Share

Kabanata 2

Author: Hima Thi Plidpliew
Hindi pa rin nawawala ang kagustuhan ni Natalie na mapasakanya si Stefan. Higit pa roon, nagpadala pa siya ng mga litrato nila na naka-swimsuit sa girlfriend ni Stefan, at pinalabas na may relasyon sila. Gayong ang totoo, magkasama lang silang lumangoy bilang magkuya.

“Bakit mo ipapadala ang mga litratong iyon, Natalie? Gusto mo bang magkamali ng akala si Selena? Anong klaseng puso meron ka?”

“Dahil mahal kita Stefan.”

“Pero hindi kita Mahal, Natalie.”

“Pero mas matagal na kitang minamahal. Si Selena, huli lang siyang dumating.”

“Ang tawag mo bang pagmamahal ay ganiyan? Ang tunay na pagmamahal hindi ganyan. Para kang batang siraulo. Simula ngayon, huwag ka nang pupunta sa bahay ko, huwag ka nang mang-iistorbo sa amin ni Selena.”

“Hindi, pupunta pa rin ako!”

“Natalie!”

“Pupunta ako kahit anong mangyari! Si Tita Sally nga hindi ako pinipigilan.”

“Pasaway kang bata! Sige, tingnan natin kung may lakas ka pang bumalik pagkatapos nito.”

Biglang tumitig si Stefan sa kanya nang may kakaibang tingin. Pagkatapos, itinulak niya si Natalie sa pader ng kanyang silid. Doon pa lang naramdaman ng dalaga na iba na ito. Hindi siya sanay na maging magaspang si Stefan. Karaniwan, sinasaway lang siya o pinapagalitan, pero hindi kailanman ganito.

“Alam mo ba, Natalie, ang bawat lalaki kayang makipagrelasyon sa babaeng hindi niya mahal. Kung iyan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita. Maganda nga siguro para matapos na rin ang lahat.” Hinawakan niya ang magkabilang kamay ng dalaga at itinaas sa ulunan nito.

“Stefan!” halos mapasigaw si Natalie nang maramdaman ang paghila ni Stefan sa kanyang damit hanggang sa lumuwag iyon.

“Matutulog ka sa tabi ko ngayong gabi, at pagkatapos ay pakakasalan ko si Selena. Makukuha mo ang gusto mo, at matatapos na rin ito. Palagi ka namang nagyayabang na kaya mong akitin ako. Ngayon, pagbibigyan kita.”

“Stefan, huwag!”

Ngunit hinalikan siya ng binata—isang halik na hindi niya malilimutan habang buhay. Hindi iyon halik ng pagmamahal kundi ng galit, punong-puno ng poot at panghahamak. Ang bawat dampi ay magaspang, ang bawat pagdikit ng kanilang labi ay nakakapaso.

“Pagkatapos mong maging akin, lumayas ka na sa buhay ko, Natalie!”

Nanlamig ang katawan ni Natalie. Nang maramdaman niyang susunod na ang higit pa sa halik at haplos, nag-ipon siya ng lakas at itinulak si Stefan nang buong pwersa. Tumakbo siya palabas ng silid, dumaan sa bakod at umuwi, takot na takot at halos hindi magawang magpakita sa ina.

Ang gabing iyon ang nagturo sa kanya ng isang mapait na aral: kinamumuhian siya ni Stefan at wala siyang lugar sa buhay nito. Hindi na siya naglakas-loob na muling lumapit sa bahay ng binata. Saktong oras din na pinilit ng kanyang ama na sumama siya rito, kaya napagpasyahan niyang umalis at iwan ang lahat ng kahihiyan.

Lumipas ang pitong taon. Nagbago ang lahat—lumaki, nag-mature, at natuto siyang maging seryoso sa buhay. Kapag inaalala niya ang nakaraan, nakikita niya lang ang isang batang pabaya na walang direksyon. Ngunit kahit nagbago na ang pananaw niya, ang puso niya ay nananatili pa rin. Hindi niya alam kung ilang babae na ang dumaan sa buhay ni Stefan, pero para sa kanya, siya pa rin ang tanging lalaking nakaukit sa kanyang puso, isang damdaming hindi niya matanggal kahit pilitin.

Matapos maligo at mag-ayos, binuksan niya ang bintana at sinilip ang malaking bahay sa tabi nila. Nagtataka siya kung saang kuwarto natutulog si Stefan, kung kumusta na ba ito matapos ang pitong taon. Marami siyang gustong malaman, pero pinipigilan niya ang sarili. Ayaw na niyang muling magpasubo sa kahihiyan. Kaya tinalikuran niya ang bintana, nahiga sa kama, at ipinikit ang mga mata. Hindi nagtagal, pumanhik ang kanyang ina para siya’y tawagin.

“Lahat ng ulam paborito mo, anak,” sabi ni Criselda habang inilalapag ang mga putahe sa mesa.

“Salamat, Ma. Ang dami naman nito. Kakainin ba natin lahat?” Napatingin si Natalie sa apat na putahe, at napaisip kung matatapos nilang dalawa lang.

“Basta para sa pagbabalik ng anak ko, sulit ang lahat. Kung may matira, itatabi natin para bukas. Kumain ka nang marami, ang payat-payat mo na.”

“Hala, hindi naman, Ma. Tama lang ang katawan ko.” Natatawa niyang sagot habang tumingin sa kanyang sariling pigura at kumontra sa sinabi ng ina.

“Maganda na ang katawan mo pero kailangan mo pa ring kumain. Ah, bukas pala pupunta ako sa bahay ni Tita Sally para maglinis. Maiiwan ka muna rito mag-isa, anak.”

“Maglilinis ka sa bahay ni Tita Sally?” Naguluhan si Natalie dahil ngayon lang niya narinig iyon.

“Oo. Sa tuwing wala ang mga kasambahay niya o umuuwi sila nang matagal, si Tita Sally ang kumukuha sa akin para maglinis. Ngayon, umuwi rin si Tita Layla mo at ang pamangkin niya sa probinsya para sa anibersaryo ng mga ninuno nila. Isang linggo daw silang mananatili roon kaya ako muna ang pinapunta.”

“Eh… pumayag ka, Ma?”

“Anak, kahit maliit na trabaho, trabaho pa rin iyon. At malaki ang bayad ni Sally. Kung sino man ang magpakuha ng serbisyo ko, tinatanggap ko kaysa wala akong ginagawa.”

“Eh paano naman ang mga kakanin ni Mama?”

“Niluluto ko pa rin gaya ng dati. Kapag may umorder, pupunta ako sandali para ibigay, pagkatapos balik ulit sa paglilinis.”

“Ganito na lang, Ma. Bukas sasama na lang ako sa’yo para maglinis sa bahay nila Tita Sally. Para matapos agad.”

“Sigurado ka, anak? Kaya mo ba?”

“Kung si Mama nga nagagawa, bakit ako hindi? Linis-bahay lang naman iyon.”

“Sige na nga. Pero ang totoo, gusto ko sanang makapagpahinga ka. Ayoko na ring makita kang nagpapagod.”

“Okay lang, Ma. Mababawi lang ‘yan ng tulog, okay na ako. Tsaka sa umaga lang naman ang trabaho, di ba? May oras pa akong makatulog ulit pagkatapos.” Ngumiti si Natalie, ayaw niyang hayaan ang ina na magbanat ng buto mag-isa.

“Sigurado ka ba talaga, Natalie?” Tinaasan siya ng kilay ng ina, wari ba’y may iniisip. Alam nitong kapag nagpunta sila roon, malaki ang posibilidad na magtagpo sila ng isang tao.

“Sigurado ako, Ma.” Tumango siya.

“Bukas ng Martes, siguro nasa trabaho na si Stefan nang maaga.” Alam ng ina ang kinikimkim ng anak.

“Mas mabuti nga kung hindi ko siya makita,” sagot ni Natalie, pilit na ngumiti. Sa tuwing natatanaw pa lang niya ang bubong ng bahay nito, nanginginig na ang dibdib niya.

Paano pa kaya kung kaharap na niya mismo si Stefan?

“Ayaw mo ba talagang malaman ang tungkol sa kanya?” tanong ng ina.

“Wala rin namang silbi. Ang dami kong nagawang mali kay Stefan. Ayoko nang makadagdag pa sa bigat ng loob niya.”

“Mabuti kung gano’n. Pero para sa akin, mas okay na may kaunting alam ka pa rin tungkol sa kanya.”

“Ma naman…” Napatingin siya sa ina nang may konting tampo.

“Alam mo ba, anak, hanggang ngayon hindi pa rin siya nag-aasawa.”

Natigilan si Natalie. Tumigil sa hangin ang kutsarang dapat sana’y susubo siya ng kanin. Ang naalala niya agad ay ang mga salitang binitawan noon ni Stefan: “Pakakasalan ko si Selena.”

“Pero sabi ni Stefan noon, pakakasalan niya si Selena.”

“Halos umabot na nga roon, pero biglang nawala si Selena. Nang tanungin ni Tita Sally, nalaman niyang may nakilala palang iba kaya iniwan si Stefan. Mula noon, may naging girlfriends siya pero wala ni isa na umabot sa kasal. Ngayon, trenta’y kwatro na siya pero nananatiling binata.”

Habang nagkukwento si Criselda, tinitingnan niya ang mukha ng anak. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mata nito, ngunit hindi na iyon tulad ng dati na puno ng kilig at pananabik. Noon, kumikislap ang mga mata ni Natalie tuwing maririnig ang pangalan ni Stefan.

“Gano’n ba, Ma? Pero wala rin naman akong kinalaman doon. Mas mabuti nang kanya-kanya kami. Nakakahiya nga isipin ang mga pinaggagawa ko dati. Hindi na ako magtataka kung bakit naiinis at nasasaktan siya noon.”

“Lumaki ka na talaga, anak. Hindi ako nagkamali nang ipilit kong sumama ka sa Papa mo.”

“Kung kasama si Papa, hindi puwedeng puro laro at kalokohan lang ang buhay, Ma. Araw-araw kailangan may ginagawa para makatulong. Seryoso si Papa sa buhay ng mga tao sa hacienda at sa pamilya, at tinuruan din niya akong maging seryoso sa sarili kong buhay. Inabot din ako ng halos dalawang taon bago ako nakapag-adjust.”

“Pero sulit naman ‘di ba, anak?” tanong ni Criselda, nakikitang may mabuting naidulot din ang pagpapadala ng anak sa dati niyang asawa. Kung sa kanya lang lumaki si Natalie, baka nanatili itong spoiled at makasarili gaya ng dati.

“Oo, sulit na sulit, Ma. Mas naging matatag ako. Hindi na ako pala-iyak at hindi na rin ako makulit kagaya noon. Kaya huwag ka nang mag-alala, hindi mo na kailangang magsaing o maglaba para sa akin. Kaya ko na lahat ‘yon, Ma.”

“Kung gano’n, mas kampante na ako,” tugon ni Criselda. Alam niya sa sarili na mali ang naging paraan niya ng pagpapalaki sa anak. Sobra niyang pinagbigyan hanggang muntik na itong masira. Buti na lang at may dumating na pagbabago na nagpabukas ng isip ni Natalie.

Matapos ang hapunan, magkasama silang nagligpit at naglaba ng mga pinggan bago umupo sa sala at nanood ng TV. Habang nanonood, nakapagkwentuhan sila gaya ng mag-ina na matagal ding nagkalayo. Pagsapit ng alas-nuwebe, naghiwa-hiwalay na sila para matulog.

Biglang kumislap ang ilaw sa kwartong ilang taon nang nakalubog sa dilim. Sa ikalawang palapag ng katabing bahay, bahagyang inagat ni Stefan ang kurtina para silipin. Kilalang-kilala niya kung kaninong kwarto ang muling naliwanagan.

“Natalie…”

Tinanggal niya ang kurbata at basta na lang inihagis sa basket ng maruruming damit. Sunod niyang tinanggal ang butones ng suot niyang polo habang papasok sa sariling silid. Hindi pa niya binubuksan ang ilaw sa loob, dahil agad nangagaw ng pansin ang liwanag mula sa kabilang bahay.

Bumalik na kaya ang batang iyon? O baka si Criselda lang ang nagbukas ng ilaw sa dating kwarto ng anak. Medyo nakapagtataka dahil mula nang lumipat si Natalie sa probinsya pitong taon na ang nakakalipas, hindi na muling bumukas ang ilaw doon.

Muling isinara ni Stefan ang kurtinang bahagya niyang inangat at saka binuksan ang ilaw sa sariling kwarto. Pilit niyang ibinabalik ang isip sa mga trabahong kailangan niyang asikasuhin kinabukasan kaysa maalala pa ang dating pasaway na bata.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fierce Love of the Arrogant Man   Kabanata 135

    “Hindi mo ba ako nakikilala, Jessica?” tanong ni Thomas.“Kasi, Thomas, hindi ka naman nagsasalita sa akin ng ganito noon,” sagot niya, medyo naguguluhan.“Ah, e ano ba ang paraan ng pagsasalita ko sa’yo? Bastos ba ako?” medyo nag-init ang ulo ni Thomas sa akusasyon.“Hindi, Thomas. Ang gusto kong s

  • Fierce Love of the Arrogant Man   Kabanata 134

    “Jessica, kailangan ko ng umalis.”“Ano’ng nangyari, Clara? Hindi pa nga isang oras, e.”“May biglaang lakad talaga. Pasensya na ha, mag-isa ka nalang munang manood ng sine.”“Hindi ka na ba bibili ng damit?” tanong ni Jessica, napansin niyang walang dala si Clara.“Hindi na, wala talaga akong nagus

  • Fierce Love of the Arrogant Man   Kabanata 133

    “Mas mabuti sigurong maghintay ako sa labas, Mom. Si Kylie, sasama ba sa’yo sa banyo?” tanong ni Thomas.“Oo, Thomas. Sigem papasok muna ako,” sagot ng babaeng si Kylie habang iniakay ang matandang babae papasok ng banyo.“Maghintay ka lang ng kaunti, anak,” sabi ni nanay niya.“Okay lang po, Mom, k

  • Fierce Love of the Arrogant Man   Kabanata 132

    Si Jessica ay nag-ayos ng lakad kasama si Clara sa mall, dahil napansin niyang tila may bumabagabag sa kaibigang babae nitong mga nakaraang araw. Kahit ilang beses siyang tanungin, hindi pa rin nakukuha ang totoong sagot.“Hindi dumalaw si Troy ngayon, kaya nakapag-aya ka pa na lumabas at mamasyal s

  • Fierce Love of the Arrogant Man   Kabanata 131

    “Sa lounge ng departmento ninyo, magkasama kayong dalawa, parang matagal na kayong magkakilala,” dagdag niya.Naintindihan na ni Jessica sa wakas. Sigurado siyang nakita niya si Edmund sa CCTV ng departmento.“Talaga bang kailangan pang tinitingnan ako ng ganun?” tanong niya, halatang nagagalit.“Wa

  • Fierce Love of the Arrogant Man   Kabanata 130

    Pinatunog ni Thomas ang busina nang malakas habang hinila ni Edmund si Jessica papasok sa kanyang yakap sa harap ng pinto ng condo.“Edmund, anong ginagawa mo?” Nagulat si Jessica sa biglaang yakap at sa malakas na busina sa likod.“Lumabas ka na, Jessica. At huwag mong sasabihin kay Thomas ang tung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status