Share

Blind Ashes 1

last update Last Updated: 2024-03-24 01:04:27

NAGISING ako sa isang malakas na kalabog na nagmumula sa kabilang silid. Medyo inaantok pa akong nagdilat ng mata. Parang ordinaryo na lamang sa'kin ang ganitong mga scenario na nangyayari sa silid ng mga magulang ko. Kaya tamad na tamad akong bumangon. Kaagad na nagsuot ng tsinelas sa paa at dumiretso sa banyo. Nakatitig lamang ako sa harap ng salamin habang tinatant'ya ko ang sarili kong maghihilamos na ba ako o hindi. Pero, napaigtad na naman ako ng isang malakas na pagsalpok ang aking naririnig. Napabuntunghininga muna ako bago ko napagpasyahang maghilamos na.

Pagkatapos magpunas ng mukha, ay wala ng suklay suklay, dumiretso na  kaagad ako sa ibaba para makahingi ng pagkain kay ate Analyn. Si ate Analyn ay inaanak ni papa. Ulilang lubos na ito at sa bahay siya nakatira.

Patuloy pa rin ang pag-aaway ng mga magulang ko sa taas, hindi ko rin naman naiintindihan ang pinag-aawayan nila. Siguro iiyak ang araw kapag hindi sila nagsisigawan at nagbabatuhan ng mga gamit. Pero kampante naman ako na hindi nauuwi sa patayan ang ginagawa nila.

Nasa pinakadulong bahagi na ako ng hagdanan nang maaninag ko na bukas na ang ilaw sa may kusina. Lumabas mula roon ang isang batang babae na maiksi ang buhok, nakasuot ng panlalaking kasuotan at matamlay na nakatingala sa'kin--si Amelia. Pamangkin siya ni ate Analyn, at kalaro ko rin.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito habang sinusundan ng tingin ang bawat paghakbang ko sa hagdanan. Hanggang sa nakatayo na ako sa kanyang harapan.

"Talaga bang iiwan mo na ako? " Malamlam ang  mga mat nitonng nakatitig  sa'kin. Napakuno't ang noo ko sa bungad niya. 'Ang drama naman nito.'

Pero, imbes na sagutin ko ang tanong niya ay dinaanan ko lamang siya. Naabutan kong naghahanda na ng almusal si Ate Analyn. Pagkaamoy ko pa lang sa niluluto nito ay biglang kumalam agad ang aking sikmura.

"Goodmorning, ate Analyn," masiglang sumampa agad ako sa plastic na upuan. Nilingon ako nito at ngumiti, "tapusin ko lamang 'to Joyce at sasabay na rin ako sa inyo. "

Sobrang bango ng niluluto niyang fried rice, mas lalo tuloy akong natatakam  na kumain. Paborito ko ito lalo na kapag maraming bawang. Hindi nakakasawang amuyin. Idagdag pa ang ulam na kumakaway na sa'kin na kanina pa nakahain  sa ibabaw ng mesa.

"Oh~, Amelia. Ano pang tinunga tunganga mo r'yan? Umupo ka na at nang makakain na rin." Puna nito sa kalaro kong si Amelia. Tumalima naman agad ito at matamlay na sumampa sa plastic na upuan na nakapwesto sa gilid ko.

Tumingin ulit ito sa'kin, " magpaiwan ka nalang kaya rito, Joyce. H'wag nalang kayong umalis ni tita." Basag na ang boses nito at mukhang pauwi na sa pag-iyak. May mga namumuo na ring likido sa mapupungay nitong mga mata.

"Tama na 'yan, miel. Nasa harapan ka ng pagkain." Saway ni ate Analyn sa sumisinghot na si Amelia.

Ngumiti ako ng mapait, "ang panget mo talaga umiyak, miel."

Pilit kong ibahin ang paksa dahil kung hindi ay baka maunsyami na naman  ang pagkatakam ko sa pagkain na nakahain sa aking harapan  at mauwi sa iyakan ang lahat.

Bahagya itong ngumiti pero sumisinghot singhot pa rin ito, "grabe ka talaga sa'kin, Joyce."

"Napakaiyakin mo kasi. Natatakam pa naman ako sa pagkain tapos ikaw gan'yan agad ang bungad mo sa akin." May himig pagtatampong wika ko sa kanya.

Ngumiti lamang ito at pagkatapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain.

Pero, nakailang subo pa lamang ako ng kain, nang marinig ko na ang malakas na sigaw ni mama mula sa taas.

"Analyn!"

Nagmamadali namang tumayo si ate Analyn para harapin ito at pasigaw ulit itong nagtanong.

" Nasa'n si Joyce?" Nang marinig ko ang pangalan ko na hinahanap ni mama ay mas binilisan ko pa ang pagkain. 'Ang panget naman ng timing ni mama. Kung kailan masarap ang pagkain eh.'

"Kumakain pa po," balik  na sagot ni ate Analyn kay mama. "Paakyatin mo na siya rito ngayon din para magbihis dahil sa biyahe na kami kakain. "

Pagkarinig ko sa huling sinabi ni mama ay parang huminto ang paggalaw ng orasan. Matamlay akong bumaba sa upuang plastic at lumapit sa nakatungong si Amelia. Niyakap ko ito ng sobrang higpit at walang pasabing hinalikan ito sa tungki ng ilong. Nakita ko pa ang pagnganga nito sa harapan ko.

"Babalik ako, pangako. Basta hintayin mo ako, ha. " At tuluyan nang bumagsak sa pisngi ko ang mga likidong kanina ko pa pinigil pigilan na lumabas.

7 years later..

MASYADO pang sariwa para sa'kin ang huling tagpo namin ng kababata kong si Amelia. Nine years old pa lamang ako noon ng magsimula akong makaramdam ng kakaiba para sa kanya. Alam kong may mali na sa akin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala wala sa puso ko ang kakaibang damdamin na nararamdaman ko para sa kababata ko. At ngayon ang araw na masasabi ko na sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

Bumalik ang diwa ko ng kausapin ako ng taxi driver na sinasakyan ko ngayon, "Ma'am saan po banda sa Molino ikaw bababa?"

"D'yan na lang po sa may gate," matipid kong nginitian ang driver.

"Sigurado po kayo ma'am?" May pag-alinlangan sa boses nito matapos marinig ang naging sagot ko. Dahan dahan  naman akong tumango.

Nakita ko pa ang pag-alala sa mga tingin nito habang pinagmamasdan akong lumapit sa gwardiya ng subdivision na pinasukan ko. Saka pa ito umalis nang masiguro na nitong nakapasok na ako sa loob.

Maski ang gwardiya na nakaduty ay parang nag-alinlangan na makita akong may bitbit na maliit na trolley at nagsabi na maglalakad lamang.

"Ma'am, tatawagan ko nalang si Sir para sunduin kayo rito. "

"Ayos lang po, kuya Guard. Maglalakad na lang po ako. Apat na oras  rin kasi akong nakaupo sa byahe eh. " Nakakatouch naman ang pag-aalalang nakikita ko sa mga 'to. Pero mas pinili ko pa ring maglakad talaga. Total hihilain ko lang naman itong trolley, kaya okay na talaga sa'kin ang maglakad.

"Sigurado po talaga kayo, ma'am? Nasa 5fth street pa po ang bahay ng mga Gallego. " Pahabol pa nitong wika sa'kin. Pero itinaas ko lang ang kanang kamay ko na nagpapahiwatig na walang problema. Nakita ko pa ang pagkamot ng ulo ni kuyang guard na wala rin namang nagawa.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang maikompara ang nakaraan sa kasalukuyan. Matalahib pa rin ang lugar namin, ang kaibahan lang ay mas narami na ang mga bahay na nakatirik  kaysa dati. Hindi naman gan'on kahirap na matunton ang 5fth street.

Hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa rin ang hitsura ng bahay namin. Ayaw nga sana ni mama akong payagan na umuwi kasi baka kung ano pa ang iisipin ng bagong asawa ni papa sa'kin. Sobrang namimiss ko na rin kasi si papa at nangako ako sa sarili ko na pagsapit ng 16nth birthday ko ay babalik ako ng Molino at ito na ang pagkakataon.

Pero, sa hindi ko inaasahan ay may biglang sumulpot na hayop sa harapan ko. Dahilan para matapilok ako sa gulat.

"Potek naman oh!" Inis na napaupo ako sa kalsada.

'Arf!'

Tumambad sa'kin ang isang cute na tuta na pinaghalong kulay brown at black ang balahibo. Naglaho bigla ang inis na aking nararamdaman.

Napangiti ako habang hinimas himas ko ang balahibo ng tuta na siyang  dahilan kaya ako natapilok, " sus, kung hindi ka lang talaga cute ay baka kanina pa kita binalibag. " Kausap ko sa tuta na kasalukuyang kumakawag  pa ang buntot habang hinimas himas ko ang katawan nito.

"Krixie! Nand'yan ka lang pala. Pinakaba mo pa ako." Wika ng bagong dating.

Hindi ko alam kung saan ito nanggaling, basta ang alam ko nang mag-angat ako ng mukha ay tumambad kaagad sa akin ang isang pares nang mapupungay na mga  mata.

Parang biglang bumilis ang pintig ng aking puso.. parang tumigil bigla ang pag-ikot ng oras.. hindi ko alam.. hindi ko maintindihan ang aking sarili. May mga nakikita pa akong paru-paro sa paligid na malayang nagliliparan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • First Shade of Freedom: Blind Ashes    Blind Ashes 35

    "NO, Sheena! Stop the hate! Sumuko ka na lang baby! " Singit na sigaw ni tita Emma na nakap'westo pa rin sa kinatatayuan nito kanina. " Why should I stop? Are you scared to let them know what did that evil man did to us? And besides, you are the first person who turn me like this!" Sheena hissed to her mom. "Sheena, please, itigil muna ito. Tanggap ka pa rin naman namin eh. And willing pa rin kami na maging kaibigan mo. Magtiwala ka lang sa amin." Mahinahon naman na wika ni Bea sa isang tabi sa kabila ng tensyon namamagitan sa buong paligid. "Masasabi mo lang kasi  iyan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! Did your mom experience being battered by your dad? " Nanlaki ang mga mata nitong hinagilap ng tingin ang nagsasalitang si Bea. "Ah~ I almost forgot! You don't have a father nga pala. " Nang-aasar na ngumisi itong nakatitig kay Bea, "or shall I say, you do have a father.. pero, hindi literal na matatawag na papa mo ito

  • First Shade of Freedom: Blind Ashes    Blind Ashes 34

    "HOLD YOUR FIRE!" Sigaw ng kung sinumang pulis sa aking tabi. Pero parang tumigil ang pag-ikot ng orasan ng mga oras na 'yon. Nang makita ko ang aking kapatid na si Jared na tumatakbo papalapit sa akin. At ang isang lumilipad na bala ng baril papunta sa direksyon  mismo ng aking kapatid. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad kung sinalubong si Jared.  Mabilis kung iniharang ang aking sarili dito upang saluhin ang paparating na bala. "Ate Joyce!" Palahaw na iyak pa nito ng makayakap na ito sa akin. Nararamdaman ko ang takot at panginginig nito na ikinangitngit ng aking kalooban. Magkasabay kaming natumba habang magkayakap. Saka ko naman naramdaman ang pagtama nang bala ng baril sa aking kaliwang hita. Noong una ay pagkagulat lamang ang aking tanging nararamdaman. Hindi pa gan'on umepekto sa akin ang kirot. Pero habang tumatagal ay unti-unti ko nang naramdaman ang pamamanhid ng aking kaliwang hita."Bulls eye!"

  • First Shade of Freedom: Blind Ashes    Blind Ashes 33

    "DON'T WORRY love. I'll make it sure that everything's gonna be okay. " Pilit na pinapakalma ni Vic ang aking pakiramdam dahil kanina pa ako hindi mapalagay habang lulan kami sa private helicopter na sinasakyan namin ngayon pabalik ng Pilipinas. "This is all my fault. Kung hindi ko pinapakilala si Sherwin kay Emma, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. But hindi ko naman talaga intensyon na mauuwi sa ganito ang lahat dahil lately ko lang din nalaman na Sherwin is one of the head of the notorious syndicate.. " "It isn't your fault love. Please don't take all the blame on you because you didn't mean to put Emma in this situation." "Hindi mo kasi naintindihan, Vic. Emma and I are good friends but I couldn't afford to lose you, too. You know how infatuated Emma to you before. And I thought Sherwin is a nice guy--" Hindi ko matapos ang aking sasabihin ng mabilis akong kinabig ni Vic dahilan upang mapasubsob

  • First Shade of Freedom: Blind Ashes    Blind Ashes 32

    MAKULIMLIM ang langit. Animo'y may nagbabadyang unos na paparating. Ngunit hindi ito naging hadlang sa isang pamilyang masayang naglalaro ng volleyball. Nasa kalagitnaan na ang mga ito ng nilalaro nila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya napilitan ang mga ito na saka na lamang ipagpatuloy kapag humupa na ang ulan. Nagkanya-kanyang takbo kaagad ang mga ito papunta sa cottage na inokupa. Makikita talaga sa mga pagmumukha ng mga ito ang labis na kagalakan kahit iilan sa kanila ay parang basang sisiw na. Sa bandang pintuan nakatayo ang batang si Jared. Habang abala ang lahat na magdaldalan, tuwang-tuwa naman ito habang pinapalutang ang bangkang gawa sa papel. Lumulutang ito sa isang kawayan na nakatihaya, Dire-diretso ang paglutang ng bangkang papel. Tuwang tuwa na sinusundan naman ito ng batang si Jared. Hanggang sa hindi na namalayan ng lahat na nasa labas na pala ang batang ito. Nang makarating sa bandang dulo ang bangkang papel ay n

  • First Shade of Freedom: Blind Ashes    Blind Ashes 31

    "BITIWAN MO AKO! " Pilit na pagpumiglas ni ginang Yvonne sa pagkahawak sa kaniya ng mga armadong tauhan ni Sherwin."Tumahimik ka! Mapapahamak kami kay bossing dahil sa ingay ng bunganga mo!" singhal na sita ng lalaki na hinihila ang kaniyang kaliwang braso. "Kinidnap ninyo ako tapos gusto niyo na manahimik lang ako! Ano ba ang naging kasalanan ko sa inyo?" Nagmamakaawang pakiusap ni ginang Yvonne sa mga ito. "Kasalanan mo? Malaki ang naging kasalanan mo, kaya ka nga pinakidnap ka sa amin ni boss eh!" Pamimilosopo ng lalaki sa kanan.Nakita ni ginang Yvonne na papasok na sila sa isang resthouse. Mabuti na lamang at hindi siya piniringan ng mga ito. Kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na sauluhin ang lugar na pinagdalhan sa kaniya. Isang mahabang pasilyo ang dinaanan nila bago sila pumasok sa isang pintuan. Pagkapasok niya sa loob saka naman siya binitawan ng mga armadong lalaki at iniwan. "Saan kayo pupunta? Don't tell me! Help!" Malakas na sigaw ni ginang Yvonne at walang sawang

  • First Shade of Freedom: Blind Ashes    Blind Ashes 30

    DALAWANG araw na ang nakalipas magmula nang dukutin ng mga tauhan ng daddy ni Sheena ang mommy ni Faye. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kung nasaan sila at kung ano na ang nangyari kay tita.. Pero hindi pa rin tumigil ang mga owtoridad sa paghahanap.Natawagan ko na rin sina papa na kailangan nila ng dobleng-ingat. At kung maaari, itago nilang mabuti si Amelia. Mahirap na, dahil maraming koneksyon na sindikato ang daddy ni Sheena. Mabuti na ang sigurado kaysa makapante.Nahihirapan na tuloy akong makatulog dahil sa labis na pag-aalala. Kanina pa ako nagpabaling-baling dito sa aking higaan, nakatingin sa kanina ko pa hawak na cellphone. Nag-aabang ng tawag mula sa aking Amelia. Sana nasa mabuting kalagayan ito. Sana hindi sila nasundan ni Sheena. Sana.. Hindi ko na namalayan na iginupo na ako ng kaantukan.NAGMULAT ako ng mata ng maramdaman kong may gumagalaw sa aking tabi. Hindi ko matandaan na may katabi akong matulog kagabi. 'Sino kaya ito?' Kaya kaagad akong tum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status