Share

Chapter 126

Author: Lirp49
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-15 18:25:33

HUMIHINGI ng tulong ang lalake sa pamamagitan ng tingin nito at agad naman nakabawi mula sa pagkagulat si Yna at dali-daling tumakbo palapit. "A-Anong nangyayari—" Nagkunwari siyang madadapa at mabilis na kumapit kay Ezekiel.

Nang ma-distract ang binata ay sinamantala ng lalake ang pagkakataon at mabilis na umiskapo, walang tinging tumakbo patawid sa kalsada. Hindi na namalayan ang paparating na sasakyan.

Sunod na lang nilang napansin ang tunog ng pagkabunggo at daing ng lalake na nakahandusay
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jane Lucas
ang tagal Ng next
goodnovel comment avatar
Virginita Sumalinog Acebo
Ayan na miss malapit na sa ka totohanan sana Meron na managot sa mangyari lagi na lng nakakalusot Ang gumagawa ng masama KY cath
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 161

    NABULABOG ang buong bahay dahil sa pagdating ni Lando. Marahas nitong itinulak ang pinto at pasuray-suray na pumasok. Namumula ang mukha at amoy ang alak. Halata na maraming nainom dahil hirap itong panatilihing diretso ang katawan.Dahil sa ingay, si Amor na gising pa ng mga sandaling iyon ay lumabas ng kwarto. Napakunot-noo siya nang makitang dumiretso ang bayaw sa kusina at kumuha ng itak. "Anong gagawin mo diyan?" tanong niya kay Lando.Pero hindi ito sumagot. Mas lalong nagtaka si Amor nang mahigpit nitong hawakan ang itak at naglakad palabas."Hoy! Lando!" sigaw niya sabay lapit. "Lasing ka ba? Saan ka pupunta?" Ganoon pa rin, hindi siya pinansin.Hanggang sa maglakad na ito palabas ng bahay kaya tumakbo na siya sa kwarto para gisingin ang asawa. "Joey, gising!"Napabalikwas ng bangon si Joey. "Bakit?" Halatang wala pa sa wisyo."Pigilan mo si Lando at may hawak na itak! Mukhang may binabalak na naman masama!"Sa narinig ay biglang nawala ang antok ni Joey. Mabilis siyang tumayo

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 160

    NAGPALINGA-LINGA muna ang matandang babae bago bahagyang lumapit upang bulungan si Marcus, "May nakita kasi ako noon… Parang… minomolestiya niya 'yung pamangkin niya na may sakit daw sa pag-iisip."Natigilan si Marcus, biglang kumuyom ang mga kamay at tila may kung anong kumulo sa loob-loob niya. Para siyang sasabog ng mga sandaling iyon."Sinabi ko agad sa kapitan 'yung nakita ko," patuloy ng matanda. "Sinugod namin sa bahay nila, pero todo tanggi ang pamilya. Kami pa ang napasama, pinalabas na gumagawa ng kuwento."May isang babae pa ang lumapit nang marinig ang sinabi ng mantanda. "Totoo 'yun," anito. "Minsan pa nga, nagsumbong kami sa pulis. Kaso wala ring nangyari." Bakas sa mukha ang pagkadismaya habang nagkukwento. "Ewan ko ba kung anong ginawa ng pamilyang 'yun at napaniwala nila ang pulis. Hindi na tuloy kami makapagsumbong ulit kasi na-warning-an na kami ng pulis.""Kaya 'pag may nakikita o naririnig ay tumahimik na lang kami," dagdag ng matanda. "Pati ang mga taga-rito, wal

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 159

    MULA nang malaman ni Marcus ang buong katotohanan ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Palihim siyang nag-aral ng management sa ilalim ni Antonio para sa takdang panahon ay maayos niyang mapatakbo ang organization.At nang matapos sa kolehiyo ay nagpasiya siyang magtrabaho sa malayong lugar upang hindi mahalata ang kanilang plano. Nais nilang dalawang mag-ama na linlangin si Teresa at ang mga kapatid para hindi maghinala dahil nais din ng mga itong makuha ang organisasyon.Habang nasa malayo ay malaya niyang nagagawa ang mga nais gawin. Pabalik-balik siya sa Pilipinas para makasama ang ina. Umuuwi lang siya sa bahay kapag may special ocassion tapos aalis din naman agad para hindi na makasalamuha ang mga kapatid, na walang ibang ginawa kundi ang pagtulungan siya, hindi na nagbago ang ugali—parang mga bata.Sa hindi mabilang at muling pagbisita sa ina, habang ini-enjoy ang beach ay nakatanggap si Marcus ng tawag mula sa ama. Napag-alaman nitong nakidnap si Caitlyn, ang nakakalungkot pa

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 158

    TAHIMIK lang at hindi nagsalita ang dalawa sa unahan ngunit pagkaraan nang ilang minuto ay napansin ni Marcus na patungo sa bahay ang tinatahak nilang daan."I said, dumiretso tayo sa kompanya," matigas niyang sabi."Bilin sa'min ni Senior Antonio na after niyong magkausap ni Ma'am Gina ay didiretso kayo pauwi. Alam ni Madam Teresa ang schedule niyo sa school kaya pinag-iingat kayo ni Senior."Kumuyom ang parehong kamay ni Marcus, kahit gusto niyang umapela ay pinili na lamang niyang manahimik hanggang sa makauwi sila sa bahay.Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at nang akmang bababa ay may sinabi pa ang assistant, "Sir, hindi po dapat malaman ni Madam na nagkita kayo ni Ma'am Gina. Manatiling lihim ang nangyari sa cabin lalo na ang mga nalaman niyo."Hingang malalim lamang ang naging komento ni Marcus at pagkatapos ay pumasok na sa bahay. Dire-diretso siya patungo sa hagdan kung saan ay makakasalubong niya pa ang madrasta. Natigilan siya, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng in

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 157

    NAKATITIG si Marcus sa ina habang napapailing. Hindi sila nagkakaintindihan ngunit hindi niya iyon masyadong pinagtuonan ng pansin. Ang mahalaga sa kanya ay maialis ito sa lugar.Muli niya itong hinawakan sa kamay at hinila palabas—itinutulak ang mga tauhan na humaharang."Move!" sinigawan niya muli ang mga ito.Hanggang sa tuluyan umiksena na ang assistant. "Sir, mas lalo niyo lang inilalagay sa alanganin ang kaligtasan ni Ma'am Gina kung ipipilit niyo ang gusto niyong itakas siya rito."Natigilan si Marcus, dahan-dahan ang paglingon sabay tingin nang masama sa assistant. Sa isang iglap ay mabilis itong kinuwelyuhan, ang kamay ay nakaamba na para suntukin ito sa mukha."Marcus!" sigaw ni Gina bago pa tuluyang magkagulo. "Bitawan mo siya." Mabilis niyang nilapitan ang anak, pilit inaalis ang kamay nito sa uniform ng kaawa-awang assistant. "Ano bang nangyayari sa'yo?! Ba't mo siya biglang sinugod?"Nanggagalaiti na si Marcus sa galit kaya namumula na ang mukha at kanyang leeg. Gayon pa

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 156

    KILABOT ang hatid ng impormasyong dala ni Marcus. Kung manganganib din pala ang buhay niya ay bakit kailangang siya pa ang maging alay?"Tinuturing niya ba talaga akong anak?" hindi niya mapigilang isumbat. Ang mga pasiyente at ilang tao sa paligid ay napatingin matapos niyang magtaas ang boses.Naging conscious sila sa mga nakapalibot na tingin kaya nagpasiya si Ezekiel na dalhin na ang mga ito sa pribadong lugar, malayo sa mata ng ibang tao. "Ang mas mabuti pa ay lumipat tayong lahat sa opisina ko." Matapos ay hinawakan niya ang kamay ni Caitlyn. "Mas makakapag-usap kayo nang maayos do'n."Nagpatianod naman ang dalaga hanggang sa makapasok silang lahat. Naglabas ng upuan si Ezekiel para sa apat saka niya piniling tumayo sa tabi ng pinto. Kahit naka-lock ay gusto niyang magbantay habang nakikinig sa mga ito.Sandali muna silang natahimik hanggang sa magsalita si Marcus, "Magulo at nakakatakot ang buhay na kinalakihan ko. Ibang-iba sa isang normal na pamilya na gaya ninyo… Napapatanon

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 35

    MATAPOS ang rounds ni Ezekiel ay bumalik siya sa opisina. Pagod siyang naupo sa swivel chair at marahang huminga nang malalim bago dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang white gown.May ilang notification at mensahe siyang natanggap, pero ang sa private group chat lang ang binasa niya.Dalawa sa

    last updateHuling Na-update : 2026-03-21
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 25

    NAHABAG si Meriam sa anak at niyakap niya ito nang mahigpit, isipin pa lang niyang may mawawala isa man sa kanyang mga anak ay hindi na niya kakayanin.Siya ang unang masisiraan ng bait. “Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo?! ‘Wag kang magsalita ng ganyan!”“Hindi!” hiyaw ni Fiona, nagpupumiglas. “Gusto

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 27

    PINARADA ni Caitlyn ang kotse sa isang gusaling natatanggal na ang pintura. Sa loob matatagpuan ang opisina ng taong kausap kanina.Pangalawang beses na niyang nakapunta sa lugar kaya hindi na siya takot kahit madilim ang hallway at nasa dulong bahagi pa ng gusali ang sadya.Nang makarating ay kuma

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 30

    PINAGMASDAN ni Meriam ang natutulog na anak. “Hindi naman malubha ang sakit niya, tama? Pero si Fiona, mas higit akong kailangan ng anak ko rito,” aniya, pinipili ito kaysa kay Caitlyn—ang sariling anak. “Maaari bang ikaw na muna ang bahala sa kanya?” Saka niya ito nilingon.Hindi umimik si Ezekiel

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status