Mag-log inHININTAY lang ni Caitlyn ang kaibigan na makauwi bago siya umalis papunta sa condo ni Ezekiel. Bukas na kasi ang alis nito kaya napagdesisyunan niyang doon mag-sleep over.Naka-ready na ang pagkain ni Mika para hindi na nito kailangan pang magluto. Mga ten minutes din siya naghintay hanggang sa dumating ito na halatang nagmamadali, "Sorry, ngayon lang ako."Napangiti si Caitlyn. "May humahabol ba sa'yo?"Umiling si Mika kahit tila ganoon naman nga ang nangyari. Bigla kasi siyang inabangan ng ex sa labas ng university kaya sa likod pa siya dumaan. Tuloy, mahaba ang naging biyahe niya pauwi. "Paki kumusta ako kay Dok Ezekiel, sabihin mo, ingat sa biyahe."Tumango si Caitly sabay yakap at pagkatapos ay lumabas na ng unit. Naglakad siya patungo sa elevator hanggang sa makasakay. Nagmaneho na siya palabas ng building nang mapansin sa gilid ng exit ang isang lalakeng nakatayo, kausap ang guard.Dahil madadaanan naman ay hindi niya naiwasang marinig ang sinasabi nito."May kaibigan ako sa lo
PAGOD na lumabas si Fiona sa kotse sabay kuha ng paperbags. Umaga pa lang ay busy na siya ay kanina ay regular check up niya.Kondisyon iyon ni Emilio, upang maiwasan na mabuntis siya at hindi pa naman ito gumagamit ng proteksyon. Kaya siya ang nagsasakripisyo na uminom ng contrac*ptives.Pagkatapos ay dumaan siya sa mall at namili ng mga damit at gamit na nagustuhan lang niya habang naroon. Bitbit ang pinamili ay sumakay na siya ng elevator, hindi na pinansin pa ang tingin ng ibang residente—sanay na siya.One time, may isang matandang babae ang nagtanong kung anong trabaho niya at madalas siyang makita na laging may bitbit na mamahalin at branded na gamit.Hindi niya sinagot ang matanda kaya nainis ito, simula noon ay iba na ang tingin ng mga nakatira sa building na iyon. Marahil, pinag-uusapan siya at kung ano-anong sinasabi pero wala na siyang pakialam.Ang mahala sa kanya ay na-e-enjoy niya ang tinatamasang buhay.Pagkarating sa tamang palapag ay lumabas na siya at naglakad patun
BINAGALAN ni Caitlyn ang pagmamaneho ng makarating sa condominium building ni Ezekiel, sa unahan ay napansin niya ang isang pamilyar na sasakyan kaya pasimple siyang sumunod pero dahil limitado ang parking space ay napilitan siyang pumarada.Sa kabilang direksyon siya nakakita at pagkatapos ay kinuha ang dalang gift para sa pamilya ni Ezekiel. May gaganaping family dinner sa itaas kaya pinaghandaan niya talaga ng husto.Naglakad siya patungo sa elevator at nang makarating sa tamang palapag ay naabutan niya sa harap ng pinto ang pamilya nito na siyang sinusundan niya kanina. "Good evening po,"magalang niyang pagbati sabay ngiti.Nagkusa na rin siyang bumeso sa Ginang habang tinanguan naman siya ni Federico.Saktong bumukas ang pinto at bumungad si Ezekiel na direkta agad ang tingin sa kanya. Napaiwas siya ng tingin, matapos makaramdam ng hiya dahil ilang araw niya rin itong iniiwasan.Kahit na naging maayos naman sila pagkatapos ay hindi niya pa rin maiwasang mailang."Mauna na kayong
MAGSASALITA pa lang sana si Damian ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Binalewala niya ngunit ang tingin ng tatlo ay nanatili sa kanya."Ba't 'di mo muna sagutin 'yan at baka importante," ani Alejandro, may kaunting malisya sa boses.Nanlalamig ang palad ni Damian ng kunin sa bulsa ang phone. Galing sa bahay ang tawag kaya dali-dali niyang sinagot, "Hello?"Natatarantang boses ng isa nilang katulong ang maririnig sa kabilang linya, "Sir! Nahimatay po si Madam!""A-Ano? Bakit, anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod niyang tanong, biglang nanigas ang katawan sa takot."Hindi po namin alam. Bigla na lang po siyang natumba habang naglalakad."Napatingin si Damian kay Alejandro at sinabi ang nangyari, "Kailangan ko lang puntahan ang asawa ko sa ospital." Nang pumayag ito ay wala siyang sinayang na oras at agad ng lumabas ng opisina.Nabigla naman si Sandro sa naging desisyon ng ama at kinuwestiyon ito, "Hahayaan niyo lang siya, Dad?"Huminga nang malalim si Alejandro. "Wala naman siyan
KATATAPOS lang kumain ni Fiona ng almusal ng maisipan niyang tawagan ang tiyahin. Gusto niyang kumustahin kung ano ng kalagayan nito sa bagong tinitirhan.Gaya ng ipinangako ni Emilio na ililipat ang mga ito sa ibang lugar habang ipapakulong naman si Lando. Ngunit nakailang ring na pero hindi naman ito sumasagot, hindi na rin siya nag-abalang magtext.Makalipas ang ilang sandali ay pinadalhan siya ng mensahe.Amor: Bakit ka tumawag?Fiona: Wala nangangamusta lang.Amor: Okay lang kami.Hindi na siya nagreply pero ilang sandali pa ay nagtext ulit ito ng mahabang mensahe.Amor: Salamat sa lahat ng itinulong mo, Fiona. Simula ngayon, hindi na kami manggugulo at manghihingi sa'yo ng kung ano-ano. Ito na rin ang huling message ko. Ingat ka palagi.Napakunot-noo siya sa pagbabago ng mensahe. Walang duda na lalayo na ito, pero bakit biglaan?Nakakapagtaka, gayong pinangako nito dati na laging mangungumusta sa kanya kapag may pagkakataon.Bakit biglang nag-iba?Gayon pa man ay hindi na niya m
KATOK sa pinto ang nagpalingon kay Mika habang nasa kwarto siya at nag-aayos ng dokumento."Mika, ready na ang pagkain," saad ni Caitlyn."Okay! Palabas na!" sagot niya at hinayaan muna ang documents sa may kama. Pagkatapos ay lumabas na siya at naupo sa harap ng hapagkainan.Matapos magdasal ay tahimik lang silang kumain pero habang tumatagal ay napapansin na niyang tila malalim ang iniisip ng kaibigan. Minsan, pinaglalaruan lang nito ang pagkain o hindi kaya ay sobrang bagal ngumuya at may pagkakataong malalim ang paghinga."May nangyari ba?" hindi napigilang tanong ni Mika.Nag-angat ng tingin si Caitlyn sabay iling. "Wala."Ngunit hindi siya kumbinsado, kilala niya ang kaibigan. Alam niya kung may pinagdadaanan ito at natitiyak niya iyon. Gayon pa man ay hindi niya ito kinulit ng tanong.Hanggang sa matapos silang kumain ay tahimik lang ito kaya siya na ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Himalang hindi ito tumanggi, pero habang naghuhugas ng pinggan ay nakarinig siya ng pagkab
PAREHONG nabigla ang mag-ina sa sinabi ni Caitlyn. Si Meriam ay muntik-muntikan nang mawalan ng malay, mabuti na lamang at agad napahawak sa upuan. “N-Nagbibiro ka lang, ‘di ba?” tanong niya sa anak.Hindi sumagot si Caitlyn at mapaghamon na tiningnan si Fiona. Gusto niya itong mapraning sa pag-iis
KINAGABIHAN, bumisita si Jude na may dalang regalo para sa lahat dahil kababalik lang nito sa bansa matapos ang business trip.Nasa harap na sila ng hapagkainan nang Isa-isang binigay ng binata ang dala sa miyembro ng pamilya at meron din si Caitlyn na ikinabigla niya.“Para sa’kin? Talaga?”Tumang
PAPASIKAT pa lang ang araw nang lumabas si Caitlyn. Gaya ng nakagawian ay naglakad-lakad siya, nag-eexcercise. Pagbalik sa silid, una niyang tiningnan ang cellphone at napansin ang notifications sa private group.“Anong meron?” Saka niya clinick.Doon ay natuklasan niyang bumaba ang stock sa mercad
DAHIL sa reaksyon ni Caitlyn ay napalingon ang pamilya sa gawi niya maging si Yna.Napatayo agad si Meriam, rumehistro sa mukha ang pagkaasiwa sa pagdating ng anak. “N-Nandiyan ka na pala, kumain ka na ba?”“Umakyat ka na sa kwarto mo,” utos ni Alejandro.Ngunit hindi nakinig si Caitlyn, gusto niya







