LOGINPagkatapos pumasok ni Jiro sa kanyang study, naiwan si Chloe mag-isa sa maluwang na silid. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid, malinis ang ayos, walang labis na dekorasyon, at ang kabuuang tono ng kulay ay gray at puti. Sumasalamin ito sa malamig ngunit elegante niyang estilo.
Habang nakatitig siya sa bintana, biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa mesa. Nang makita niya ang pangalan ng ama sa screen, agad namutla ang kanyang mukha.
“Dad…” mahina niyang sambit nang sagutin ang tawag, pinipilit itago ang panginginig ng kanyang tinig. May bahagyang ningning ng takot sa kanyang mga mata.
“How is it?” malamig at paos na tinig ng kanyang ama ang lumabas mula sa kabilang linya. Tinutukoy nito ang blind date niya kay Jiro.
“A-already… I have already received the certificate,” sagot niya, nakayuko, nakatitig lamang sa sariling mga kamay na nakalapat sa kanyang hita.
Sandaling natahimik ang kabilang linya. Tila inaasahan na ng kanyang ama ang naging resulta, kaya hindi na siya nagtangka pang magtanong. Sa halip, malamig siyang nagbilin. “Go home with him tomorrow.”
At bago pa siya makasagot, ibinaba na ng kanyang ama ang tawag, parang wala itong interes kahit marinig pa ang boses ng sariling anak.
Walang bahid ng pag-aalala sa biglaan niyang kasal, walang kahit kapiranggot na malasakit kung natatakot ba siya o hindi. Para bang isa lamang siyang maliit na piyesa sa laro, madaling ipagpalit, walang halaga.
Marahang ibinaba ni Chloe ang kanyang cellphone, nakaramdam ng bigat sa dibdib. Sanay na siya sa malamig na pagtrato ng kanyang mga magulang, ngunit may maliit pa ring bahagi sa kanyang puso na umaasang, marahil sa pagkakataong ito, makakatanggap siya ng kaunting malasakit. Ngunit gaya ng dati, wala siyang nakuha.
Tahimik siyang naupo, walang laman ang isip. Ilang minuto pa bago siya bumangon, kinuha ang mga damit na iniabot sa kanya ni Jiro, at naglakad papunta sa banyo.
Pagkalubog niya sa bathtub, halos umapaw na ang tubig. Hubad, nakayakap sa sariling tuhod, halos sumiksik ang kanyang katawan na parang gustong maglaho. Ang kanyang baba ay halos lumubog sa tubig.
Sa malinaw na agos ng tubig, unti-unting namula ang kanyang mga mata. Dalawang linya ng luha ang bumaba na sumanib sa malamig na tubig. Mabilis niyang ipinikit ang kanyang mga mata, ibinaon ang buong mukha sa ilalim ng tubig at doon niya tinatago ang pait ng damdamin at ang takot sa bagong yugto ng kanyang buhay.
Makalipas ang kalahating oras, lumabas si Chloe mula sa banyo. Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya si Jiro na nakaupo sa gilid ng kama, may hawak na libro. Nang marinig nito ang kaluskos, agad itong tumingin sa kanya.
Ang maluwag na damit ng lalaki ay nakalapat sa kanyang payat na katawan, kaya’t para siyang batang nagsuot ng damit ng mas nakatatanda. Nakakatawa at nakakaakit tingnan.
May banayad na ngiti at lambing sa mga mata ni Jiro habang nakatingin sa babaeng nasa harap niya. Ibaba niya ang libro, tumayo, at marahang lumapit kay Chloe. Tumigil siya sa kanyang harapan, nakayukong mataman siyang tinititigan.
Akala ni Chloe ay papasok ito sa banyo, kaya mabilis siyang umusog palayo, ngunit agad siyang hinila pabalik.
“Pinag-antay ba kita nang matagal? Pasensya na…” nagmamadali niyang tanong, puno ng kaba, habang sinusuri ang ekspresyon ng lalaki. Baka kasi nagalit ito dahil masyado siyang natagalan sa banyo.
‘Kasalanan ko… nalimutan ko ang oras,’ bulong niya sa isip.
Bahagyang tinaas ni Jiro ang kamay, hinawi ang basang buhok sa noo ng babae. Pinagmasdan niya ang maliit at marupok nitong mukha bago ngumiti ng banayad.
“Well, I have indeed waited for a long time,” makahulugan niyang sagot.
‘I waited for you for eighteen years.’ saad nito sa isipan.
Dahan-dahan siyang yumuko at niyakap si Chloe. Ang init ng katawan nito sa kanyang mga palad ay nagpasikdo ng kanyang puso.
Napatigil sa paghinga si Chloe. Nanigas ang kanyang katawan at hindi makakilos. Ang amoy ng kanyang cologne ay pumuno sa kanyang ilong, nakalalasing at nakakalito.
“I-I’m sorry… next time, I’ll pay attention to the time,” bulong niya, halos hindi makatingin.
“It doesn’t matter,” sagot ni Jiro, banayad at puno ng lambing. “I don’t mind how long it takes.”
Muling kumabog nang mabilis ang puso ni Chloe. Bahagya niyang kinagat ang kanyang ibabang labi, hindi malaman kung ano ang gagawin.
Hinawakan ni Jiro ang kanyang baba, at ang tingin nito ay nanatili sa kanyang mapulang labi, para bang nahulog sa isang bitag. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha, idinikit ang noo sa kanya, at sa mababa at nakakaakit na tinig ay nagtanong. “Can I kiss you?”
Dumampi ang mainit niyang hininga sa pisngi ng babae, tila inaakit siyang sabayan ito sa pagkalunod.
Mas lalong kumalabog ang dibdib ni Chloe, namula ang kanyang mukha hanggang leeg, at ang init ay kumalat hanggang sa kanyang mga tenga. Alam niya, bilang mag-asawa, hindi niya maaaring takasan ang mga ganitong sandali. Kaya’t halos hindi marinig ang mahina niyang hmm bilang sagot.
Ngumiti nang malalim si Jiro, puno ng pag-aaruga ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inilapat ang kamay sa batok ng babae at marahang idinampi ang kanyang mga labi sa mapulang labi nito. Isang banayad na halik, kasing gaan ng hangin, habang naghalo ang kanilang mga hininga.
Ang malambot at mamasa-masang dampi ng kanyang mga labi ay nagpadagundong sa dibdib ni Chloe, para bang may dumaloy na kuryente mula sa kanyang mga labi hanggang sa puso.
Makalipas ang ilang sandali, mahinahon siyang binitiwan ni Jiro, pinipigilan ang sariling damdamin. Nang makita niya ang pamumula at pagkapahiya sa mukha ni Chloe, biglang lumambot ang kanyang puso. Hindi niya napigilang haplusin ang ulo nito, banayad at puno ng pag-aalaga.
“Go to the closet and help me get a set of clothes. I’m going to take a shower,” wika niya, tila walang nangyari.
“O-okay…” sagot ni Chloe, namumula pa rin ang mukha. Agad siyang tumakbo papunta sa closet, kinuha ang pajama at iniabot ito sa kanya.
Pagkapasok ni Jiro sa banyo, napako ang tingin ni Chloe sa nag-iisang kama sa silid. Doon pa lang, muling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Alam niyang iyon ay pahiwatig ng maaaring mangyari ngayong gabi.
Sa pag-iisip na iyon, nanlamig ang kanyang likod at pinagpawisan siya. Gusto sana niyang tumakas, ngunit alam niya kung ano ang naghihintay kapag ginawa niya iyon. Ang mabagsik na insulto ng kanyang ama at ang walang habas na palo ng tungkod.
Matagal siyang nag-isip, ngunit sa huli’y umupo na lamang siya sa gilid ng kama, nag-aabang.
Sa kanyang puso, taimtim siyang nanalangin na ‘Sana, sana maging mabuti siya sa akin. Sana hindi siya katulad ni Papa na laging nakahandang manakit.’
Nang lumabas si Jiro mula sa banyo, dali-daling tumayo si Chloe. Kinuha niya ang tuwalya at nagkunwaring isang mabait na asawa, inabot ito upang punasan ang buhok ng lalaki. Ngunit halatang hindi siya sanay, magaspang at magulo ang kanyang mga galaw.
Napakunot ang noo ni Jiro, hinawakan ang nanginginig na kamay niya at diretsong tinitigan ito. “What are you doing?” malamig ngunit hindi naman galit ang kanyang tinig.
Nataranta si Chloe, halos mabasag ang tinig. “I-I… I want to help… help you wipe your hair.”
Nakaramdam siya ng kaba nang makita ang ekspresyon nito, kaya’t agad siyang naghanap ng paliwanag at nagmamadaling humingi ng paumanhin. “I’m sorry… kung ayaw mo akong lumapit, hindi na po ako magiging pakialamera.”
“No,” maikli ngunit tiyak na sagot ni Jiro.
Hinila niya si Chloe upang makaupo sa tabi niya, at kusa niyang ibinaba ang kanyang basa pang ulo. Naintindihan agad ni Chloe ang ibig sabihin noon. Marahan niyang kinuha muli ang tuwalya at dahan-dahang pinunasan ang buhok ng lalaki.
Makapal at itim ang buhok nito, nakatungo siya na para bang isang maamong malaking aso na tahimik na naghihintay ng haplos. Sa kaisipang iyon, napangiti si Chloe at unti-unting nawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Matapos niyang matuyo ang buhok nito, ibinaba niya ang tuwalya. Bahagya siyang nag-ipon ng lakas ng loob bago nagtanong sa mahinang tinig, “Are you free tomorrow?”
Itinaas ni Jiro ang ulo, hinawi ang ilang hibla ng buhok sa kanyang noo, at tumingin sa kanya nang nakatagilid. “What’s wrong?”
“Papa… wants us to go there tomorrow,” pabulong niyang sagot, maingat na sinusuri ang mukha niya, takot na baka ito’y mainis.
Sandaling natahimik si Jiro bago tumango, puno ng pag-iisip. “Well, I plan to go there with you.”
Malalim ang paghinga ni Chloe, parang nabunutan ng tinik. Ngunit bago pa siya tuluyang makarelaks, muling bumilis ang tibok ng kanyang puso sa susunod na kilos ng lalaki.
“Go to sleep,” marahang wika ni Jiro, habang banayad na hinila ang maliit at payat na kamay niya papunta sa kama.
Hindi niya alam kung ang ibig bang sabihin nito ay literal na pagtulog… o may ibang kahulugan.
Matapos gamutin ng doktor ang paso sa balikat ni Kyle, dumating din ang manager at ang waiter mula sa restaurant. Halatang kabado ang dalawa habang inilapag nila ang resibo at mga gamot sa mesa ng doktor.“Pasensya na po talaga, Sir,” wika ng manager habang nakayuko. “Sasagutin po ng restaurant ang lahat ng gastusin ninyo, pati na rin ang anumang follow-up treatment.”Seryoso ang tono nito, at nakitang taos-puso ang paghingi ng tawad. Kaya’t hindi na nagsalita pa si Kyle. Iniwan niya ang numero ng telepono at pinauwi ang mga ito.“Isuot mo na ang damit mo,” paalala ng doktor nang mapansing nakahubad pa rin siya habang nilalagyan ng ointment.Ngunit nang tignan ni Kyle ang basang polo niyang puno ng mantsa ng sabaw, napakamot siya sa ulo.“Mukhang hindi ko na maisusuot ‘to,” aniya, medyo nahihiya. “Tatawag na lang ako para may magdala ng pamalit.”Tahimik lang si Arienna, nakatayo sa tabi niya. Pinagmamasdan niya si Kyle habang paulit-ulit nitong sinusubukang tawagan ang kung sino, ngu
Habang tinitingnan ni Arienna ang mga nakasabit na damit, maingat niyang pinili ang mga ito isa-isa. Sa huli, tumigil ang tingin niya sa isang blue pinstripe shirt, simple pero elegante. Kinuha niya ang sukat na alam niyang sinusuot ni Jiro at mahinang sabi sa clerk, “Ito na lang po.”Sa labas ng tindahan, isang grupo ng mga lalaki ang naglalakad at isang babae. Sa gitna nila, napatingin si Lorie sa loob at biglang natigilan. Lumapit siya kay Jiro at mahinang bulong,“Sir, si Ma'am Arienna… nasa loob po ng store.”Natigilan si Jiro. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita nga si Arienna na naglalakad papunta sa cashier, hawak ang isang striped shirt. Saglit na napangiti ang mga labi niya.“Gusto n’yo po bang lapitan siya?” tanong ni Lorie.Ngumiti si Jiro, bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi. Pinagmasdan niya sandali ang likod ni Arienna bago marahang umiling.“Hindi na. Let’s go. May meeting pa tayo para sa National Day event.”Ngunit kahit nagpatuloy na sila sa paglakad, halata
Kakaunti na lang at tulog na si Arienna nang biglang tumunog ang cellphone sa tabi nila. Napaigtad siya sa gulat, ngunit agad siyang hinaplos ni Jiro sa balikat, pinapakalma. Kinuha nito ang telepono, sinagot sandali, at matapos ang ilang mahihinang tugon, agad ding ibinaba.“Paalis ka na?” mahina niyang tanong, nakatingin sa mga mata nito.Tumango si Jiro. “Oo. Parating na ang driver.”Hinapit siya nito sa dibdib at marahang hinalikan sa pisngi. Hindi na nagsalita pa si Arienna, nakayuko lamang siya, at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng suot nito. Simula nang magkasama sila, iyon ang unang beses na lalayo siya rito, ang unang pagkakataong haharapin niya ang lahat nang mag-isa.“Be good,” bulong ni Jiro, idinidiin ang ilong sa kanyang buhok. “Babalik ako kapag may oras.”“Sige,” sagot niya, halos pabulong, puno ng panghihinayang.Ilang sandali pa, narinig nila ang tunog ng kotse sa labas. Binitiwan siya ni Jiro at tumayo. Tinanggap nito ang maleta mula kay Marina, sabay sabi, “Mar
Matapos ang halos isang oras, pumasok sila sa isang high-end subdivision sa Pampanga na tinatawag na Alviera, at tumigil sa harap ng isang magarang bahay.“Sir Jiro, nandito na po tayo,” sabi ng driver, sabay bukas ng pinto.Lumabas si Jiro at marahang hinawakan ang kamay ni Arienna.“Halika, tingnan mo kung magugustuhan mo ang bahay na titirhan mo,” sabi niya nang may ngiti.Tahimik silang naglakad papasok. Tumingala si Arienna, pinagmamasdan ang paligid, ang malinis na hardin, ang malawak na sala, at ang tahimik na kapaligiran. Bagaman mas maliit ito kaysa sa bahay nila sa Metro-manila, para sa kaniya, napakalaki pa rin at medyo nakaka-ilang.“Parang masyado naman itong malaki para sa akin,” sabi niya nang mahina. “Pwede naman akong tumira sa campus.”Alam niyang magiging hamon iyon, makisama sa mga kaklaseng hindi pa niya kilala, pero gusto rin niyang subukan.Ngunit ngumiti lang si Jiro at umiling.“Hindi ka naman mag-isa rito. May darating bukas, siya ang tutulong sa ’yo.”Hinila
Matapos ang hapunan, nagtipon ang pamilya at nagkuwentuhan. Si Jayra ay may kakaibang istilo ng pag-iingay, at palaging sinasabayan ni Jiro ang pagbira sa kaniya. Dahil dito, humingi siya ng tulong kay Arienna at ikinuwento ang mga nakakahiyang ginawa ng kaniyang kuya noong bata pa ito.Mahinahong nagbanta si Jiro, “Gusto mo bang tanungin muna kung ibibigay pa ang pocket money mo sa susunod na buwan?”Agad na gumana ang banta. Mabilis na nagbago ng tono si Jayra, sunud-sunod ang papuri sa kaniyang kuya, at nagbigay pa ng dalawang thumbs up.Samantala, si Wenna ay nakasandal kay Gino, at pinagmamasdan nila ang mga anak na may ngiti ng pagmamahal.Ang ganitong klase ng kapaligiran ay hindi inaasahan ni Arienna at hindi niya pa nararanasan. Hindi niya akalaing magiging ganito ka-init at kasaya ang isang pamilya.Habang lumalalim ang gabi at ang liwanag ng buwan ay tumatama sa mga dulo ng puno, tumayo sina Jiro at Arienna upang ihatid sila sa pag-alis.Bago sumakay ng sasakyan, hinawakan
Pagkatapos ng tawag, ibinaba ni Jiro ang telepono at nanatiling nakaupo sa kanyang upuan. Isa pa siyang humithit ng sigarilyo, malamig na ang mga mata, parang unti-unting nawawala ang liwanag sa loob nito.Kinagabihan, kumatok si Juli sa pinto ng silid dala ang hapunan.“Ma'am, nandito na po ang pagkain.”Itinigil ni Arienna ang pagbabasa at tumingin sa kanya na may bahagyang ngiti.“Ate Juli, kaya ko namang bumaba. Hindi naman ako gano’n kahina gaya ng iniisip mo.”Ngumiti ang matanda habang inaayos ang mga ulam sa maliit na mesa.“Mas mabuti pa ring magpahinga muna kayo. Kumain na habang mainit pa.”“Sige po,” sagot ni Arienna, pero sandali siyang natigilan bago sumubo.Napansin iyon ni Juli at ngumiti.“Nasa study Sir,” mahina nitong sabi.“Ah, gano’n ba…” tanging sagot ni Arienna.Magtatapos na ang gabi nang lumabas si Jiro mula sa study. Nang pumasok siya sa silid, nakita niyang nagbabasa pa rin si Arienna.“Hindi ka pa natutulog?” tanong niya. “Nakainom ka na ba ng gamot?”Itina







