Share

Chapter 54: Danse du Feu Rosa

Napabalikwas ako sa nakita at napatitig sa kawalan. Sigurado akong hindi panaghinip iyon dahil nakapikit man ang mga mata ay gising na gising naman ang aking diwa. Siguro ay imahinasyon ko lang. Napailing ako. Kusa lamang iyong lumabas sa isipan ko; hindi ko pinilit buuin na para bang nakita ko na ang pangyayaring iyon.

Umiling ako. “Hindi, nangyari na iyon,” sabi ko sa sarili.

Tinukod ko ang siko sa mesa at pinatong ang pisnge sa palad. Nagbangayan ang mga kilay akong napatitig sa kawalan. Pinipilit kong ibalik sa isipan ang mukha ng bata pero hindi ko ito maaninag. Ninanakaw ng berdeng mga mata nito ang atensyon ko.

“Hindi kaya?” Napasinghap ako. “Ang batang iyon ay kababata ko at ang lalaki sa cruise na ama ni Xenon ay iisa?” Bumagsak ang balikat ko sa ideya. “Paano si Xeonne?”

Imposible namang iisa si Xeonne at ang lalaking ‘yon dahil iba ang kulay ng mga mata nila. Ang layo ng tsokolate sa dahon. Maliban na lang kung natuyot ang dahon o ‘di kaya ay may lahing aswang si Xeonne ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status