LOGINHABANG pumapara ng masasakyan ay tumunog ang cellphone niya, tumatawag si Mika, “Caitlyn! May problema!”Bakas ang pagkataranta sa boses ng kaibigan kaya siya naalarma. “Bakit, anong nangyari?” tanong ni Caitlyn.“May nangyari sa condo! Nagka-leak sa banyo kaya binaha ang buong unit. Buti na lang walang na-damage na appliances.”“Gano’n ba? Sige papunta na ‘ko riyan.” Akmang ibababa na niya ang tawag nang makarinig ng ibang boses. “May kasama ka ba?”“Ah… Oo, kasama ko si Ezekile. After ko kasing tawagan ang Admin ng building ay bumaba muna ako saglit para bumili ng pagkain. Nagkita kami sa convenience store,” paliwanag ni Mika.Nagtaka naman siya kung anong ginagawa roon ng binata pero hindi na lamang niya pinagtuonan ng pansinin. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya sa building. Matapos makapagbayad sa taxi driver ay dali-dali na siyang nagpunta sa convenience store na sinasabi ng kaibigan.Sa labas pa lang ay nakita na niya ito na nakaupo, kumakain at kasama sa table si
PAYAPANG nakaupo si Caitlyn sa bench habang pinagmamasdan ang paligid. Nasa garden siya ngayon, iba’t ibang bulaklak ang nakikita niya. Mula sa kanang bahagi ay mapagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw, kung hindi lang nakakasilaw ang sinag ng araw ay kanina pa siya nakatitig sa nagkukulay kahel na ulap.“Caitlyn.”Lumingon siya matapos marinig ang pangalan. Nakita niyang papalapit si Fiona. “Bakit?”“May gusto sana akong kunin sa study room kaso nando’n si Daddy at Sandro. Pwedeng ikaw na ang kumuha?”Napakunot-noo siya. “Why me? ‘Di ba pwedeng ikaw na ang kumuha?”Huminga nang malalim si Fiona at pinagmasdan ang mga bulaklak sa paligid. “Disappointed si Daddy sa’kin at hindi niya ‘ko pinapansin.”“At bakit?” Gusto niyang malaman na kung bakit ang most favored na anak ay biglang neglected na.Kumuyom ang kamay ni Fiona, naiinis siya pero kailangan niyang maging mahinahon kung gusto niyang maging successful ang lahat. “Alam kong may idea ka na kung bakit. I lied, at nalaman ni D
TUMANGO-TANGO ang katulong habang hinihimas-himas ang braso na para bang kinikilabutan. “Nakakatakot po ‘yung tawa, Miss.”Ngumiti si Caitlyn. “Baka wala lang ‘yun,” iyon na lamang ang sinabi niya ng sandaling iyon para hindi ito matakot. “Kung tapos ka na, gusto ko sanang magpahinga.”Nang maiwan siyang mag-isa, pumasok siya sa banyo. Naghintay na marinig ang tawa ni Fiona pero wala naman, kaya inisip niyang baka kung ano-ano lang ang naririnig nito.Mga bandang hapon, nagising siya sa ingay ng cellphone. Nang tingnan ay tumatawag si Mika, “Hello, Caitlyn?”“Hmm, napatawag ka? Nasa condo ka na?”“Nasa university pa ‘ko, may last class pa. Tumawag lang ako para tanungin kung kumusta ka riyan sa inyo?”“Ayos lang, kagigising ko lang.”“Si Fiona, na-discharge na rin ba?” bulong ni Mika, na tila ba ay may ibang makakarinig sa sasabihin niya.“Oo, magkatabi kami kanina sa kotse habang pauwi.”“Inaway ka?”“Hindi, tahimik nga lang siya. Which is… ang weird lang, ‘di ako sanay.”“Baka ‘di p
SA KABILA ng init ng sikat ng araw ay may kakaibang lamig na naramdaman si Caitlyn. Tila naging malabo rin ang buong paligid at tanging si Ezekiel lang ang nakikita ng mga mata.“Nakita mo na ba ang sasakyan niyo?”Doon lang natauhan si Caitlyn, mabilis na iniwas ang tingin at nagpalinga-linga sa paligid. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang kotse sabay turo. “A-Ayon pala!” At nauna na siyang maglakad papunta roon.Sumunod naman ang dalawa sa kanya. Nang malapit na sila ay lumabas ang driver. “Hello po, Miss Caitlyn,” magalang nitong bati.Tumango siya at nagsalita, “Nasa loob pa si Mommy, sinundo si Fiona.” Pagkatapos ay hinarap niyang muli si Ezekiel. Pero nang magtagpo ang tingin nilang dalawa, muli siyang kinabahan kaya ibinaling niya ang tingin kay Rita. “Salamat, Ate.”“Wala ‘yun, Ma’am,” anito saka nagpaalam na mauuna nang umalis.Hinatid nila ito ng tingin habang papalayo. At nang sila na lamang ang naiwan ay doon na narealize ni Caitlyn.Kailangan niyang harapan, worst ay k
LUMIKOT ang mga mata ni Caitlyn, hindi matingnan ang binata sa mata. Nasa puntong aamin na siya nang biglang hawakan ni Ezekiel ang buhok niya sabay gulo.“Halata sa mukha mong kinakabahan ka. Why are you denying it?”Napakurap-kurap ng mata si Caitlyn, nalilito pa sa nangyayari nang mapagtanto na iba pala ang tinutukoy nito.Akala niya ay tuluyan na siyang mabubuko, tamang hinala lang pala siya.“M-May iniisip kasi ako,” iyon na lang ang sinabi niya, ang tingin ay nanatili sa ibang direksyon.“Ano naman ‘yun?”Napakunot-noo siya nang maramdaman ang hininga nitong dumampi sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito. Nabigla na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya, kaya hinarang niya ang kamay saka ito marahang tinulak.Umayos naman ng tayo si Ezekiel pero ang tingin sa dalaga ay nanatili, tila isang hayop na nangha-hunting at si Caitlyn ang pagkain.Nakakakaba lalo pa at nakangiti ito ng kakaiba.“A-Anong oras na ba? Wala kang pasiyente ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.Tumingin
ALAM ni Caitlyn na wala naman siyang ginawang mali, hindi niya kasalanan ang nangyari kay Fiona at sa pinagbubuntis nito pero nang sandaling iyon… nasaktan siya.Pakiramdam niya may malaking parte siya kung bakit nakunan si Fiona.Lagi naman siya ang sinisisi kapag may nangyayari kaya marahil ay unti-unti na ring tinatanggap ng utak niya na baka nga, may kasalanan din siya.Kaya habang abala pa ang doctor at dalawang nurse kay Fiona ay tahimik na siyang umalis doon.Sa hallway, habang naglalakad ay napasandal sa pader matapos biglang manghina. Hinawakan niya ang braso dahil nasaktan nang husto ang kamay niyang may IV cannula.Sinabayan na hindi pa siya gaanong magaling kaya bumibigay ang katawan niya, lalo na ang tuhod.Mula naman sa dulo ng pasilyo ay naroon sin Ezekiel, hinihingal at pawisan ang noo. Matapos tumakbo nang malaman na nawawala si Caitlyn. Hinanap niya ito sa paligid ng ospital hanggang sa mahagip ng mga mata.Hinahabol niya ang hininga nang lapitan ang dalaga. “Sa’n ka







