Share

Chapter 4

Auteur: Angel_266
last update Dernière mise à jour: 2022-10-06 18:57:34

Xinniang pov

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Xianniang, hindi na tayo pwedeng magtagal rito. May mga kawal na paparating. Tingin ko ay hinahanap nila ang lalaking ito," wika ni Red.

" Anong gagawin natin? hindi nila maaring makita ang lalaking ito, tingin ko nanganganib ang buhay nya at wala tayong ibang pagpipilian kung hindi ang itago sya," sabi ko naman.

"Dito, ilagay nyo sya dito at tabunan ng mga ito," turo ko sa isang kahon. May laman itong mga tela kaya ito ang gagawin kong pantakip. Malaki naman ito kaya magkakasya parin ang lalaki dito.

Agad naman silang kumilos at maayos na inilagay duon ang lalaki. Tinabunan namin sya ng maigi para hindi makita ng mga tagasuri na kawal. Pagkatapos ay kaswal na pinatakbo nina Deroi ang karwahe habang nakasakay ang iba sa kabayo at nasa likuran.

"Kayo! hinto," utos agad ng kawal at pinababa kaming lahat. Ipinakita sa amin ang larawan ng lalaki, tama! sya nga talaga ang hinahanap nila.

"Nakita nyo ba ang kriminal na ito?" kumunot naman ang noo ko. Kriminal?

"Bakit, ano po bang ginawa ng lalaking ito?" tanong naman ni Deroi.

"Wala ka na doon, ang tanong ko ang sagutin nyo, nakita nyo o hindi?" masungit nitong tanong ulit.

Lumapit ito sa sasakyang karwahe at tiningnan ang loob. Nang walang makita ay agad itong lumabas. Kinakabahan na ako dahil baka mamaya ay maisipan nilang buksan ang mga kahon na dala namin. Marami-rami rin kaming nakahinto dito. Mga mangangalakal at manlalakbay.

"Ito? ano to?" tanong ng kawal at itinuro ang mga kahong dala namin.

"Mga telang panghabi ang laman ng mga kahong ito. Kailangan naming madaliang ihatid sa Mount Povo. Inangkat ito ni Ginoong Kael mga ginoo," magalang namang sagot ni Deroi.

Tiningnan ko lamang ang bawat galaw ng mga kawal. Nakapalibot ito sa amin, nakahanda na ang aking kamay at nakahawak na ito sa hawakan ng aking espada.

Walang ano-ano'y, bigla nalang may tumalon mula sa itaas ng puno. Isang makisig na binata, nakasuot ito ng damit ng isang skolar, ngunit natitiyak kung magaling itong gumamit ng espada.

"Paumanhin mga ginoo sa abala, sino ba ang inyong hinahanap?" tanong nya sa kawal. Agad namang pinakita ng kawal ang larawan ng lalaki. Mukhang madadagdagan pa ata ang aking suliranin.

"Aaah ito pala? " nag-iisip pa ito kunwari habang tumitingin sa paligid. Akma syang tuturo at iginiya ang kanyang mga kamay palibot sa amin.

"Aha! naalala ko na. Sya yung nakita ko kanina na tumatakbo habang sugatan tama? pumunta sya sa ...gawing iyon. Tama! bilisan nyo at baka mahabol nyo pa, hindi pa yun nakakalayo dahil sugatan iyon," mahabang paliwanag nito habang nakaturo sa malayong dereksyon..

Hayyss, buti naman at hindi kami nilaglag ng taong ito.

Maya-maya lang ay mabilis na umalis patakbo ang mga kawal papunta sa dereksyong itinuro ng skolar kaya, hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Mabilis na akong pumasok sa karwahe. Paalis na sana kami ngunit humabol pa ang asungot na ito.

"Sandali, sandali! hindi man lamang ba kayo magpapasalamat sa akin? tapos aalis pa kayo basta-basta?," nakangusong tanong nito habang nakadungaw sa bintana ng karwahi.

"Salamat," labas sa ilong kong sambit.

"Aay, grabe ka naman binibini, magpapasalamat nalang hindi pa bukal sa iyong kalooban?" pangungulit pa nito. Bwisit ano bang kailangan ng isang ito at hindi nalang deretsahang sabihin. Baka mamaya ay bumalik nanaman yung mga kawal dito at mahuli na talaga kami.

"Ano ba ang iyong nais upang kami ay iyo ng paalisin ginoo?" inis na tanong ko dito.

Ngumiti naman ito ng pagkalaki-laki na parang timang.

"Yun oh! haha gusto ko lamang sana na sumakay sa inyong karwahi. Pagod na ako sa kakalakad," wika nito. Pinaikot ko ang aking mga mata sa inis.

"Sige, sumakay ka na dalian mo," suko kong sabi dito.

Agad naman itong sumakay sa loob at prenteng umupo sa harap ko. Binaliwala ko na lamang at minabuti nalang na matulog. Pagod narin ako, malayo pa ang gagawin naming paglalakbay. Mas maigi na doon nalang muna ang lalaki sa kahon upang masiguro ko ang kanyang kaligtasan. Baka kasi may mangyaring hindi inaasan sa daan mahirap na.

"Binibini, ano ang iyong pangalan?" tanong nito.

"Xinniang," walang gana kong sagot dito.

"Ako nga pala si Kael, yung sinasabi nyong umangkat ng mga kalakal ninyo, haha hindi ko naman talaga sana kayo tutulongan, kung hindi lang ako intresado sa lalaking inyong iniligtas," balewalang kwento nito.

"Akala ko ba isa kang skolar? at isa pa, anong kailangan mo sa lalaking iyon?" tanong ko rito.

"Wala naman akong kailangan, tingin ko kasi ay hindi pangkariwang pananambang ang nangyari kanina. Nakita ko itong sulat na ito mula sa bulsa ng isa sa mga namatay, kita mo to?" turo nya ng silyo na nasa gilid.

"Oo, bakit ? ano ba ang tungkol sa silyong iyan?" balik na tanong ko.

"Silyo ito ng isa mga nanunungkulan sa kahariang ito, marahil ay silyo ito ng isang prinsipe o hari. Mukhang isa sa kanila ang nag-utos para ipapatay ang lalaking iyan. Hindi kaya may nalamang mahalagang bagay ang lalaking iyon na hindi maaaring malaman ng iba kaya, gayon nalamang ang pagnanais nitong paslangin ang lalaki? Interesado lamang akong malaman ang nalalaman ng lalaking ito. Nais ko kayong imbitahan sa bahay ko, sa Mount Povo. Masyado ng delikado kung magpapatuloy pa kayo sa paglalakbay. Isa pa may lason parin sa katawan ng lalaki, at kailangan syang magamot sa lalong madaling panahon," mahabang paliwanag nito.

Tumango na lamang ako bilang sagot at muling tiningnan ang polseras na hawak ko. Ano kaya ang koneksyon ng lalaking ito sa mga maharlika?

"Isa pa pala, balita ko ay pumili na ang hari ng hahalili sa kanya. Ibig sabihin bago na ang namamalakad ngayon," kwento pa nito.

"Wala akong paki-alam. Hanggat naipagpapatuloy ko ang aking gawain ng walang abala ay ayos lamang," sagot ko naman.

Hindi man lang nagkaroon ng malawakang pagpapasya ang hari bago pumili ng susunod na hahalili, sigurado na ba talaga ito sa taong kanyang pinili? sana lang ang susunod na uupo sa trono ay hindi sakim at ganid sa kapangyarihan. Huwag sanang maghirap ang mga mamamayan.

Tumanaw na lamang ako sa labas. Gabi na pala, at tingin ko ay malapit na kami sa aming pupuntahan. Mayroon na rin kaming nadadaanang mga kabahayan.

"Dadaan tayo sa bayan bago makarating sa aking tahanan, aangkatin ko na rin ang inyong mga produkto, nang sa ganun ay hindi na kayo mahirapan pang maghanap ng aangkat nito," wika nito.

Huh?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Fight For The Throne   Chapter 24

    Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay

  • Fight For The Throne   Chapter 23

    Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo

  • Fight For The Throne   Chapter 22

    Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan

  • Fight For The Throne   Chapter 21

    Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay

  • Fight For The Throne   Chapter 20

    Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi

  • Fight For The Throne   Chapter 19

    Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status