Share

Chapter 5

Author: Angel_266
last update Last Updated: 2022-10-06 19:09:49

Narrator's pov

Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang nangyaring pagligtas ni Xinniang kay Prinsipe Artemis. Isang linggo narin itong mahimbing paring nakaratay sa higaan. Kasalukuyan silang nanunuluyan sa bahay ni Kael. Isang mayamang negosyante sa Mount Povo. Minabuti narin muna ni Xinniang na tumigil roon pansamantala, ng sa gayon ay masubaybayan nya ang kalagayan ng lalaking hindi parin nya nakikilala.

Isang linggo naring naghahanap ang mga kawal kay Prinsipe Artemis, sa utos narin ng kanilang bagong hari.

Samantalang nagsisimula naring kumilos si Haring Dotar. Isa-isa nyang inalis sa pwesto ang mga taong naging balakid noon pa sa pag-upo nya sa trono. Ang mga taong tutol sa kanyang pag-upo sa trono ay kanyang ipinadukot.

Pinalitan nya ang lahat ng mga dating opisyal ng kanyang mga tagasunod. Naging magulo na ang takbo ng pamamalakad. Lahat ay sakim at ganid sa kapangyarihan. Sumang-ayon silang lahat na taasan ng tatlong beses keysa sa regular na buwis ang dapat na ibayad ng lahat ng negosyante at mamayan.

Agad namang nagbaba ng kautosan ang hari. Gulat, lungkot at kawalang pag-asa ang naramdaman ng lahat ng malaman ang ibinabang kautusan ng bagong hari. Sino ba namang mag-aakalang, magiging ganito ang kalalabasan ng pagsang-ayon nilang umupo sa trono ang panganay na anak ng hari.

Labis ang pagtutol ng ibang mga negosyante ngunit oras na magsalita sila ay ulo nila ang magiging kapalit.

Marami ang namatay dahil lamang sa pagtututol sa kautosang iyon.

Nang umabot sa Mount Povo ang balitang ito, ay nagulat din lahat ng mga tao. Ang iba ay nagsara na ng kanilang mga tindahan dahil wala ng natitira sa kanila. Lahat kinukuha ng mga tagasingil.

Nagulat din si Kael sa biglaang kautusang ipinatupad ng hari.

"Anong klase pang buhay ang matitira sa mga mamamayan kapag nagpatuloy ito?" wala sa sariling sambit nya.

Xinniang Pov

Nandito kaming lahat sa loob ng silid kung saan nagpapahinga ang lalaking iniligtas ko. Nagulat kami sa ibinalita ni Kael.

"Ano? kailan pa?" tanong ko. Pano na ang mga maliliit na tindahan? anong klaseng hari ba ang nakaupo ngayon?

"Kanina ko lang din nalaman. Nakapaskil ito sa lahat ng dako, sa mga kalye at kung saan-saan pa kasama ang larawan ng lalaking ito. Magbibigay daw ng pabuya ang hari sa sino mang makakita sa kanya," paliwanag nito.

Ibig sabihin ay nanganganib nga talaga sya. Bakit kasi ang tagal nitong magising, hanggang ngayon ay hindi parin ito gumigising.

Maya-maya ay nagulat kami, bahagyang gumalaw ang daliri nito.

"Magigising na sya!" masayang sambit ni Kael. Tila nabuhayan naman ako ng pag-asa, hanggang sa tuluyan na syang dumilat.

Prinsipe Artemis Pov

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, bahagya akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana malapit sa kinahihigaan ko.

Buhay pa ako? sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay at tagumpay kong nagawa ito. Dahan-dahan akong bumangon. Nagulat pa ako ng may biglang umalalay sa likuran ko.

"Uhmm, ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin ng nakaupo na ako ng maayos. Pinilit kong alalahanin ang huling kaganapan bago ako nawalan ng ulirat. May nakita ako, babaeng nakapula tama!..

Tumingin ako sa babaeng nasa harap ko at nakapula nga ito ng damit. Tumingin narin ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi pamilyar na mga mukha ang aking nakita.

"Sino kayo?" tanong ko sa kanila. Hindi, nasaan na ang mga gamit ko, ang kwentas! mabilis kung hinawakan ang leeg ko at nakahinga ng maluwag ng malamang andun pa din ito. Naalala ko ang polseras na hawak ko bago ako mawalan ng malay.

Mabilis na nanlaki ang aking mga mata at agad na hinanap sa katawan ko. Ngunit nagulat ako ng tingnan ko ang damit na suot ko, iba na ito.

"Ginoo, ito ba ang iyong hinahanap?" tanong ng babae.

Agad ko naman itong kinuha sa kanya at tiningnan kung nasira ba ito. Mabuti naman at hindi.

"Ako nga pala si Xinniang, isa akong manlalakbay. Nakita ka naming malala ang kalagayan kaya tinulungan ka namin. Ang mga taong nakalaban mo ay isang grupo ng mga mamatay tao, tinatawag silang Black Omega, sila ay binabayaran ng mga mayayaman at maharlikang tao kapag meron silang nais na ipatumba," mahabang paliwanag nito.

"Ang pangalan ko ay Artemis, nasaan pala tayo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Aaah, narito ka ngayon sa Mount Povo, nasa bahay ko. Ako nga pala si Kael, isa akong negosyante at kilala sa bayang ito. Wag kang mag-alala ligtas ka rito," sabat naman ng isang lalaki.

"Maraming salamat sa inyong tulong Binibining Xinniang at Ginoong Kael, tatanawin ko itong isang malaking utang na loob. Ngunit sino ang mga taong ito?" tukoy ko sa iba pang naroroon.

"Ako si Deroi," wika ng malaking lalaki na may dala ng malaking palakol.

"Red ang pangalan ko". sabi naman ng isa.

" Loid nga pala,".

"Benjo ginoo,"

"Aifo ang pangalan ko".

" Ash naman ang sa akin,"

"Ako naman si Blue, sya si Dustin,at panghuli ay si Blake,"

"Mga kasamahan ko sila sa paglalakbay," paliwanag naman ni Xinniang.

"Oo nga pala ginoo, isang linggo ka nang tulog at isang linggo kana ring pinaghahanap ng mga kawal. Nakapaskil ang iyong larawan kahit saan ka pumunta. Pinapahanap ka ng hari at malaking pabuya ang nakapatong ulo mo," nagulat naman ako sa kanilang tinuran.

Ang akala ko ay matatapos na doon ang kahangalan ni Dator. Bakit hanggang ngayon ay hindi parin pala ito tumitigil sa paghahanap sa akin.

"Bakit hindi ninyo ako isinumbong sa kanila? Ayaw nyo ba ng pabuya?" tanong ko sa kanila ng may pagtataka sa mukha.

"Hindi sa ayaw namin ng pabuya. Alam namin may nalalaman ka kaya't pinapahanap ka ng hari, hindi mo ba alam na sobrang layo na ng dating pamumuhay ng mga mamayan sa ngayon? isang linggo pa lang ang nakakalipas ngunit sunod-sunod na ang kalbaryong dinadanas ng lahat dahil sa hirap," paliwanag naman ni Kael.

"Oo nga, isa ka bang maharlika na tumakas? o isang opisyal na tutol sa pamamalakad ng bagong hari na nakatakas mula sa kanila?" sunod-sunod naman na tanong ni Deroi.

"Huh? Bakit nyo naman natanong ang bagay na iyan?" takang tanong ko. Ano na bang nangyayari sa labas ngayon??

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fight For The Throne   Chapter 24

    Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay

  • Fight For The Throne   Chapter 23

    Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo

  • Fight For The Throne   Chapter 22

    Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan

  • Fight For The Throne   Chapter 21

    Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay

  • Fight For The Throne   Chapter 20

    Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi

  • Fight For The Throne   Chapter 19

    Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i

  • Fight For The Throne   Chapter 18

    Habang naglalakad, hindi nila maiwasang isipin ang mga nangyari, ilan na ang nawala sa kanila, ilan na lamang silang natira, at ano na nga ba ang nangyari kina Blake.Tahimik lamang silang naglalakad ng biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan, sa pakiwari ba ay mayroong malalaking paa na naglalakad, tila higante sapagkat bawat hakbang ay talagang nayayanig ang buong paligid. Hindi nga sila nagkamali sa kanilang hinua, nakita na lamang nila ang higanting nilalang, para itong cyclope sapagkat iisang mata lamang mayroon ito,malalaking bibig na parang pinigtas dahil umaabot hanggang tenga, malalaking tenga, matutulis na ngipin at tumutulo pa ang lqway nito.Nanlaki ng husto ang kanilang mga mata sa nasaksihan, isang nakakatakot na nilalang ang ngayon ay nakatayo sa kanilang harapan.*Gggrrrrr, tao, nasaas ang tao, ggrrr!*Malakas na sigaw nito. Napapikit na lamang sila dahil duon. Inaamoy-amoy pa nito ang paligid at pilit sinisipat. Sa mabilis na galaw, ay sabay nilang inatake an

  • Fight For The Throne   Chapter 17

    Kaya, labis na ikinagulat ni haring Azcar, ng ibinalita sa kanya ng kanyang kanang kamay na may mga nakapasok na nilalang sa dalawang kaharian. “Ano? Sila na ba ang ating hinihintay? Sila na ba ang mga piling tao na sinasabi ng propiseya na tutulong sa itinakdang hari?” Masigasig namang tanong ni haring Azcar. Mabilis namang tumango ang kanyang kanang kamay, pinanood nila sa bolang kristal ang pagdating ng mga ito, kung gaano namangha ang kanilang mga mukha at kung gaano sila nagulat sa lugar na kanilang nadatnan. Nakita pa nila ang ginawang pagkukurutan ng mga iyo. Napailing na lamang si Haring Azcar sa mga kalokohan ng tao. Isa rin ito sa kanyang namimis na mga sandali. Matagal ng namatay ang babaeng kanyang iniibig, isa itong purong tao kaya hindi rin nagtagal ang buhay nito. Matapos nitong ipinanganak ang kanilang anak ay pumanaw na ito. Samantala, ang kanyang anak naman ay tumangging pamunuan ang kanluan, bagkos ay piniling mamuno sa kaharian ng kanyang kabiyak, sa nawawalang k

  • Fight For The Throne   Chapter 16

    “Saan tayo dadaan Artemis?” Tanong naman ni Kael.Napaisip naman si Artemis, lahat ng mga dinaanan nila ay pawang malalawak na daan, ngunit palaging nauuwi sa panganib. Bakit hindi kaya nila subukang dumaan sa makitid at mahirap na daan, baka dito ay may marating sila. “Dito tayo, sa kaliwa, subukan naman nating dumaan sa mahirap at makitid na daan, baka sakaling may magandang naghihintay sa atin,” Ngunit sa kanyang sinabi, karamihan ay tumutol. “Ngunit Artemis, nababaliw ka na ba? Bakit dadaan tayo sa mahirap na daan gayong meron naman madali at sigurado? Gusto mo nabang mamatay?” Pagalit na wika ni Blake. Isa si Blake sa muntikan ng mapugutan ng ulo kani-kanina lamang. Hindi nya matanggap na muntik na syang mawalan ng buhay dahil sa kabaliwang ito. Susugod sila ng hindi handa at susuong sa lugar ng mga buwetre. Ano nalamang ang mangyayari sa kanila. Kung tutuosin ay para lamang silang mga langaw na pwedeng terisin ng mga halimaw sa lupaing ito. Maswerte sila kung may mabubuhay pa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status