“You know him?” Pinuno na naman ng duda ang mga mata ni Drizelle. Pinanlisikan niya ako.Halos sabunutan ko ang sarili dahil huli na para bawiin ang nabanggit. Kailangan kong makaisip ng palusot.“Syempre!” masayahing wika ko at abot-tengang nginitian si Zander na ngayon ay titig na titig sa ‘kin. “Siya ang modelong crush ng pinsan ko. Halos lahat yata ng babae sa bayan eh patay na patay sa kaniya.” Lumapit ako kay Zander at malapitan siyang tinitigan.Humilig ako paharap para matitigan pa ito nang husto. Halos iilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Hindi ito nangahas na lumayo imbes ay napalunok pa. Napangisi ako sa isipan. I still have the same effect at him just like three years ago.“What do you think you’re doing?” Mabilis na hinila ni Drizelle palayo si Zander.Tanginang babae ‘to. Nakakarindi. Nawala lang ako ng tatlong taon ay panay English na at may accent pa.“Tiningnan ko lang kung tama ba ang pinsan ko.” Napakamot ako sa batok.“Asal bundok talaga,” bulong ni
His warm alcoholic breathe awakened the tiny hairs behind my nape. He’s creeping me out.Lumiyad ako palayo. “Ang baho ng hininga mo,” sabi ko sabay paypay ng kamay sa harap ng ilong.Parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko.He clenched his jaws and pulled me even closer. “Whoever you are. You look exactly my late wife without that thick glasses and lousy clothes.” He smelled my hair and stroked it. “I will love you the way I loved her,” he whispered.“Paano naman ang kasalukuyang asawa mo? Pati na si Drizelle? Hindi mo ba sila mahal?” tanong ko.“I love them too and Anastasia but it doesn’t mean that I couldn’t love you,” he said.“Look at me,” sabi ko at sumunod naman siya. Hindi ko alam na kaya naman pala niyang maging masunurin.Inabot ko ang ang pisnge niya at malandi siyang tiningnan. Pagkatapos ay nilagay ko ang kamay sa batok niya habang ang kabila naman ay naglalaro sa dibdib niya.“Sabi na eh. Mukha lang ang inosente sa ‘yo. Sa loob pa r
Kusang kinuha ng kamay ko ang teleponong tumunog at dinala ito sa tenga ko.“Good morning, this is Mont de Corp’s CEO’s executive secretary. How may I help you?” bungad ko.“May I talk to Mr. Monteverde?” tugon ng nasa kabilang linya.“May I know who is speaking?” Inipit ko ang telopono sa pagitan ng tenga at balikat ko saka pinagpatuloy ang pag-iencode.“Wilhelm Enterprise,” maikli nitong sagot.“Do you mind if I hold you for a moment?”“Not at all,” sagot ng lalaki sa kabilang linya.Hinold ko ang tawag at binalik ito sa lagayan. Tiningnan ko si Xeonne na umiwas ng tingin at binaba ang mga mata sa dokumentong hawak. Nagkunwari pang nagbabasa eh nahuli na.“Xeonne, someone from Wilhelm Enterprise wants to talk to you,” sabi ko pero hindi niya ako pinansin. “Xeonne,” tawag ko.Tinapunan niya lang ako ng tingin at mabilis ding binalik ang mga mata sa binabasa.“Seriously?” inis kong sabi. Ang dami ko pang gagawin tapos sinasayang niya pa ang oras.Bumuntong-hininga siya at sinara ang f
Binaba ko ang tingin sa sahig. Ni tingin ay ayaw kong salubungin si Xeonne. Tuwing nakikita ko siya ay bumabalik sa isipan ko ang imahe nila ni Reneigh. Nitong mga nakaraan ay determinado akong iwasan si Xeonne pero hindi na pala kailangan dahil maski rito sa bahay o opisina ay lagi siyang wala. Ngayon ay bihis na bihis na naman siya at nagmamadali. Siguro ay magkikita sila. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.“Saan ka pupunta?” Hindi ko napigilang magtanong nang lampasan niya lang ako na para bang wala siyang nakita.“Out,” maikling tugon niya. Ni hindi man lang ako nilingon. His negligence is making me feel frivolous to the point that I feel like I am not worth even a glance.“It’s Sunday,” I blurted.Irritated, he spun around to face me. “And?” He gave me a cold stare.“Family day,” I softly said.“Marami pang mga Linggong dadating,” aniya’t naglakad palayo. Napatitig na lamang ako sa malapad niyang likod.Ako dapat ang nagbibigay ng malamig na pakikitungo. Ako dapat ang hindi nama
“Akala ko may lakad ka?” basag ko sa katahimikan.“It’s Sunday.” Sandali niya akong sinulyapan at agad ding binalik sa daan ang tingin.“And?” tinaasan ko siya ng kilay.“It’s family day,” sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa harap.“Marami pang mga Linggong dadating,” panggagaya ko sa tono niya.Tumawa siya nang mahina. “Did I upset you?”I looked away and muttered, “who wouldn’t? You and my best friend kissed.”“May sinasabi ka?” Sandali niya akong tiningnan.“Wala,” tugon ko sabay iling at pasimpleng nag-make face. Hinilig ko ang ulo sa gilid saka ngumiwi.Nilingon ko si Xenon sa backseat at wiling-wili ito sa paglalaro ng minions stuff toys. Sinuri ko muli ang car seat. Komportable naman ang anak ko. Binalik ko lang sa harap ang tingin nang makontento ako sa seguridad ng munti kong anghel.“Wife,” tawag ng katabi ko at nagpalingin naman ako sa gawi niya.Hindi ko alam kung bakit kusa akong napapalingon at nakangiti pa. Ewan ko ba. Hindi ko mapigilan ang labi na umunat ng is
“Bad!” sigaw ng batang babae kay Xenon.Tumakbo ako sa gawi ng anak ko. Ramdam ko ang pagsunod sa ‘kin ni Xeonne. Umiiyak bamang tumakbo sa mama nito ang batang babae.“Honey, are you alright?” Dali-dali kong pinatayo si Xenon at pinagpagan ang shorts na binalot ng buhangin.Hindi siya sumagot. Inusisa ko kung nasaktan ba siya. Wala naman akong nakitang gasgas ngunit nakatulala ang anak ko. Sinundan ko ang tingin ni Xenon at natagpuan ko ang batang babaeng hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.“Danda,” bulong ng anak ko.Nagkanda plato sa laki ang mga mata ko sa narinig. Mabilis ko siyang binuhat. “Naku ang bata mo pa pero may nalalaman ko na.”“That’s my boy.” Marahang kinurot ni Xeonne ang pisnge ng anak.Sinamaan ko siya ng tingin. Kunsintihin ba naman. Lalapit sana kami sa gawi ng batang babae pero nagtago ito sa bisig ng ina nang makita si Xenon.“Maglaro muna kayo ro’n.” Binigay ko si Xenon sa kaniya bago lapitan ang batang babae at mama niya.“Pasensya na kung ano man ang ginawa n
##### Chapter 62 SIMaaga akong umalis ng mansyon dala ang sasakyan ko. Nagmaneho lang ako hanggang sa mapadpad sa isang restaurant. Tiningnan ko ang relo at mag-aalas syete pa lang pero halos mapuno na ito. Hindi ako bumaba ng kotse at pinanuod lang ito mula sa malayo.“Tasya’s Corner,” basa ko sa pangalan ng restaurant na nakakabit sa entrada ng establismento.Lumabas ang isang malaking lalaki na nakamaong na pantalon at puting T-shirt. Kahit malayo ako ay kilalangkilala ko kung sino ako. Siya lang naman ang nagsilbing tatay ko.“Tatay Kanor!” tawag ng isang binata sa kaniya.“Papasok na ang koloheyo namin?” nakangiting tanong ni Mang Kanor.“Opo!” Tumatakbo siyang lumapit at saka nagmano.Lalong tumangkad ang future engineer ni Mang Puldo. Napangiti ako habang pinanuod silang masayang nag-uusap. Hindi ko na marinig ang usapan nila dahil humina ang kanilang boses. Batid kong nabanggit nila ang pangalan ko sa pagbasa ng kanilang mga labi.“Matapos lang lahat nang ‘to makakasama’t mak
"Sino ka?" bungad ng kaharap ko.Parang may tumambol sa dibdib ko. Napamura ako sa likod ng isipan. Hindi pwedeng mabuking ako. Yumuko ako para bahagyang itago ang mukha. Naestatwa ako sa kinatatayuan.Umiikot ang paningin ko. Bago tuluyang bumagsak ang talukip ng mga mata ko ay naaninag ko ang isang pares ng sapatos na binalot ng brilyante ang naglalakad palayo. Stuart Weitzman Diamond Dream stilettos.“Sabi ko sino ka at ano’ng ginagawa mo rito?!” Hinila ako ng boses pabalik sa kasalukuyan. Inangat ko ang mga mata. Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko inaasahan ang mukhang nakita.Drizelle?"Hoy, miss. Binngi ka ba-"Binangga ko siya para makalabas ng silid. Nawalan siya ng balanse at natumba. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makatakas. Binilisan ko ang paghakbang. Tinawag niya ako pero ipinagwalang bahala ko iyon. Hinabol pa niya ako ng malulutong na mura pero wala akong panahong patolan siya.Sa elevator na ako dumiretso. Hindi ko pa pala kayang harapin si Dad at maliban do