Share

Chapter 166: Kasal

Tahimik ang buong hapag-kainan kahit na kumpleto kaming nakapalibot sa parehabang mesa. Magkatabi si Mommy Ria at ang asawa nitong kanina pa pasulyap-sulyap sa ‘kin pero hindi naman makatingin kung nakatingin ako. Pinapagitnaan naman namin ni Xeonne si Xenon sa kabilang gilid ng mesa kaharap sina Mommy Ria. Sa magkaibang dulo ng mesa nakaupo si Lolo Luxio at Victoria.

“That’s Nana’s seat.” Tukoy ni Xeonne sa inuupuan ni Victoria nang hindi ito tinitingnan. “My Nana Leonor’s seat,” dagdag niya pa.

Lalong nadagdagan ang tensyon sa paligid. Hindi ko siya sinita. I don’t want to invalidate his feelings. Hindi naman umimik si Victoria at lumipat na lang sa bakanteng upuan sa tabi ni Mommy Ria. Muling tumahimik ang silid.

“Dada, pototo.” Paghingi ni Xenon ng patatas.

Nilagyan naman ni Xeonne ng isang piraso ng patatas mula sa adobo ang pinggan ni Xenon. Tanging si Xenon lang ang nakakapagsalita sa kabila ng matinding tensyon.

“Xeonne, Anastasia, kalian niyo planong magpakasal?” tanong ni Lo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status