Share

S3 - Chapter 25

last update Last Updated: 2025-06-15 21:06:41

Tisay POV

Nilabas ko ang phone ko. Pinanuod ko sa kaniya ang video namin ni Kaiser nung gabing iyon sa condo namin. Kitang-kita ko sa mukha ni Buchukoy ang gulat.

“Teka, kabit ka niya? Kung kabit ka niya, bakit umiiyak-iyak pa siya na parang broken sa nangyari sa kanila ni Jamaica?” tanong niya na tila nag-uumpisa nang magalit. Ganito si Buchukoy, nakakatakot kapag galit at seryoso na.

“Wait, makinig ka muna. Hindi ako kabit. Ang totoo niyan ay pumunta siya sa cake shop ko nung first year anniversary nila. Bumili siya ng cake, pero sarado na ako, pinilit niya lang akong gumawa. Ayon, habang naghihintay siya sa cake na ginagawa ko, kasi ako na lang mag-isa nun, wala na ang mga staff ko. Nang matapos, nakita ko na lang na tahimik siyang umiiyak habang pinapanuod ‘yung video ni Jamaica kasama ang ibang lalaki sa kama. Dati na niyang alam na may kalandiang si Jamaica,” mahaba kong kuwento sa kaniya. Huminto lang ako para humigop muna ng kape kasi lumalamig na.

“Oh, paano kayo nakarating s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
sobrang apektado tlga s buchukoy... feeling ko tlga my gusto sya KY tisay
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 26

    Tisay POVNarinig ko si Buknoy na kumatok sa pinto ng room ko pagkalipas ng isang oras. “Tisay, need mo nang magluto. Okay ka na ba?” mahinahon ang boses niya.Bumangon na ako. Binuksan ang pinto at saka siya hinarap.“Pagpasensyahan mo na si Buchukoy, kaya lang ganoon ‘yun ay dahil mahal ka namin. Nagulat lang kami kasi hindi ka ganiyan,” paliwanag ni Buknoy.“Pasensya na rin. Alam ko namang mali. Pero ang mahalaga ay nagsabi na ako hangga’t maaga. Kasi alam kong hindi matatapos ang isang linggo na ito na hindi ako makikilala ni Kaiser. Mainam na nauna akong magsabi, bago niyo pa malaman kapag nag-uusap na kaming dalawa,” sagot ko sa kaniya habang nagsusuot na ng facemask.“Ang sa amin lang kasi, ayos lang kung kaibigan lang o kiss ang nangyari. E, hindi ganoon, binigay mo agad. Kahit ako, nagalit din, pero naiintindihan din naman kita. Minsan, pahamak talaga ang alak.”Naginhawahan naman ako nang maramdaman kong hindi gaanong galit si Buknoy. Siguro, nasa gitna lang siya. Hindi na s

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 25

    Tisay POVNilabas ko ang phone ko. Pinanuod ko sa kaniya ang video namin ni Kaiser nung gabing iyon sa condo namin. Kitang-kita ko sa mukha ni Buchukoy ang gulat.“Teka, kabit ka niya? Kung kabit ka niya, bakit umiiyak-iyak pa siya na parang broken sa nangyari sa kanila ni Jamaica?” tanong niya na tila nag-uumpisa nang magalit. Ganito si Buchukoy, nakakatakot kapag galit at seryoso na.“Wait, makinig ka muna. Hindi ako kabit. Ang totoo niyan ay pumunta siya sa cake shop ko nung first year anniversary nila. Bumili siya ng cake, pero sarado na ako, pinilit niya lang akong gumawa. Ayon, habang naghihintay siya sa cake na ginagawa ko, kasi ako na lang mag-isa nun, wala na ang mga staff ko. Nang matapos, nakita ko na lang na tahimik siyang umiiyak habang pinapanuod ‘yung video ni Jamaica kasama ang ibang lalaki sa kama. Dati na niyang alam na may kalandiang si Jamaica,” mahaba kong kuwento sa kaniya. Huminto lang ako para humigop muna ng kape kasi lumalamig na.“Oh, paano kayo nakarating s

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 24

    Tisay POV“Kawawa naman si Sir Kaiser,” sabi bigla ni Buknoy nang lapitan kami ni Buchukoy dito sa wheelhouse.Napatingin agad ako sa kaniya habang kumakain ng tinapay at humihigop ng mainit na kape. “Bakit? Anong eksena?” tanong ko agad.“Narinig kong umiiyak. Napadaan kasi ako sa room niya, parang may kausap siya sa phone tapos umiiyak,” sabi niya kaya hindi ko maiwasang maging apektado kasi kahit ako ay naaawa rin sa kaniya.“Ganoon talaga. Normal na sa taong broken ang ganiyan, lalo na’t sariwa pa ang lahat, makaka-move on din ‘yan,” sabi ni Buchukoy na minsan ay seryoso rin.“Pero, huwag na nating pag-usapan, mamaya niyan marinig tayo, nakakahiya,” saway ko sa kanila.“Tama si Tisay,” sang-ayon sa akin ni Buchukoy.“Okay, change topic. Nga pala, kahit broken siya, nakakain siya ng maayos. Parang may magic talaga ang kamay mo, Tisay. Sabi niya, masarap ka raw magluluto,” sabi naman ni Buknoy kaya natuwa ako.“Thank you naman, kanina kasi, nahihiya at natatakot ako na baka hindi si

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 23

    Tisay POVPaglabas ko ng banyo, naririnig ko pa na nag-uusap silang tatlo. Dinig ko ang boses ni Kaiser, na-miss ko ‘yun, sobra kahit nung gabing lang na iyon kami nagkasama. Sa boses niya, parang wala namang bahid na lungkot siyang nararamdaman. Parang hindi broken, pero siguro, tinatago niya lang kasi may kaharap siyang ibang tao.“Okay lang ba kung isang linggo tayong mag-stay sa Collarga island?” dinig kong tanong ni Kaiser kina Buknoy at Buchukoy.“Ah, ibig sabihin po ba ay extend pa natin ng apat na araw pa, bale pitong araw po ba?” tanong naman din ni Buchukoy.“Oo, ganoon na nga. Kailangan ko kasing makapag-relax. Hindi ko naman na kailangan pang ipaliwanag, alam kong maging kayo, nabalitaan ang nangyari.” Doon sa part na iyon, may kirot, naramdaman ko nang malungkot talaga siya.“Wala pong problema, bossing. Kahit nga po dalawang linggo pa, walang problema sa amin, okay na okay po sa amin,” masayang sagot ni Buknoy.Puwes, ako hindi puwede. May business ako ‘no! Kung makapag-

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 22

    Tisay POVAlas tres pa lang ng madaling araw, nagising na ako. Nauna pa nga ako sa alarm clock ko. Ito kasing katawan ko, ganito kapag may lakad at naka-alarm ako, nauuna pa akong magising kaysa tumunog ang alarm.Bumangon na agad ako, kailangang gumayak ng maaga. Ngayon na kasi ang araw na sasampa ako sa yate bilang kusinera—at hindi lang basta yate, kundi private yate nina Buknoy at Buchukoy. At ang mas nakakakaba pa, si Kaiser ang client nila.Kagabi, parang gusto ko pang umatras, parang ayoko na palang sumama kasi kinabahan ako. Umaandar ang hiya at takot ko na baka kung anong isipin at sabihin ni Kaiser kapag nakita niya ako.May pagkakataon kagabi na naramdaman ko na ayaw ko na sana siyang makita ulit, pero may side din sa akin na gusto ko pala. Ang gulo no?Naawa kasi ako kay Kaiser, pero hindi ko rin mapigilang isipin na baka… baka ito na ‘yung pagkakataon. Na baka lapitan niya ako. Kahit ba kaibiganin na lang. O baka kahit konting pansin lang, sapat na.Patawag na ako kina Bu

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 21

    Tisay POVBuong Lux City ata, iisa lang ang pinag-uusapan.Habang nakaupo ako sa cashier counter ng cake shop ko, hawak ang tablet at palihim na nag-i-scroll sa feed ko, hindi ko naiwasang mapataas ang kilay. Puro balita tungkol kay Jamaica ang nandoon. Sa social media, sa mga blind item accounts, kahit sa mga marites group chat ng mga kababaihan sa city—siya lang talaga ang laman. Mula headline hanggang comment section, nagliliyab sa tsismis ang buong siyudad. May kumakalat daw na video niya. Sure akong ito na ‘yung video na napanuod namin ni Kaiser nung gabing mawasak ang puso niya.Wala pang confirmation, pero may mga screenshot na, may mga leak at ang pinakamatindi, may nagsabing nakita nila mismo sa isang site ang malalang video nito.Hindi ko alam kung matatawa ba ako, matutuwa dahil may chance na ako sa puso ni Kaiser. Pero alam kong stress na stress ngayon si Jamaica.Hindi dapat ako masaya. Hindi magandang magsaya dahil sa kahihiyan ng ibang babae. Babae rin kasi ako. Alam ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status