First Shade of Freedom: Blind Ashes

First Shade of Freedom: Blind Ashes

last updateHuling Na-update : 2024-11-18
By:  vivaciouswitchOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
36Mga Kabanata
936views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

As the most jolly, honest, caring and loyal friend to everyone that is Vera Joyce. But suddenly, everything has changed. She then started doubting her best friend, Sheena. When she met her best friends partner, Liam. What would happen to their friendship? Will Liam be the reason that there friendship would come to an end?

view more

Kabanata 1

Blind Ashes: Prologue

MAGANDA ang gising ko ngayon dahil maski sa panaginip ay kasama ko pa rin siya. May ngiti pa rin sa mga labi ko pagmulat ko ng mata. Finally, akin na siya. Malaya ko na siyang mamahalin nang hindi kinakailangan na magtago pa.

Matagal ko na siyang pinapangarap na makuha. Matagal ko na siyang pinagdadasal na mapasa'kin siya. Siguro, hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong nasaktan ako para lang makamit siya.

I can't even imagined na magtitino na ako, na siya ang makapagpatuwid sa baluktot kung mundo.

Isang mundong nababalot nang puro kasinungalingan. Isang pagkataong nag-aasam nang tunay na pagmamahal. Isang masalimuot na kahapon at isang matagumpay na ngayon.

Naramdaman ko na  siyang gumalaw, nagpapahiwatig na gising na rin siya. Kaya excited akong tumagilid nang higa para ang kariktan ko naman ang una niyang masisilayan.

Kaso, nagtataka ako dahil nahihirapan akong kumilos. Parehong nakatali ang magkabilaang kamay ko. Nakaangat ito na nakatali sa ulunan ng higaan. Imbes na makaramdam ako ng  galit ay mas nangibabaw ang naramdaman kung excitement dahil sa iisiping gusto niya ng kakaibang laro sa ibabaw ng kama.

Kaya hindi nalang ako nagreklamo, bagkus, naghintay lang ako na magkusa siya. Ito na ata ang pinakamasayang araw ko. Excited akong naghintay.

Naramdaman ko ulit ang paggalaw niya kaya hindi na ako makapaghintay, at nakangiti kung ginalaw ang ulo ko para lingunin siya.

Pero, nanlaki ang mga mata ko ng ang bumungad sa akin ay hindi siya, kundi ang pagmumukha ng nakangisi kung kaibigan. Napalunok ako ng wala sa oras. Nagtatanong ang mga mata ko. . Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung papaano siya napunta rito? Kung bakit imbes na ang taong mahal ko ang nandito at katabi ko sana  ngayon sa higaan, ay ibang mukha pa  ang bumungad sa'kin.

"Kumusta mahal kung kaibigan? " Tumawa siya ng pagak pagkatapos bigkasin ang mga katagang iyon. "Nagulat ba kita?"

Tama nga siya dahil hindi ko talaga inaasahan ang presensya niya. Nalilito rin ako dahil hindi ko alam kung bakit siya nandito. Kung kanino niya nalaman na narito kami. Sa pagkakatanda ko ay ang taong mahal ko lang ang bukod tanging nakakaalam sa pinuntahan namin. Hindi kaya? Pero imposible..

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo ko. Ang lakas naman ng trip niya na bungad para sa'kin. Bumangon siya sa pagkakahiga sa higaan ko at tumawa ng mahina.

"Alam mo ba ang salitang surprisa?" Nakangising pinameywangan niya ako. Naiinis ako. Hindi nakakatawa ang pa surprisa niyang inihanda para sa akin. 'Tsaka may okasyon ba para isurprisa niya ako.

"Ito ang surprisa ko sayo, mahal kung kaibigan!" Inabot niya ang mga kamay niya sa'kin para tulungan akong bumangon pero papaano ako babangon kung nakatali ang dalawa kung mga  kamay. Nagpapatawa ba 'to?

"Ay oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan!" Hagikhik pa nito at mabilis na  binawi ang mga kamay. Dahan dahan itong  lumapit sa'kin. Umupo ito  sa gilid ng kama. At hinawi ang iilang hibla ng aking  buhok na nakaharang sa mukha ko. Tiningnan ko siya ng masama. Nginitian naman niya ako ng pagka tamis  tamis..

"Hindi mo ba ako namimiss?" Nakangiting tanong niya sa akin habang nakasandal sa ulunan ng higaan. May kumudlit sa puso ko. Pero hindi ko ito dapat maramdaman.

Pero sinagot ko rin siya ng isa pang tanong, "ako ba ang namiss mo? O siya?" Napaismid kung wika.

Tumawa lang ito ng pagak habang diretsong nakatingin sa dingding. Tagos ang paraan ng mga titig nito.

"Medyo, "at seryoso na ang mukha niyang lumingon sa'kin.

Nanatili lamang itong nakatingin sa'kin. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan nito. Hanggang sa, huminga na  ito ng sobrang lalim.

"Hindi ko lubos maisip na magagawa mo sa'kin 'to," malamlam na ang mga mata nitong nakatitig sa'kin. Hindi ako makapagsalita. Parang naumid ko ang aking dila.

"Nasasaktan ako, alam mo ba iyon?" Walang ekspresyon na anas nito sa'kin. "Dahil ang dalawang tao na  mahalaga sa'kin ang parehong nawala.

Hindi ako makapagsalita. Walang mga katagang nais kumawala sa aking lalamunan. Nanatili lamang akong tahimik. Habang hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Ngunit, hindi na ito muling nagsalita pa.

Siguro, mahigit bente minutos na kami sa ganitong posisyon. Nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Hanggang sa, bumukas ang pintuan at iniluwa mula rito ang taong pinakamamahal ko.

Humarap ito sa kanya at nagsasalita.

"Nakahanda na ang sasakyan," halos pabulong na nitong saad, ni hindi man lang ako nito matapunan ng tingin habang naglalakad ito papalapit sa kanya. Huminto ito at maingat na hinawakan nito ang mga kamay niya, hinila para tumayo,  at inakay papalayo sa'akin.

"Amelia! May sumpaan tayo! Nangako ka sa akin!" Pagpupumiglas kung sigaw pero parang bingi lamang ito at hindi man lang ako nito narinig.

Pilit kung kumawala sa pagkatali pero hindi ko kaya, "Hindi ninyo ako p'wedeng iwanan nalang ng ganito!"

Unti-unti kung nararamdaman ang maliliit na aspiling tumutusok sa puso ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa na umalis at hindi man lang ako magawang lingunin.

Wala kayong mga puso. Pagtatangis ko. Bakit gan'on? Akala ko ay wala ng hahadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Pero nagkamali pala ako.

---

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
imnotpsychopath
read nyo na po. maganda sya.
2024-04-24 05:56:51
3
36 Kabanata
Blind Ashes: Prologue
MAGANDA ang gising ko ngayon dahil maski sa panaginip ay kasama ko pa rin siya. May ngiti pa rin sa mga labi ko pagmulat ko ng mata. Finally, akin na siya. Malaya ko na siyang mamahalin nang hindi kinakailangan na magtago pa. Matagal ko na siyang pinapangarap na makuha. Matagal ko na siyang pinagdadasal na mapasa'kin siya. Siguro, hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong nasaktan ako para lang makamit siya. I can't even imagined na magtitino na ako, na siya ang makapagpatuwid sa baluktot kung mundo. Isang mundong nababalot nang puro kasinungalingan. Isang pagkataong nag-aasam nang tunay na pagmamahal. Isang masalimuot na kahapon at isang matagumpay na ngayon. Naramdaman ko na siyang gumalaw, nagpapahiwatig na gising na rin siya. Kaya excited akong tumagilid nang higa para ang kariktan ko naman ang una niyang masisilayan. Kaso, nagtataka ako dahil nahihirapan akong kumilos. Parehong nakatali ang magkabilaang kamay ko. Nakaangat ito na nakatali sa ulunan ng higaan. Imbes na makar
last updateHuling Na-update : 2024-03-24
Magbasa pa
Blind Ashes 1
NAGISING ako sa isang malakas na kalabog na nagmumula sa kabilang silid. Medyo inaantok pa akong nagdilat ng mata. Parang ordinaryo na lamang sa'kin ang ganitong mga scenario na nangyayari sa silid ng mga magulang ko. Kaya tamad na tamad akong bumangon. Kaagad na nagsuot ng tsinelas sa paa at dumiretso sa banyo. Nakatitig lamang ako sa harap ng salamin habang tinatant'ya ko ang sarili kong maghihilamos na ba ako o hindi. Pero, napaigtad na naman ako ng isang malakas na pagsalpok ang aking naririnig. Napabuntunghininga muna ako bago ko napagpasyahang maghilamos na. Pagkatapos magpunas ng mukha, ay wala ng suklay suklay, dumiretso na kaagad ako sa ibaba para makahingi ng pagkain kay ate Analyn. Si ate Analyn ay inaanak ni papa. Ulilang lubos na ito at sa bahay siya nakatira. Patuloy pa rin ang pag-aaway ng mga magulang ko sa taas, hindi ko rin naman naiintindihan ang pinag-aawayan nila. Siguro iiyak ang araw kapag hindi sila nagsisigawan at nagbabatuhan ng mga gamit. Pero kampante na
last updateHuling Na-update : 2024-03-24
Magbasa pa
Blind Ashes 2
'Arf!' Nagising ang diwa ko sa pagkahol ng tuta. Oo nga pala. Hindi ko maintindihan kong bakit bigla na lamang akong nawala sa aking sarili. "Ayos ka lang ba, miss?" Ang boses niya ay parang sumasayaw sa aking pandinig. Ano bang nangyayari sa'kin? Mukhang naengkanto pa ata ako. Jusko, kaya ba may pag-aalala sa mukha ni kuyang guard kanina dahil may kakaiba sa lugar na ito. 'Oh no!' Pero mas hindi ko napaghandaan ang susunod na nangyari. Napahiyaw na lamang ako sa sakit nang mapangahas na hinawakan ng gwapong estranghero ang paa ko. Parang nagising ako sa pagkatulog. Naalala ko, na natapilok pala ako kanina dahil sa pasaway nitong tuta. "Kasalanan ng tuta mo kung bakit hindi ako makatayo ngayon. Bigla kasi siyang sumulpot sa dinadaanan ko kanina. " May himig paninisi ko sa cute na tuta na patuloy pa ring kumakawag ang buntot sa harapan ko. "Pasensya na po, bago ka lang ba rito? Ngayon pa lang kita nakita. " Paglalahad nito ng kamay sa harapan ko. Hindi na ako nag-atubiling hawaka
last updateHuling Na-update : 2024-03-24
Magbasa pa
Blind Ashes 3
PARA AKONG ITINULOS sa aking p'westo nang makita ko ang iba't ibang reaksyon ng hitsura ng mga tao sa loob, nang banggitin ni ate Analyn ang pangalan ko. Kasalukuyan silang kumakain ngayon at saktong sakto lang talaga ang dating ko dahil nagugutom na rin ako.Binasag ni Geraldine ang katahimikan, " maupo ka muna, Joyce. Kumain ka na ba? Mabuti naman at nakabisita ka rito. " Siya ang panganay na anak ni papa kay tita Gretchen. Mas matanda siya ng isang taon sa akin."Busog pa ako, Gigi." Nahihiyang tugon ko rito. Hindi ko nga alam kong saang sulok ako titingin dahil masyadong awkward ang sitwasyon."Naku iha, bawal dito ang tumanggi sa pagkain."Nakangiting wika ni tita Gretchen. "Analyn, pakikuha nga ng plato para kay Joyce at Liam. ""Sa bahay nalang po ako kakain tita, hinatid ko lamang po siya rito kasi napilayan siya dahil kay Krixie. " Magalang na tanggi ni Liam kay tita Gretchen."Oh siya, pero pakisabi sa mama mo na pumunta kayo rito mamayang gabi dahil may hinanda akong kaunti
last updateHuling Na-update : 2024-03-24
Magbasa pa
Blind Ashes 4
"Ayos ka lang ba, Joyce?" Untag sa akin ni Gigi. "O-okay lang ako," medyo nauutal kong wika sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Talagang hindi ako makapaniwala. Nang mapagawi ang mga mata ko kay Liam ay parang wala lang ito sa kanya ang nangyari. Deserve ko ang paliwanag niya pero wala man lang siyang ginawa, ni hindi man lang siya humingi nangg paumanhin sa akin. 'Na like, hello? Bestfriend here. Kaso wala. Kailangan ko pa ba na manghula? ' Karapatan ko iyon bilang kababata niya. Kailangan ko siyang makausap ng sarilinan, because I really deserve an explanation from her. Kung hindi nabanggit nitong isa, hindi ko pa malalaman. "Nasabi na ba sayo ni Liam na ikaw ang ultimate crush niya?" Nakangiting humarap si JennyLyn sa akin. 'Wait, What? Tama ba ang narinig ko? ' "Ha?" Gulat na tumingin ako sa kan'ya. 'Sandali lang naman. Ang dami namang pasabog nito. Hindi ako prepared.' "Seryoso ka ba na ako? Crush ni Liam?" Muli kong tanong sa kan'ya. L
last updateHuling Na-update : 2024-04-12
Magbasa pa
Blind Ashes 5
LABIS akong nasaktan sa pagkabigo ko kay Amelia kaya kahit hindi pa tapos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Papa ay nagpaalam nakaagad ako sa kanila upang umuwi." Sayang naman at hindi ka magtatagal dito, nak." May panghihinayang pinagmamasdan ako ni Papa."Pasensya na po, babalik na lang po ako susunod. " Malungkot na yumakap ako kay Papa."Hindi na ba pwedeng ipagpabukas iyan?" Pagpipigil ni Tita Gretchen sa akin."Emergency po kasi, eh, " pagsisinungaling ko sa kanila.Ang totoo ay nasanay na kaming dalawa ng kapatid kong si Vinice na maiwan kasama ang mga kasambahay pero ang nirason kung dahilan sa kanila ay walang makakasama ang kapatid ko roon dahil biglaan ang business trip nila mama at daddy."Ipapahatid ka na namin kay Liam. " Saad kaagad ni Papa na ikinaalma ng aking buong sistema."Naku, h'wag na po! Magtataxi na lang po ako. " Mabilis ang ginawa kong pagtanggi sa alok ni Papa."Hindi ako papayag na hayaan kita na bumiyahe ng mag-isa sa daan. ""Pero, papaano po ang girlfri
last updateHuling Na-update : 2024-04-14
Magbasa pa
Blind Ashes 6
4 years after..Mataman kung tinititigan ang repleksyon ko sa harap ng salamin. At naninilay ang magandang ngiti sa aking mga labi. Simple lang ang suot ko na low rise faded jeans, graphic tee, at comfy sneakers.Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay nakarinig ako ng malakas na pagkatok mula sa labas ng pintuan ng aking silid. Pero inignora ko lamang ito at maingat na naglagay ng light make-up sa aking mukha."Perfect!" Nakangiting tumingin ulit ako sa harap ng salamin pagkatapos kung magpahid ng peach liptint sa aking mga labi." Ate Vera! Hindi ka pa rin ba tapos?" Base na lamang sa paraan nang pagkatok nito sa pinto ay naiinis na ito. Tinawanan ko lamang ito."Palabas na nga," maiksing sagot ko sa kan'ya. Dinampot ko ang aking satchel bag at sinuot, saka ako nagpaikot-ikot ulit sa harap ng salamin bago lumabas ng aking silid.Bumungad sa akin ang nakasimangot na hitsura ng kapatid kong babae na si Vinice. Sasama kasi siya sa'kin ngayon dahil nag-aaya ang bestfri
last updateHuling Na-update : 2024-04-14
Magbasa pa
Blind Ashes 7
NAKATULALA ako sa isang pamilyar na taong kaharap ko ngayon. Wala pa ring pinagbago ang hitsura nito dahil mas lalo pa siyang gumag'wapo. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, Nasilayan ko ulit ang mga mata nito, ang magandang pagkaukit ng hugis ng ilong nito at ang manipis at mapupula nitong mga labi.."Ah miss? Iihi ka rin ba?" Wika pa nito sa akin habang iwinawagayway ang kamay sa aking harapan.. Mahina naman akong tumango. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkatitig sa kan'ya. Para tuloy akong namalikmata.Sumenyas ito na umusog ako ng kaunti, tumalima naman kaagad ako. Daig ko pa ang isang masunuring tuta sa harapan nito.Maingat na binuksan nito ang pintuan ng comfort room, "sige, mauna ka na!" Mahahalata sa pagmumukha nito ang isang pilit na pagngiti. Dahan dahan naman akong tumango at mahinhing pumasok sa loob. Daig ko pa ang isang pino at mahinhing babae sa kinikilos ko ngayon. 'Self, umayos ka ha. Siya lang naman 'yon. H'wag mong gawinmg nakatatawa sarili mo sa harap ng ibang tao.
last updateHuling Na-update : 2024-04-16
Magbasa pa
Blind Ashes 8
"WHAT'S going on here?"Naguguluhang nagpalipat-lipat nang tingin si Sheena sa aming dalawa ni Liam."Magkakilala na pala kayo?"Hindi muna ako umimik. Hinintay ko rin kung ano ang isasagot ni Liam. Mas makabubuti kung mauna siyang magpaliwanag kaysa sa akin dahil gusto ko rin na malaman ang ipapaliwanag nito sa aking bestfriend."Muff?" Pag-uulit na tanong ni Sheena kay Liam habang ang mga mata nito ay naghihintay ng kasagutan mula rito." A common friend, muff."Malamig na tugon ni Liam. Nagpagtingang magkabilaang tainga ko dahil sa sinagot nito. 'W-wait! W-what?! I'm just a common friend to her? Hindi ito maaari!'Naniningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Naiinis ako, pero, wala akong magawa. Ang panget pala sa pakiramdam na ganituhin ka ng taong-- 'Ah! Cheer up, self!' Ayoko ng ganitong pakiramdam... Pinipilit kung pakalmahin ang sarili ko dahil parang nararamdaman ko na may namumuong mainit na likido sa mga mata ko. 'Damn! H'wag ngayon, Vera Joyce! H'wag mong gawing n
last updateHuling Na-update : 2024-04-18
Magbasa pa
Blind Ashes 9
LIAM's POV:NAWALA sa isip ko na umuwi pala ang landlady namin sa probinsya. Dapat pala ay hindi ako pumayag na i-angkas itong weird na kaibigan ni Sheena, 'di sana ito ang makikitulog dito ngayon kundi si Sheena.Mukhang hindi kasi talaga safe kasama, itong friend niya. Part of me is telling I can't trust this girl but there is something about her that I can't ignore --hindi ko lang talaga alam kung bakit.Nakita ko ang pagkilatis niya sa tinutuluyan ko. Tila may hinahanap ito na hindi ko malaman. 'Hindi kaya myembro ito ng akyat bahay gang? I-ko-close muna ang bibiktimahin bago nanakawan? H'wag naman sana.' Nang mapagtanto ata nito na wala siyang mahihita dito sa tinitirhan ko ay saka pa ito humarap sa akin."Sino ang kasama mo rito?" Biglang tanong nito sa'kin. 'Sasabihin ko ba na wala akong kasama o magsinungaling ako?'Kung makaasta ito sa harapan ko na walang ibang nakatingin ay ibang-iba.Gusto ko sanang sabihin dito na may kasama ako at uuwi na 'yon mamaya pero imbes na
last updateHuling Na-update : 2024-04-20
Magbasa pa
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status