MAGANDA ang gising ko ngayon dahil maski sa panaginip ay kasama ko pa rin siya. May ngiti pa rin sa mga labi ko pagmulat ko ng mata. Finally, akin na siya. Malaya ko na siyang mamahalin nang hindi kinakailangan na magtago pa.
Matagal ko na siyang pinapangarap na makuha. Matagal ko na siyang pinagdadasal na mapasa'kin siya. Siguro, hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong nasaktan ako para lang makamit siya.
I can't even imagined na magtitino na ako, na siya ang makapagpatuwid sa baluktot kung mundo.
Isang mundong nababalot nang puro kasinungalingan. Isang pagkataong nag-aasam nang tunay na pagmamahal. Isang masalimuot na kahapon at isang matagumpay na ngayon.
Naramdaman ko na siyang gumalaw, nagpapahiwatig na gising na rin siya. Kaya excited akong tumagilid nang higa para ang kariktan ko naman ang una niyang masisilayan.
Kaso, nagtataka ako dahil nahihirapan akong kumilos. Parehong nakatali ang magkabilaang kamay ko. Nakaangat ito na nakatali sa ulunan ng higaan. Imbes na makaramdam ako ng galit ay mas nangibabaw ang naramdaman kung excitement dahil sa iisiping gusto niya ng kakaibang laro sa ibabaw ng kama.
Kaya hindi nalang ako nagreklamo, bagkus, naghintay lang ako na magkusa siya. Ito na ata ang pinakamasayang araw ko. Excited akong naghintay.
Naramdaman ko ulit ang paggalaw niya kaya hindi na ako makapaghintay, at nakangiti kung ginalaw ang ulo ko para lingunin siya.
Pero, nanlaki ang mga mata ko ng ang bumungad sa akin ay hindi siya, kundi ang pagmumukha ng nakangisi kung kaibigan. Napalunok ako ng wala sa oras. Nagtatanong ang mga mata ko. . Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung papaano siya napunta rito? Kung bakit imbes na ang taong mahal ko ang nandito at katabi ko sana ngayon sa higaan, ay ibang mukha pa ang bumungad sa'kin.
"Kumusta mahal kung kaibigan? " Tumawa siya ng pagak pagkatapos bigkasin ang mga katagang iyon. "Nagulat ba kita?"
Tama nga siya dahil hindi ko talaga inaasahan ang presensya niya. Nalilito rin ako dahil hindi ko alam kung bakit siya nandito. Kung kanino niya nalaman na narito kami. Sa pagkakatanda ko ay ang taong mahal ko lang ang bukod tanging nakakaalam sa pinuntahan namin. Hindi kaya? Pero imposible..
"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo ko. Ang lakas naman ng trip niya na bungad para sa'kin. Bumangon siya sa pagkakahiga sa higaan ko at tumawa ng mahina.
"Alam mo ba ang salitang surprisa?" Nakangising pinameywangan niya ako. Naiinis ako. Hindi nakakatawa ang pa surprisa niyang inihanda para sa akin. 'Tsaka may okasyon ba para isurprisa niya ako.
"Ito ang surprisa ko sayo, mahal kung kaibigan!" Inabot niya ang mga kamay niya sa'kin para tulungan akong bumangon pero papaano ako babangon kung nakatali ang dalawa kung mga kamay. Nagpapatawa ba 'to?
"Ay oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan!" Hagikhik pa nito at mabilis na binawi ang mga kamay. Dahan dahan itong lumapit sa'kin. Umupo ito sa gilid ng kama. At hinawi ang iilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa mukha ko. Tiningnan ko siya ng masama. Nginitian naman niya ako ng pagka tamis tamis..
"Hindi mo ba ako namimiss?" Nakangiting tanong niya sa akin habang nakasandal sa ulunan ng higaan. May kumudlit sa puso ko. Pero hindi ko ito dapat maramdaman.
Pero sinagot ko rin siya ng isa pang tanong, "ako ba ang namiss mo? O siya?" Napaismid kung wika.
Tumawa lang ito ng pagak habang diretsong nakatingin sa dingding. Tagos ang paraan ng mga titig nito.
"Medyo, "at seryoso na ang mukha niyang lumingon sa'kin.
Nanatili lamang itong nakatingin sa'kin. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan nito. Hanggang sa, huminga na ito ng sobrang lalim.
"Hindi ko lubos maisip na magagawa mo sa'kin 'to," malamlam na ang mga mata nitong nakatitig sa'kin. Hindi ako makapagsalita. Parang naumid ko ang aking dila.
"Nasasaktan ako, alam mo ba iyon?" Walang ekspresyon na anas nito sa'kin. "Dahil ang dalawang tao na mahalaga sa'kin ang parehong nawala.
Hindi ako makapagsalita. Walang mga katagang nais kumawala sa aking lalamunan. Nanatili lamang akong tahimik. Habang hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Ngunit, hindi na ito muling nagsalita pa.
Siguro, mahigit bente minutos na kami sa ganitong posisyon. Nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Hanggang sa, bumukas ang pintuan at iniluwa mula rito ang taong pinakamamahal ko.
Humarap ito sa kanya at nagsasalita.
"Nakahanda na ang sasakyan," halos pabulong na nitong saad, ni hindi man lang ako nito matapunan ng tingin habang naglalakad ito papalapit sa kanya. Huminto ito at maingat na hinawakan nito ang mga kamay niya, hinila para tumayo, at inakay papalayo sa'akin.
"Amelia! May sumpaan tayo! Nangako ka sa akin!" Pagpupumiglas kung sigaw pero parang bingi lamang ito at hindi man lang ako nito narinig.
Pilit kung kumawala sa pagkatali pero hindi ko kaya, "Hindi ninyo ako p'wedeng iwanan nalang ng ganito!"
Unti-unti kung nararamdaman ang maliliit na aspiling tumutusok sa puso ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa na umalis at hindi man lang ako magawang lingunin.
Wala kayong mga puso. Pagtatangis ko. Bakit gan'on? Akala ko ay wala ng hahadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Pero nagkamali pala ako.
---
"NO, Sheena! Stop the hate! Sumuko ka na lang baby! " Singit na sigaw ni tita Emma na nakap'westo pa rin sa kinatatayuan nito kanina. " Why should I stop? Are you scared to let them know what did that evil man did to us? And besides, you are the first person who turn me like this!" Sheena hissed to her mom. "Sheena, please, itigil muna ito. Tanggap ka pa rin naman namin eh. And willing pa rin kami na maging kaibigan mo. Magtiwala ka lang sa amin." Mahinahon naman na wika ni Bea sa isang tabi sa kabila ng tensyon namamagitan sa buong paligid. "Masasabi mo lang kasi iyan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! Did your mom experience being battered by your dad? " Nanlaki ang mga mata nitong hinagilap ng tingin ang nagsasalitang si Bea. "Ah~ I almost forgot! You don't have a father nga pala. " Nang-aasar na ngumisi itong nakatitig kay Bea, "or shall I say, you do have a father.. pero, hindi literal na matatawag na papa mo ito
"HOLD YOUR FIRE!" Sigaw ng kung sinumang pulis sa aking tabi. Pero parang tumigil ang pag-ikot ng orasan ng mga oras na 'yon. Nang makita ko ang aking kapatid na si Jared na tumatakbo papalapit sa akin. At ang isang lumilipad na bala ng baril papunta sa direksyon mismo ng aking kapatid. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad kung sinalubong si Jared. Mabilis kung iniharang ang aking sarili dito upang saluhin ang paparating na bala. "Ate Joyce!" Palahaw na iyak pa nito ng makayakap na ito sa akin. Nararamdaman ko ang takot at panginginig nito na ikinangitngit ng aking kalooban. Magkasabay kaming natumba habang magkayakap. Saka ko naman naramdaman ang pagtama nang bala ng baril sa aking kaliwang hita. Noong una ay pagkagulat lamang ang aking tanging nararamdaman. Hindi pa gan'on umepekto sa akin ang kirot. Pero habang tumatagal ay unti-unti ko nang naramdaman ang pamamanhid ng aking kaliwang hita."Bulls eye!"
"DON'T WORRY love. I'll make it sure that everything's gonna be okay. " Pilit na pinapakalma ni Vic ang aking pakiramdam dahil kanina pa ako hindi mapalagay habang lulan kami sa private helicopter na sinasakyan namin ngayon pabalik ng Pilipinas. "This is all my fault. Kung hindi ko pinapakilala si Sherwin kay Emma, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. But hindi ko naman talaga intensyon na mauuwi sa ganito ang lahat dahil lately ko lang din nalaman na Sherwin is one of the head of the notorious syndicate.. " "It isn't your fault love. Please don't take all the blame on you because you didn't mean to put Emma in this situation." "Hindi mo kasi naintindihan, Vic. Emma and I are good friends but I couldn't afford to lose you, too. You know how infatuated Emma to you before. And I thought Sherwin is a nice guy--" Hindi ko matapos ang aking sasabihin ng mabilis akong kinabig ni Vic dahilan upang mapasubsob
MAKULIMLIM ang langit. Animo'y may nagbabadyang unos na paparating. Ngunit hindi ito naging hadlang sa isang pamilyang masayang naglalaro ng volleyball. Nasa kalagitnaan na ang mga ito ng nilalaro nila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya napilitan ang mga ito na saka na lamang ipagpatuloy kapag humupa na ang ulan. Nagkanya-kanyang takbo kaagad ang mga ito papunta sa cottage na inokupa. Makikita talaga sa mga pagmumukha ng mga ito ang labis na kagalakan kahit iilan sa kanila ay parang basang sisiw na. Sa bandang pintuan nakatayo ang batang si Jared. Habang abala ang lahat na magdaldalan, tuwang-tuwa naman ito habang pinapalutang ang bangkang gawa sa papel. Lumulutang ito sa isang kawayan na nakatihaya, Dire-diretso ang paglutang ng bangkang papel. Tuwang tuwa na sinusundan naman ito ng batang si Jared. Hanggang sa hindi na namalayan ng lahat na nasa labas na pala ang batang ito. Nang makarating sa bandang dulo ang bangkang papel ay n
"BITIWAN MO AKO! " Pilit na pagpumiglas ni ginang Yvonne sa pagkahawak sa kaniya ng mga armadong tauhan ni Sherwin."Tumahimik ka! Mapapahamak kami kay bossing dahil sa ingay ng bunganga mo!" singhal na sita ng lalaki na hinihila ang kaniyang kaliwang braso. "Kinidnap ninyo ako tapos gusto niyo na manahimik lang ako! Ano ba ang naging kasalanan ko sa inyo?" Nagmamakaawang pakiusap ni ginang Yvonne sa mga ito. "Kasalanan mo? Malaki ang naging kasalanan mo, kaya ka nga pinakidnap ka sa amin ni boss eh!" Pamimilosopo ng lalaki sa kanan.Nakita ni ginang Yvonne na papasok na sila sa isang resthouse. Mabuti na lamang at hindi siya piniringan ng mga ito. Kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na sauluhin ang lugar na pinagdalhan sa kaniya. Isang mahabang pasilyo ang dinaanan nila bago sila pumasok sa isang pintuan. Pagkapasok niya sa loob saka naman siya binitawan ng mga armadong lalaki at iniwan. "Saan kayo pupunta? Don't tell me! Help!" Malakas na sigaw ni ginang Yvonne at walang sawang
DALAWANG araw na ang nakalipas magmula nang dukutin ng mga tauhan ng daddy ni Sheena ang mommy ni Faye. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kung nasaan sila at kung ano na ang nangyari kay tita.. Pero hindi pa rin tumigil ang mga owtoridad sa paghahanap.Natawagan ko na rin sina papa na kailangan nila ng dobleng-ingat. At kung maaari, itago nilang mabuti si Amelia. Mahirap na, dahil maraming koneksyon na sindikato ang daddy ni Sheena. Mabuti na ang sigurado kaysa makapante.Nahihirapan na tuloy akong makatulog dahil sa labis na pag-aalala. Kanina pa ako nagpabaling-baling dito sa aking higaan, nakatingin sa kanina ko pa hawak na cellphone. Nag-aabang ng tawag mula sa aking Amelia. Sana nasa mabuting kalagayan ito. Sana hindi sila nasundan ni Sheena. Sana.. Hindi ko na namalayan na iginupo na ako ng kaantukan.NAGMULAT ako ng mata ng maramdaman kong may gumagalaw sa aking tabi. Hindi ko matandaan na may katabi akong matulog kagabi. 'Sino kaya ito?' Kaya kaagad akong tum