Share

Chapter 5: The Decision

"Bakit ako magpapakasal? Attorney, hindi kaya nagkakamali lang ang Mama sa pagsulat nito? Bakit kailangan ko pang magpakasal bago ko ito makuha?" tanong ni Yanna kay Atty. Lozada.

"I'm so sorry, Yanna. But I also don't know how to explain that to you. Hindi kasi ito nagawang ipaliwanag sa akin ni Andrea noon. You know that her death was too sudden..." paliwanag nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya.

Hindi niya matanggap na ang kanyang yumaong ina ay tila pinahihirapan pa siyang makuha ang dapat na para sa kanya. Tanggap naman niya ang unang kondisyon. Isang buwan na lang at magiging bente anyos na siya. Pero ang tungkol sa kasal ay hindi niya mapaniwalaan.

Masyado pa siyang bata para sa ganoong usapin. Para sa kanya ay masyado pang maaga ang 20 years old para maikasal. O tila siya lang itong ayaw ang salitang kasal.

Sa sitwasyon ng kanyang pamilya ay hindi niya maiwasang pandirihan ang salitang kasal. Lalo na't nagdusa ang kanyang ina nang dahil din sa salitang iyon.

Isa pa, sa edad na 35 ay agad itong tinawag ng kabilang buhay at tuluyan siyang inabandona sa mundo. Masyado pang bata ang ina upang gumawa ng Last Will and Testament.

Paano niya magagawang makuha ang kanyang mana kung sa pangalawang kondisyon pa lang ay mukhang imposible na niyang magawa?

Alam ni Yanna na sira na ang kanyang pangalan sa ibang nasa alta sociadad dahil din sa kagagawan ng kanyang madrasta at half-sister. Marami sa mga dating kaibigan ng kanyang ina ay ang mabilis siyang nalimutan. Kahit ang mga ninong at ninang niya ay tila hindi na siya kinikilala. Sa ganoong estado pa lang ay imposible nang makahanap ng isang lalaki na handa siyang pakasalan sa lalong madaling panahon.

Pagkatapos nilang makapag-usap ay naiwan na si Yanna sa restaurant habang nakatitig sa copy ng Will ng kanyang ina. Nawawalan na siya ng pag-asa.

Nilisan niya ang probinsya dahil pagkatapos ng mahabang panahon ay kinuha na siya ng kanyang ama. Akala niya ay magiging madali ang lahat. Despite knowing all the bad things that happened in her family, mas pinili pa rin niya ang makasama ang ama sa pag-aasam na mabuo ang kanilang pamilya. Ngunit mas lalo lamang naging impyerno ang buhay niya.

Gusto niyang bawiin ang mga bagay na matagal nang ipinagkait sa kanya ng tadhana. Gusto niyang itaguyod ang DV Incorporated, ang kumpanya na pinaghirapan ng kanyang ina. Hindi niya hahayaan na mapunta na lang sa wala ang lahat ng ito. Hindi ang kanyang ama ang magiging dahilan ng tuluyang pagkawasak ng kanilang pamilya.

Sa kalaliman ng kanyang pag-iisip ay naisipan na niyang umalis sa naturang lugar at sumakay ng taxi.

Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakaharap sa isang mataas na building. Ang D.M. Group building.

Ang D.M. Group ay ang isa sa pinaka malaking kumpanya sa buong Pilipinas at ang panglimang kumpanya sa Asya na may malaking expansion progress. Pag-aari ito ng mga Dimarco. Sila ang pamosong pamilya na itinuturing na "untouchables". Walang sinuman ang kayang kalabanin ang mga ito lalo na sa larangan ng negosyo.

Ang mga Dimarco ay kilala sa banking industry. At ngayon na umupo na ang pinakabagong CEO ng D.M. Group ay mas lalo pang yumabong ang paglago ng kumpanya sa buong Asya.

Napabilog ng kamao si Yanna habang nakatanaw sa building na iyon.

Ipinangako niya sa sarili na hinding hindi darating ang araw na ito sa kanyang buhay. Ngunit isang araw pa lamang ang dumaan ay tila kinakain na niya ang kanyang salita.

"Umm... excuse me? Gusto kong makausap si Mr. Alessio Vann Dimarco," aniya sa harap ng magandang receptionist na mabilis siyang binistahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Napakunot pa ito ng noo at mahahalata ang pandidiri sa paraan ng pagkakatitig nito. "Appointment number?" mataray nitong tanong.

"Umm... Ano kasi... Hindi ako nag-book ng appointment. Pero kilala niya ako, Miss. Sabihin mo lang na nandito si Ms. Del Valle sa labas," aniya habang nakangiti.

"Miss, hindi magsasayang ng oras sa'yo para labasin ka ng CEO namin. Kailangan mo ng appointment number para makausap siya!" anito na nagtataray pa rin.

Napatingin tuloy si Yanna sa kanyang sarili. Nakasuot lang kasi siya ng simpleng yellow T-shirt at jeans. Idagdag pa na wala siyang suot na make-up o kahit pulbo man lang. Pero kahit ganoon ay masasabi niyang may ibubuga pa rin siya.

Kahit kasi laki siyang probinsya ay lumalabas pa rin ang kanyang maputing kutis. Namana niya ito sa kanyang yumaong ina na may lahing Amerikana.

Walang ibang nasabi si Yanna. Bigla na lang siyang natuod sa kanyang kinatatayuan at tila nalimutan na ng receptionist ang kanyang presensya. Kailangan na niyang makausap si Alessio sa lalong madaling panahon.

Napabutong-hininga muli ang babae sa kanyang harapan. "Pwede bang umalis ka d'yan? Nakakaabala ka sa mga taong dumaraan!" sikmat nito.

"Miss Del Valle?" tinig ng isang lalaki ang kanyang naulinigan.

Pagkalingon niya ay nabungaran niya ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng eyeglasses. Matangkad ito ngunit mas matangkad pa rin si Alessio kaysa rito.

Nangunot ang kanyang noo at itinuro ang sarili. "A-ako?"

"Yes! You're Miss Marianna Aleinne del Valle, right?"

"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong niya.

Napatawa naman ang lalaki sa kanya at napaayos ng eyeglasses. Lingid sa kaalaman ni Yanna ay ang lalaking kaharap ay ang mismong secretary ni Alessio. "I'm Justin. I'm Mr. Dimarco's secretary. You're looking for him, right?"

Wala sa loob na napatango naman ang dalaga. Habang ang receptionist naman na kanina pa nagtataray sa kanya ay kuntodo kung magpa-cute sa secretary ni Alessio.

"S-Sir Justin! Nandito po pala kayo. Kilala n'yo po pala si Ms. Del Valle?" humahagikhik na tanong ng receptionist.

"Do your job properly, Ms. Candelaria. Maswerte ka at ako ang nakakita sa'yo. But I'm not sure if the boss can spare you once he found out what you did to this lady. Anyway... Let's go?" paanyaya nito.

Tumango naman siya at sumunod kay Justin. Sumakay sila ng elevator.

Tila nakabibinging katahimikan ang namayani sa loob ng elevator.

"Umm... Napadaan lang talaga ako, promise!" pagsisinungaling niya. Pilit pa siyang ngumiti upang maitago ang awkwardness niya.

Napangiti naman si Justin. "Don't worry, Ms. Del Valle. You'll be in good hands..."

Tila nangilabot si Yanna sa sinabi nito. Ang alaala sa loob ng D'Marc Hotel ang biglang rumagasa sa kanyang isipan. Mabuti na lang at bumukas na ang elevator.

Pagkapasok nila sa opisina ay kaagad lang din siyang iniwan sa loob ni Justin. Pagkaharap niya sa may office table ay ang abalang pigura ni Alessio ang kanyang nabungaran.

Nakasuot ito ng eyeglasses habang tumitipa sa computer. Paminsan ay naglalagay ito ng marka sa isang papel na nasa harapan nito.

Hindi maipagkakaila na gwapo ang binata. Mula sa matipuno nitong katawan hanggang sa mapupula nitong labi ay tila nanuyo nang husto ang kanyang lalamunan.

"Like the view?" bigla ay tanong nito nang hindi nakatingin sa kanya.

"H-ha?"

"So, you've finally come, huh? Nakapag-decide ka na ba, Ms. Del Valle?" tanong nito. Pagkatapos niyon ay hinubad nito ang eyeglasses at sumandal sa swivel chair saka siya hinarap.

"Ah... Ano kasi... may gusto lang sana akong itanong at klaruhin sa'yo," pag-uumpisa niya.

"Ano 'yun?"

"Bakit ako? I mean, hindi lang naman siguro ako ang babaeng naikama mo. Maraming mas deserving ng alok mo. Pero bakit ako?"

"Hmm..." napaisip ito saglit at saka siya tinapunan ng tingin. "Bukod sa kasalanan mo naman kung bakit ka napunta sa kwarto ko, well... I just like fucking you..."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "W-what?!"

Grabe. Ano bang klaseng bibig ang mayroon ang lalaking ito?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status