TINITIGAN ni Ezekiel ang kamay nito nang may halong pagdududa. Hindi niya iyon tinanggap at sarkastikong sinabi, “Pamangkin ba kita?”
Napahiya si Fiona pero binalewala niya ang sinabi nito dahil noon pa man ay interesado na siyang makaharap ang pinagmamalakeng tiyuhin ni Jude.
Ang kwento ng fiance ay isa itong magaling na doctor. “Actually, matagal na kitang gustong makilala,” aniyang may ngiti sa labi.
Binalewala ni Ezekiel ang sinabi nito, hindi siya interesado kaya naglakad na siya paalis.
“Wait!” pigil ni Fiona.
Marahang napapikit si Ezekiel habang napapatiim-bagang. Malapit nang maubos ang pasensiya niya sa feeling close na babae.
Lumapit agad si Jude para awatin si Fiona dahil alam niyang madaling mairita ang tiyuhin. Pinakaayaw nito ay iyong nasasayang ang oras.
“What’s wrong?” inosenteng tanong ni Fiona sa kanyang fiance. “Gusto ko lang naman kasing patingnan sa kanya si Ate, tutal at nandito na siya.”
Lumingon si Ezekiel. “Who?”
Magkasabay na nilingon ng magkasintahan si Caitlyn na nasa hagdan kaya napatingin na rin si Ezekiel, na sa unang tingin pa lamang ay agad na niyang napansin ang malnutrition sa dalaga. Tila naninilaw rin ito kaya agad napukaw ang interes niya bilang isang doctor. “Siya ba?”
“Oo, Uncle… si Ate kasi, dalawang taon siyang nawala sa’min matapos makidnap at ngayong araw lang nakabalik,” kwento pa ni Fiona. “Gusto ko lang malaman–”
“Fiona!” saway ni Caitlyn. “Who gave you the right to tell others what I went through?!”
“‘Wag mong pagtaasan ng boses ang kapatid mo nang ganyan,” ani Meriam. “Concern lang siya sa’yo.”
“Concern o pinandidirihan? ‘Di ba nga, iniisip niyong may H*V ako?!”
“Caitlyn, hayaan mo siyang tingnan ka. Para rin naman ‘to sa ikabubuti mo,” saad ni Sandro.
Nagsalita rin si Jude, “Magaling na doctor si Uncle, sigurado akong masusuri ka niya nang mabuti.”
Marahas na napabuntong-hininga si Caitlyn, naiinis at nasasaktan siya dahil wala man lang naniniwala sa kanya. Iniisip talaga ng pamilya niyang may sakit siya.
“Bumaba ka na rito at magpatingin,” utos ni Alejandro sa anak.
Kulang na lang ay magpapadyak si Caitlyn pababa ng hagdan saka nilapitan si Ezekiel, na tiningnan niya mula ulo hanggang paa.
“Umikot ka nga,” utos nito.
Nagbuga ng hangin si Caitlyn saka umikot. “Okay na ba?”
Umiling si Ezekiel. “Kailangan pa kitang matingnan nang husto. Hubarin mo nga ‘yang suot mo.”
Tiningnan ito nang masama ni Caitlyn, hindi nagugustuhan ang pagiging arogante nito saka…
Siya, maghuhubad?!
Niyakap niya ang sarili at humakbang palayo. “No way!”
“Akin ng kamay mo.”
Huminga nang malalim si Caitlyn. Kahit hindi niya gusto ang ugali nito ay hindi naman pwedeng tumbasan din niya ng masamang asal ang pag-uugali nito. Kaya binigay niya ang kamay na may benda.
“Who wrapped your hand?”
“Iyong doctor sa ospital, galing na ‘ko ro’n at nagpatingin,” sagot ni Caitlyn.
Tumango-tango si Ezekiel. “How many times did they assault you? Nabilang mo ba kung ga’no sila karami?”
Kumibot ang kilay ni Caitlyn, nabibigla dahil wala man lang itong kaamor-amor sa binigkas na salita. “W-Wala, hindi naman nila ako na-nagalaw, muntik lang pero nanlaban ako.”
“Good, how about blood transfusion or may ginamit kang pag-aari ng may sakit na H*V?”
“Wala, nakidnap ako. Sa tingin mo makaka-receive pa ‘ko ng dugo? Saka, how would I know kung may mga sakit sila?”
Hinawi ni Ezekiel ang sleeve ng suot nitong jacket at sinilip ang braso. Pansin niyang may mga bakas ng skin infection ito pero malinis at makinis ang loob na parte. “Sa’n mo nakuha ‘to?”
Mabilis na iniwas ni Caitlyn ang tingin. “I-I don’t know, kinulong nila ako nang mahabang panahon sa kulungan ng hayop.” –Totoo naman ang sinabi niyang iyon maliban sa tatlong salitang una niyang sinabi.
Sinadya niya talagang dumihan ang sarili, magkaroon ng skin infection para pandirihan siya ng mga kidnapper at hindi pagkainteresan. Para sa kanya, iyon na lang ang tanging paraan para maililigtas ang kanyang pagkababae.
Hindi rin siya naliligo at kapag sinasabuyan ng tubig ay dudumihan lang ulit niya ang sarili. Gagawin niya ang lahat huwag lang mabab*y ng mga hay*p na iyon.
Kahit pa magmukha siyang taong grasa.
“Okay,” tipid na sagot ni Ezekiel. “Madali lang gamutin ang ganitong infection. All you have to do ay regular na magpatingin.”
Napatingin bigla si Caitlyn sa mukha nito dahil tila naging malambing ang pagkausap. “T-Thank you.”
Tumango lang si Ezekiel saka tumayo, tapos na siyang matingnan ito. Pagkatapos ay humingi siya ng wipes sa kasambahay na naroon. Nang maibigay ang kailangan ay pinunasan niya lang ang kamay.
“Uncle, pwede mo naman hugasan ang kamay mo sa banyo,” ani Fiona.
Siyempre, nasaktan si Caitlyn sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niya kahit naglinis na siya ng katawan bago bumalik. Pinandidirihan siya ng pamilya, buti pa si Ezekiel maging ang pulis na naghatid sa kanya ay normal lang ang pakikitungo sa kanya.
“No need, hindi naman nakakahawa ang nasa balat niya,” ani Ezekiel.
“Sigurado ka, Uncle?” paniniguro ni Fiona. “Baka hindi mo siya–”
“Are you doubting my ability as a doctor?” putol ni Ezekiel. “If that’s it, ba’t ‘di niyo siya patingnan?”
Hindi na muling nagsalita si Fiona, hiyang-hiya na siya dahil kanina pa nasusupalpal.
Tinapon ni Ezekiel ang wipes sa basuran saka nagsalita, “Hindi na ‘ko magtatagal, kailangan ko ng umalis.”
“Ahm… ba’t hindi ka muna mag-stay at kumain?” ani Meriam.
“Tama, kararating mo pa lamang,” pagsang-ayun ni Alejandro sa sinabi ng asawa. “Maraming pagkain sa kusina.”
Ngumiti si Ezekiel, iyong walang kabuhay-buhay tila napilitan lang para hindi magmukhang bastos sa harap ng mga ito. “Hindi na, salamat na lang. Kailangan ko nang bumalik sa ospital.” Matapos ay saka siya naglakad palabas.
Sumunod naman si Jude upang maihatid sa labas ang tiyuhin, maging si Sandro.
Nagpasiya na rin si Caitlyn na pumanhik na sa taas nang pigilan ng ama, “At sa’n ka naman pupunta?”
“Gusto kong magpahinga, ‘Ddy. Kung may sasabihin kayo ay mamaya na lang, okay?” Saka siya nagpatuloy.
Wala na rin nagawa ang mag-asawa kundi hayaan ang anak, ngunit hindi si Fiona. Mabilis niyang sinundan si Caitlyn at bago pa man nito maisara ang pinto ay puwersahan na siyang pumasok sa loob.
“We need to talk.”
Nilingon ito ni Caitlyn nang nakataas ang kilay. “Hindi mo ‘ko narinig kanina? Ang sabi ko, gusto kong magpahinga.”
Rumehistro naman ang lungkot sa mukha ni Fiona. “Ate, alam kong masama ang loob mo sa’kin pero hindi ko talaga–”
Biglang umamba ng sampal si Caitlyn para takutin ito pero wala naman talaga siyang balak manakit. “Aalis ka o hindi?”
Ngunit bigla na lamang sumigaw si Fiona, hawak ang pisngi.
Dahil doon ay napasugod ang mag-asawa at nakita ang ganoong tagpo sa dalawa.
“Anong nangyayari?!” tanong ni Alejandro, saka tiningnan nang masama ang anak. “Sinaktan mo si Fiona?”
“Wala akong ginagawa. Nag-over react lang siya,” depensa ni Caitlyn.
Ngunit si Fiona, sa halip na itama ang maling akala ng magulang ay bigla na lamang umiyak. “G-Gusto ko lang naman siyang makausap. Pero ayaw niyang tanggapin ang paghingi ko ng sorry sa nangyari.”
Umawang ang labi ni Caitlyn, hindi niya akalaing ipapakita kaagad nito ang totoong ugali. Tiningnan niya ito nang masama ngunit bago pa man siya makapagsalita ay dumagundong na ang boses ng ama.
“Lumayas ka!”
“Alejandro, huminahon ka,” awat ni Meriam sabay hawak sa braso ng asawa. “Kababalik lang ni Caitlyn sa’tin.”
“Hindi ko kailangan ng anak na mag-uugaling–”
Hindi na naghintay si Caitlyn at kusa nang umalis, na kahit makailang ulit tinatawag ng Ina ay tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makababa ng hagdan.
NAPANGANGA ang mag-ina sa ginawa ni Caitlyn, hindi makapaniwalang isasangla talaga niya lahat ng alahas na pag-aari.“I-Ibalik mo sa’kin ang kuwintas!” sigaw ni Fiona.Tumigil sa paghakbang si Caitlyn saka ito tiningnan nang pailalim. “‘Di mo narinig ang sinabi ko?”“Impossible! Alam kong hindi mo gagawin ‘yun sa alahas na bigay ni Jude!”Umismid si Caitlyn. “Oh please… why would I lie?”Rumehistro ang kaba at kalituhan sa mukha ni Fiona. “K-Kasi, mahalaga sa’yo ang kuwintas na ‘yun,” nauutal niyang sagot.Natawa si Caitlyn. “Noon ‘yun, no’ng hindi mo pa inaagaw sa’kin si Jude kaya wala nang value lahat ng binigay niya.”Nanginig sa galit ang labi ni Fiona, hindi niya matanggap na sa isang iglap ay magbabago ang nararamdaman nito para sa lalakeng minamahal. Hindi ganito ang inaasahan niyang mangyayari.Ang nais niyang makita ay isang talunan, sawing Caitlyn na matagal na niyang inaasam na masaksihan.Samantalang pinanliitan naman ito ng tingin ni Caitlyn. Agad niyang napansin ang kaka
PALABAS na ng bahay si Caitlyn nang sumalubong sina Sandro at Jude.“Sa’n ka pupunta?” tanong ng huli.Ngunit hindi ito pinansin ni Caitlyn na tuloy-tuloy lang palabas hanggang sa mahawakan ni Sandro sa jacket. “Hindi mo ba siya narinig?”“Leave me alone!” Saka siya nagpumiglas.Eksakto naman na humabol ang boses ni Alejandro mula sa taas, “Hayaan mo siya kung gusto niyang umalis!”Napalingon si Caitlyn, may namumuong luha sa mga mata.Si Meriam naman ay nakababa na ng hagdan at nilapitan ang anak. Gusto niya itong hawakan pero nag-aalinlangan pa rin siya kaya binaba na lamang niya ang kamay. “Huminahon ka muna, anak. Alam mo naman ang ugali ng ama mo, kasing tigas ng ulo niyong magkakapatid. ‘Wag ka nang umalis, hmm? Kababalik mo pa lang sa’min,” naluluha niyang saad.Masama pa rin ang loob ni Caitlyn, ngunit naging mahinahon na siya. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa itaas ay nahagip ng paningin niya si Fiona na nagtatago sa pader, may kakaibang ngiti sa labi.Kumuyom ang kamay
TINITIGAN ni Ezekiel ang kamay nito nang may halong pagdududa. Hindi niya iyon tinanggap at sarkastikong sinabi, “Pamangkin ba kita?”Napahiya si Fiona pero binalewala niya ang sinabi nito dahil noon pa man ay interesado na siyang makaharap ang pinagmamalakeng tiyuhin ni Jude.Ang kwento ng fiance ay isa itong magaling na doctor. “Actually, matagal na kitang gustong makilala,” aniyang may ngiti sa labi.Binalewala ni Ezekiel ang sinabi nito, hindi siya interesado kaya naglakad na siya paalis.“Wait!” pigil ni Fiona.Marahang napapikit si Ezekiel habang napapatiim-bagang. Malapit nang maubos ang pasensiya niya sa feeling close na babae.Lumapit agad si Jude para awatin si Fiona dahil alam niyang madaling mairita ang tiyuhin. Pinakaayaw nito ay iyong nasasayang ang oras.“What’s wrong?” inosenteng tanong ni Fiona sa kanyang fiance. “Gusto ko lang naman kasing patingnan sa kanya si Ate, tutal at nandito na siya.”Lumingon si Ezekiel. “Who?”Magkasabay na nilingon ng magkasintahan si Cait
DAHIL sa biglaang pagbabalik ni Caitlyn ay hindi na naipagpatuloy ang engagement celebration sa pagitan ni Fiona at Jude.Ang mga bisita ay napilitan na lamang umalis at makalipas ang ilang minuto ay sila na lamang pamilya ang naroon, maging ang magulang ni Jude ay umalis na ngunit nagpaiwan ang binata.Nasa labas pa rin sila, nakasilong sa canopy tent ngunit si Caitlyn at ang pulis lang ang magkatabi habang nasa kabilang dako naman ang pamilya ng dalaga.Sa totoo lang, dapat ay kanina pa nakaalis ang pulis pero dahil sa nangyari ay pinili niyang manatili muna para samahan saglit si Caitlyn.“Ahm… ako nga ho pala si PO2 Bautista,” pakilala niya sa sarili. “Hinatid ko lamang si Miss Salvante rito dahil walang kumukuha sa kanya–” Bigla niyang naitikom ang bibig matapos mapagtanto ang sinabi.Umismid si Caitlyn, hindi maiwasang makaramdam ng inis. “Kaya naman pala, kasi busy sila engagement party ng ampon nila sa boyfriend ko.”“Caitlyn!” sita ni Sandro. “Hindi tamang pagsalitaan mo nang
NAGING emosyonal agad si Caitlyn nang matanaw niya ang pamilyar, mataas at magarang gate na matagal na niyang hindi nakikita ngunit malinaw pa sa kanyang alaala ang itsura.Paghinto ng police car ay pinunasan niya ang luha sa gilid ng kanyang mga mata saka ngumiting tiningnan ang pulis na siyang naghatid sa kanya. “Thank you.”Lumingon ito habang inaalis ang seatbelt. “Ihahatid na kita sa loob, Miss para maipaliwanag sa parents mo ang nangyari.”Tumango si Caitlyn at pagkatapos ay sabay na silang bumaba ng sasakyan.Mula sa labas ay napansin niyang tila nagkakasiyahan sa loob dahil may canopy tent, tables and chairs saka mga bisita na naka-casual dress and suit.“Mukhang may celebration ata kayo, Miss,” komento ng pulis.Nagtaka naman si Caitlyn dahil sa pagkakaalala niya, wala silang okasyon sa araw na iyon. No, birthdays, wedding anniversary or special occasion.Ngunit ilang sandali pa ay ngumiti siya saka nilingon ang pulis. “I think, alam nilang ngayon ang dating ko, tama?” tanong
Abril 9, 20XXIto ang araw na hinding-hindi makakalimutan ni Caitlyn.Galing na sila ng kapatid niya sa birthday party ng isang kaibigan at pauwi na ng gabing iyon nang masiraan ang sasakyan.Na-flat ang gulong kaya kinailangan palitan ng driver nilang si Lito.Naghintay lang sa loob ng kotse sina Caitlyn at Fiona, pasilip-silip sa ginagawa ng driver. Ngunit nang makitang tila nahihirapan ito lalo na at hawak nito sa isang kamay ang flashlight ay napagpasiyahan na ni Caitlyn na tumulong.“Wait, sa’n ka pupunta, Ate?” pigil agad ni Fiona habang hawak ang braso ng kapatid.“Tutulungan ko lang siya para makaalis na tayo rito.”“Ehh! Natatakot ako, Ate!”Napangiti si Caitlyn sabay hawak sa pisngi nito. “‘Wag kang matakot, kasama mo naman ako.”“Kahit na, nakakatako pa rin. Don’t leave me, sasama ako!”Nagpakawala ng hangin si Caitlyn saka lumabas, na agad sinundan ng kapatid.Mabilis naman niyakap ni Fiona na braso nito. “Ba’t ba kasi tayo dumaan dito? Ang dilim-dilim tapos wala pang ilaw