Share

Chapter 2

Aвтор: Angel_266
last update Последнее обновление: 2022-10-06 18:48:31

Prinsipe Artemis pov

Hindi parin ako makapaniwala na darating sa puntong magiging ganito ang kinalalagyan kong sitwasyon. Ayaw kung malayo sa aking ina ngunit anong magagawa ko? Mapapahamak lamang sya kung palihim ko syang itatakas lalo na ngayong mahigpit na akong pinamamanmanan ni Dotar. Hindi talaga ito titigil hanggat hindi ako tuluyang mawala sa landas nya.

Ng dumating ako sa palasyo ng aking ina ay nakita ko itong naluluha habang nakaabang sa akin. Sigurado akong nalaman na ni ina ang kautosan at parusa ng aking ama sa akin.

"Ina," Bati ko rito at bahagya akong yumuko at pagkatapos hinalikan ko ang likod ng kanyang kamay.

" Anak ko," mahinang sambit nya habang hinahaplos ang aking mukha.

Naglakad kami patungo sa upuan at duon nag-usap. Umiiyak parin sya habang nakatingin sa akin.

" Anak ko, patawarin mo ako kung wala man lang akong magawa para matulungan ka. Napakawalang kwenta kung ina," malungkot nitong pahayag.

Nginitian ko sya at marahang pinahid ang kanyang mga luha.

"Ina, wala kang kasalanan, walang may kasalanan. Mabuti narin ito ng sa gayon ay makapaglakbay ako sa labas. Batid nyo namang matagal ko naring pangarap iyon hindi ba ina? wag kang mag-alala, walang masamang mangyayari sa akin," nakangiti kung sabi dito.

Pinipilit kong maging masigla sa harapan nya dahil ayaw ko nang dagdagan pa ang kanyang paghihirap. Sapat na ang paghihirap na mawawalay ako sa kanya.

Tumango naman si ina at hinubad ang kwentas na suot nito at isinuot sa akin. Isa itong berdeng dyamante na kumikinang sa tuwing nasisinagan ng araw.

"Anak, ingatan mo ang kwentas na ito, poprotektahan ka nito. Ito rin ang susi papunta sa nawawalang kaharian, wag mong sabihin kahit kanino anak. Gusto kong pumunta ka doon at humingi ng tulong kapag handa kana. Bago iyon hanapin mo muna ang aklat ng Dawane, makikita ito sa kailaliman ng bundok ng kamatayan at pagsubok, ang Kanluan, lugar ng mga halimaw. Ito ang gagabay sayo papunta sa nawawalang kaharian. Ngunit tandaan mo, lahat ng bagay ay hindi mo makukuha ng madalian, marami kang pagsubok na kakaharapin, mga pagsubok na naghihintay sa daang iyong pipiliin, ibigay mo ang pulseras na ito sa babaeng nais mong protektahan sa hinaharap. Mahal na mahal kita anak, hihintayin kita," mahaba nyang paliwanag at paalala.

"Pangako darating ako ina," hindi ko napigilan ang tumulo ang aking mga luha.

Mahal na mahal ko ang aking ina higit pa sa buhay ko, kung wala sya ay matagal na sana akong napariwara. Sya ang nagturo sa akin ng mga bagay na dapat kong matutunan. Ngayon lamang ako mawawalay sa kanya ng walang kasiguraduhan kung magkikita pa ba kaming muli. Masakit at mahirap, ngayon pa lamang ay nangungulila na ako ngunit, ito ang ibinigay na tadhana sa akin, sa amin at wala akong magagawa kundi ang sumunod sa agos ng buhay.

Maya-maya lang ay may mga kawal ang dumating upang maghatid sa akin palabas ng palasyo. Nakita ko si heneral Cambridge na kasama ang dalawang kawal.

"Pagbati sa mahal na Aurora at Prinsipe Artemis," magalang na bati nito.

"Pagbati din Heneral, ano ang iyong sadya rito?" nagtataka kong tanong.

"Prinsipe Artemis, hiniling ko sa mahal na hari na ako mismo ang maghahatid sa iyo sa labasan at pumayag sya. Ikinalulungkot kong wala akong nagawa kanina, ako man ay labis na nagulat sa mga paratang laban sayo. Wag kang mag-alala, mag-iimbestiga ako ng palihim," wika nito.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa kabayong inihanda ni Heneral Cambridge.

"Ayos lamang heneral, labis-labis na ang iyong nagawa at nagpapasalamat ako ng husto sa iyo. Nais ko sanang humiling heneral Cambridge kung hindi mo mamasamain," mahinahon kong sambit.

"Ano iyon mahal na Prinsipe?" magalang nitong tanong. Ang dalawang kawal ay nakasunod lamang sa amin.

"Nais ko sanang humiling na bantayan mo sana ang aking ina habang ako'y wala sa palasyo heneral, panatilihin mo sana ang kanyang kaligtasan," hiling ko dito.

"Walang problema mahal na Prinsipe. Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat upang maging ligtas ang mahal na Aurora," magalang nitong wika.

Kahit papaano ay natahimik ang aking kaluluwa at naging payapa ang aking isipan.

"Maraming salamat heneral, aasahan ko iyan," ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating kami kung saan nakapwesto ang kabayo ay masaya akong ang paborito kong kabayo ang dinala at pinili ni heneral.

Dala ko ngayon ang kaunting damit at mga pagkaing gawa ni ina, sumakay na ako sa kabayo. Ngunit bago ako tuluyang umalis ay lumapit si heneral kunwaring may inaayos sa damit ko ngunit ang totoo ay may inilagay syang nakalukot na papel.

Tumango lamang ako sa kanya at pinatakbo na ang kabayo..

"Yaah, haaaa," mabilis ang naging takbo nito. Nasa kagubatang bahagi na ako.

Maya-maya lang ay may naramdaman akong kakaiba sa katahimikan ng kagubatan. Agad kong pinahinto ang kabayo at tumingin sa paligid.

Pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa bawat kilos ko. Hinawakan ko ang aking espada at dahan-dahang binunot mula sa lalagyan.

Hindi nga ako nagkamali, maya-maya lang ay napakaraming palaso ang papunta sa gawi ko. Agad akong tumalon sa kabayo at pinatakbo ito upang hindi tamaan. Sinangga ko ng espada ang mga papalapit na palaso ngunit ang iba ay hindi parin maiwasang dumaplis sa ibat-ibang bahagi ng katawan ko.

Marami na akong sugat sa katawan ko, at tingin ko ay may lason ang mga palasong ginamit nila. Nanghihina na ako at nanginginig. Nahihirapan narin akong gumalaw ngunit hindi parin sila tumitigil sa pagtira.

Hindi ko na kaya, sa tuwing gagalaw ako ay mas lalo lang kumakalat ang lason sa katawan ko. Napahiga na lamang ako sa labis na sakit.

Nagsimula narin silang maglabasan mula sa kanilang mga pinagtataguan. Ang grupong ito, sigurado akong sila ang Black Omega. Magagaling sa paggamit ng pana na may lason. Pumapatay para sa salapi at walang pinipiling tao. Nasa ilalim sila ng pamamalakad ng isang mataas na opisyal at ang grupong ito ang kasalukuyang iniimbestigahan ko.

Wala na, wala na talaga akong pag-asa pang mabuhay. Ito na yata talaga ang katapusan ko. Paano na ang aking ina na naghihintay sa akin. Paano na ang mga mamayang umaasa sa pagbabalik ko. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata ngunit bago pa ako mawalan ng malay-tao ay may narinig akong malakas na tunog ng kabayo at nagkakalansingang sandata. Pinilit kong imulat ang mga mata ko at nakita ko ang babaeng nakapula na nakikipaglaban sa mga taong papalapit sa amin. Hindi ko na kinaya at nilamon na ako ng dilim.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fight For The Throne   Chapter 24

    Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay

  • Fight For The Throne   Chapter 23

    Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo

  • Fight For The Throne   Chapter 22

    Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan

  • Fight For The Throne   Chapter 21

    Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay

  • Fight For The Throne   Chapter 20

    Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi

  • Fight For The Throne   Chapter 19

    Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status