Share

Chapter 3 Argentine Eyes

Darlene’s POV

"Sige, mauna na ako, bye!" Paalam ko pa sa mga kaklase ko na noo'y abala sa staircase ng hallway at nagchichikahan. Uuwi ako ng maaga ngayon after class, niyaya nga nila akong mag night-out kaso tumanggi ako dahil meron pa akong importanteng gagawin.

Nang makasakay na ako ng public bus ay tahimik akong umupo sa kadalasang pwesto na gusto ko...ang bahaging likuran. I tip out my headphone and swipe my phone para pumili ng music. Hinayaan ko lang na magbabad ang taenga ko sa sounds habang noo'y tinatanaw ang ganda ng kalsada sa Croatia.

Hanggang may nasipat akong bahagi doon sa highway at sakto naman na huminto ang bus para sa stop-over. Madali akong bumaba at nag-swipe ng card sa may pinto para sa bayad.

Todo ngiti pa ako habang tinitingnan ang lugar na iyon.

"Woah! Ice cream!"

Parang batang sabik na sabik ako sa hitsura ko ngayon habang nakatingala sa harapan ng isang ice cream shop, para itong coffee shop na istilo at may malawak na espasyong nakaharap sa highway at sa likuran naman niyon ay ang pangpang na natatanaw ang karagatan.

Lutang kong binagtas ang pinto at abot-batok pa akong tumingala sa mga nakasulat sa taas na order servings nila doon.

"Woah, Strawberry Marmala—kabayo!" Bulalas ko pa ng may kung sinong bumangga sa likod ko, dahilan para mapasubsob ako roon sa harapan ng marmol order table.

"Ugh…" Dinig ko pa sa hudyong nasa likuran ko. Nagpigil ako ng sarili habang putok ilong kong binalingan ko ito sa likod. Naniningkit pa ang mga mata ko na gustong sampalin ang kumag na kung sinong, until, I swift to check my back and there. Nakita ko siya.

"Mr. Hunky," bulalas ko pa while placing my right hand to cover my huge wide-open mouth.

"It's you!" Sabi pa nito sa akin while taking off his shades. Napangiti pa ako dahil sa kanyang presensya. Sa totoo lang he has this pretty face na pwedeng ipa-tarpaulin at gawing banig sa kwarto ko. Ehe! Putek, kinikilig ako!

"Ay," nag-wave pa ako ng kamay na tila bumabati ng hi, but obviously, it sounds creepy as what my face embeds now while facing him. Nakita ko pang napa-smirk ito while offering again his hands.

"I forgot to introduce my name formally," he smiled and check something in my hair. Kinuha niya ang isang alikabok na nandoon.

"I'm..."

"Flinn…right?" Pautal-utal na sambit ko.

And, at the same time, hindi ko na napansin ang pagiging sundalo ng kamay ko, dahil, mabilis pa sa alas kwatrong kinuha ang kamay nito na rason upang ikatawa niya nang mahina. Isang nakakakiliti sa tengang pagtawa niya.

"Yeah, yeah. I am, I taught you forgot. I am Flinn, Flinn Duvant Cruz," sabi pa nito sa akin na noo'y tila may sariling mundong nagaganap at tanging siya lamang ang tanaw ko sa mga oras na iyon. It's like a slow-motion between us. Just us. Hanggang may kung sinong nagsalita sa kung saan.

"Boss," anang babae na noo'y nasa harapan ng ordering table. Sumunod pang nagsalita ang iilang nandoon na yumuyukod sa taong kahawak-kamay ko.

Boss? Hala? Siya ba ang...

"And I'm the owner of this place," ngiti nito sa akin na siguro'y nababasa ang aking mukha na gulat na gulat. Dahil doon ay agad kong binawi ang kamay ko at naging pormal.

"H-hello Flinn, how...how are you?" Nakayukong sambit ko pa. Pero sa hindi malamang rason ay mas narinig ko pa ang kanyang malutong na tawa.

And my god! He also grab my shoulder and pulled me to some place na hindi ko alam. Nagpakatianod pa ako dito at hinayang hila-hila ang aking braso.

"T-teka,  Flinn, ang bilis naman..." pero nahinto ang pagsasalita ko nang makita ang lugar ma iyon.

We saw the warm and peaceful sea of Croatia at the back deck na tila isang overview doon sa hillside ng kaniyang ice cream house.

"Beautiful..." Dinig ko pa sa kaniya while looking to the view and ended his sight to mine. Literally to my face, kaya naman hindi ko alam kong ano ang nasa mukha ko, nararamdaman ko yatang sinisilihan yata iyon dahil ramdam kong nag-iinit na ito.

"You're...You're blushing, darling." Sabi pa nito sa akin na mas ikina-init pa ng mukha ko. Bakit kasi darling ang tawag niya sa akin, plus his voice soothes my ears. Ang ganda ng accent, tunog mayaman. 

He even wiped my face na tila nagche-check ng temperature. And out of nowhere he even moved closer to my holy face.

Nag-assume agad akong baka…hahalikan niya ako. Pero, hindi. He just closely stares to my eyes and said those panty dropping words.

"I love your eyes, it seems so innocent, like you Darling," he compliments and smile. At dahil doon ay napakurap-kurap pa ako sa harapan nito.

"Ha?" Hakdog. Sabi ko pa na parang premature na bata kung magsalita.

"I said, I love those pair of Argentine eyes..." Dagdag pa nito na rason upang tumambling sa kilig ang puso ko. Sa totoo lang never in my maharot teenage life ang magkaganito sa lalaki, I've been to some relationship noon, pero hindi ganito kalakas ang impact na gaya kay Flinn. 

And for that, I don't even know why. Hindi ko pa napansin na nandito na pala kami't nakaupo sa isang table kaharap ang view sa likod at heto nga't mini-mixed ang serve ng ice cream na napili ko.

Strawberry marmalade ang sa'kin habang kay Flinn naman ay vanilla rocky road.

Payapa naming kinakain ang mga iyon habang sinisipat ang isa't-isa. Sa totoo lang he seems interesting. Lalo na ngayon na napag-alaman kong boss pala siya dito. So, it means, malawak din ang knowledge niya sa business. At siguro'y matutulungan niya ako sa aking research about Croatia's pioneering cultures and business dynamic.

Iyon pa naman ang rason kung bakit ako tumanggi sa mga kaklase ko, gusto kong dumaan sana sa public library nila bago umuwi, pero ang loka-lokang side ko ay heto't lumalantak ng ice cream kaharap ang panginoon ng karagatan, este, Si Flinn.

"Would you mind if I ask some questions?" Sabi ko pa rito.

"Yes, ano 'yon?" Pagtatagalog nito na mas ikinagulat ko. He sounds so handsome. 

"Uhm. Pwede ko bang matanong ang pangunahing kalakalan dito sa Croatia, kasi...I am researching the pioneering style of business here. My final research," sabi ko pa dito pero laking-gulat ko dahil prente lamang itong nakatitig sa akin at nakangiting anghel.

"Drugs."

Nabigla ako sa sinabi niya.

"I'm just kidding." He smiled.

Natawa na rin ako sa sinabi niya. At pasimpleng kumain ng ice-cream.

"May boyfriend ka na ba?" He questioned me back. Ha? Hakdog ulit. 'Bat parang nabibinge ako ngayon. Ano nga ulit ang tanong niya pre-occupied ako this time kaya naman, mas nagulat pa ako sa kanyang ginawa. Mercy me!

Inabot niya ang kamay niya sa gilid ng labi ko at marahang pinahiran ang kung anong nandoon at…isinubo iyon sa kanyang nang-aakit na bibig. 

Like seriously mercy! Galing sa labi ko 'yon ah! And as I see his reaction, ay mahina pa itong tumawa.

"I like you, you make me smile..." Walang gatol na sambit nito sa natatamemeng ako.

Holy mercy.  Inlab na ba ako?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status