Share

Chapter 3

Author: Angel_266
last update Last Updated: 2022-10-06 18:53:36

Xinniang pov

Kasalukuyan ako ngayong nakasakay sa karwahe. Naglalakbay ako papuntang Mount Povo dahil may ihahatid kaming mga kalakal galing sa Bayan namin. Isa akong mangangalakal at madalas akong naglalakbay sa ibat-ibang panig ng bansa upang ihatid ang mga kalakal.

Bilang isang mangangalakal ay lubhang mapanganib ang maglakbay sa mga malalayong lugar. Ito ang dahilan kung bakit nagsanay ako ng husto sa pakikipagbakbakan at paggamit ng sandata, ng sa ganun ay maprotektahan ko ang sarili ko laban sa mga masasamang nilalang lalo na ng mga bandido. Madalas kasi sa mga kagaya ko, ay tinatambangan ng mga ito at ninanakaw ang lahat ng dala.

Dahil narin sa sobrang hilig kung maglakbay kong saan-saan, ay nakilala ko ang grupo ng mga bandidong sinubukan akong nakawan. Tinalo ko sila sa isang labanan kaya ang kapalit ay magiging tagasunod ko na sila. Maluwag naman sa loob na tinanggap nila ang kondisyong iyon dahil narin sa wala naman silang kapwa mga pamilya.

Sampo silang lahat at ako ang kanilang tinuturing na pinuno. Halos maglilimang taon narin kaming magkasama at maayos naman at tapat ang mga ito. Magagaling din silang makipaglaban.

Nagulat ako ng biglang huminto ang sinasakyan kung karwahe at sumilip sa pinto si Diroi.

"Xinniang, mukhang may nangyayaring gulo sa unahan. Sila nanaman at mukhang isang maharlika ang kanilang biktima ngayon," wika nito.

Kumunot naman ang aking noo at nagtatakang bumaba ng karwahi para silipin ang nangyayari. Hindi na maayos ang kondisyon ng lalaki, may lason ang mga palasong iyon natitiyak ko. Papalapit na ang mga ito sa nakahigang lalaki kaya hindi ko na napigilan ang sarili, mabilis akong sumakay sa kabayo at agad na pinatakbo ito. Nagulat ang mga ito kaya agad na nagbitaw ng palaso sa gawi ko. Mabilis ko namang sinasangga ang mga ito ng aking sandata .

"Xanniang, lapitan mo na, mukhang hindi na magtatagal ang buhay ng lalaking iyan kapag hindi napainom ng pangontra sa lason. Kami na ang bahalang gumawa ng daan para sayo," sigaw ni Blake. Nakasakay na pala sila sa mga kabayo at nasa magkabilaan ko sila.

Agad kong pinatakbo ng mabilis ang kabayo at mabilis na nakalapit sa lalaking nahiga. Ngunit marami ang kalaban na nakaharang kaya kailangan ko muna silang paslangin bago ako makalapit sa kanya.

Ilang sandali lang ay dumating narin ang iba, agad na naglaban-laban at ang ibang mga nakaitim ay tumakas na.

Nawalan na ng malay ang lalaki at sobrang putla na nito, marahil ay, kumalat na ng husto ang lason sa kanyang katawan. Agad akong kumuha ng tatlong piraso ng gamot at pinainom sa kanya.

"Diroi, dalhin nyo sya sa karwahe. Kailangan kong malinisan ang kanyang mga sugat habang hindi pa tuluyang umaakyat sa utak nya ang lason. Mamatay sya pag nagkataon," utos ko dito. Mabilis naman itong tumango at binuhat na nila ang lalaki.

Nakita ko pa ang hawak nitong pulseras na nalaglag nang binuhat sya ni Diroi. Pinulot ko ito at tinitigang maigi. Para kasing sobrang pamilyar nito, saan ko nga ba nakita ang pulseras na ito? Ahh bahala nah hindi ko talaga maalala eeh.

Itinago ko nalang ito at mabilis na sumunod sa kanila. Nag-aalala ako na baka hindi nito makayanan ang lason na nasa katawan nito. Ang lasong ito ay masyadong delikado at nasa dalawang porsyento lamang ang pag-asa na mabubuhay ang sinumang nilalang na malason nito. Sa kaso ng lalaking ito ay himala ng nabuhay pa ito at umabot pa hanggang ngayon ang buhay nito.

Kadalasan kasi ay agad na namamatay ang sinumang tamaan ng palasong may lason. Kilala ang grupo ng mga taong iyon sa pangalang Black Omega. Sila ay tumatanggap ng malalaking halaga ng salapi para lamang pumatay.

Nandito na ako sa loob ng karwahi. Pinunit ko ang sirang damit nito at sinimulang linisin ang mga sugat nito.

Ano ba yan! nakakailang naman ang katawan nito. Matipuno ito at sobrang gwapo kahit pa namumutla na ito. Nilunok ko nalamang ang aking laway at nagsimula na ulit maglinis ng sugat.

"Grabe, ilang palaso ba ang tumama sayo, tingin ko nasa labin-dalawa ata. Buti hindi ka pa natuluyan, sayang naman ang gwapo mo pa naman kung mamamatay ka lang hihi," nabaliw na nga talaga ako. Biruin mo ba namang kausapin pati yung walang malay na lalaki.

Binihisan ko na rin sya, hindi ako tumingin huh! May mga damit nga pala syang dala-dala. Buti nga at hindi ito nasira. Nakita ko rin ang suot nitong kwentas na parang susi ngunit gawa sa dyamante. Parang konektado ito sa pulseras na natagpuan ko kanina.

Pinagmasdan ko lamang ang payapang mukha nito habang natutulog, may naramdaman akong kakaibang haplos sa aking puso. Sino kaya ang kaawa-awang nilalang na ito. Sino ang nag-utos na ipapatay sya? Tingin ko ay hindi lamang basta-basta ang binangga ng lalaking ito, tanging mga mayayamang tao lamang ang may kakayahang magbayad sa Black Omega.

Lumabas muna ako sa karwahe upang tingnan ang nangyayari sa labas.

"Diroi, anong nangyayari?" tanong ko kay Deroi.

"Aah, may natagpuan kaming puting kabayo hindi kalayuan sa pinangyarihan kanina, tingin ko ay ito ang sinakyan ng lalaki. Mamahalin ang ganitong klaseng kabayo, isa itong uri ng kabayo na ginagamit sa digmaan. Tanging mga maharlika at heneral lamang ang maaaring gumamit nito. May nakita din kaming lalagyan ng espada, kaya hinanap namin ang espada ng lalaki. Marahil ay kanya ito, nakita namin ito malapit sa kinahihigaan nya. Isa rin itong kakaibang uri ng espada. Sumisimbolo ito sa katapangan at kapayapaan," mahabang paliwanag nya.

Sino ka nga ba talaga ? Kinuha ko ang espada at pinagmasdan itong mabuti. Berde ang hawakan nito at pamilyar din ang dyamanteng nakaukit dito. Madali kong kinuha ang pulseras at ikinumpara, tama! kunektado nga ang tatlong ito. Parang magkakadugtong ang mga ito. Mukhang mahalaga ang mga ito kaya kailangan ko itong ingatan at itago ng maigi.

"Kumain muna tayo bago umalis Deroi, tanghali narin naman," utos ko dito.

Nagugutom narin ako, kailangan din naming mag-ingat sa aming paglalakbay dahil hindi ko alam ang sitwasyong mayroon ang lalaking tinulungan ko. Hindi ako maaaring magpadalos-dalos dahil baka balikan kami ng mga taong iyon. Kakain na sana kami ng may marinig kaming kalansing ng espada hindi kalayuan.

" Anong nangyayari?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fight For The Throne   Chapter 24

    Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay

  • Fight For The Throne   Chapter 23

    Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo

  • Fight For The Throne   Chapter 22

    Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan

  • Fight For The Throne   Chapter 21

    Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay

  • Fight For The Throne   Chapter 20

    Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi

  • Fight For The Throne   Chapter 19

    Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status