Share

Chapter 22

Kaagad na pumasok sa kwarto ni Jade sa ospital ang dalawang lalaki, pareho rin silang nakangiti habang papalapit kay Jade. Inilagay nila ang kanilang dalang tig-isang basket ng prutas at bulaklak sa mesa na katabi lamang ng higaan ni Jade.

"I'm glad your awake now, miss," saad ni Denmar ngunit tinangnan lamang siya ni Jade. Iniisip niya rin kung sino ang lalaki. Kalaunan ay naalala naman ni Jade na ito ang sumagip sa kaniya kaya gulat siyang napatingin sa lalaki.

"Oh! Your that man!" nagagalak na saad ni Jade samantalang napangiti naman si Denmar ng makita ang reaksyon ni Jade.

"Thank you so much for saving me."

"It was nothing. How are you?"

"I'm fine. Medyo humilom na rin ang mga sugat na natamo ko mula sa sunog."

"That's good to here."

"How about you, mister? Wala ka bang natamong sugat ng niligtas mo ako?"

"I'm perfectly fine, no need to worry about me. By the way, I haven't introduce myself... I am Denmar Ruiz, the CEO of Blizzard EA Inc." Kaagad na natigilan si Jade ng marinig ang pangalan ng kompanya na pagmamay-ari ng lalaking nagligtas sa kaniya. Napatingin din siya kay Greg ngunit ngumiti lang ito sa kaniya na animo'y nagpapahiwatig na walang problema na kausapin niya ang lalaki.

"Oh... I'm Cyrstallyn Jade Wetzel, the secretary of Mr. Agapius Greg Galveria, the CEO of A and A Electronic Arts Incorporation," saad ni Jade at nakipagkamay sa lalaki.

"Nice meeting you Ms. Jade. And don't worry. Even though our company are rival, Mr. Galveria and I won't fight because of this matter."

"Alright... Thank you again for saving me."

Ilang oras na nanatili sa ospital sina Greg at Denmar. Nagtungo rin doon ang may-ari ng resort upang humingi ng tawad at magbayad sa kung ano man na gagastusin ni Jade sa kaniyang pagpapagaling.

Hindi inaasahan ng may-ari ng resort ang ganoong pangyayari sapagkat sa lumipas na sampung taon ay ngayon lamang nangyari ang ganoon na insidente sa kanila.

***

Pagkatapos ng dalawa at kalahating araw na pananatili sa ospital ay nakauwi na rin si Jade sa bahay nila. 

Kahit maayos na ang kalagayan ni Jade ay hindi muna siya pinapapasok sa trabaho ni Greg ng isang linggo. Nagpupumilit si Jade na pumasok ngunit hindi talaga pumayag ang kaniyang boss. Samantala, panay naman ang kamusta sa kaniyang ng ilang katrabaho, ang lahat din na ito ay nag-alala sa nangyari sa kaniya.

Ngayon ay mag-isa lamang si Jade sa kanilang bahay dahil pumasok si Elle sa kaniyang trabaho, mayroon naman na shooting si Zhyryl at mayroong klase si Gwen.

Bagot na bagot na si Jade kaya nagpagulong-gulong na lamang siya sa kaniyang kama.

Muli naman na naalala ni Jade ang sinabi sa kaniya ni Greg ng naroon pa siya sa ospital. 'I'm sorry. You were always there when I need someone to talk to... but I wasn't there when you needed my help. I'm really sorry,' malungkot na turan ni Greg noon. Nagulat at nagalit si Greg sa kaniyang sarili ng huli na niyang nabasa ang text ng kaniyang sekretarya.

He feels that he neglected Jade. Nagsisisi si Greg sapagkat iniisip niya na kung nasagot niya sana ang tawag o nabasa ang text ni Jade ay hindi ito gaanong nasugatan at nailigtas niya ito.

Simula noon ay palagi na rin na kinakamusta ni Greg si Jade. That time, Greg was confused. Hindi niya maintindihan kung bakit sobra ang pag-alala niya sa kaniyang sekretarya. He wasn't sure on what he feels towards her. Ang alam niya lang ay magaan ang pakiramdam niya sa tuwing nakakasama niya si Jade. Greg thinks that this is a bit wrong lalo na at mayroon siyang hindi makalimutan na babae. 

Pero ng magkausap silang dalawa ay naging maayos naman. Sinabi na lamang ni Jade na ayos lamang ang ginagawa ni Greg sapagkat wala naman itong malisya. Lalo na at tinuturing naman siyang kaibigan ng kaniyang boss. Samantala, sinusubukan na ni Jade na maglaho ang kung ano man na nararandaman niya para sa kaniyang boss sapagkat mukhang mali ito. Alam din ni Jade sa kaniyang sarili na hindi masusuklian ni Greg ang nararamdaman niya kaya habang maaga pa ay dapat mawala na ang nararamdaman niya para sa kaniyang boss.

***

Ngayon ay ang ikatlong araw na naroon lamang si Jade sa kanilang bahay. Mag-isa na naman siya dahil may kaniya-kaniyang ginagawa ang kaniyang tatlong mga kaibigan kaya naisipan na lamang ni Jade na mamasyal sa mall.

Pagkatapos bumihis ay kaagad ng nagtungo si Jade sa malaking mall na malapit sa kanilang lugar. Nakasuot lamang siya ng black jogging pants, white t-shirt, shoes and cap.

Hindi gaanong nasisiyahan si Jade sa pamamasyal sapagkat mag-isa lamang siya pero naglibot-libot pa rin siya at naghahanap ng kung ano man na bagay na mabibili.

Nang mapagod sa paglalakad ay nagdesisyon siyang kumain na muna. Habang naghahanap ng lugar na gustong kainan ay natigilan si Jade ng mayroong mabunggo na lalaki.

"Ohh! I'm---" Hindi na naituloy ni Jade ang kaniyang sasabihin ng makilala ang taong kaniyang nabunggo.

"Mr. Ruiz!" bahagyang gulat na saad ni Jade.

"Ms. Jade," nakangiti naman na saad nito sa kaniya. "What are you doing here?"

"Just wondering around. Binigyan kasi ako ng isang linggo na leave ng boss ko."

"That's good para naman makapagpahinga ka. After all, you need time for yourself too... By the way, did you eat dinner? Do you want to come with me? Its my treat."

"Aren't you busy, Mr. Ruiz?"

"I already finished my work, therefore I'm free now. Come on, Ms. Jade!" Hindi na nakatanggi pa si Jade dahil bahagya na rin siyang hinila ni Denmar patungo sa isang kainan sa mall. Bahagya naman na nagulat si Jade dahil hindi niya inaakala na kumakain sa ganoong lugar ang kaharap niyang lalaki na CEO ng isang kompanya.

Sa unang tingin ni Jade ay mukhang sigang tao si Denmar kaya nag-aalangan siyang kausapin ito lalo na at kakompetensiya pa ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan ang kompanyang pagmamay-ari rin ni Denmar. Ngunit kalaunan ay pinapakisamahan niya na lamang ang lalaki lalo na at ito ang nagligtas sa kaniya.

Napapansin din ni Jade na sa una lang mukhang sigang tao si Denmar pero kapag nag-usap na sila ay sobrang daldal na nito. Straight forward din na klase ng tao si Denmar.

***

Sa sumunod na araw na pamamasyal ni Jade sa ibat-ibang pasyalan sa kanilang lugar ay palaging naroon si Denmar. 

Makailang beses na niya itong nakakasalubong at palagi siyang niyayaya na kumain sa kahit anong kainan, hindi naman magawang makatanggi ni Jade sapagkat hindi siya nito tinitigilan hanggat hindi siya pumapayag.

'His not a busy man for a CEO.' Ito ang palaging naiisip ni Jade sa tuwing nakakasama si Denmar sapagkat isa itong CEO ngunit nagagawa niya pang mamasyal.

Sa ngayon ay nasa isang sea wall si Jade kung saan ay marami rin na tao ang naroroon. Katulad ng karamihan ay hinihintay ni Jade na lumubog ang araw.

"Hello, Ms. Jade!" masayang turan ng isang tinig. Tiningnan naman ni Jade ang taong nagsalita ngunit hindi na siya nagulat pa.

"Why do I feel like your following me?" tanong ni Jade ngunit kaagad din siyang natigilan sapagkat dapat ay tanong niya lamang ito sa kiyang isipan.

Dahan-dahan siyang humarap kay Denmar na kasalukayang nakangiti sa kaniya.

"Haha, akala ko hindi mo papansinin ang pagsunod ko sayo."

"So, I'm right?! You're following me?!" 

"Yes," nahihiya naman na saad ni Denmar.

"And why is that, Mr. Ruiz?" pormal na tanong ni Jade. Alam ni Jade sa kaniyang sarili na hindi lalapit sa kaniya ang lalaki kung wala itong binabalak na kung ano. Jade thinks that Mr. Denmar Ruiz wants to know something about the company she's working at.

"I like you Ms. Crystallyn Jade Wetzel."

"Wait, what?!" kaagad na tanong ni Jade sapagkat hindi niya inaasahan ang sinabi ng kaniyang kaharap.

Nanatiling tahimik si Jade samantalang nakatitig naman sa kaniya si Denmar.

"I guess, you don't remember me. I saw you at the birthday party of Mr. Montes. Nalaman ko rin doon na sekretarya ka pala ni Mr. Galveria. But even though you work at my companies rival, I was still attracted to you. Nakuha mo kaagad ang atensyon ko and I'm glad that I can talk to you right now... Maybe, this is a bit fast. But I want to date you Ms. Jade. Can you give me a chance?"

Hindi nakaimik si Jade at pinagmasdan lamang ang lalaki. Naalala niya na rin ang sinasabi nito. Denmar was the one whom Jade bumped into at the party.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status