Share

Chapter 53

Author: Lirp49
last update publish date: 2025-12-29 17:19:04

SA KABILA ng init ng sikat ng araw ay may kakaibang lamig na naramdaman si Caitlyn. Tila naging malabo rin ang buong paligid at tanging si Ezekiel lang ang nakikita ng mga mata.

“Nakita mo na ba ang sasakyan niyo?”

Doon lang natauhan si Caitlyn, mabilis na iniwas ang tingin at nagpalinga-linga sa paligid. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang kotse sabay turo. “A-Ayon pala!” At nauna na siyang maglakad papunta roon.

Sumunod naman ang dalawa sa kanya. Nang malapit na sila ay lumabas ang driver.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Wilma Valdez
..thank you xa pag update ms.a....Sana more update ang Ganda ng story...
goodnovel comment avatar
Argelic Agaro
updates plz
goodnovel comment avatar
ۦۦ ۦۦ
ganda po ng story ninyo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 118

    BANDANG ALAS-SIYETE NG GABI, gaya ng napag-usapan ay nakipagkita si Fiona sa grupo ng huwad na journalist sa isang liblib na bahagi ng siyudad. Madilim ang lugar at iilan lang ang ilaw ng poste sa gilid ng kalsada. Tahimik din ang paligid dahil bihira ang dumaraang sasakyan.Ipinarada niya ang kotse sa tabi habang palinga-linga siya sa paligid, hawak niya nang mahigpit ang handbag saka naglakad papasok sa isang lumang gusali. Hahawakan niya pa lamang ang handle ng lumang metal na pinto nang biglang bumukas at sumilip ang isa sa limang miyembro ng grupo, na siyang inutusan niya para pasundan si Caitlyn at guluhin ito sa oras na umalis ng condo."Good evening, Ma'am. Kanina pa namin kayo hinihintay," anito.Walang imik na pumasok si Fiona, unang bumungad sa kanya ang kakaibang amoy maliban sa madilim na lugar. Medyo nakaramdam siya ng kaba dahil siya lang mag-isa at lima ang naghihintay sa kanya.Sa dami ng pinagdaanan ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Paano pala kung hi

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 117

    PAGPASOK ay may nag-assist agad sa mag-lola. Ngunit dahil parehong malayo ang taste ng isa't isa ay nagtawag pa ng isang kasamahan ang staff ng clothing store."Meron ba kayong…" paunang tanong ni Consolacion saka binanggit ang gusto niyang style at design ng damit.Magalang na tinuro naman ng staff ang kabilang direksyon. "Nando'n po, Ma'am."Tinanguan niya ang apo at pagkatapos ay sinundan na ang saleslady. Habang si Caitlyn ay naiwan ay in-assist naman ang isa pang staff."Ano pong gusto niyong style at design, Ma'am?""Iyong neat at light lang sana… saka, kung pwede 'yung mga longsleeves," aniya dahil kailangan niya pa rin itago ang ilang peklat sa braso, kahit na madalas ay init na init na siya sa suot kapag kailangan niyang lumabas."Okay, saglit lang po, Ma'am," saad ng saleslady, sabay alis upang kunin ang damit na gusto niya.Habang naghihintay ay nagpalinga-linga naman siya sa paligid. Malaki-laki ang store at may ilang customer din sa paligid. Ngunit may nakaagaw ng pansin

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 116

    KINABUKASAN, gaya ng napag-usapan ay sinundo ni Caitlyn ang abuela. Sa daan pa lang ay pinaalam na niyang parating na siya at makalipas ang halos kalahating oras ay narating na niya ang hotel.Saglit niyang pinarada sa gilid ng gusali ang kotse kung nasaan ang parking lot at pagkatapos ay pumasok na siya sa loob.Kahit tanghaling tapat ay maraming tao ang naglalabas-masok sa hotel. Pagkatapos ay naghanap siya ng mauupuan para maghintay at nang makakita ng bench na nakahilera malapit sa elevator ay pumwesto na siya roon.Pagtingin sa cellphone ay may reply na ang abuela.Consolacion: Saglit lang at pababa na 'ko.Caitlyn: Okay, nasa may bench lang po ako. 'La.Pagkatapos ay tinago na niya ang cellphone at naghintay. Pero hindi pa man umiinit ang kinauupuan niya ay may isang lalakeng papalapit sa kanya.Base sa paglalakad at kilos ay mahahalatang isa itong binabae. Pagkatapos ay umiwas na siya ng tingin sa pag-aakalang uupo lang gaya niya pero nang tumigil ito sa harap ay doon na siya n

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 115

    BINABA ni Yna ang hawak na kubyertos at tiningnan si Sandro. Mababanaag sa kanya ang iba't ibang ekspresyon ngunit nangingibabaw ang lungkot. "Don't make promises, Sandro. Minsan na tayong nagkalabuan dahil sa pamilya mo.""Si Caitlyn naman 'yun," agap na saad ni Sandro. "Sina Mommy at Daddy ay wala naman problema sa'yo, gusto ka nila."Umiling-iling siya, patuloy pa rin sa pagkukunwari hanggang sa tuluyan na itong maging desperado para lang muli silang magkabalikan."If you're hesitating, I can wait. Hindi naman ako nagmamadali," dagdag pa ni Sandro. "Let's continue," anas niya saka muling kumain at ganoon din ang ginawa nito.Nang matapos ay hindi rin naman sila nagtagal doon. Hinatid siya ng binata patungo sa nakaparadang sasakyan. Bago tuluyang sumakay sa loob ay humabol pa ng salita si Sandro, "Tatawagan na lang kita.""You still have my number?"Ngumiti ang binata. "Of course, 'di ko binura at memorize ko," proud niyang sabi.Napangiti si Yna at walang ano-ano ay binigla ito ng

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 114

    BAKAS ang pagtataka sa mukha ni Jude, naguguluhan siya kung bakit ganoon na lamang ang takot na makikita sa mukha ng ina. "Iniisip niyo bang may gagawin muli akong masama sa kanya?"Umiling si Mariel. "Hindi sa gano'n—""Kung hindi, e, ano? Na-trauma ba siya at ayaw na 'kong makita?"Malikot ang mga mata ni Mariel, naghahanap ng maidadahilan upang hindi umalis ang anak at puntahan si Caitlyn. "M-May ibang araw pa naman. Ang mas mabuting gawin mo ay magpagaling hanggang sa ma-discharge ka at mapuntahan—""Pointless." Sabay hawi ni Jude.Na-out balance si Mariel at muntik nang matumba kundi lang napakapit sa pader. Pag-angat ng tingin ay nakita niya ang guilt sa mukha ng anak pero ilang sandali pa ay umiwas ito ng tingin at binuksan ang pinto."Jude!" Kahit hindi pa maayos na nakakatayo ay hinabol niya ito na agad huminto. Iyon pala ay may nakaharang sa labas. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang kapatid. "'Kel, mabuti naman at nandito ka."Seryosong nakatingin si Ezekiel sa pama

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 113

    NAGPALIPAT-LIPAT ng tingin si Ezekiel sa dalawa at nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Caitlyn ay agad siyang nagpaliwanag, "Kung iniisip mo na may ginawa ako? Wala, okay?" Saglit siyang huminga nang malalim bago muling nagpatuloy, "Bigla kang bumangon kalagitnaan ng gabi. Nasusuka ka pero dahil nakabalot sa'yo ang kumot ay nalaglag ka sa kama."Naunawaan agad ni Caitlyn ang sinabi nito. "K-Kaya pala masakit ang likod ko."Sumabat naman si Mika na hawak pa rin ang kumot, "Kaya ba nakahubad siya dahil nasukahan niya ang sarili?"Tumango si Ezekiel at muling nagpaliwanag, "After niyang sumuka, ay natulog ulit siya kaya dinala ko sa banyo para linisan. Iyon nga lang…""May ginawa ba 'kong hindi maganda?" tanong ni Caitlyn, nag-uumpisa ng kabahan."Well… ginising kita at sinabihan na magpalit ng damit. Tumango ka at hinayaan kita sa loob ng banyo pero paglabas mo." Gumalaw-galaw ang parehong kamay ni Ezekiel sa magkabilang gilid. Hindi na bago sa kanya ang makakita ng hubad na katawan

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 44

    SA HALIP na si Sandro ang bumisita, ang assistant nito ang pinapunta sa ospital para ipaliwanag ang nangyari sa sasakyan ni Caitlyn.Maingat na tumayo sa gilid ng kama. “Tapos nang masuri ang kotse at ayon sa mga pulis ay electronic issue ang nangyari sa brake ng sasakyan."Napakunot-noo si Caitlyn

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 38

    NILINGON ni Ezekiel ang pamangkin, madilim itong tiningnan. “Sabihin mo nga sa’kin kung nasa’n tayo ngayon?” may lalim ngunit mahinahon niyang tanong.Napakurap-kurap si Jude, nagpalinga-linga sa paligid. “S-Sa ospital, Uncle.”“At nakuha mong gumawa ng eksena rito?”“H-Hindi mo kasi ako naiintindi

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 39

    NAPAILING na lamang si Caitlyn habang naririnig ang paliwanag ni Fiona, sa huli ay siya pa rin ang pagmumukhaing masama.“Humingi ka ng tawad sa kapatid mo,” utos ni Meriam, nang hindi ito tinitingnan.Mariing naglapat ang labi ni Fiona, may gusto pa siyang sabihin pero ayaw niyang tuluyang magalit

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 40

    SA KABILA ng natamo ay mas nakaramdam pa ng takot si Mika para sa kaibigan kaysa sa sarili. Habang ginagamot ng doctor ang napinsala niyang braso dahil sa nangyaring disgrasya.“Pwede pong pakidalian? Kailangan ko pang puntahan ang kaibigan ko, Dok,” aniyang pinagmamadali ito.Tumango lang ang doct

    last updateLast Updated : 2026-03-22
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status