Share

Chapter 14: Secret

Nang mag-umaga, nakakunot ang noo ni Fortuno Dimarco, ang utak ng D.M. Group at ang lolo ni Alessio. Kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang cellphone. Tinatawagan niya ang number ni Mang Tope ngunit hindi ito sumasagot.

Lately, tila may napapansing kakaiba si Fortuno sa kanilang butler. Madalas na itong wala sa kanilang mansyon at madalas na hindi sumasagot sa tawag. Dati-rati nama'y mabilis lang ito kung sumagot. Ngayon ay tila nauubos ang pasensya ng matandang Dimarco sa ilang beses na pagtawag niya rito.

Maya-maya ay patakbong pumunta si Mang Tope sa harapan ni Fortuno. Nakayuko ito at nahihiyang lumapit. "S-Sir Fort! Nandito na po ako."

"Tope! Saan ka ba galing at hindi na kita mahagilap dito sa mansyon?" pagalit na tanong ng matanda.

"Pasensya na po, Sir Fort! Nanggaling po kasi ako sa Bella Casa Dimarco. May pinapaasikaso kasi si Sir Alessio sa akin doon," pag-amin nito habang nakayuko.

Napakunot-noo naman si Fortuno. "Sa Bella Casa? At ano naman ang pinapagawa niya sa iyo doo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status