Share

46

Author: Boraine
last update Huling Na-update: 2025-12-31 20:58:19

Kinatok ni Arion ang ulo ni Alizee, halatang walang masabi, saka binuksan ang pinto at pumasok sa kotse.

Kahit nag-overtime siya buong araw, okay lang kay Alizee. At least ang hapunan nila kagabi, hindi galing sa bulsa niya. Para sa kanya, sapat na ’yon. Hindi naman mataas ang requirements niya sa buhay.

Kinabukasan, pagdating pa lang niya sa opisina, may pumasok nang mensahe mula kay Benny. May naalala raw itong mahalagang detalye at gusto siyang makausap sa gabi. Sa hotel daw, kasama ang address.

Bahagya niyang kinatok ang screen at nag-reply ng “Sige po,” bago tuluyang ibinaling ang atensyon sa trabaho.

Alas-singko y medya ng hapon, sumakay si Alizee ng taxi papunta sa address na ipinadala. Hindi niya maintindihan kung bakit hotel ang napili, pero wala na siyang oras para mag-isip pa. May tiwala siya, o siguro, gusto niyang magtiwala.

Matapos mag-check in sa front desk, mag-isa siyang umakyat sa elevator. Nang makarating sa room number na ibinigay ni Benny, kumatok siya nang dalawa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   58

    “Masaya rin ako, kaya huwag ka nang mag-alala sa’kin.” Tumayo si Alizee mula sa sofa at marahang itinulak palayo si Arion.Hindi pa rin nawawala ang galit sa dibdib niya. Ayaw na muna niyang makipagtalo pa, mas lalo lang siyang mahihirapang pigilan ang sarili at baka tuluyan na naman siyang bumigay. Ayaw niyang patawarin siya nang ganun kadali.Hindi alam ni Arion kung gaano na kalalim ang nararamdaman ni Alizee noon. Habang pinapanood niyang mawala ang likod nito sa pintuan ng opisina, bahagya niyang iniangat ang sulok ng labi at napatawa nang mahina, halos hindi marinig.Tuluyang dinala si Cris para sa imbestigasyon. Sa loob ng ilang araw, parang nawalan ng haligi ang brand department, magulo ang takbo, bagsak ang morale, at bawat isa’y nangangapa.Si Alizee naman, parang walang nangyari. Araw-araw pa rin niyang tinatapos ang trabaho niya nang maayos, hindi iniintindi kung sino ang uupo bilang bagong director ng department.Makalipas ang isang linggo, nakulong si Cris. Lumabas din a

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   57

    Bumalik si Alizee sa dating ritmo ng buhay niya, walang preno, walang atrasan. Halos gabi-gabi siyang nag-o-overtime, palaging nauuna sa bawat proyekto, kahit hindi naman siya ang pinaka-senior. Sa loob ng mahigit isang taon ng paulit-ulit na paghasa sa sarili, unti-unti na siyang nagsimulang humawak ng sarili niyang mga proyekto: siya na ang gumagawa ng overall planning, marketing strategy, pati mga offline events.Unti-unti ring nagbago ang tingin sa kanya ng brand department. Wala na ang pangungutya, wala na ang pabulong na “di naman yan marunong.” Lahat ay tila nasa tamang direksiyon na, maliban sa isang bagay: bihira na niyang makita si Arion.Isang araw, naglabas ng opisyal na abiso ang headquarters. May itinalaga na raw na bagong general manager para sa Bulacan Branch, may bagong taong mamumuno.Nasa business trip si Alizee nang malaman niya ang balita. Sa group chat ng management, nakita niyang si Arion mismo ang nag-add ng bagong tao. Bigla, parang may kumurot sa dibdib niya,

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   56

    “Ha… anong nangyari?” Napatingin si Alizee kay Arion nang bigla nitong ihinto ang kilos niya. Litong-lito ang mga mata niya, halatang hindi niya maintindihan ang biglang pagbabago.Hinila niya ang damit na nagusot sa pagmamadali, pilit inaayos habang nakatitig sa malinaw na linya ng mukha ng lalaki. Para siyang naghihintay ng sagot, kahit hindi niya alam kung handa ba siyang marinig iyon.Tahimik na nagsuot si Arion, isa-isang isinara ang mga butones ng polo niya. Mababa malamig ang boses nang banggitin niya ang pangalan niya. “Alizee.”Mahinang umungol si Alizee bilang tugon, saka lumapit at niyakap siya mula sa likuran, parang ayaw siyang pakawalan.“Walang patutunguhan ’to kung ako ang kasama mo,” sabi ni Arion, walang emosyon habang lumilingon.Nanigas ang kamay ni Alizee sa baywang niya. Bahagyang nakabuka ang labi niya, at matagal siyang hindi nakapagsalita, parang hindi agad pumasok sa isip niya ang narinig.“Ano ang ibig mong sabihin na walang patutunguhan?” nanginginig ang k

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   55

    “Ang dami mo na namang sigarilyo.”Biglang bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Arion nang marinig ang boses ni Alizee. Mabilis niyang itinago sa likod ang kamay na may hawak na sigarilyo, ibinaling ang mukha sa gilid at pumikit.Pinipigilan niya ang luha sa mata. Nang makalma ang sarili, saka siya muling humarap sa kanya. “Sorry,” mahina niyang sabi.Napakunot-noo si Alizee. ‘Narinig ko ba talaga ‘yon? Si Arion… humingi ng tawad?’Tumayo siya sa dulo ng paa at inilapat ang mainit niyang palad sa noo nito. “May lagnat ka ba?” biro niya.“Ulitin mo pa ‘yan, baka tamaan kita,” malamig na sagot ni Arion, kunwari seryoso.Ngumiti si Alizee. “Wala nga.”Lumapit siya sa basurahan at pinatay ang kalahating sigarilyo. “Salamat kanina,” dagdag niya.“Walang anuman,” sagot ni Alizee, halatang masaya.“Tumaas ba sahod mo?” pabirong tanong ni Arion.Biglang hinampas ni Alizee ang braso niya. “Sa tingin mo ba, pera lang ang iniisip ko?”“Wala naman akong nakikitang ibang bagay na mas pinapahalagahan

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   54

    Tumango si Alizee at tahimik na sumunod kay Arion hanggang sa Narien People’s Hospital.Pagpasok nila sa ward, tumambad ang isang babaeng ubanin na ang buhok at halatang nanghihina, nakahiga sa hospital bed. Nang makarinig ito ng yabag sa pinto, kusa siyang napalingon. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Arion, ang kaninang tahimik na mukha ay napalitan ng pigil na pag-aalala. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at marahang hinawakan ang pulsuhan ni Alizee bago siya igiya palapit sa kama.“Arion…” Napuno ng tuwa ang mga mata ng babae nang makita siya.Agad na lumapit si Arion at hinalikan ang noo ng babae, maingat, parang natatakot na baka masaktan ito. “Ma,” mahina niyang tawag.Si Jayra naman ay nakaupo sa gilid ng kama, abala sa pagbabalat ng prutas. Nang mapansin niya ang dalawa, bahagya siyang ngumiti, isang ngiting puno ng lambing at pagkaunawa. “Dito na kayo umupo,” sabi niya, kusang tumayo at ibinigay ang upuan.Umiling si Arion. Sa halip, hinila niya si Alizee at pinaupo it

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   53

    “Hindi man mahalaga ang sinabi ko kanina, pero tandaan mo, malaki pa rin ang impluwensya ko sa Narien Valley.” Sumandal si Felice sa hamba ng pinto, nakataas ang kilay, puno ng kumpiyansa.Hindi siya nagbibida lang. Kalahati ng buhay niya ay ginugol niya sa lugar na ito. Kilala siya ng halos lahat bilang Madame Feli, isang bansag na hindi basta-basta nakukuha kung wala kang bigat at koneksyon.Ngumiti si Alizee, pero ang mga sumunod na salita niya ang pinakamatapang at pinakamasakit. “Alam ko namang gusto n’yo pa ring makipag-cooperate sa Marinian. Pero sa kasamaang-palad, hindi na namin kayo bibigyan ng isa pang chance.”Halos hingalin na dumating sa likod niya sina Janie at Tanie mula sa sales department. Nagkatinginan muna ang dalawa bago mabilis na humawak sa magkabilang braso ni Alizee. “Pasensya na po,” nagmamadaling sabi ni Janie. “Baguhan pa lang po siya, biro lang po ’yon.”Piliting hinila nila si Alizee palayo, pero kumunot ang noo nito at mahina ngunit matalim ang saway.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status