Share

5

Author: Boraine
last update Last Updated: 2025-09-23 22:22:10

Sa labas tila hindi sumasang-ayon si Jienna, ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, lihim siyang natuwa. Ang ibig sabihin niyon, sa kanyang palagay, ay hindi talaga nais ni Jiro na si Chloe ang magluwal ng kanyang anak.

Samantala, si Cienna, habang ipinasok ang karne sa sariling bibig, ay hindi mapigilan ang pag-init ng kanyang dibdib. Habang pinagmamasdan niya ang paraan ng pagtingin ni Jiro kay Chloe, punô ng lambing at pag-aaruga ay nagdilim ang kanyang puso sa matinding selos.

“By the way,” biglang singit ni Carlo matapos ilapag ang kanyang kubyertos, “nakilala naba ng magulang mo si Chloe?” Tumitig siya kay Jiro na tila naghihintay ng malinaw na sagot.

Maingat na inilagay ni Jiro ang isang piraso ng isda sa plato ni Chloe. “Be careful, may tinik,” paalala niya, bago siya bumaling muli kay Carlo. “Hindi pa,” sagot niya nang mahinahon. “Nasa abroad pa sila ngayon. Babalik sila makalipas ang dalawang araw. Doon ko ipapakilala si Chloe sa kanila.”

Tumango si Carlo, uminom ng isang higop ng red wine, at hindi na muling nag-usisa pa.

Pagkatapos ng hapunan, magkasamang umuwi sina Jiro at Chloe. Nasa passenger seat si Chloe, nakatingin sa labas ng bintana, pinipigilan ang bigat sa dibdib. Ramdam pa rin niya ang hapdi sa kanyang braso, ang marka ng pagkakapisil ni Cienna.

Muling sumulyap si Jiro habang nagmamaneho. Napansin niyang tila malungkot ang dalaga. Inabot niya ang kamay nito, marahang hinawakan at pinisil ang maliit niyang palad na nakahinga lamang sa kanyang hita.

“Maaga pa naman,” malambing niyang alok. “How about we take a walk?”

Napalingon si Chloe sa kanya. Nagliwanag ang kanyang mga mata sa kabila ng lungkot, at dahan-dahang ngumiti. “Sige…” sagot niya ng mahina.

Huminto sila sa downtown, sa isang kilalang night market sa Tondo. Pagkaparada ng sasakyan, agad na bumaba si Jiro at hinawakan ang kamay ng dalaga. Mahigpit niya itong inakay papasok sa mataong kalsada, pinoprotektahan na huwag mabunggo ng mga dumadaan.

Kanina pa man, hindi gaanong kumain si Chloe sa hapunan. Kahit anong ilagay ni Jiro sa kanyang plato, wala siyang ganang kumain. Kaya ngayong nasa night market sila, pinilit ng binata na pasiglahin muli ang kanyang gana.

“They say the food here is amazing,” nakangiting wika ni Jiro habang nakayakap sa balikat ng dalaga. “Let’s try some together, okay?”

Unti-unting lumiwanag ang mukha ni Chloe habang tinitingnan ang makukulay na ilaw at masayang tao sa paligid. Parang bata siyang nagugulat sa bawat tanawin, para bang ngayon lamang siya nakalabas nang ganito.

Mula nang makatapos ng high school, hindi na muling nakapag-aral si Chloe. Sa loob ng bahay nila, bihira rin siyang makalabas. Sa kabilang banda, malaya si Cienna, ngunit si Chloe, sa tuwing magtatangkang magsalita ang natatanggap niya ay puro pang-aabuso at pananakit.

Kaya ngayong nasa piling siya ni Jiro, may alinlangan man sa kanyang puso, hindi niya maiwasang humanga. “Pwede ba talaga ito?” mahina niyang bulong, napapatingala sa matikas na anyo ng binata.

Bahagyang yumuko si Jiro, at sa kislap sa mga mata ng dalaga, parang tinamaan ang kanyang puso. Hindi niya napigilan ang sariling idampi ang halik sa pisngi nito. “Of course.”

Agad namang namula si Chloe, halos matapilok sa hiya. Ibinaba niya ang mukha at para bang gusto nang magtago. Ngunit natatawa lamang si Jiro sa kanyang reaksiyon, pinisil ang kamay nito, at dinala siya patuloy sa mas makulay pang bahagi ng kalsada.

Di nagtagal, isang dessert shop ang nakakuha ng atensiyon ni Chloe. Napatitig siya sa hawak na ice cream ng tindera, at tila nagningning ang kanyang mga mata.

“Do you want this?” malumanay na tanong ni Jiro habang nakatayo sa tabi niya, waring alam na ang sagot.

Tumingin si Chloe sa kanya, kumurap ng ilang beses, halatang gusto niya ngunit nag-aatubili pang magsalita.

Ngumiti si Jiro. Batid niya ang iniisip nito, ngunit sa halip na agad siyang mag-order, hinintay niyang kusang sabihin ng dalaga ang kanyang nais.

Ngumiti si Jiro, saka marahang yumuko sa tainga ni Chloe. “If you want it, say it. Tell the vendor yourself,” bulong niya, puno ng banayad na hamon.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Hindi niya inasahan na iyon ang sasabihin nito. Para siyang natigilan, at kusa nang umurong. Kung may isang bagay na pinakanahihirapan siya, iyon ay ang makipag-usap sa ibang tao. Para sa kanya, kahit ang simpleng pag-order ay parang isang malaking pagsubok.

“Hindi na… ayoko na,” mahinang tanggi niya, halos hindi maipilit ang tinig.

Napabuntong-hininga si Jiro, bahagyang umiling, ngunit hindi siya nawalan ng tiyaga. “But I want it,” sagot niya, nakatitig sa mga mata nito. “Can you order one for me?”

Napalunok si Chloe. Sa tindi ng kaba, hindi na siya nakahanap ng dahilan upang tumanggi. Kaya’t kahit nanginginig ang loob, napilitan siyang tumango. “Anong flavor ang gusto mo?” tanong niya, halos pabulong.

“It’s okay, kahit ano,” tugon ni Jiro, at bahagyang kumurba ang labi. “As long as you order it.”

Matagal pang nag-ipon ng lakas ng loob si Chloe bago siya tuluyang lumapit sa counter. Abala ang tindera sa loob, ngunit agad siyang ngumiti at masiglang bumati. “Welcome! Ano po ang order ninyo?”

Nagulat si Chloe sa lakas ng boses nito, at halos hindi niya matingnan ang mga mata ng babae. Sa sobrang kaba, bumuntong-hininga siya at mahina ang tinig na nagsabi, “I… I want… raspberry cheese ice cream.”

Subalit dahil maingay ang paligid, hindi siya narinig ng tindera. Muli itong nagtanong nang malakas, “Ha? Ano po iyon?”

Wala nang nagawa si Chloe kundi lakasan ang loob at ulitin. Sa pagkakataong ito, lumakas nang sobra ang kanyang tinig. “Raspberry cheese ice cream!”

Umalon ang boses niya sa buong shop, at saglit na tumigil ang mga tao. Lahat ng mata ay napatingin sa kanya.

Namutla si Chloe at mabilis na ipinikit ang mga mata, saka tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay. Parang gusto niyang lamunin ng lupa.

Ngunit mabilis ding bumalik sa normal ang paligid. Ngumiti lamang ang tindera at hindi inalintana ang nangyari. Sa halip, napansin nito ang kanyang mga mata at sinabing, “Ang ganda po ng mga mata ninyo.”

“Th-thank you…” sagot ni Chloe, hindi makatingin nang diretso. Piniling ibaba ang tingin at halos mabulol sa hiya.

Nahalatang naiilang siya, kaya mabilis ding binago ng tindera ang usapan. “Okay, raspberry cheese. Two hundred pesos po.”

Bago pa man makalabas ng pera si Chloe, inunahan na siya ni Jiro. Hinawakan nito ang kanyang kamay at mahinang bulong, “Ako na.”

Matapos magbayad, iniabot ng tindera ang resibo kay Chloe at nagbigay ng magiliw na nagsabi. “Pwede po kayong umakyat, mas konti ang tao doon.”

Nagpasalamat si Chloe, saka sumama kay Jiro paakyat.

Pagdating nila sa ikalawang palapag, naupo sila malapit sa railing, kung saan tanaw ang makukulay na ilaw at masiglang night market sa ibaba. Ngunit nanatiling hindi mapakali si Chloe. Naalala pa rin niya ang hiya at kaba kanina. Kinakabahan siyang baka napahiya si Jiro dahil sa kanya.

Napansin naman ito ng binata. Hinaplos niya ang buhok ng dalaga at mahinahong sinabi, “You did well just now.”

Nag-angat ng mukha si Chloe, saka siya nginitian nang may ginhawa. Unti-unti, nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib.

Mayamaya, dumating na ang tindera dala ang kanilang order. “Enjoy,” magalang nitong wika bago sila iniwan.

Sa mesa, kumikislap ang kulay rosas na ice cream na may tsokolateng sarsa sa ibabaw. Halos hindi na maitago ni Chloe ang pagkasabik, at hindi maalis ang kanyang tingin dito.

Maingat na itinulak ni Jiro ang ice cream papalapit sa kanya. “Eat it quickly.”

Napatingin si Chloe sa kanya, at mahina ang tinig na nagsabing, “Pero… sa’yo ‘yan. Hindi ko naman kailangan—”

“I’m full. You eat,” putol ni Jiro, sabay abot ng kutsarita sa kanya.

Nag-alinlangan pa si Chloe, pilit na minamasdan ang mukha ng binata. Nang masiguro niyang hindi ito naiinis, saka lamang niya tinanggap ang kutsara. “Okay,” bulong niya.

Nakaupo lamang si Jiro, nakasandal ang siko sa mesa, ang isang kamay nakasuporta sa kanyang panga. May ngiti sa kanyang labi at banayad na init sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan siya.

Samantala, nakatutok si Chloe sa ice cream na para bang gusto niyang tandaan ang bawat anyo nito. Ilang sandali pa, sinubukan niya ito. Nilagay niya sa bibig ang unang subo at agad namilog ang mga mata niya. Ang tamis at asim ay naghalo, malamig ngunit nakakaaliw sa dila. Hindi niya napigilan ang ngumiti sa sarap.

Tahimik ang kanyang maliit na mukha, ngunit maliwanag na maliwanag ang kasiyahan dito.

Sa gitna ng sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Jiro. Kinuha niya ito mula sa bulsa, at sa screen ay lumitaw ang isang salita: Mom.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   81

    Matapos gamutin ng doktor ang paso sa balikat ni Kyle, dumating din ang manager at ang waiter mula sa restaurant. Halatang kabado ang dalawa habang inilapag nila ang resibo at mga gamot sa mesa ng doktor.“Pasensya na po talaga, Sir,” wika ng manager habang nakayuko. “Sasagutin po ng restaurant ang lahat ng gastusin ninyo, pati na rin ang anumang follow-up treatment.”Seryoso ang tono nito, at nakitang taos-puso ang paghingi ng tawad. Kaya’t hindi na nagsalita pa si Kyle. Iniwan niya ang numero ng telepono at pinauwi ang mga ito.“Isuot mo na ang damit mo,” paalala ng doktor nang mapansing nakahubad pa rin siya habang nilalagyan ng ointment.Ngunit nang tignan ni Kyle ang basang polo niyang puno ng mantsa ng sabaw, napakamot siya sa ulo.“Mukhang hindi ko na maisusuot ‘to,” aniya, medyo nahihiya. “Tatawag na lang ako para may magdala ng pamalit.”Tahimik lang si Arienna, nakatayo sa tabi niya. Pinagmamasdan niya si Kyle habang paulit-ulit nitong sinusubukang tawagan ang kung sino, ngu

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   80

    Habang tinitingnan ni Arienna ang mga nakasabit na damit, maingat niyang pinili ang mga ito isa-isa. Sa huli, tumigil ang tingin niya sa isang blue pinstripe shirt, simple pero elegante. Kinuha niya ang sukat na alam niyang sinusuot ni Jiro at mahinang sabi sa clerk, “Ito na lang po.”Sa labas ng tindahan, isang grupo ng mga lalaki ang naglalakad at isang babae. Sa gitna nila, napatingin si Lorie sa loob at biglang natigilan. Lumapit siya kay Jiro at mahinang bulong,“Sir, si Ma'am Arienna… nasa loob po ng store.”Natigilan si Jiro. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita nga si Arienna na naglalakad papunta sa cashier, hawak ang isang striped shirt. Saglit na napangiti ang mga labi niya.“Gusto n’yo po bang lapitan siya?” tanong ni Lorie.Ngumiti si Jiro, bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi. Pinagmasdan niya sandali ang likod ni Arienna bago marahang umiling.“Hindi na. Let’s go. May meeting pa tayo para sa National Day event.”Ngunit kahit nagpatuloy na sila sa paglakad, halata

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   79

    Kakaunti na lang at tulog na si Arienna nang biglang tumunog ang cellphone sa tabi nila. Napaigtad siya sa gulat, ngunit agad siyang hinaplos ni Jiro sa balikat, pinapakalma. Kinuha nito ang telepono, sinagot sandali, at matapos ang ilang mahihinang tugon, agad ding ibinaba.“Paalis ka na?” mahina niyang tanong, nakatingin sa mga mata nito.Tumango si Jiro. “Oo. Parating na ang driver.”Hinapit siya nito sa dibdib at marahang hinalikan sa pisngi. Hindi na nagsalita pa si Arienna, nakayuko lamang siya, at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng suot nito. Simula nang magkasama sila, iyon ang unang beses na lalayo siya rito, ang unang pagkakataong haharapin niya ang lahat nang mag-isa.“Be good,” bulong ni Jiro, idinidiin ang ilong sa kanyang buhok. “Babalik ako kapag may oras.”“Sige,” sagot niya, halos pabulong, puno ng panghihinayang.Ilang sandali pa, narinig nila ang tunog ng kotse sa labas. Binitiwan siya ni Jiro at tumayo. Tinanggap nito ang maleta mula kay Marina, sabay sabi, “Mar

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   78

    Matapos ang halos isang oras, pumasok sila sa isang high-end subdivision sa Pampanga na tinatawag na Alviera, at tumigil sa harap ng isang magarang bahay.“Sir Jiro, nandito na po tayo,” sabi ng driver, sabay bukas ng pinto.Lumabas si Jiro at marahang hinawakan ang kamay ni Arienna.“Halika, tingnan mo kung magugustuhan mo ang bahay na titirhan mo,” sabi niya nang may ngiti.Tahimik silang naglakad papasok. Tumingala si Arienna, pinagmamasdan ang paligid, ang malinis na hardin, ang malawak na sala, at ang tahimik na kapaligiran. Bagaman mas maliit ito kaysa sa bahay nila sa Metro-manila, para sa kaniya, napakalaki pa rin at medyo nakaka-ilang.“Parang masyado naman itong malaki para sa akin,” sabi niya nang mahina. “Pwede naman akong tumira sa campus.”Alam niyang magiging hamon iyon, makisama sa mga kaklaseng hindi pa niya kilala, pero gusto rin niyang subukan.Ngunit ngumiti lang si Jiro at umiling.“Hindi ka naman mag-isa rito. May darating bukas, siya ang tutulong sa ’yo.”Hinila

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   77

    Matapos ang hapunan, nagtipon ang pamilya at nagkuwentuhan. Si Jayra ay may kakaibang istilo ng pag-iingay, at palaging sinasabayan ni Jiro ang pagbira sa kaniya. Dahil dito, humingi siya ng tulong kay Arienna at ikinuwento ang mga nakakahiyang ginawa ng kaniyang kuya noong bata pa ito.Mahinahong nagbanta si Jiro, “Gusto mo bang tanungin muna kung ibibigay pa ang pocket money mo sa susunod na buwan?”Agad na gumana ang banta. Mabilis na nagbago ng tono si Jayra, sunud-sunod ang papuri sa kaniyang kuya, at nagbigay pa ng dalawang thumbs up.Samantala, si Wenna ay nakasandal kay Gino, at pinagmamasdan nila ang mga anak na may ngiti ng pagmamahal.Ang ganitong klase ng kapaligiran ay hindi inaasahan ni Arienna at hindi niya pa nararanasan. Hindi niya akalaing magiging ganito ka-init at kasaya ang isang pamilya.Habang lumalalim ang gabi at ang liwanag ng buwan ay tumatama sa mga dulo ng puno, tumayo sina Jiro at Arienna upang ihatid sila sa pag-alis.Bago sumakay ng sasakyan, hinawakan

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   76

    Pagkatapos ng tawag, ibinaba ni Jiro ang telepono at nanatiling nakaupo sa kanyang upuan. Isa pa siyang humithit ng sigarilyo, malamig na ang mga mata, parang unti-unting nawawala ang liwanag sa loob nito.Kinagabihan, kumatok si Juli sa pinto ng silid dala ang hapunan.“Ma'am, nandito na po ang pagkain.”Itinigil ni Arienna ang pagbabasa at tumingin sa kanya na may bahagyang ngiti.“Ate Juli, kaya ko namang bumaba. Hindi naman ako gano’n kahina gaya ng iniisip mo.”Ngumiti ang matanda habang inaayos ang mga ulam sa maliit na mesa.“Mas mabuti pa ring magpahinga muna kayo. Kumain na habang mainit pa.”“Sige po,” sagot ni Arienna, pero sandali siyang natigilan bago sumubo.Napansin iyon ni Juli at ngumiti.“Nasa study Sir,” mahina nitong sabi.“Ah, gano’n ba…” tanging sagot ni Arienna.Magtatapos na ang gabi nang lumabas si Jiro mula sa study. Nang pumasok siya sa silid, nakita niyang nagbabasa pa rin si Arienna.“Hindi ka pa natutulog?” tanong niya. “Nakainom ka na ba ng gamot?”Itina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status