Share

Chapter 22: Secret Reason

Hindi inaasahan ni Yanna ang pagiging madaldal ni Doña Trinidad. Agad nitong ipinagyabang sa ibang amiga nito ang tungkol sa nangyaring auction kanina.

Ipinagyabang nito na binilhan ito ni Yanna ng isang pamosong painting na nagkakahalaga ng 170 million pesos o mahigit 9 million dollars. Halos hindi makapaniwala ang ibang mga bisita ni Doña Trinidad sa narinig. Kaya lang naman sila nagpunta sa mansyon ng matandang Dimarco ay para makibalita sa totoo. Nabalitaan kasi ng ilan sa kanila ang tungkol sa secret wedding ng apo ni Doña Trinidad at ni Don Fortuno na si Alessio Vann Dimarco. Hindi nila mapaniwalaan na ang mailap at walang kasing lamig na si Alessio ay magpapatali sa isang babaeng walang pinag-aralan tulad ni Yanna.

Naroon si Yanna sa harap ng mga ito. Gusto man niyang umalis at magkulong sa isang kwarto ay hindi niya magawa. Pinipilit siya ni Doña Trinidad na harapin ang mga amiga nito. Halata sa mukha ng matandang babae ang kakaibang lakas ng loob. Proud ito sa kanya. Wala ito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status