Share

Chapter 21

Nagpapasalamt sina Greg at Elle na naroon na ang ilang firefighter at nasugpo na nila ang apoy sa nasusunog na cottage. Ilang segundo nilang pinagmasdan ito at nakaramdam ng kaba sapagkat ang bawat sulok ng cottage ay sunog na sunog, kulay itim na rin ito at nagiba na.

Dahan-dahan naman silang nagtungo sa pinagkakaguluhan ng mga tao na hindi kalayuan sa nasunog na cottage. Ngunit hindi inaasahan nina Greg at Elle ang taong makikita na nakahiga sa isang folding stretcher.

"Oh my gosh!" gulat na saad ni Elle at kaagad na napatakbo sa pinagkakaguluhan ng mga tao.

"Jade! Jade!" natataranta at naiiyak na pagtawag ni Elle sa kaniyang kaibigan ngunit wala na siyang narinig na tugon mula rito. Hindi rin alam ni Greg ang kaniyang gagawin ng makalapit sa kinaroroonan ni Jade.

"Is this young lady related to you, miss?" a man wearing a banker gear asked. Elle just nod her head while still looking at her friend. Hindi mapigilan ang pagtulo ng luha ni Elle habang hinahaplos ang mukha ni Jade. 

"She's unconscious as of now. Marami rin ang nalanghap niyang usok kaya kailangan niya muna ng oxygen tank. We just did a first aid to her. But she still need to bring to the hospital to observe more her condition. Don't worry miss, the ambulance will be here in any minute.," muling saad ng lalaki.

Malungkot naman na napatingin si Greg sa kalagayan ng kaniyang sekretarya. Sa hindi malamang dahilan ay parang tinuturok ng karayom ang kaniyang puso dahil sa itsura nito. Marungis ang katawan at ang puting kasuutan ni Jade, may ilang parte rin ng damit ang nasunog at ang ilang parte ng kaniyang balat ay namumula dahil sa first degree burn na kaniyang natamo.

Dahan-dahan na lumapit si Greg sa kaniya at napahawak sa kamay ni Jade, pinisil-pisil niya rin ito na animo'y nagbabakasakaling magising ang kaniyang sekretarya ngunit wala siyang natanggap na tugon mula sa kaniya.

"Thankfully a man saved this young lady." Parehong napatingin sina Greg at Elle sa tinuran ng isa ring firefigther. Nagtatakang tiningnan nila ito, itinuro rin ng firefighter ang kaniyang tinutukoy.

Both Greg and Elle look at the man. Greg was a bit shocked after seeing a familiar face. 

Nang mapansin ng lalaki ang pagtitig sa kaniya ni Greg ay kaagad itong lumapit sa kanilang kinaroroonan. 

"I didn't expect to see you here, Mr. Agapius Greg Galveria, the CEO of A and A Electronic Arts Incorporation. By the way, congratulations for your companies latest achievement," turan ng lalaki habang nakangiti kay Greg.

Bahagya naman na ngumiti si Greg sa lalaki. "Thank you Mr. Denmar Ruiz. And most especially, thank you so much for saving her."

"It was nothing, I just did what I needed to. I couldn't just watch and do nothing to a lady who's trap in a burning cottage and screaming for help... Ohh, by the way, are you related to that lady?"

"She is my secretary," sagot ni Greg. Ilang segundo naman na tumahimik ang lalaking tinawag na Mr. Ruiz bago ito ngumisi.

"Well, you should always check your employees. I'm just glad that I was there."

"Yeah. Thanks again," saad ni Greg upang matapos na ang kanilang pag-uusap. Bahagya niyang pinagmasdan ang kalagayan ni Denmar, may ilang sunog din ang kasuutan nito at bahagyang madungis ang kaniyang itsura. Ngunit maliban doon ay mukhang maayos lamang ang kaniyang kalagayan. 

Pagkatapos pagmasdan ni Greg si Denmar ay iniwas na niya ang tingin mula rito. Denmar Ruiz is the CEO of the company named Blizzard E.A. Inc. It is also ang Electronic Arts Incorporation and one of the opponent of Greg's company. 

Greg doesn't really know the whole identity of Mr. Ruiz and he don't plan on knowing him more. Hindi kaagad nanghuhusga si Greg sa mga taong nakakasalamuha niya pa lamang. He believes that every one of us have their own life story but he just don't feel right everytime he see Mr. Ruiz. Isa rin ang kompanya na pagmamay-ari nito sa kakompetensiya ng kompanya ni Greg kaya hanggat maaari ay dinidistansiya ni Greg ang kaniyang sarili mula sa kaniya.

Sa kabilang banda, panay naman ang pasasalamat ni Elle sa ginawang pagligtas ni Denmar sa kaniyang kaibigan. 

Kalaunan ay dumating na ang ambulansiya at naidala na si Jade sa hospital na malapit lamang sa resort. Si Elle na lamang ang sumama at binilin ang kaniyang boss na sabihin na lamang ang nangyari sa kanilang kaibigan at katrabaho.

***

"Oh my gosh! She move her hands! I think she's awake!"

"Jade?! Can you hear me?"

"Are you okay? Do you feel anything? Do you need anything?"

Dahan-dahan na minulat ni Jade ang kaniyang mga mata. Kaagad niya namang nasilayan ang mga mukhang ng kaniyang mga kaibigan na naiiyak at natutuwa sa kaniyang paggising.

"Jade!" sabay-sabay na pagtawag nina Elle, Zhyryl at Gwen sa kaniya at kasunod 'non ay ang pagpatak ng mga luha ng kaniyang mga kaibigan.

"Water." Ito ang unang salita na lumabas sa bibig ni Jade. Gusto niya pa sanang magsalita ngunit masyadong nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Kaagad naman siyang inabutan ng isang baso ng tubig ni Elle.

Pagkatapos uminom ay kaagad siyang tumingin sa kaniyang mga kaibigan na nag-aala sa kaniya. Bahagyan naman na napangiti si Jade sa kanila.

"I'm fine now," saad ni Jade ngunit unti-unting napasimangot ang tatlong babae na nasa kaniyang harapan at kasunod 'non ay ang pag-iyak nilang tatlo.

"I almost have a heart attack after I saw your condition!" saad ni Elle habang pinipigilan ang pag-iyak.

"Alam mo bang napatakbo kami ni Gwen dito sa ospital ng malaman namin ang nangyari sayo?!" saad naman ni Zhyryl habang umiiyak.

"Nawala rin kaagad 'yong hang-over ko ng malaman na nasa ospital ka! Ano bang nagyari sayo ha?! Bakit ka naroon sa nasusunog na cottage na 'yon?!" naiinis na saad naman ni Gwen ngunit mayroon pa ring luha na tumutulo sa kaniyang mga mata. 

Bahagya naman na napangiti si Jade mula sa mga narinig sa kaniyang mga kaibigan. Nagsimula na rin na tumulo ang kaniyang mga luha ng maalala noon ang nangyari sa kaniya. Kung noon ay walang nag-alala sa kaniyang kalagayan matapos niyang magising sa ospital ngayon ay mayroon na siyang mga kaibigan na dadamayan siya.

Jade's friend hug her and they all cried. Sobrang nag-alala silang tatlo ngunit nawala rin ito ng makita na maayos na ang kalagayan ni Jade.

Matapos ang madamdaming kaganapan sa kanilang apat ay naging maayos na ang kanilang pakiramdam.

Nagkwento na rin si Jade sa nangyari at sa taong nagligtas sa kaniya.

Bago tuluyang mahulog ang nasusunog na kahoy sa taas ni Jade ay dumating ang isang lalaki. Matapang na pumasok ito sa nasusunog na cottage. Mayroon din itong dala-dalang isang bagay na ginawang panangga sa kahoy na nahulog sa kanilang kinaroroonan. 

Hindi na masyadong nakakahinga si Jade dahil sa usok na nalangghap at nanlalabo na rin ang kaniyang paningin ngunit bago tuluyang mawalan ng malay ay nasilayan niya ang lalaking sumagip sa kaniya. 

"Ohh! I actually meet that guy. His... What's his name again? I forgot!"

"Dapat hanapin natin siya para pasalamatan sa ginawang pagligtas kay Jade."

"I think I heard that he was also in this hospital. Nagpa-check up din siya kasi nakalanghap din siya ng apoy mula sa sunog."

"Let's just ask the nurse in here. But for now, you must eat Jade. You've been asleep for fifteen hours. Buti na rin na tinanggal na 'yong oxygen tank na nakakabit sayo dahil naging normal na ang paghinga mo kaninang tanghali." Sinunod naman ni Jade ang sinabi ni Elle.

Makalipas ang kalahating oras ay mayroong kumatok sa pintuan ng kwartong kinaroroonan ni Jade. Kaagad naman na binuksan ito ni Zhyryl.

Lahat sila ay natigilan habang pinagmamasdan ang dalawang lalaki na naroon sa may pintuan. 

Both Greg and Denmar are holding a bouquet of flowers and a basket of fruits. Magkasabay din na ngumiti ang dalawang lalaki ng makita na gising na si Jade.

'What's going on?' tanong ni Jade sa kaniyang isipan habang nagtatakang nakatingin sa dalawang lalaki.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status