LOGINNAPANGANGA ang mag-ina sa ginawa ni Caitlyn, hindi makapaniwalang isasangla talaga niya lahat ng alahas na pag-aari.
“I-Ibalik mo sa’kin ang kuwintas!” sigaw ni Fiona.
Tumigil sa paghakbang si Caitlyn saka ito tiningnan nang pailalim. “‘Di mo narinig ang sinabi ko?”
“Impossible! Alam kong hindi mo gagawin ‘yun sa alahas na bigay ni Jude!”
Umismid si Caitlyn. “Oh please… why would I lie?”
Rumehistro ang kaba at kalituhan sa mukha ni Fiona. “K-Kasi, mahalaga sa’yo ang kuwintas na ‘yun,” nauutal niyang sagot.
Natawa si Caitlyn. “Noon ‘yun, no’ng hindi mo pa inaagaw sa’kin si Jude kaya wala nang value lahat ng binigay niya.”
Nanginig sa galit ang labi ni Fiona, hindi niya matanggap na sa isang iglap ay magbabago ang nararamdaman nito para sa lalakeng minamahal. Hindi ganito ang inaasahan niyang mangyayari.
Ang nais niyang makita ay isang talunan, sawing Caitlyn na matagal na niyang inaasam na masaksihan.
Samantalang pinanliitan naman ito ng tingin ni Caitlyn. Agad niyang napansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito. “Bakit, ini-expect mo bang iiyak ako dahil lang sa kuwintas at sa lalakeng–” pinili niyang huwag na lang sabihin kung ano nang nakikita niya ngayon sa dating nobyo. Huminga siya nang malalim bago muling nagpatuloy, “Sa dami ng pinagdaanan kong hirap… least of my concern na ang pang-aagaw mo sa boyfriend ko.”
“Caitlyn!” saway ni Meriam. “‘Wag mong pagsalitaan nang ganyan ang kapatid mo!”
Muling huminga nang malalim si Caitlyn, hangga’t maaari ay ayaw niyang masira ang mood dahil ang ganda ng araw niyang iyon. Pero talagang sinusubok siya ng pamilyang nalimutan na siya.
Magkaganoon man ay gusto niya pa rin na kahit papaano ay maipagtanggol man lang ang sarili. Dahil tanging iyon na lamang ang magagawa niya sa sitwasyong iyon.
“Mommy… sino ba sa’min ang totoo mong anak? Ba’t kung ipagtanggol mo siya, parang ako pa ang ampon. Hindi ko siya pwedeng pagsalitaan ng masama pero ‘yung ginawa niya sa’kin, hindi?”
Napaiwas ng tingin si Meriam, halata sa mukha ang hiya. “B-Basta… ayokong maririnig na nag-aaway kayo. Ayoko nang gulo sa pamamahay ko,” matapos iyong sabihin ay umalis na siya.
Si Fiona naman ay agad na sinundan ang Ina habang ang masamang tingin ay nakapukol sa babaeng kinamumuhian. “Hindi pa tayo tapos,” nagngingitngit niya pang sabi.
Pinagmasdan ni Caitlyn ang pag-alis ng dalawa habang may ngiti sa labi. Sa ngayon ay nagwagi siya pero… walang katiyakan kung hanggang kailan dahil nasisiguro niyang hindi roon titigil si Fiona.
SA NAKALIPAS na dalawang araw ay naglie-low si Fiona sa kadramahan nito at pang-iinis ni Caitlyn. Kapag nagtatagpo ang landas nila sa bahay lalo na sa dining area ay tumatahimik lang ito.
Ngunit sa halip na mapanatag ay mas lalo pang nabahala si Caitlyn. Kilala niya si Fiona, ilang taon niya itong itinuring na kapatid kaya natitiyak niyang hindi ito ang tipo ng tao na basta na lamang mananahimik sa isang tabi.
May masama siyang binabalak– Ito ang nasa isip ni Caitlyn, nasisiguro niya iyon.
“Aalis ka ba’t pinahanda mo ang sasakyan sa labas?” tanong ni Alejandro sa anak.
Tumango si Caitlyn habang hinihiwa ang karne sa kanyang harapan. “Don’t worry, hindi ako kung saan-saan pupunta. Check-up ko ngayon sa ospital.”
Matapos niya iyong sabihin ay wala nang nagsalita sa mga ito kaya in-enjoy na lamang niya ang pagkain.
Nang matapos ay tumayo na agad siya, nagpasintabing aalis at hindi na mahihintay ang mga itong matapos sa pagkain.
Naglakad siya patungo sa labas nang biglang may humila sa kanya. Hindi pa man siya nakakalingon ay agad na niyang binawi ang braso. “Anong problema mo?!” Saka tiningnan nang masama si Fiona.
Ngunit sa halip na umaktong nakakaawa, ay nagmataas din ito at tiningnan nang masama si Caitlyn dahil wala naman makakakita sa kanya. “Hindi mo pwedeng gamitin ang kotse at aalis ako.”
Nagtaas siya ng kilay. “You think, dahil kailangan mo rin ng service ay maggi-give way ako? No way, ako ang nauna kaya mag-commute ka.”
“Importante ang gagawin ko sa labas.”
“Mas mahalaga naman ang pupuntahan ko o baka… ayaw mo lang talaga akong pumunta sa ospital para ‘wag gumaling ang mga sugat ko kasi nga naman natatakot ka na bumalik ang ganda kong kinaiinggitan mo.”
Umawang ang labi ni Fiona at sarkastikong natawa. “Me? Maiinggit sa’yo?”
“Bakit, hindi ba? Kahit anong deny mo, kitang-kita sa mukha mo ang totoo. Natatakot kang bumalik ang itsura ko dati dahil nga naman baka iwan ka ni Jude at bumalik siya sa’kin.”
Nanlaki ang mata ni Fiona, tinaas ang kamay para sampalin ito nang makarinig ng yabag ng paa. Ibig sabihin ay may paparating. “Hindi pa tayo tapos!” may diin niyang sabi saka ito tinalikuran.
Mayamaya pa ay dumating ang driver. “Miss Caitlyn, ready na ho ba kayo?”
Nakangiti itong nilingon ng dalaga. “Yes, tara na, kuya at baka ma-late ako.”
PAGDATING sa ospital ay nadismaya si Caitlyn dahil day-off ng Doctor na tumingin sa kanya noong isang araw.
Kaya ni-refer siya ng nurse sa iba at hinatid pa sa office nito. Kumatok ito at ilang sandali pa ay may sumagot mula sa loob, “Who is it?”
Binuksan ng nurse ang pinto ngunit kaunting siwang lang ang ginawa, sapat upang maipasok ang ulo. “Dok, nandito ho ang pasiyente ni Dok Alvin pero day-off niya ngayon. Pwede ho bang matingnan niyo siya?”
Matagal bago ito sumagot kaya inakala ni Caitlyn na nasa isang tabi, nakikinig ay tatanggi ang Doctor sa loob hanggang sa magsalita ito, “Sige, papasukin mo.”
Napakunot-noo si Caitlyn nang unti-unting maging pamilyar sa kanya ang boses nito, tila narinig na niya noon ngunit hindi niya sigurado kung sino.
“Ma’am, pasok na kayo,” saad ng nurse.
Kaya hindi na lamang niya masiyadong inisip at ngumiti sa nurse, bilang pasasalamat sa pag-assist sa kanya.
Ngunit nang humakbang siya papasok at makita kung sino ang nakaupo sa swivel chair, may kung anong binabasa sa hawak na dokumento ay natigilan siya.
“Maupo ka—” nabitin sa ere ang salita ni Ezekiel nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ng dalaga. Pero ilang sandali pa ay nakabawi rin at tinuro ang upuan sa harap ng table. “Diyan ka lang ba?”
Napakurap ng mata si Caitlyn, natauhan saka naglakad palapit upang umupo. “G-Good morning, Dok.” Kahit labag sa kalooban ay kailangan niya pa rin itong galangin.
Para naman walang narinig si Ezekiel, bagkus ay niligpit lang ang dokumentong hawak. “Take off your clothes.”
“W-What?!” react ni Caitlyn saka mabilis na niyakap ang sarili sabay atras.
PAYAPANG nakaupo si Caitlyn sa bench habang pinagmamasdan ang paligid. Nasa garden siya ngayon, iba’t ibang bulaklak ang nakikita niya. Mula sa kanang bahagi ay mapagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw, kung hindi lang nakakasilaw ang sinag ng araw ay kanina pa siya nakatitig sa nagkukulay kahel na ulap.“Caitlyn.”Lumingon siya matapos marinig ang pangalan. Nakita niyang papalapit si Fiona. “Bakit?”“May gusto sana akong kunin sa study room kaso nando’n si Daddy at Sandro. Pwedeng ikaw na ang kumuha?”Napakunot-noo siya. “Why me? ‘Di ba pwedeng ikaw na ang kumuha?”Huminga nang malalim si Fiona at pinagmasdan ang mga bulaklak sa paligid. “Disappointed si Daddy sa’kin at hindi niya ‘ko pinapansin.”“At bakit?” Gusto niyang malaman na kung bakit ang most favored na anak ay biglang neglected na.Kumuyom ang kamay ni Fiona, naiinis siya pero kailangan niyang maging mahinahon kung gusto niyang maging successful ang lahat. “Alam kong may idea ka na kung bakit. I lied, at nalaman ni D
TUMANGO-TANGO ang katulong habang hinihimas-himas ang braso na para bang kinikilabutan. “Nakakatakot po ‘yung tawa, Miss.”Ngumiti si Caitlyn. “Baka wala lang ‘yun,” iyon na lamang ang sinabi niya ng sandaling iyon para hindi ito matakot. “Kung tapos ka na, gusto ko sanang magpahinga.”Nang maiwan siyang mag-isa, pumasok siya sa banyo. Naghintay na marinig ang tawa ni Fiona pero wala naman, kaya inisip niyang baka kung ano-ano lang ang naririnig nito.Mga bandang hapon, nagising siya sa ingay ng cellphone. Nang tingnan ay tumatawag si Mika, “Hello, Caitlyn?”“Hmm, napatawag ka? Nasa condo ka na?”“Nasa university pa ‘ko, may last class pa. Tumawag lang ako para tanungin kung kumusta ka riyan sa inyo?”“Ayos lang, kagigising ko lang.”“Si Fiona, na-discharge na rin ba?” bulong ni Mika, na tila ba ay may ibang makakarinig sa sasabihin niya.“Oo, magkatabi kami kanina sa kotse habang pauwi.”“Inaway ka?”“Hindi, tahimik nga lang siya. Which is… ang weird lang, ‘di ako sanay.”“Baka ‘di p
SA KABILA ng init ng sikat ng araw ay may kakaibang lamig na naramdaman si Caitlyn. Tila naging malabo rin ang buong paligid at tanging si Ezekiel lang ang nakikita ng mga mata.“Nakita mo na ba ang sasakyan niyo?”Doon lang natauhan si Caitlyn, mabilis na iniwas ang tingin at nagpalinga-linga sa paligid. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang kotse sabay turo. “A-Ayon pala!” At nauna na siyang maglakad papunta roon.Sumunod naman ang dalawa sa kanya. Nang malapit na sila ay lumabas ang driver. “Hello po, Miss Caitlyn,” magalang nitong bati.Tumango siya at nagsalita, “Nasa loob pa si Mommy, sinundo si Fiona.” Pagkatapos ay hinarap niyang muli si Ezekiel. Pero nang magtagpo ang tingin nilang dalawa, muli siyang kinabahan kaya ibinaling niya ang tingin kay Rita. “Salamat, Ate.”“Wala ‘yun, Ma’am,” anito saka nagpaalam na mauuna nang umalis.Hinatid nila ito ng tingin habang papalayo. At nang sila na lamang ang naiwan ay doon na narealize ni Caitlyn.Kailangan niyang harapan, worst ay k
LUMIKOT ang mga mata ni Caitlyn, hindi matingnan ang binata sa mata. Nasa puntong aamin na siya nang biglang hawakan ni Ezekiel ang buhok niya sabay gulo.“Halata sa mukha mong kinakabahan ka. Why are you denying it?”Napakurap-kurap ng mata si Caitlyn, nalilito pa sa nangyayari nang mapagtanto na iba pala ang tinutukoy nito.Akala niya ay tuluyan na siyang mabubuko, tamang hinala lang pala siya.“M-May iniisip kasi ako,” iyon na lang ang sinabi niya, ang tingin ay nanatili sa ibang direksyon.“Ano naman ‘yun?”Napakunot-noo siya nang maramdaman ang hininga nitong dumampi sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito. Nabigla na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya, kaya hinarang niya ang kamay saka ito marahang tinulak.Umayos naman ng tayo si Ezekiel pero ang tingin sa dalaga ay nanatili, tila isang hayop na nangha-hunting at si Caitlyn ang pagkain.Nakakakaba lalo pa at nakangiti ito ng kakaiba.“A-Anong oras na ba? Wala kang pasiyente ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.Tumingin
ALAM ni Caitlyn na wala naman siyang ginawang mali, hindi niya kasalanan ang nangyari kay Fiona at sa pinagbubuntis nito pero nang sandaling iyon… nasaktan siya.Pakiramdam niya may malaking parte siya kung bakit nakunan si Fiona.Lagi naman siya ang sinisisi kapag may nangyayari kaya marahil ay unti-unti na ring tinatanggap ng utak niya na baka nga, may kasalanan din siya.Kaya habang abala pa ang doctor at dalawang nurse kay Fiona ay tahimik na siyang umalis doon.Sa hallway, habang naglalakad ay napasandal sa pader matapos biglang manghina. Hinawakan niya ang braso dahil nasaktan nang husto ang kamay niyang may IV cannula.Sinabayan na hindi pa siya gaanong magaling kaya bumibigay ang katawan niya, lalo na ang tuhod.Mula naman sa dulo ng pasilyo ay naroon sin Ezekiel, hinihingal at pawisan ang noo. Matapos tumakbo nang malaman na nawawala si Caitlyn. Hinanap niya ito sa paligid ng ospital hanggang sa mahagip ng mga mata.Hinahabol niya ang hininga nang lapitan ang dalaga. “Sa’n ka
HINDI na nagsalita pa si Ezekiel at tahimik na lamang naglakad palayo. Sa halip na bumalik sa office ay dumiretso siya sa silid ni Caitlyn. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan itong kumakain kasama ang kaibigan.“Good evening, Dok,” magalang na bati ni Mika. “Nag-dinner na kayo?”Binaba ni Caitlyn ang hawak na kutsara saka tinitigan ang binata. “Kung hindi pa, saluhan mo na kami, marami ‘tong binili ni Mika,” aya niya pa.Sa totoo lang, iyon talaga ang plano ni Ezekiel pero dahil sa nasaksihan kanina ay nawala sa isip niya. “Sige lang, busog pa ‘ko.”Nanatili ang titig ni Caitlyn. Kanina pa kasi ito umiiwas ng tingin. “May nangyari ba?” kaya tinanong na niya.Wala siya sa posisyon para magsabi pero dahil pamilya nito ang involved kaya nagsalita na siya, “Napadaan ako sa emergency room kanina. Nakita ko ang pamilya mo ro’n pati si Jude.”Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Caitlyn. “B-Bakit, anong nangyari? Sinong nasa OR?”“Si Fiona… hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang narinig







