Share

Chapter 56: Kuwarto

“You know him?” Pinuno na naman ng duda ang mga mata ni Drizelle. Pinanlisikan niya ako.

Halos sabunutan ko ang sarili dahil huli na para bawiin ang nabanggit. Kailangan kong makaisip ng palusot.

“Syempre!” masayahing wika ko at abot-tengang nginitian si Zander na ngayon ay titig na titig sa ‘kin. “Siya ang modelong crush ng pinsan ko. Halos lahat yata ng babae sa bayan eh patay na patay sa kaniya.” Lumapit ako kay Zander at malapitan siyang tinitigan.

Humilig ako paharap para matitigan pa ito nang husto. Halos iilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Hindi ito nangahas na lumayo imbes ay napalunok pa. Napangisi ako sa isipan. I still have the same effect at him just like three years ago.

“What do you think you’re doing?” Mabilis na hinila ni Drizelle palayo si Zander.

Tanginang babae ‘to. Nakakarindi. Nawala lang ako ng tatlong taon ay panay English na at may accent pa.

“Tiningnan ko lang kung tama ba ang pinsan ko.” Napakamot ako sa batok.

“Asal bundok talaga,” bulong ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status