Share

Fight For The Throne
Fight For The Throne
Author: Angel_266

Chapter 1

Author: Angel_266
last update Last Updated: 2022-10-06 18:32:16

"Ano? Paano nyo nasasabing hindi ako karapat-dapat na umupo sa trono, gayong hindi nyo naman ako pinapakinggan o binibigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili ko, ama?" pagalit kung sambit.

Ako si Prinsipe Artemis, pangalawang Prinsipe sa kaharian ng Dohiko. Ang kapatid kong si Prinsipe Dotar, ay sadyang mapanglinlang, sya ang panganay sa aming dalawa at pinapaboran ni Ama. Anak sya ng Reyna Melia, samantalang ako ay anak lamang ng Concubine.

Dahil na rin sa katayuan at posisyon ng aking ina, ay naging mababa ang tingin ng lahat sa akin. Ngunit hindi naman ito naging hadlang para hindi ako maghangad na maupo sa trono. Ang dahilan ko? iyon ay dahil hindi ko talaga nais na ang kapatid ko ang umopo sa trono. Hindi ko nais na mahulog sa masamang kamay, ang aking minamahal na mga mamamayan.

Bata pa lang kami ay nakitaan ko na ng kakaibang pag-uugali si Dator. Sakim ito at laging naghahangad ng labis-labis. Walang habas kung manakit ng kapwa bata at mayroon din itong itim na kapangyarihan na namana nya, mula sa kanyang ina.Minsan na itong nakapatay ngunit, basta nalang nya itong pinatapon sa mga kawal. Saksi ako sa lahat ng iyon, sapagkat madalas kung sundan si Dator.

Ako ang tumutulong ng palihim sa mga kabataang nabubogbog nya.

Palagi din nya akong sinisiraan sa harap ng aking ama at pinagbibintangan, ng kung ano-ano. Hindi ko na lamang ito pinatulan pa.

Si ama naman, bata pa lang ako alam kong malayo na ang loob nito sa aming dalawa ni ina. Madalas ko ring makitang umiiyak si ina ng palihim dahil kay ama. Tanging nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa Reyna at kay Dator.

"At bakit hindi? sya ang anak ng reyna, sya din ang panganay kong anak, isang huwarang anak. Hindi kagaya mo, na wala ng ibang ginawa kung hindi pasakitin ang ulo ko," pagalit ding sagot ng hari.

"Bakit ama, ano nanaman bang ginawa ko at sumasakit na naman ang ulo mo?" nagtataka kong tanong.

Sa mga ganitong usapan, batid kong may hindi nanaman magandang sinabi tungkol sa akin ang gago kong kapatid.

"Huh! sa pag-aakala mong mapagtatakpan mo ang mga kalokohang pinaggagagawa mo sa labas para lang mapansin kita, pwes hindi. Isa ka talagang walang kwentang nilalang, ipatawag dito ang mga magulang ng taong pinaslang ng prinsipe," galit nitong utos.

Wala na! ano nanaman ba ito? wala akong naaalalang may pinaslang ako.

"Mahal na hari, narito na po sila," magalang na yumoko ang tagapagsilbi at pumunta sa gilid.

Mabilis namang lumuhod ang dalawang taong hindi pamilyar sa akin. Habang ang babae ay labis na umiiyak.

"Mahal na hari pakiusap bigyan nyo ng katarungan ang pagkamatay ng aking anak na babae, ginahasa ito at pinaslang ng Prinipe Artemis, kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko huhuhu," naghihinagpis na wika ng babae.

"Ano? anong kalukuhan ang inyong ibinibentang sa akin? Kailan man ay wala akong pinaslang at mas lalong hindi ko magagawa ang imoral na bagay na iyong sinasabi. Dyos ko, saan nyo naman napulot ang kasinungalingang iyan," usig ko.

Nakita ko ang pagngisi ni Dotar sa gawi ko. Ngisi ng tagumpay.

"Lapastangan! kayo ba ay nagsasabi ng katotohanan sa harap ng kagalang-galang na hari? tandaan ninyong ang pangbibintang sa isang maharlika lalo na sa isang prinsipe ay kalapastanganan. Maaari kayong mamatay dahil dito," Galit na tanong naman ng tagapagsalita ng hari.

"Totoo ang sinasabi ko mahal na hari, at kung ang kamatayan ang magiging kapalit sa paghingi ng hustisya para sa anak ko, ay nakahanda ako," nakayukong wika nito.

"Ama! hindi kaya totoo ang kanilang mga winika? Hindi kaya si Artemis talaga ang gumawa nun? Batid nyo namang walang kahit na sinong sibilyan ang mangangahas na umakyat sa palasyo para lang sa walang kwentang bagay ama, hindi ba?" sulsol naman ni Prinsipe Dotar.

"Ama, Batid nyong hindi ko magagawa ang bagay na iyan, pakiusap, hayaan nyo akong imbestigahan ang bagay na ito upang malaman ang katotohanan at mabigyan ng katarungan ang kanilang anak," mahinahong wika ko.

"Hindi, dapat syang mamatay, isa syang nakakadiring prinsipe, pakiusap mahal na hari, bigyan nyo ng katarungan ang pagkamatay ng anak ko," singit naman ng babae.

Nakahawak na ngayon ang hari sa kanyang sentido. Batid kong mahirap ang magdesisyon lalo pa at nasa kasagsagan pa ito ng pagpili ng magiging susunod na hari.

"Sige na makakaalis na kayo, ako na ang bahala na magbigay ng parusa sa aking magaling na anak," wika ng hari.

Seninyasan nya ang kanyang tagapagsalita at may ibinigay na scroll dito. Pumunta naman ito sa harap upang magbigay ng utos.

"Ito ang nakasaad sa ibinabang kautusan ng hari, inyong tanggapin," malakas na wika ng tagapagsalita.

Lumuhod kaming lahat bilang paggalang sa sagradong kautosan na ibinigay ng hari.

Ako si Haring Maximo, ibinibigay ko ang kautosang ito sa inyong lahat. Nais kong ang susunod na hahalili sa akin at uupo sa trono ay ang aking anak na panganay, si Prinsipe Dator, Isa syang mabuting prinsipe, huwaran at makatarungan. Karapat-dapat lamang na sya ang tumanggap at humalili sa akin.

At para naman sa aking bunsong anak, hindi ko sya ikukulong o papatayin dahil dugo ko parin ang nananalaytay sa kanyang katauhan. Dahil sa paglabag sa moral na kautosan at pagkitil ng buhay ng isang inosente, sya ay aking tatanggalan ng titulo at aalisin sa palasyo. Mamumuhay sya bilang isang ordinaryong mamayan at hindi na kailan man babalik sa pagiging prinsipe hanggat wala ang aking kautusan o ng susunod na hari.

" Tanggapin". utos ng tagapagsalita.

Maraming mga nagulat lalo na ang ibang opisyal sa court. Hindi ako makapaniwala na basta nalamang gagawin ni ama ang bagay na ito.

"Mahal na hari, sigurado ba kayo sa inyong pasya? hindi muna ba natin iimbestigahan ang katotohanan?" tanong ng isang Heneral. Sya si Heneral Cabridge, tapat at magiting na tao. Isa syang magaling na heneral, sya din ang naging guro ko sa pagsasanay ng martial arts at paggamit ng sandata.

"Nais mo rin bang maparusahan sa iyong kapangahasan Heneral Cabridge? baka nakakalimutan mong hari ang iyong kaharap, ano ang iyong karapatan upang husgahan ang kanyang mga disesyon?" galit na wika ni Prinsipe Dotar.

"Patawad Prinsipe Dotar, patawad haring Maximo sa aking kapangahasan," nakaluhod nitong wika.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fight For The Throne   Chapter 24

    Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay

  • Fight For The Throne   Chapter 23

    Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo

  • Fight For The Throne   Chapter 22

    Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan

  • Fight For The Throne   Chapter 21

    Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay

  • Fight For The Throne   Chapter 20

    Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi

  • Fight For The Throne   Chapter 19

    Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status