ni Elle at ilang oras na nilinisan ang katawan ng babae at katawan rin niya sapagkat matagal bago tuluyang nawala ang amoy ng suka at alak sa kanilang katawan.

Pagkatapos maluto ang agahan ay lumapit na si Elle sa kaniya sa kusina. Hindi na mataas ang lagnat nito ngunit kasalukuyan pa rin na binabalot ang sarili sa kumot.

"Masakit pa ba ang ulo mo?"

"Not much. I'm sure maya-maya ay mawawala na rin ito. How about the girl you brought last night? Did she wake up?"

"Not yet. She's still sleeping soundly."

'Who could be that girl?' parehong tanong nina Elle at Jade sa kanilang isipan.

Pagsapit ng hapon ay tuluyan ng nawala ang lagnat ni Elle at bihira na rin siya kung bumahing.

"Do you think she's still sleep?"

"I don't know. Puntahan ko lang siya sa kwarto," saad ni Jade at tumayo na sa pagkakaupo sa sofa.

Dahan-dahan na binuksan ni Jade ang kwarto at tumambad ang natutulog pa rin na babae. Napailing na lamang siya sapagkat ang likot nitong matulog na tipong nawala na ang kumot na nilagay ni Jade kagabi.

Inayos ni Jade ang kumot at balak muling ilagay ito sa babae ngunit nagulat na lamang siya ng biglang may humila sa kaniya at napahiga siya sa kama.

"Good morning hand---" Hindi natuloy ng babae ang sasabihin ng mapagtanto na babae ang kaniyang kaharap.

"Waahhhh! What the?! Who are you?! What did you do to me?! Even though I love sex I don't want to do it to my same gender!" malakas na saad ng babae habang pinagpapalo ng unan nito si Jade.

Nanatili naman na tahimik si Jade at pinoproseso sa isipan ang mga sinabi ng babae. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Jade ng mapagtanto ang tinutukoy ng babae.

"My God gracious! What are you thinking girl?! Your wasted last night and I just helped you!" sigaw naman ni Jade at kaagad na natigilan ang babae. Dahan-dahan naman itong kumalma at umupo ng maayos sa kama.

"Really?" naninigurong tanong ng babae.

"Why would I even do that thing to you?" tanong ni Jade habang niyayakap ang sarili. "My gosh! Your giving me a headache," turan ni Jade habang nakahawak sa noo. Hindi rin siya makapaniwala na ganoon ang iisipin ng babaeng kaniyang tinulungan.

"What happened, Jade? Rinig na rinig ko ang sigawan niyo sa sala. Nag-away ba kayo?" kaagad na tanong ni Elle ng binuksan ang pintuan sa kwarto kung saan naroon sina Jade at ang babae.

"Were both fine, Elle. There is just a misunderstanding," turan naman ni Jade at tiningnan ang babae.

"I'm sorry for the trouble I made. But can I ask what happened last night? Ang naalala ko lamang ay sumasayaw at nakikipag-inuman ako sa isang bar kasama ang ilang lalaki."

Parehong natampal nina Jade at Elle ang kanilang noo dahil sa sinabi ng babae. 'She's a party girl,' turan ng dalawa sa kanilang isipan. At iniisip na mukhang magiging sakit sa ulo ang babae.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status