Share

Chapter 2: Grandma’s Wish

"Ako? Babae mo? Siraulo ka ba?!" Mabilis namang hinablot ni Yanna ang kumot at itinapis sa kanyang sarili. Dahil doon ay nahantad tuloy ang naghuhumindig na sandata ng lalaki. Tila naninigas pa rin ito at handa nang mang-araro ng kweba.

Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan at nag-iwas ng tingin. "Sorry! Hindi ko sinasadya. Alam kong kasalanan ko itong lahat kaya humihingi ako ng dispensa. Pero kalimutan na natin itong dalawa. Mag-pretend tayo na hindi ito nangyari."

"So, do you think you can just sleep with me and then leave anytime you please?"

Eksaheradong napabuntong-hininga si Yanna. "Ano bang gusto mong mangyari?"

"Ikaw ang gumapang sa akin, siguro naman ay ako na dapat ang masusunod kung kailan kita paaalisin, 'di ba?"

Napamaang siya. May punto naman ang lalaki. Siya ang unang pumasok at nagpakita ng motibo. Kaagad ang nais nito at umupong muli sa kama. Saka naman tumayo ang lalaki at nagbihis sa kanyang harapan. Isinuot nito ang mamahalin na suit. Pagkatapos niyon ay ngumiti ito at may itinapon pang isang maliit na bagay sa kanyang harapan. Isang calling card.

"I'm Alessio Vann Dimarco, by the way. You have to know the name of the man you slept with. D'yan mo ako tawagan in case you change your mind. Oh, by the way, you only have 3 days to think about it. Kapag nagbago na ang isip mo, just drop by my office. If not, I'll come after you, my butterfly..." anito sa baritono at nakahahalinang boses habang ginagap ang kanyang baba.

At sa isang iglap ay naiwan si Yanna na natitilihan. Sa isang iglap ay nagbago ang takbo ng kanyang buhay.

****

Napahilamos ng mukha si Alessio nang makarating siya sa kanyang mansyon.

Hindi niya maalis sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ng estrangherang bigla na lang pumasok sa kanyang hotel suite. Kakatwa namang nakapasok ito gayong sinarado naman niya ang pinto ng kanyang kwarto. Masyado siyang maingat sa kanyang mga galaw kung kaya't nagtataka siya sa biglaang pagsulpot ng babaeng iyon.

But damn how can he forget about last night? Ang del Valle na iyon ay literal na unang babaeng kanyang ikinama sa tanang buhay niya. Not that he's too innocent about sex, ngunit ito lamang ang babae na ilang beses niyang inararo sa loob ng isang gabi. Sa hindi malamang dahilan ay hindi niya napigilan ang sarili sa pag-angkin sa katawan nito. There was something about her that made him crave for more.

Hindi pa niya naramdaman ito sa ibang babae na saglit lang niyang natikman. Ilang beses na ba siyang nakatikim ng babae? Mabibilang lang sa daliri ang mga ito. Ingat na ingat pa siya sa paggamit sa mga ito dahil ayaw niya na makakita ng dahilan ang kanyang pamilya na siya ay biglaang itali sa isang babae na hindi niya kilala o gusto man lang.

It was exactly 6 months since he came back from the States. Matagal siyang nagtago mula sa kanyang pamilya dahil palagi lang siyang pinipilit ng mga ito na ipares sa kung sino-sino para siya ay nakapag-asawa na.

Alessio Vann Dimarco is known to be stern, cold-hearted, and domineering in any way. He always gets what he wants. Hindi siya kailanman tinatanggihan ng kung sino niyang kaharap. Ngunit pagdating sa kanyang abuelo't abuela'y hindi siya kailanman tumanggi sa mga ito. Kaya't ang pag-alis ang kanyang naging tugon sa ilang beses ng mga ito na ipilit siyang ipares sa mga kababaihan sa sirkulasyon.

Ang pangyayari kagabi ay isang kataka-takang tagpo. Agad na may nabubuong suspetsa na sa kanyang isipan sa partisipasyon ng kanyang lolo at lola.

Isang katok ang nagpabalik sa kanya sa realidad.

"Hijo! Hijo!" Tinig iyon ng kanyang lola na si Trinidad Dimarco. Nasa fifties pa ang kanyang abuela at marikit pa rin kung titingnan. Maalaga ito sa sarili at nakakaya pa rin makipagsabayan sa ibang mga babae lalo na sa gym.

Binuksan niya ang pinto at ang magiliw niyang Lola Trina ang sumalubong sa kanya.

"Son! When did you come home? Hindi mo man lang kami binati ng iyong lolo!" nahihimigang pagtatampo ni Lola Trina sa kanya.

"Sorry, Lola. Dumiretso na ako sa kwarto to take a shower. I'm really tired right now."

Nangislap naman ang mga mata ng matanda pagkabigkas niya sa mga katagang iyon. "You're tired? Does that mean you really did—"

"Lola, can we just talk about something else?"

"Apo, gusto ko lang naman tanungin sa'yo kung kumusta na 'yung girl na nakita kong pumasok sa kwarto mo kagabi. So, did you make her pregnant? Am I going to be a lola again?" Ang ngiti niya ay mas lalong tumingkad, hindi alintana ang nakakaasiwang mga tanong nito.

And he knew well that it was her plan all along. Kaya pala noong nasa loob siya kasama ang babaeng iyon ay hindi na siya makalabas bigla sa kwarto.

Yes, he did kiss the woman and made his hands travel all over her body pero nang maramdaman niyang nag-black out na ang babae ay naisipan niyang lumabas ng hotel suite sa pag-aasam na makita kung saan mang kwarto nanggaling ang babaeng iyon. Ngunit ganoon na lamang ang kanyang gulat nang hindi na niya mabuksan ang pinto mula sa loob. Kahit ilang beses niyang gamitin ang key card ay hindi ito gumagana. Sinubukan din niyang tumawag sa reception desk ngunit kakatwang sira ang keypad ng telepono. Sinubukan din niyang tawagan ang kanyang secretary na si Justin ngunit naisip niya na masyado na itong magiging abala at baka makarating pa sa kanyang lolo at lola. Kaya matapos ng kanyang paghihirap ay tumabi na lamang siya sa dalaga. Hanggang sa humantong na sila sa isang mainit na pagsasalo.

"La, did you just lock my hotel suite last night?"

"A-ako? My son! It's not me, okay?" maang-maangan na sagot naman ng kanyang abuela at napaiwas ng tingin.

Napabuntong-hininga siya at tiningnan nang may pagmamahal ang kanyang lola. "Lola, please don't do anything from now on. Alam mo bang na-cancel ko ang meeting ko because of that? I've been trying to get the company better but if you keep on doing this, how can I do my job?"

"Apo, do you think we're happy na inaalila mo ang sarili mo sa trabaho? You're almost 35 and you're still unmarried! Paano na lang kung isang araw ay bigla na lang kaming mawala ng Lolo mo?" She started crying.

Napapikit naman si Alessio at kinakalma niya ang sarili. Ayaw niyang makipagsagutan sa kanyang lola dahil alam niyang useless lang ang gagawin niya. Kung ang kanyang Lolo Fortuno nga ay hindi manalo-nalo rito, siya pa kayang apo lang?

"La, you're not going to die, okay? Stop saying things like that. Gusto ko lang linawin sa iyo na ang ginawa ninyo kagabi ay isang malaking abala sa kumpanya. I know you're just worried, but please... just let me handle my own affairs, okay?"

"Fine! But when can I see my new apo, son?"

"Magkakaapo lang kayo ulit kung wala kayong gagawin, Lola. Trust me!" Napatingin siya sa kanyang relo. "I'm late, La. I'll see you in the evening. May meeting ako today with Mr. Steves." Hindi na niya hinintay pa ang pagsang-ayon ng kanyang abuela at dali-dali niyang dinampot ang kanyang coat, wallet, at cellphone, saka siya lumakad papunta sa kanyang sasakyan at pinaandar ito palabas ng mansyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status