Home / Romance / Fenced by the Billionaire / Chapter 107: Kinakahiya

Share

Chapter 107: Kinakahiya

Author: Sham Cozen
last update Last Updated: 2023-04-12 23:24:15

Binuksan ko ang cellphone para tingnan ang oras. Mag-aalas dose na ng hating gabi. Tinaob ko ang cellphone sa bedside table nang marinig ang kalaskas sa pinto. Dali-dali kong hinila ang kumot hanggang balikat. Ipinikit ko ang mga mata at nagpanggap na natutulog.

Ilang segundo pa ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Palakas nang palakas ang tunog ng yabag. Sinyales na papalapit siya sa direksyon ko hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

Ilang minuto na ang nagtagal subalit tahimik lang siya. Tanging ang malalim niyang paghinga ang naririnig ko. Pinanatili kong nakatikom ang bibig kahit na marami akong gustong itanong. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

“I’m sorry, Wife. I’ll fix everything,” bulong niya at pagkatapos ay naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. “I love you, Wife.” Tatlong beses pa niyang hinaplos ang buhok ko bago tumayo.

Bago pa siya makaalis ay umupo ako at pinaandar ang lampshade na nakapatong sa bedside table.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Palis Jocelyn
nxt chapter pls.
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
thanks author ...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Fenced by the Billionaire   Chapter 186: CEO

    “We found their medical records.” Lucero handed an envelope.Binaba ko ang tasa ng kape bago ito buksan. Naglalaman ito ng dalawang folder, kulay abo at puti. Una kong nilabas ang kulay puti. Bumungad sa ‘kin ang mga litrato ng sari’t-saring klase ng sugat at hiwa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at sandamakmak na X-Rays.“Multiple wounds and fractures,” saad ni Lucero. “Her first fracture was twenty-one years ago, the same year-”“I was adopted,” pagpatuloy ko sa sasabihin sana ni Lucero. Hindi ko maalis ang tingin sa X-Ray ng braso ni Drizelle. “She was just seven years old,” mahinang banggit ko.“His first fracture was seven years older. It was a miracle that they both survived the torture,” aniya.“Kaya pala parang wala lang sa kanila ang masaksak at mabugbog. They’ve seen worse.” Napayukom ako. “Have you found him?” “Hindi pa,” dismayadong sagot niya. “May sa daga kung magtago ang matanda.”Napabuntong hininga ako. Binaba ko sa mesa ang hawak bago buksan ang isa pang folder. Nag

  • Fenced by the Billionaire   Chapter 185: The Truth

    Trace Montes? Mag-ina? Naguguluhan ako. Ano ba ang pinagsasabi ni Drizelle? Iniling ko ang ulo para maalis ang pagkahilo.“Tumigil ka na, Trace!” Biglang sigaw ni Chase.“Tumigil? Diba ikaw ang may gustong gawin ko ‘to? Pinabalik mo ako dahil kailangan mo ako tapos ngayon pinapatigil mo ako?” dagdag ni Chase.Nagsalubong ang mga kilay ko. Pinagmasdan ko si Chase. Iisang tao lang ang nasa harapan namin, iisang katawan pero kung umasta siya ay parang may dalawang taong nag-uusap.“Wala akong pakiaalam kung tinawag kita, wala akong pakialam kung magiging katuwaan mo ako basta huwag na huwag mong sasaktan ang mag-ina ko!” sigaw ulit ni Chase.Ramdam ko ang galit at pangamba sa boses at mukha niya pero agad itong naglaho at pinalitan ng makapaninindig balahibong tawa. Ang kaninang maaliwalas na awra niya ay naging madilim na para bang binalot siya ng kasamaan. Iisang tao pero may dalawang pagkatao.“Multiple personality disorder.” Kumpirma ni Drizelle sa suspitya ko.“Rose and serpent…”Nap

  • Fenced by the Billionaire   Chapter 184: Cee and Dee

    Natigilan si Drizelle sa narinig.“Ate Cee?” mahinang bulong niya.Binaba niya ang kamay na may hawak na kutsilyo. Ngumiti siya at nilingon ang nagsalita. Tumayo siya para salubungin ang ate niya.“Ate Cee!” Masaya niyang inunat ang dalawang kamay sa direksyon nito.Nilampasan ni Ella si Drizelle at dumiretso sa ‘kin.“Ella, ano ang ginagawa mo rito?” nangangambang tanong ko.“Sinundan ko si Mom at Dad sa bahay ng mga Monteverde. Nagkakagulo na ro’n. Tapos may natanggap akong mensahe kung nasaan ka.” Tinulungan ako nitong tumayo.“Kailangan nating tumakas. Dala mo ba ang kotse mo?” mahinang tanong ko.“Hindi, nag-taxi lang ako kasi hindi ko kabisado ang daan. Ayaw ding pumasok ng taxi kaya naglakad pa ako ng ilang metro,” paliwanag nito.“Paano na ‘to?”“Huwag kang mag-aalala kakausapin ko siya.” Akmang lalapitan na nito si Drizelle na nakatayo at nakatalikod sa ‘min.Hinawakan ko ang braso nito at pinigilan. Umiling ako. Marahan nitong tinanggal ang pagkakahawak ko at ngumiti.“Dee,

  • Fenced by the Billionaire   Chapter 183: Three Major Steps

    Umiling ako. “H-Hindi ko piniling palitan ka, Drizelle. Bata lang ako noon. Wala akong kamuwang-muwang. It didn’t even cross my mind to replace anyone, especially not you.”“Shut up! Shut up!” Tinakpan niya magkabilang tenga. “Huwag kang bait-baitan! Hindi mo ako maloloko!” “Lahat ng sinabi ko sa ‘yo totoo. Lahat nang pinakita ko, pinaramdam ko.” Uminit ang mga mata ko. Bumalik sa isip ko ang mga pinagsamahan namin noong kolehiyo. Siya lagi ang kasama ko pag-break time, sa lunch at sa uwian kahit na magkaklase kami ni Ella. Ella was surrounded by girls our age while I felt like an outcast but everything changed when I met Drizelle. She made feel like I belong, like I’m not alone. She even defended me from Ella.“I-Ikaw lang ang tinuring kong kaibigan, Drizelle. Ikaw lang ang naging kakampi ko. Parang kapatid na nga kita-”“It’s because of my hardwork. I only befriended you to know you, to know your weaknesses. Dahil do’n I was able to make everyone envy you, hate you. Especially Ell

  • Fenced by the Billionaire   Chapter 182: May Katotohanan

    Nakahinga ako nang maluwag nang ginawi niya ang ulo sa direksyon ng silid na nakasara ang pinto.“I’m coming, Anastasia…” Pinihit niya ang doorknob.Napatakip ako ng bibig nang bigla niyang hampasin ang pinto nang mapagtantong naka-lock ito. Marahas at paulit-ulit niyang pinihit doorknob. Napaungol siya sa inis at sapilitang binuksan ang pinto gamit ang mga sipa.“Lalo akong nasasabik sa pgapapahirap mo, Anastasia,” aniya pagkatapos matagumpay na nabuksan ang pinto. “I’m coming, Anastasia...”Sumilip ulit ako at nakitang hinalughog niya ang kuwarto. Hindi niya pinalampas loon ng aparador at ilalim ng kama hanggang sa isang lugar na lang ang natura. Ang banyo.“Nandito na ako, Anastasia.”Napatayo ako nang tuwid nang bigla niyang pagsaksakin ang pinto ng banyo habang tumatawa na parang banyo.“Nanginginig kana ba sa takot? Ha? Anastasia?” Patuloy siya sa pagsaksak ng pinto.Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto habang naaaliw pa sa kahibingan niya si Chase. Sinenyasan ko si Drizelle na

  • Fenced by the Billionaire   Chapter 181: Abandoned Mansion

    Hininto ko ang sasakyan sa harap ng malaking gate na gawa sa metal at binalot ng baging. Hinayaan kong bukas ang ilaw ng kotse na nakatutok sa mansyon bago lumabas. Tinulak ko ito pabukas. Nangangalit ang mga ngipin ko dahil sa langitngit na tunog nito.Binalik ako sa sasakyan at nagmaneho patungo sa malaking abandonadong mansyon. Wala akong makita sa paligid maliban sa nagtataasang ligaw na mga halaman patunay sa matagal na panahon na napabayaan.I stopped the car at the towering mansion infront of me. It is twice bigger than the Monteverde’s. I went out with the duffle bag in my hand. I pushed the giant dusty door open and was welcomed by an empty huge living room. Napapikit ako nang biglang bumukas ang ilaw. Napamulat ako dahil sa walang tigil na ungos. Sa gitna ng silid ay si Drizelle na nakaupo at nakagapos sa silyang gawa sa sa makapal na tabla. Wala siyang panyapak at may busal ang bibig . Namumula ang pisnge at magulo ang buhok. Nagpupumiglas siya at may nais sabihin sa ‘kin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status