LOGINPALABAS na ng bahay si Caitlyn nang sumalubong sina Sandro at Jude.
“Sa’n ka pupunta?” tanong ng huli.
Ngunit hindi ito pinansin ni Caitlyn na tuloy-tuloy lang palabas hanggang sa mahawakan ni Sandro sa jacket. “Hindi mo ba siya narinig?”
“Leave me alone!” Saka siya nagpumiglas.
Eksakto naman na humabol ang boses ni Alejandro mula sa taas, “Hayaan mo siya kung gusto niyang umalis!”
Napalingon si Caitlyn, may namumuong luha sa mga mata.
Si Meriam naman ay nakababa na ng hagdan at nilapitan ang anak. Gusto niya itong hawakan pero nag-aalinlangan pa rin siya kaya binaba na lamang niya ang kamay. “Huminahon ka muna, anak. Alam mo naman ang ugali ng ama mo, kasing tigas ng ulo niyong magkakapatid. ‘Wag ka nang umalis, hmm? Kababalik mo pa lang sa’min,” naluluha niyang saad.
Masama pa rin ang loob ni Caitlyn, ngunit naging mahinahon na siya. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa itaas ay nahagip ng paningin niya si Fiona na nagtatago sa pader, may kakaibang ngiti sa labi.
Kumuyom ang kamay niya sa inis at isinumpa sa sariling gaganti siya. Hindi niya hahayaang maagaw nito ang lahat ng sa kanya.
Babawiin niya ang posisyon bilang nag-iisang anak na babae ng pamilyang Salvante at pagbabayarin si Fiona sa lahat ng kasalanang ginawa nito.
Ngunit sa ngayon, kailangan niya munang balikan ang buhay na dalawang taon din nawala sa kanya.
“S-Sorry, ‘Mmy kung naging emosyonal ako,” paghingi niya ng tawad, saka tiningnan ang ama. “Dad, sorry rin.”
Huminga nang malalim si Alejandro saka tumango. Sapat na sa kanya na humingi ito ng paumanhin pero– “Hindi ka dapat sa’min humihingi ng sorry. Sa kapatid mo, kay Fiona. Umiiyak siya dahil sa ginawa mong pananakit.”
“Sinaktan mo siya?!” react ni Jude.
Nang marinig ni Fiona ang boses nito ay agad siyang nagpakita. Tumakbo pababa ng hagdan saka niyakap nang mahigpit ang fiance. “Jude,” tawag niya sa pangalan nito, tila nagsusumbong.
Muntik nang umirap si Caitlyn sa kadramahan nito pero ginawa na lamang niya ang gusto ng ama. Dahil kung magmamatigas siya, paniguradong palalayasin na talaga siya…
Sa kalagayan niyang iyon, saan naman siya magpupunta?
Kailangan niya ng pera at wala siya noon. Maliban na lamang kung makukuha niya ang savings na hawak ngayon ng kanyang mga magulang.
Sa madaling salita, kailangan niyang magtiis at pakisamahan ang hindi makatarungang pagtrato sa kanya ng sariling pamilya hanggang sa makuha niya ang kailangan.
“Fiona,” tawag niya rito, sabay lapit. “Sorry sa nagawa ko, hindi ko na uulitin pa.”
Malambing na ngumiti si Fiona. “Wala ‘yun, Ate. Naiintindihan ko naman kung ba’t ka nagkakaganyan. Hindi naging madali ang pinagdaanan mo at nahirapan ka nang husto.”
Kumibot ang labi ni Caitlyn, parang gusto niyang matawa sa galing nitong umarte pero idinaan na lang niya sa pagngiti. Matapos ay muli siyang nagpaalam na magpapahinga, “Mommy, pwede bang samahan mo ‘ko sandali sa taas?” may paglalambing niyang wika sa ina.
Pumayag naman ito saka sila sabay na nagtungo sa kanyang kwarto. Pagpasok ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. “‘Mmy, nasa’n pala ‘yung mga jewelry ko? Saka, ‘yung bank book?”
“Bakit, anong gagawin mo sa mga ‘yun?”
Ngumiti si Caitlyn. “Wala lang, gusto ko lang makita ‘yung mga gamit ko… Saka, akin naman ‘yun tama?”
Tumango si Meriam. “‘Yung bank book, na sa’kin pero ‘yung mga alahas…” tumigil siya, hindi malaman kung paano ipapaliwanag sa anak. “Ang totoo kasi niyan, hiningi ni Fiona kaya binigay namin.”
Napalis ang ngiti sa labi ni Caitlyn. “Akin ‘yun, ‘Mmy, ba’t niyo naman binigay sa kanya?!”
“‘Wag ka nang magalit, sasabihan ko na lang si Fiona na ibalik sa’yo, okay?” Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik itong may kasamang kasambahay, dala ang kanyang jewelry box.
Akmang kukunin ni Caitlyn ang lagayan nang biglang pumasok sa kwarto si Fiona. “Wait! May naiwan akong kuwintas sa box. Kukunin ko lang.”
Binuksan ng katulong ang jewelry box saka mabilis na kinuha ng dalaga ang kailangan nang magsalita si Caitlyn, “Sandali lang… that’s mine ba’t mo kinukuha?”
“Binigay ‘to ni Mommy sa’kin.”
Hinablot ni Caitlyn ang kuwintas, mahigpit ang pagkakakuyom niya rito. “Akin ‘to, at mananatiling akin.” Umismid siya saka ito tiningnan. “Hindi pa ba sapat na inagaw mo sa’kin si Jude? Pati ang kuwintas na binigay niya, kukunin mo pa?”
Tiningnan ni Fiona ang ina, humihingi ng tulong para mabawi ang kuwintas na gusto.
Malungkot naman na ngumiti si Meriam. “Anak, hayaan mo na lang ang Ate mo, kanya naman talaga ‘yung necklace. Kung gusto mo ay ibibili na lang kita ng bago.”
Malungkot pa rin ang itsura ni Fiona pero hindi na pinilit ang gusto dahil nasisiguro naman niyang siya pa rin ang nagwagi. Nasa kanya si Jude maging ang affection ng magulang ay kanya rin.
“Okay,” iyon na lamang ang sinabi niya saka lumabas ng kwarto.
Matapos ay sumunod na rin si Meriam at ang kasambahay para makapagpahinga na si Caitlyn.
KINAUMAGAHAN, bago pa sumikat ang araw ay maagang umalis si Caitlyn. Nagpahatid siya sa isa mga driver nila patungo sa malapit na pawnshop at pagkatapos ay sa mall.
Bumili siya ng mga bagong damit, bag at phone gamit ang sinangla niyang alahas. Hindi niya muna ginamit ang savings dahil may iba siyang paggagamitan.
Pagbalik sa kotse ay nagtanong ang driver, “Babalik na ba tayo, Miss?”
Hinawakan ni Caitlyn ang mahaba at nakapusod niyang buhok. Gusto niyang magpagupit, baguhin ang hairstyle. Pagkatapos ay naglibot-libot pa siya sa iba’t ibang lugar hanggang sa paglubog ng araw.
Habang pauwi ay nag-log in siya sa website ng stock market gamit ang bago niyang biniling phone.
Nang makita niyang lumago pa ang naiwan niyang account ay napangiti siya. Buong akala pa naman niya ay puro pula ang kanyang makikita.
Matapos ay binisita rin niya ang private group na ginawa ng isa sa itinuturing niyang kaibigan kahit hindi niya pa ito nakikita sa personal.
Ang private group na iyon ay tungkol, siyempre, sa stock market at siya mismo ang madalas na magbigay ng tips sa mga interesado. Hindi lalagpas sa sampu ang miyembro noon pero ngayon ay nadagdagan na.
Tiningnan niya ang huling post at may mga comment kung bakit siya biglang nawala. May mga concern at meron din hindi na piniling magkomento.
Isa na roon ang madalas niyang mabigyan ng tips, si King.
Ito rin ang may pinakamarami at huling comment sa post niya, which is noong nakaraang linggo lang.
Muli siyang napangiti saka nagtipa ng bagong post makalipas ang dalawang taon.
Miss Inno: I’m back!
Binase niya ang ginamit na username sa meaning ng kanyang pangalan. Pure or Innocent.
Pinili niya ang huli pero ang cringe kung iyon mismo ang gagamitin kaya pinaikli na lamang niya sa ‘Inno’.
Makalipas lang ang ilang sandali ay sunod-sunod na ang nagko-comment.
Natawa siya habang nagbabasa. May mga nagtatanong kung anong nangyari sa kanya sa loob ng dalawang taon.
May nangungumusta at meron din nagdududa sa muli niyang pagbabalik.
Wala muna siyang ni-reply-an at nakarating na sila sa bahay, mamaya na lamang kapag nasa kwarto na siya.
Pagpasok sa loob bitbit ang pinamili ay sinalubong siya nang masamang tingin ng ama.
“Anong oras na, ba’t ngayon ka lang umuwi?!”
“Lumabas lang ako at nag-shopping.”
“At hindi ka man lang nagpaalam?”
“Tulog pa kayo, wala rin akong nakitang mga katulong pag-alis ko kaya–”
“At talagang sumasagot ka pa?!” singhal ni Alejandro.
Huminga nang malalim si Caitlyn saka humingin ng paumanhin, “Sorry kung ‘di ako nagpaalam.”
Nang sandaling iyon ay lumapit na ang kanyang Ina at Fiona.
“Ang dami mo naman atang pinamili, sa’n ka kumuha ng pera?” tanong ni Meriam.
“Iyong mga alahas, sinangla ko.”
“Ano?!”
“What?!”
Magkasabay na react ng dalawang babae.
“Pati ‘yung necklace na kinuha mo sa’kin?” ani Fiona.
Tinaasan ito ng kilay ni Caitlyn. “Akin naman ‘yun, so, pwede kong gawin ang gusto ko sa kuwintas na ‘yun.” Matapos ay saka ito nilagpasan at pumanhik sa itaas.
PAYAPANG nakaupo si Caitlyn sa bench habang pinagmamasdan ang paligid. Nasa garden siya ngayon, iba’t ibang bulaklak ang nakikita niya. Mula sa kanang bahagi ay mapagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw, kung hindi lang nakakasilaw ang sinag ng araw ay kanina pa siya nakatitig sa nagkukulay kahel na ulap.“Caitlyn.”Lumingon siya matapos marinig ang pangalan. Nakita niyang papalapit si Fiona. “Bakit?”“May gusto sana akong kunin sa study room kaso nando’n si Daddy at Sandro. Pwedeng ikaw na ang kumuha?”Napakunot-noo siya. “Why me? ‘Di ba pwedeng ikaw na ang kumuha?”Huminga nang malalim si Fiona at pinagmasdan ang mga bulaklak sa paligid. “Disappointed si Daddy sa’kin at hindi niya ‘ko pinapansin.”“At bakit?” Gusto niyang malaman na kung bakit ang most favored na anak ay biglang neglected na.Kumuyom ang kamay ni Fiona, naiinis siya pero kailangan niyang maging mahinahon kung gusto niyang maging successful ang lahat. “Alam kong may idea ka na kung bakit. I lied, at nalaman ni D
TUMANGO-TANGO ang katulong habang hinihimas-himas ang braso na para bang kinikilabutan. “Nakakatakot po ‘yung tawa, Miss.”Ngumiti si Caitlyn. “Baka wala lang ‘yun,” iyon na lamang ang sinabi niya ng sandaling iyon para hindi ito matakot. “Kung tapos ka na, gusto ko sanang magpahinga.”Nang maiwan siyang mag-isa, pumasok siya sa banyo. Naghintay na marinig ang tawa ni Fiona pero wala naman, kaya inisip niyang baka kung ano-ano lang ang naririnig nito.Mga bandang hapon, nagising siya sa ingay ng cellphone. Nang tingnan ay tumatawag si Mika, “Hello, Caitlyn?”“Hmm, napatawag ka? Nasa condo ka na?”“Nasa university pa ‘ko, may last class pa. Tumawag lang ako para tanungin kung kumusta ka riyan sa inyo?”“Ayos lang, kagigising ko lang.”“Si Fiona, na-discharge na rin ba?” bulong ni Mika, na tila ba ay may ibang makakarinig sa sasabihin niya.“Oo, magkatabi kami kanina sa kotse habang pauwi.”“Inaway ka?”“Hindi, tahimik nga lang siya. Which is… ang weird lang, ‘di ako sanay.”“Baka ‘di p
SA KABILA ng init ng sikat ng araw ay may kakaibang lamig na naramdaman si Caitlyn. Tila naging malabo rin ang buong paligid at tanging si Ezekiel lang ang nakikita ng mga mata.“Nakita mo na ba ang sasakyan niyo?”Doon lang natauhan si Caitlyn, mabilis na iniwas ang tingin at nagpalinga-linga sa paligid. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang kotse sabay turo. “A-Ayon pala!” At nauna na siyang maglakad papunta roon.Sumunod naman ang dalawa sa kanya. Nang malapit na sila ay lumabas ang driver. “Hello po, Miss Caitlyn,” magalang nitong bati.Tumango siya at nagsalita, “Nasa loob pa si Mommy, sinundo si Fiona.” Pagkatapos ay hinarap niyang muli si Ezekiel. Pero nang magtagpo ang tingin nilang dalawa, muli siyang kinabahan kaya ibinaling niya ang tingin kay Rita. “Salamat, Ate.”“Wala ‘yun, Ma’am,” anito saka nagpaalam na mauuna nang umalis.Hinatid nila ito ng tingin habang papalayo. At nang sila na lamang ang naiwan ay doon na narealize ni Caitlyn.Kailangan niyang harapan, worst ay k
LUMIKOT ang mga mata ni Caitlyn, hindi matingnan ang binata sa mata. Nasa puntong aamin na siya nang biglang hawakan ni Ezekiel ang buhok niya sabay gulo.“Halata sa mukha mong kinakabahan ka. Why are you denying it?”Napakurap-kurap ng mata si Caitlyn, nalilito pa sa nangyayari nang mapagtanto na iba pala ang tinutukoy nito.Akala niya ay tuluyan na siyang mabubuko, tamang hinala lang pala siya.“M-May iniisip kasi ako,” iyon na lang ang sinabi niya, ang tingin ay nanatili sa ibang direksyon.“Ano naman ‘yun?”Napakunot-noo siya nang maramdaman ang hininga nitong dumampi sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito. Nabigla na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya, kaya hinarang niya ang kamay saka ito marahang tinulak.Umayos naman ng tayo si Ezekiel pero ang tingin sa dalaga ay nanatili, tila isang hayop na nangha-hunting at si Caitlyn ang pagkain.Nakakakaba lalo pa at nakangiti ito ng kakaiba.“A-Anong oras na ba? Wala kang pasiyente ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.Tumingin
ALAM ni Caitlyn na wala naman siyang ginawang mali, hindi niya kasalanan ang nangyari kay Fiona at sa pinagbubuntis nito pero nang sandaling iyon… nasaktan siya.Pakiramdam niya may malaking parte siya kung bakit nakunan si Fiona.Lagi naman siya ang sinisisi kapag may nangyayari kaya marahil ay unti-unti na ring tinatanggap ng utak niya na baka nga, may kasalanan din siya.Kaya habang abala pa ang doctor at dalawang nurse kay Fiona ay tahimik na siyang umalis doon.Sa hallway, habang naglalakad ay napasandal sa pader matapos biglang manghina. Hinawakan niya ang braso dahil nasaktan nang husto ang kamay niyang may IV cannula.Sinabayan na hindi pa siya gaanong magaling kaya bumibigay ang katawan niya, lalo na ang tuhod.Mula naman sa dulo ng pasilyo ay naroon sin Ezekiel, hinihingal at pawisan ang noo. Matapos tumakbo nang malaman na nawawala si Caitlyn. Hinanap niya ito sa paligid ng ospital hanggang sa mahagip ng mga mata.Hinahabol niya ang hininga nang lapitan ang dalaga. “Sa’n ka
HINDI na nagsalita pa si Ezekiel at tahimik na lamang naglakad palayo. Sa halip na bumalik sa office ay dumiretso siya sa silid ni Caitlyn. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan itong kumakain kasama ang kaibigan.“Good evening, Dok,” magalang na bati ni Mika. “Nag-dinner na kayo?”Binaba ni Caitlyn ang hawak na kutsara saka tinitigan ang binata. “Kung hindi pa, saluhan mo na kami, marami ‘tong binili ni Mika,” aya niya pa.Sa totoo lang, iyon talaga ang plano ni Ezekiel pero dahil sa nasaksihan kanina ay nawala sa isip niya. “Sige lang, busog pa ‘ko.”Nanatili ang titig ni Caitlyn. Kanina pa kasi ito umiiwas ng tingin. “May nangyari ba?” kaya tinanong na niya.Wala siya sa posisyon para magsabi pero dahil pamilya nito ang involved kaya nagsalita na siya, “Napadaan ako sa emergency room kanina. Nakita ko ang pamilya mo ro’n pati si Jude.”Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Caitlyn. “B-Bakit, anong nangyari? Sinong nasa OR?”“Si Fiona… hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang narinig







