Share

Chapter 6: Marry Me

Makailang ulit pumikit si Yanna matapos niyang marinig ang sinabi ni Alessio.

Pinamulahan siya ng pisngi. Ang masungit at manhid na si Alessio ay nakakagulat na may ganitong pagkatao pala. Halos dumagundong na ang mga salitang iyon sa kanyang isipan. The night that they shared, it was coming back to her bit by bit.

Dahil doon ay napaiwas siya ng tingin at napatuwid ng tayo. "Ano bang magiging role ko sa buhay mo kung gano'n?" kinakabahang tanong niya.

"Well, what kind of role do you want me to play?" balik-tanong nito habang nakangisi. Prente pa itong nakaupo sa kanyang swivel chair na tila naaaliw sa nakikita sa harapan nito.

Sino ba namang hindi matutuwa? Alessio Dimarco's mind is completely occupied by this woman since that hot night they shared together. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ito matanggal sa kanyang isipan. Hinahanap-hanap niya ang halik nito sa tuwina.

It is not normal for him to act and feel like this. He is known to be stiff and cold-hearted. Kahit ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya noon ay umuuwing luhaan dahil hindi niya kayang ibalik ang atensyon na ibinibigay ng mga ito sa kanya. Pero ang babaeng ito na nasa kanyang harapan ay kakaiba.

Simula nang matikman niya ito ay hindi na ito lumubay sa kanyang isipan. Mas lalong tumindi ang kanyang pagka-curious dito nang malaman niyang isa itong maamong tupa sa pamilya Del Valle. Isang babaeng marupok at mahina. He suddenly felt the need to protect her. That's why he became persistent in making her his. Wala rin namang choice ang dalaga dahil kahit pa tumanggi ito ay gagawin niya ang lahat para maangkin niya itong muli.

And now that she's in front of him, hindi mapagsidlan ang kanyang galak. But he has to act cool in front of her. He likes teasing her. Tuwang-tuwa siyang makita ang pamumula ng mga pisngi nito sa tuwing napag-uusapan ang naganap sa pagitan nilang dalawa.

Napabuntong-hininga si Yanna at hinarap ang binata. "I-I need you to marry me..." she suddenly said. Deretsahan itong humarap sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.

Napalunok si Alessio nang dumako ang mga mata niya sa labi nito. He shifted his sitting position and put his hand below his chin. Nabistahan din niya ang suot nitong tight yellow shirt at jeans. Kahit sa simpleng suot nito ay hindi maitatago ang taglay nitong alindog.

He has seen everything underneath her clothes. Kahit ipikit niya ang kanyang mga mata ay ang perpektong hubog ng katawan lamang nito ang kanyang naaalala.

Biglang nag-react ang kanyang sandata mula sa ilalim ng kanyang pantalon. Damn! He's so affected by her. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito siya sa isang babaeng bigla na lang pumasok sa kanyang buhay.

Mabilis siyang napaubo upang pagtakpan ang kanyang pagnanasa. "Marriage? The last time I checked, ayaw mo na panindigan kita. You were so eager to get out of my room that day. And now just popped out of nowhere to propose to me?" Napatawa siya. Pinaghalong pagkaaliw at pagkabigla sa narinig.

This woman is something. She never failed to surprise him. Mas lalo tuloy sumasaludo ang kanyang sandata.

"Sinabi ko 'yun kasi hindi naman siya necessary."

"So, it's now necessary? Is that what you're saying?" He chuckled and shook his head. "You're so funny, Ms. Del Valle. But I don't think you know the gravity of what you're asking me..."

"Fine, Mr. Dimarco! I'm sorry. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito. Kalimutan mo na lang na nagpunta ako rito..." anito saka akmang tatalikod.

Sa loob-loob ni Yanna ay gusto na niyang magpalamon sa ilalim ng lupa sa sobrang kahihiyan. In the first place, bakit nga ba siya naroon sa harapan ng isang pamosong Dimarco?

Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng lalaking maiisip niyang alukan ng kasal ay ang lalaki pang nakasiping niya noong isang gabi ang kanyang naisipan. Gusto na lamang niyang malunod sa kahihiyan ngunit pinilit pa rin niyang magmukhang matapang sa harap ng binata.

"So, you're escaping again, huh? Why do you always go your own way?" bigla ay nagsalita si Alessio na nagpatigil kay Yanna.

Napaharap siyang muli rito. Wala siyang masabi. Gusto niyang umalis upang iligtas ang sarili mula sa kahihiyan ngunit tila may sariling isip ang kanyang mga paa.

"So, what's the catch? Bakit bigla kang nagpo-propose?" tanong ni Alessio.

"Isang taon. Isang taon lang ang hinihiling ko, Mr. Dimarco. Kailangan ko ng tulong mo dahil ito lang ang tanging solusyon ko para makuha ang dapat na para sa akin," paliwanag naman niya.

"Which is what?"

"Ang mana ng Mama ko. Hindi ko iyon makukuha hangga't hindi pa ako naikakasal. Iyon kasi ang nakasaad sa Last Will niya. At isa pa..." Napaiwas siya ng tingin, "Ayoko nang maghanap ng ibang lalaki na aalukin ko ng ganito." Bukod kasi sa ito ang unang lalaki na pinahintulutan niya sa kanyang katawan, perfect candidate din si Alessio Vann Dimarco. Siguradong titiklop ang kanyang pamilya oras na malaman ng mga ito na kasal siya sa isang Dimarco.

Alessio felt elated by the way Yanna became desperate of his approval. Hindi niya ito inaasahan. Ngunit kahit pa hindi ito mag-alok ng kasal ay paninindigan pa rin naman niya ang dalaga. That's how gravely willing he has become to be with her.

But one year? That doesn't sit right. He wanted her in his own terms. No one can ever dictate him for how long can he fuck her.

"Marry me, Mr. Dimarco. After a year, let's file an annullment. Iyon lang ang hinihingi ko," dagdag pa ni Yanna. Determinado na siya. Kailangan niya ang tulong ni Alessio para maisakatuparan ang kanyang plano. Kahit na kapalit nito ay ang kanyang kalayaan ay hindi niya iindahin.

"Hmm..." Maya-maya ay tumayo na si Alessio at naglakad papalapit kay Yanna. "Sa tingin mo ba'y gano'n lang kadali ang hinihingi mo? My family despises annulments. You can't just marry me and only get away to benefit yourself. Dimarcos don't do that, my butterfly." Agad na lumapit ito kay Yanna hanggang sa makulong siya sa pagitan ng desk at ng matipunong katawan nito. "Remember, you're inside my jungle. That means, I'm the king. I make the rules here. That includes the time when to dispose of you..." bulong nito.

Those words sent billions of bolt in between her thighs.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status