Share

CHAPTER 3

last update Huling Na-update: 2025-06-06 11:39:30

Next Day - Dinner Party

Well, sana hindi totoo 'yon-kasi pagpasok pa lang namin ni Damon sa grand ballroom ng Monteverde Hotel, halos maputol na ang hininga ko. Lahat ng tao naka-tux, naka-gown, at amoy mamahaling pabango. Ako? Feeling ko para akong kabayong nadala sa show horse competition.

Pero hawak niya ang kamay ko.

Yes, literal.

Hawak niya ang kamay ko na parang totoong mag-asawa kami. Mainit yung palad niya, firm ang grip, pero hindi masakit. Nakakakilabot lang kasi kahit na scripted lang 'to, parang may naramdaman akong kiliting hindi ko maintindihan.

"Stand tall. Smile a little. But not too much," bulong niya habang papalapit kami sa crowd. "Don't drink anything unless I hand it to you. And if you don't know what to say, just nod."

Napalunok ako. "Copy."

PAGDATING namin sa gitna ng ballroom, agad kaming sinalubong ng isang grupo ng matataas na tao. Mga investors, board members, CEO ng ibang companies. Lahat sila nakatingin sa akin, parang sinisiyasat kung bagay ba akong Monteverde.

"This is my wife, Leah," pagpapakilala ni Damon. "We got married last month. Small, private ceremony."

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Last month?! Akala ko ba 'yung kasal, next week pa lang ang fake schedule?

Pero ngumiti lang ako, gaya ng utos niya. "Hi po. I mean, hello."

"Charming," sabi ng isang matandang babae na nakasuot ng emerald green gown. "You look so young, dear."

Ngumiti ulit ako. "Good skincare, ma'am."

Natawa sila. At doon ko lang nakita si Damon-nagulat. Like, legit na medyo napangiti siya. Konti lang, pero nakita ko 'yon. A crack in the ice.

AS the night went on, pumasok kami sa routine. Introduce, smile, greet, charm. Sa sobrang dami ng nakilala ko, hindi ko na alam kung sino ang CEO ng kung ano. Basta alam ko lang, sa tuwing tatapusin ko ang sentence ko, hawak pa rin ni Damon ang kamay ko-parang anchor ko sa gitna ng sea of billionaires.

Pero syempre, hindi mawawala ang unexpected plot twist.

Habang nagka-cocktail break, may lumapit na babae. Matangkad, super ganda, with legs that could kill a man at 10 feet.

"Damon," she purred. Yes, purred. "Didn't expect to see you here with... company."

"Vanessa," sagot ni Damon, cold tone agad. "I didn't expect to see you either."

"Funny," ngiti ng babae. "So this is the lucky girl? Your wife?"

Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. At literal-tinusok niya ako ng tingin.

"Leah," pakilala ko. "And yes, wife. Not assistant. Not flavor of the week."

Biglang natahimik si Vanessa. Medyo nagtaas siya ng kilay, pero halata kong nasupalpal ko siya nang malutong. Damon didn't say anything-but he slightly squeezed my hand.

Maya-maya, tumalikod na si Vanessa. "Good luck, darling," huling sabi niya bago nawala sa crowd.

Pag-alis niya, nagbuntong-hininga ako. "Ex mo 'yon?"

"None of your business."

"Yikes. Sensitive."

"Just... stay away from her."

"Ako pa ba?" sabay inom ko ng cocktail. "Girl's a walking blade."

Habang palabas na kami ng venue, may sumalubong na isa pang investor. Matanda, may cane, pero mukhang powerful pa rin.

"Damon," aniya, tapik sa balikat ng asawa ko. "This is the first time I've seen you with someone beside you. You've changed."

Hindi sumagot si Damon. Tumango lang.

Tinapunan ako ng tingin ng matanda. "And you, young lady, must be the reason. Good. Very good. A man's empire begins with his home."

Pagkaalis ng matanda, naramdaman ko ang pag-higpit ng hawak ni Damon sa akin. Hindi galit, pero may tension. Para bang may sinabi 'yung lolo na bumungad ng nakaraan niya.

"Are you okay?" tanong ko habang papunta na kami sa sasakyan.

Tahimik siya sandali. Tapos binuksan niya ang car door para sa akin.

"Next time, don't speak unless I tell you to," malamig niyang sabi.

Natigilan ako. "Excuse me?"

"You did well. But this isn't a game. You're not here to win arguments or spar with my ex."

Nainis ako. "Well maybe if you warned me she was a walking b*tch, I could've prepared better."

Napahinto siya. Tumingin sa akin.

At doon-nagtagpo ang mga mata namin.

Matigas. Matapang. At walang gustong umatras.

"I don't need your attitude, Leah," he said lowly.

"At hindi ko kailangan ang utos mo, Damon. I'm your wife for show, not your puppet."

Sandaling katahimikan. Tapos tumawa siya. Tuma-wa. As in, genuine chuckle.

"You really are dangerous when you're sober," bulong niya habang pumasok na sa sasakyan.

Ako? Naiwan lang nakatitig sa kanya, confused.

Kasi for the first time, hindi ko alam kung naiirita siya... o nagsisimula na siyang maintriga sa akin.

PAGPASOK ko ng penthouse that night, ang unang pumasok sa isip ko ay hindi yung mala-palasyong chandelier sa taas o yung plush leather couch na mukhang mas mahal pa sa tuition ng kapatid ko-ang naisip ko lang ay: Paano ko titiisin ang isang taon kasama ang beast na 'yon?

Hindi ko alam kung anong mas nakakainis-yung pagka-cold niya, yung borderline bossy niyang ugali, o yung pagtrato niya sa akin na parang isa lang akong kontratang dapat sundin nang walang reklamo.

Pero ang pinaka-ayoko?

Yung mga mata niya.

Yung hazel eyes na 'yon na parang laging nanghuhusga pero may tinatago ring sakit. Lalo na nung nagkatinginan kami sa labas ng ballroom-pakiramdam ko, may saglit na koneksyon na hindi ko maintindihan. And I hated it. Because it felt real.

Naglakad ako papunta sa guest room na sinabi ng butler na para sa akin. Pagbukas ko ng pinto, muntik na akong mapa-"WOW." Queen-sized bed, soft lighting, carpeted floor, at may sariling mini walk-in closet. Literal na parang pang-hotel ang dating.

Pero kahit gano'n ka-comfy, hindi ko mapigilang humiga at mapabuntong-hininga.

"Ano bang pinasok ko..." bulong ko sa sarili ko habang tinititigan ang kisame. "Ito ba talaga ang solusyon sa lahat ng problema?"

Naalala ko bigla si Mama. Yung mga gamot niya, yung hospital bills, yung bayarin sa bahay. Kung hindi dahil sa kalagayan niya, hindi ko naman iisipin na makipagkasundo sa isang estrangherong CEO na may kasamang clause na "must bear child." Diyos ko po.

Kakatapos ko pa lang magtanggal ng heels nang biglang may kumatok.

Tok. Tok. Tok.

Napabangon ako agad, kinabahan.

"Who is it?" tanong ko.

"Open the door," malamig na boses ni Damon.

Napakunot noo ako. Anong ginagawa niya dito? Hindi ba't dapat nasa kabilang wing siya ng penthouse?

Binuksan ko pa rin. "May kailangan ka?"

Nakatayo siya ro'n-nakasuot ng simple gray shirt and black lounge pants. Pero kahit gano'n lang, mukha pa rin siyang walking Calvin Klein ad. Nakakainis.

"Pack your things," sabi niya diretso.

Ha?

"What?" tanong ko, confused.

"I said, pack your things. You're moving to the master's bedroom."

Natawa ako. "Excuse me? Bakit?"

"Because people will start asking questions. About our marriage. Our living arrangement. And I need to be sure you're not just playing house."

"Akala ko ba contract lang 'to? Walang intimacy, walang romance-lahat peke lang. So bakit ako lilipat sa kwarto mo?"

Humakbang siya palapit, kaya napaatras ako konti.

"Because even the illusion of a marriage needs convincing. And kung gusto mong magtagal ang contract na 'to, you'll follow my lead. Or I'll find someone else who can."

Natigilan ako.

Ang sakit ng sinabi niya. I'll find someone else who can. Parang tinadyakan 'yung pride ko.

So I did what any stubborn girl would do.

Ngumiti ako.

"Fine. Lilipat ako. Pero don't expect me to warm your bed, Mr. Monteverde."

"Trust me," malamig niyang sagot. "I wasn't planning to."

Boom. Ang lamig. Pero may kirot.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 38

    Nanlaki ang mata niya. “No. Absolutely not.” “Damon—” “No, Leah!” singhal niya. Lumapit siya sa’kin, mariing tinignan ako. “You’re not sacrificing yourself. I won’t allow it. Over my dead body.” Nag-init ang pisngi ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa inis. “I’m not your porcelain doll, Damon! Hindi ako laruan na basta mo lang ikukulong habang ikaw ang lahat gumagawa! This is my fight too!” Tahimik siya. Hindi makasagot. “Carla betrayed me. Ethan wants me. Then let them try. Pero hindi ako tatakbo. Hindi habang buhay.” Dahan-dahan niyang binaba ang tablet. Lumapit pa siya. Hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Leah… you have no idea kung gaano sila ka-dangerous. Ethan doesn’t play fair. Carla doesn’t have a soul left. Kung ikaw ang bait…”

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 37

    “You’d probably say I’ve messed everything up again. You always said love would ruin me… that it’s weakness. Pero… what if you’re wrong?” Tiningnan niya ang picture. Hindi ko makita kung sino. “Maybe she’s not my weakness. Maybe Leah… is the only right thing I’ve ever done.” Tumulo ang luha ko. Napakapit ako sa hamba ng pinto. Oh God. Hindi pala biro ‘yung sinabi niya kanina. He meant it. Kahit sa sarili niyang katahimikan, inaamin niya. Hindi ako pwedeng tumayo lang dito. Pero bago pa ako makagalaw… Biglang nag-ring ang phone niya. Kinuha niya agad. “Monteverde.” Mahinang sagot niya. Hindi ko narinig ang nasa kabilang linya… pero biglang nanigas si Damon. “What do you mean she’s missing?!”

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 36

    Parang si Damon noon. Tahimik. Malamig. Walang buhay. “This way.” Hinila niya ako papunta sa second floor. Binuksan ang pintuan ng master’s bedroom. “Dito ka. I’ll stay in the next room—pero the guards are just outside the door. You’re safe here, Leah. I promise.” Tumingin ako sa kanya. Pagod na pagod siya. Halos hindi na yata natutulog simula nung gabing ‘yon. Magulo ang buhok. Halatang stressed. “Damon…” mahina kong tawag. Huminto siya, nakasandal sa pader. “Hmm?” “Ba’t mo ‘to ginagawa?” Napakunot ang noo niya. “What do you mean?” “Lahat ng ‘to. Lahat ng risk. Lahat ng effort mo to protect me. Contract wife lang naman ako, ‘di ba?” Dumiretso ang tingin ko sa mata niya. “O may iba pa akong hindi alam?”

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 35

    Biglang bumukas ang pinto. "Sir Monteverde," sabi ng private guard ni Damon. "The car's ready. The safehouse is secured. Helicopter is standing by kung gusto niyo pong mag-airlift instead." Napalingon si Damon. "Prepare both. We leave in thirty minutes. No one else knows about this move, understood?" "Yes, sir." Nang makalabas ang guard, bumaling siya ulit sa'kin. "We're leaving, Leah. Now." Gusto kong tumutol. Gusto kong sabihin na ayokong tumakas, ayokong magtago... pero anong laban ko? Pati best friend ko pala... traydor. Pati simpleng buhay ko noon, wasak na. "Leah, you have to trust me. Please," bulong niya, mariin, halos pakiusap. Napatingin ako sa kanya. Sa lalaking ito na ilang linggo ko nang pinagdududahan... pero siya rin pala ang nag-iisang nagtatanggol sa'kin ngayon. Ako ba ang tanga noon... o ngayon pa lang nagiging totoo ang lahat? Huminga ako nang malalim. "Tara na." Tumango siya. Tumayo. Tinulungan akong bumangon mula sa kama, dahan-dahan.

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 34

    Pero wala akong boses. Nanginginig ang buong katawan ko. Paulit-ulit ang mga salitang 'yun sa isip ko. I'll start... with your beloved wife. Ako ang target. Ako ang uunahin niya. "Leah, listen to me." Hinawakan ni Damon ang pisngi ko, pilit akong pinapakalma. "Hindi siya makakalapit sa'yo. I'll make sure of that. Kahit dumaan siya sa impyerno, hindi niya mararating ang pintuan mo. Hindi habang humihinga ako." Pero kahit gaano kalakas ang salita niya... hindi 'nun kayang tanggalin ang takot sa dibdib ko. "Kailangan ko makita 'yung CCTV," mahina kong sabi. "No," mariing sambit niya. "Ayokong makita mo 'yun. Baka lalo ka lang matakot-" "Gusto ko makita. Please, Damon. Kailangan ko malaman kung sino ang kasama niya." Nanginginig pa rin ang boses ko pero pursigido. "Baka kilala ko siya. Baka may clue ako na hindi mo alam." Natahimik si Damon. Nag-aalangan. "Please..." pakiusap ko. Isang malalim na buntong-hininga. Kinuha niya ang tablet sa side table. "Okay... but pre

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 33

    "Si William... nasa ICU. Tinamaan siya para iligtas ka. Hindi pa rin siya gising hanggang ngayon." Napapikit siya, mariing pinigil ang galit. "Ethan escaped. Hindi namin siya nahuli. Pero hahanapin ko siya... kahit saan siya magtago."Nanlaki ang mata ko."Escaped? Paano-""May kasabwat siya. Isa sa mga guard ng mansion... pinapasok siya. Kasalukuyan pa naming iniimbestigahan kung sino pa ang kasama niya. Pero Leah... hindi ka na pwedeng bumalik doon. Delikado."Napaluha ako. Putang ina. Lahat ng ito... totoo pala."H-he almost killed me..." mahina kong sabi.Humawak si Damon sa mukha ko, marahang hinaplos ang pisngi ko. May takot sa mata niya, pero may halong galit-sa sarili niya."I'm sorry. Sorry kung nadamay ka. Sorry kung... kung nagtiwala ako sa maling tao. Sorry kung pinasok ka sa buhay kong puno ng panganib. Pero Leah..." tumigil siya, nanginginig ang labi, "hindi ko na kayang mawala ka."Napapikit ako. Tangina. Bakit ngayon niya sinasabi 'to?"Damon..." bulong ko, hinawakan a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status