Tahimik na isinulat ni Chloe sa kanyang isip ang lahat ng sinabi ni Jiro. Saglit siyang tumingin sa paligid ng silid, bago siya mahina ang tinig na nagtanong, “Then… what do you like?”Umiling ang lalaki, banayad ang tinig. “It doesn’t matter what I like. Ang mahalaga, what you like.”Napakunot ang noo ni Chloe, tila hindi makapaniwala. Bago pa man siya muling makapagsalita, hinawakan na ni Jiro ang kanyang kamay at marahang hinila. “You can think about these later. Halika na muna, bumaba tayo at kumain ng dinner.”Nag-alinlangan si Chloe, saka nagtanong nang dahan-dahan, pilit binabasa ang ekspresyon ng asawa. “Is your mother… still down there?”Tumingin si Jiro sa kanya, ang mga kilay bahagyang nakataas. “My mother?”Sandaling tumigil si Chloe, parang nag-aalangan pa. “...Mother-in-law?”Napakunot ang noo ng lalaki at tinanguan siyang parang may ibig ipahihiwatig.Huminga nang malalim si Chloe at sa wakas ay bumulong, “Mom.”Ngumiti si Jiro, at parang gantimpala ay hinaplos ang tukt
Halos mabangga na ni Chloe si Juli na biglang huminto, buti na lamang at nakapreno siya kaagad. Narinig niya ang tinig nitong may halong pagkagulat kaya napataas siya ng tingin, hindi maintindihan kung ano ang nangyayari.“Bakit?” mahina niyang tanong, puno ng pagtataka.Sinundan niya ang direksyong tinitingnan ni Juli, at doon niya nakita ang dalawang estrangherang babae na nakaupo nang maayos sa sofa.Lumapit si Juli sa kanya at mahinahong bulong, “Ma’am, sila po ang ina at kapatid ni Sir Jiro.”Napasinghap si Chloe. Mabilis ang naging reaksyon ng kanyang katawan bago pa man makapag-isip ang kanyang utak. Para siyang batang nahuli sa maling gawain, agad siyang nagtago sa likod ni Juli, naninigas ang katawan at ramdam ang malamig na pawis na umaagos sa kanyang likod.Hindi siya handa. Wala siyang kahit anong paghahanda para makita ang kanyang biyenan. Ang kaba ay biglang sumiklab, kinagat niya ang kanyang labi at nanginginig na nanatili sa likod ng kasambahay. Nagpupuyos ang kanyang
Saglit na tumingin si Jiro kay Chloe. “I’ll answer the phone,” sabi niya, bago siya tumayo at lumakad palayo.Tumango lamang si Chloe. “Okay,” tugon niya, saka muling ibinaba ang tingin sa hawak na kutsara at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream, sinusubukang takpan ang pananabik at kaba sa kanyang dibdib.“Mom,” malamig ngunit magalang na bati ni Jiro nang sagutin ang tawag. Habang kausap ang kanyang ina, kinuha niya ang sigarilyo mula sa bulsa, sinindihan ito, at dahan-dahang humithit. Nang ilabas niya ang usok, tila mas lalo pang tumalim ang kanyang anyo, ang kanyang gilid na mukha, mula sa pananaw ni Chloe, ay natabunan ng manipis na ulap ng usok, kaya lalo siyang naging misteryoso at kaakit-akit.Sa kabilang linya, sumabog ang boses ng kanyang ina. “Are you married?!” halos pasigaw nitong tanong, puno ng galit at hindi makapaniwala.Bahagyang inilayo ni Jiro ang cellphone mula sa kanyang tainga, upang hindi tuluyang mabingi sa sigaw ng kanyang ina. “Mm.” Isang malamig at maikling t
Sa labas tila hindi sumasang-ayon si Jienna, ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, lihim siyang natuwa. Ang ibig sabihin niyon, sa kanyang palagay, ay hindi talaga nais ni Jiro na si Chloe ang magluwal ng kanyang anak.Samantala, si Cienna, habang ipinasok ang karne sa sariling bibig, ay hindi mapigilan ang pag-init ng kanyang dibdib. Habang pinagmamasdan niya ang paraan ng pagtingin ni Jiro kay Chloe, punô ng lambing at pag-aaruga ay nagdilim ang kanyang puso sa matinding selos.“By the way,” biglang singit ni Carlo matapos ilapag ang kanyang kubyertos, “nakilala naba ng mabulang mo si Chloe?” Tumitig siya kay Jiro na tila naghihintay ng malinaw na sagot.Maingat na inilagay ni Jiro ang isang piraso ng isda sa plato ni Chloe. “Be careful, may tinik,” paalala niya, bago siya bumaling muli kay Carlo. “Hindi pa,” sagot niya nang mahinahon. “Nasa abroad pa sila ngayon. Babalik sila makalipas ang dalawang araw. Doon ko ipapakilala si Chloe sa kanila.”Tumango si Carlo, uminom ng isang hig
Itinaas ni Jiro ang paningin at tumingin sa mga taong nasa loob ng silid. Bahagyang lumamig ang kanyang mga mata.Dahan-dahang lumabas si Carlo, pinilit niyang supilin ang mabagsik na anyo at pinakawalan ang isang kunwaring mabait na ngiti. “You’re here, come in and sit,” aniya.“Oo nga, come in, come in,” mabilis na dagdag ni Jienna habang nakangiti.Pagpasok nila sa bulwagan, agad napansin ni Jiro ang paninigas ng katawan ni Chloe, kaya mahigpit niyang niyakap ang balikat nito, para ipaalam na kasama niya siya.Bago pa siya makaupo, napansin ni Chloe ang isang kasambahay na lumabas ng kusina, may dalang tray ng mga prutas. “I–I’ll help wash the fruit,” wika niya, saka kumawala sa bisig ni Jiro at nagmamadaling sumunod sa kusina gaya ng nakasanayan.Sumulyap si Jiro sa papalayong likod ni Chloe, at doon niya nakita ang kasambahay na lihim na nagbigay ng isang mapang-asar na tingin sa babae. Biglang nanlamig ang kanyang madidilim na mga mata.Marunong magbasa ng ekspresyon si Jienna,
Nang makita ni Jiro ang kaba sa mukha ni Chloe, bahagyang kumurba ang kanyang labi. Hindi niya napigilang biruin siya. Bahagya niyang pang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ni Chloe, dahilan upang madali niya itong mahila papalapit sa kanyang bisig at sabay silang bumagsak sa kama.Sa isang iglap, nakahiga na si Chloe sa kanyang dibdib.Bahagyang kumurap si Jiro, at isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Pinagmasdan niya ang naguguluhang mga mata ng babae. “So active?” bulong niya, ang kanyang boses ay mababa, sexy, at may halong kasiyahan.Mariing umiling si Chloe, halos sumabog ang dibdib sa tindi ng kabog. “N-no, I’m not,” sagot niya, nanginginig ang boses. Lalong kumabog ang kanyang puso nang maramdaman ang mainit na palad na nakayakap sa kanyang likuran, mariing humahadlang upang siya’y makakilos.“Let me get up first…” nagmamadali niyang sambit, parang isang langgam sa kumukulong kawali, ang mga kamay ay nakasandal sa dibdib nito, paikot-ikot ang galaw na walang