Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2025-02-09 21:52:07

Tahlia POV

Halos isang linggo na akong nakabantay kay Axton sa ospital. Halos hindi na ako natutulog, hindi rin ako makakain nang maayos. Araw at gabi, inaabangan ko ang bawat galaw niya habang hinihintay ang kahit anong senyales na magigising siya mula sa coma.

At ngayon, eto na ang araw na pinakahihintay ko.

Unti-unting gumalaw ang mga daliri niya, kasabay ng mahinang paggalaw ng mata niya sa ilalim ng talukap nito. Napasubsob ako sa kamay niya, hindi ko mapigilang humagulgol sa sobrang tuwa.

"Axton…!" tinawag ko siya nang mahina habang mangiyak-ngiyak.

Dahan-dahan siyang dumilat, kita ko ang pagkalito sa kanyang mata bago ito napuno ng pagod at lungkot.

"Tahlia…" mahina niyang tawag sa akin at doon tuluyang bumagsak ang luha ko.

Dali-dali kong tinawag ang doktor at mga nurse. Lahat kami sa kwarto—ako, ang mga magulang niya at ang mga doktor—ay punong-puno ng pag-asa.

Happy na kami kasi gising na siya. Halos lahat ay nakangiti niya pero kailangan niyang ma-test para malaman kung ano pa ang magiging problema sa kaniya.

Habang naghihintay ng result sa kaniya, nagkukuwentuhan kami ng mga nangyari sa kaniya, galit-galitan pa ako kasi nung hindi kami natuloy ng lunch date ay pumunta pala siya sa birthday party ng kaibigan niya at dahil sa kalasingan, naaksidente siya gamit ang motor niya.

**

Akala namin, heto na ang simula ng unti-unting pagbabalik niya sa dati. Pero mali kami.

Matapos ang mga test, doon namin nalaman ang malupit na katotohanan na hindi na muling makakalakad si Axton.

Parang binagsakan ng langit at lupa ang buong mundo ko sa sinabi ng doktor. Lahat kami, tuluyang napahagulgol ng iyak—ako, ang mama at papa niya… at lalo na si Axton.

"Hindi… Hindi ito totoo…" nanginginig ang boses niyang sabi habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Tahlia, sabihin mo sa kanila… Hindi ito totoo…!"

Hindi ko alam kung paano siya hahawakan, paano siya papakalmahin, paano siya sasabihan ng salitang makakapagpagaan ng loob niya. Dahil wala. Wala akong maisip na salita para mabawasan ang sakit ng tinanggap niyang balita.

"Hindi! Hindi ko matatanggap 'to!" nagwala siya, tinutulak kaming lahat palayo sa kanya. "Umalis kayong lahat! Ayokong makita ang kahit sino sa inyo! Lumabas kayo!"

"Axton, please…" sinubukan kong lapitan siya, pero halos mapunit ang puso ko nang makita kong sinisipa niya ang kumot at sinisigawan ang lahat.

"GET OUT! ALL OF YOU, GET OUT!"

Wala kaming nagawa kundi sundin ang gusto niya. Pinaalis kami ng doktor sa kuwarto at sa huli, kinailangan pa siyang turukan ng pampakalma para lang mapahinto ang pagwawala niya.

Nang makatulog na siya, isa-isa kaming lumabas ng kuwarto. Pakiramdam ko, bumigat ang katawan ko, parang biglang nawala ang lahat ng lakas ko.

Akala ko… magiging okay na ang lahat.

Pero hindi pala.

Pag-uwi ko sa bahay, ni hindi ko naisipang dumaan sa hapag-kainan. Diretso akong pumanhik sa kuwarto, pero bago ko pa maisara ang pinto, biglang bumungad si Papa.

“Tahlia,” seryoso niyang tawag sa akin.

Napatingin ako sa kanya, pero hindi ako nagsalita.

Umupo siya sa kama ko, saka ako tinitigan nang matagal. Alam kong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan.

“Ano na ang plano mo?” malamig niyang tanong.

Napalunok ako. “Ano pong ibig ninyong sabihin?”

Tumikhim siya. “Si Axton ay baldado na. Wala na siyang silbi.”

Agad palang naparating ng mama ni Axton ang tungkol kay Axton sa parents ko.

Parang may pumitik sa loob ng ulo ko. Ang sakit ng sinabi niya.

“Papa, anong klaseng salita ‘yan?” mahina pero matigas ang boses ko.

“Nagsasabi lang ako ng totoo,” sagot niya na walang bahid ng emosyon. “Wala na siyang maibibigay sa’yo, Tahlia. Hindi ka na niya mabibigyan ng magandang kinabukasan. Hindi na rin matutuloy ang kasal kasi baldado na siya, paano pa siya makakalakad sa simbahan? Ayoko namang maikasal ka sa lalaking ikaw pa ang mag-aalaga.”

Nanginginig ang kamay ko sa gigil. “Mahal ko si Axton.”

Binigyan lang ako ni Papa ng matalim na tingin. “Pero hindi mo mabubuhay ang sarili mo sa pagmamahal lang.”

Tumingin siya sa akin na parang hindi ko naintindihan ang tunay na mundo.

"Habang inaaksaya mo ang oras mo sa kanya, baka maunahan ka na ni Xamara na makuha ang sampung bilyong reward kay Mama Flordelisa. Kaya habang maaga pa, maghanap ka na ng matinong lalaking mapapangasawa."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Papa…"

“Gamitin mo ang utak mo, Tahlia.” Tumayo siya, tinapik ang balikat ko. “Huwag kang magpaka-martir.”

Pagkalabas niya ng kwarto, hindi ko napigilan ang sarili kong ibato ang unan sa pinto.

Tangina!

Akala ko, wala nang hihigit pang sakit sa araw na ito. Pero heto si Papa, pilit tinutulak ako palayo kay Axton.

**

Sa inis, lumabas ako ng bahay at nagmaneho nang walang direksyon. Nasa highway na ako habang malalim ang iniisip, nang biglang may lumitaw na lalaki sa harapan ng sasakyan ko.

"Putangina!" Napapreno ako bigla at halos sumadsad ang gulong sa kalsada.

Bumaba ako ng kotse habang galit na galit.

"Are you out of your mind?!" sigaw ko, pero natigilan ako nang makita ko ang itsura niya.

Lasing. Madungis. Halatang hindi pa natutulog nang maayos sa ilang araw. Pero kahit ganito siya, kapansin-pansin ang matangos niyang ilong, ang mapupungay niyang mata at ang mala-Amerikanong mukha niya.

Mukha siyang pogi sa ibang pagkakataon, pero ngayon? Mukha siyang taong walang pag-asa sa buhay.

Lumapit ako sa kanya. "Are you trying to kill yourself?"

"Yes," sagot niya habang malabo ang tingin at amoy alak.

Napakurap ako. Hindi ko inasahan na aaminin niya nang ganoon kabilis.

"Why?" tanong ko ulit.

Napabuntong-hininga siya, nangingilid ang luha sa kanyang mata. "I'm tired. I've tried everything… Worked different jobs… But no matter what I do, it's not enough. My mother needs surgery, and I don't have enough money to save her."

Confirm, may lahi nga kasi magaling mag-english.

Kahit lasing siya, ramdam ko ang totoo sa mga sinabi niya. Pagod. Wasak. Wala nang pag-asa.

Napatingin ako sa kanya.

At sa isang iglap, sumagi sa isip ko ang sinabi ni Papa.

"Maghanap ka na ng matinong lalaking mapapangasawa."

Tahimik akong tumitig sa lalaki.

Magagamit ko kaya siya?

Kung mapapapayag ko siyang magpanggap bilang asawa ko, makukuha ko ang mana ni Lola… At kung totoo ang sinabi niya, matutulungan ko rin siyang mapaoperahan ang mama niya.

Win-win situation, ‘di ba?

Kumunot ang noo niya nang makita ang titig ko.

"What?" tanong niya habang kita ang pagkalito sa kanyang mukha.

Ngumiti ako.

"How desperate are you to save your mother?" tanong ko.

Napakunot ang noo niya. "A-anong i-ibig mong sabihin?"

"I have a deal for you," sagot ko habang tinatapik ang sarili kong braso.

"I'm listening," sagot niya habang kita sa mukha niya ang alinlangan.

Ngumiti ako.

"Bilyonaryo ako at naghahanap ako ng lalaking a-acting-an na asawa ko. Naghahanap ako ng lalaking groom sa kasal ko."

“Ano po ito, For rent: Groom for the billionaire?”

Tangina, seryoso na nga ako, pero mukhang hindi niya ako pinaniniwalaan.

“Ano, ayaw mo bang maduktungan pa ang buhay ng mama mo?” tanong ko habang galit na ang boses.

“I do, oo na, magpapakasal na po ako sa iyo, basta, tulungan mo lang ako,” sa wakas ay sagot niya.

Mas guwapo siya kapag nakangiti, mukha lang talagang maangot dahil sa itsura niyang gusgusin.

Umirap ako at saka ko siya sinenyasan na sumakay sa kotse ko. Kailangan niya munang makausap ng maayos bago ang lahat.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anajoy Arcinue
Thank you miss A. Sobra ganda ng stories mo ..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Special Chapter

    Tisay POVAng sarap ng hangin dito sa tabing-dagat. ‘Yung simoy ng hangin na may kasamang alat ng dagat at init ng araw na parang sinasabi ng mundo na, Tisay, konti na lang, andiyan parating na ang baby ninyo ni Kaiser.Naglalakad-lakad kami ni Jamaica at Xamira sa malawak na dalampasigan ng beach resort. Sadyang pinili namin ang lugar na ito dahil malapit ito sa ospital, at para na rin sa akin, para makapaglakad-lakad. Ilang araw na rin akong kasi akong hirap. Hindi na ako mapakali, lalo na’t kabuwanan ko na talaga.Si Jamaica, isang buwan pa lang ang nakalilipas nang isilang niya ang anak nila ni Rocco. Ang gaan-gaan na ng mga pagkilos niya ngayon, kahit pa gising siya buong gabi sa pag-aalaga sa baby nila. Nakangiti siya habang karga-karga ang anak niya sa stroller, habang si Xamira naman ay todo video sa amin, parang mga artista tuloy kami sa isang pelikula.“O, Tisay, konting rampa pa. Pang-content natin ‘to, para may throwback tayo pagkatapos mong manganak,” natatawang sabi pa ni

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - EPILOGUE

    Tisay POVHindi ako makapaniwala na darating ang araw na ‘to. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, lahat ng pagluha, pagdududa, at pakikipaglaban, heto na ako ngayon, nakatayo sa harap ng dambana, sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Sa wakas, ikakasal na ako kay Kaiser. Natupad ang hinihiling ko sa itaas, na kung sino ang makakatuluyan ko, siya rin ‘yung unang makakakuha ng perlas ng silanganan ko.Tandang-tanda ko pa nung una kaming magkita, umuulan nun at tumakbo siya sa loob ng cake shop ko. Kung hindi niya ako napilit nung gabing ‘yon, hindi ko siya makikilala at makakasama sa condo ko. Siguro, may sumapi rin talaga na kalandian sa akin nung mga oras na ‘yun. Kasi, todo-bigay din ako. Kahit hindi ko siya kakilala, sinama ko siya sa condo para doon magpalipas ng gabi. At hindi ko naman din inaakala, na nung gabi ring iyon, makukuha na pala niya agad ang pagka-birhen ko."Handa ka na ba?" tanong ni Tahlua habang inaayos ang laylayan ng wedding gown ko. Tumango ako kahit nanginginig

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 46

    Tisay POVHindi ko na pinaalis si Jamaica sa condo ko. Wala siyang alam na tinawagan ko na sina Rocco at Kaiser ngayong araw. Gusto ko nang matapos ang paghihirap niya, iyon na lang ang tanging problema na kahit ako, dala-dala ko, dahil sa awa na nararamdaman ko sa kaniya.Buong maghapon, magkakasama kami sa condo ko. Lahat-lahat, siniwalat ko sa kanila ang nalalaman ko, lalo na nung unang araw na makita ko si Herlyn na may kasamang mga armado, pati na rin ang pananakot nito sa mga message na pinapadala sa akin.Kaya ngayong gabi, aaksyunan na naming apatr ito. Kasama ko sina Jamaica, Rocco, at Kaiser sa loob ng sasakyan, nakaparada kami sa hindi kalayuan mula sa bahay ni Herlyn.Pagkarating namin dito, nasaksihan agad nila ang tinutukoy ko. Saktong-sakto, nakita naming may pumasok na limang armadong lalaki sa bahay ni Herlyn. Doon palang, huli na siya. Nakita nila agad na totoo ang sinasabi ko, may mga armadong lalaki na binabayaran si Herlyn para guluhin at saktan si Jamaica.“Handa

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 45

    Tisay POVHindi ko alam kung bakit, pero habang nasa eroplano kami pauwi ng Pilipinas mula Canada, biglang kumirot ang dibdib ko. Parang may bumubulong na.Tisay, ang saya mo na ngayon, baka bukas, bigla ka namang malungkot. Biglang may dumating na problema.Hindi ko maiwasang isipin ‘yun. Pero, hindi ko na lang masyadong pinapansin. Ayokong sirain ang masayang mood ko ngayon.“Okay ka lang?” tanong ni Kaiser na tila napansin nag-o-overthink ako.“Yeah, naisip ko lang na, magiging busy naman tayo sa paghahanda sa kasal natin,” sagot ko. ‘Yun kasi ang dahilan kaya time out muna sa mga travel-travel namin. Gusto ni Kaiser, bago ako manganak, maikasal na raw kami. Nang sa ganoon, mailagay na agad sa birth certificate ng baby namin ang surname niya.PAGDATING namin sa Pilipinas, hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Wala nang jetlag-jatlag. Agad na rin naming inaksyunan ang preparasyon ng kasal namin. Naisip ko nga, hindi ito basta-bastang kasal lang. Gusto ng pamilya niya ay sosyal. Plana

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 44

    Tisay POVAkala ko, normal lang ang araw na 'yon.Pagkagising ko rito sa Canada, nakita ko agad si Kaiser sa may bintana ng hotel suite namin. Naka-hoodie lang siya at may hawak na tasa ng kape, nakatanaw sa snow na unti-unting bumabagsak sa labas. Nag-inat ako, ngumiti at saka na bumangon. Wala akong ideya sa kung anong mangyayari sa araw na ito. Basta, ang alam ko lang ay gagala lang kami nang gagala habang buntis ako. Mabuti nga, pagdating sa galaan, hindi ako antukin at masungit, kapag gala time, masaya at full charge ako.“Good morning, mahal,” bati ko nang lapitan ko siya. Niyakap ko siya“Good morning,” sagot niya naman at saka ako hinalikan sa noo. “May pupuntahan tayo mamaya. Magbihis ka nang maganda, ha? Gusto kong maging special ang araw na ‘to.”Hindi ako nagtanong kung bakit. Sanay na akong isurpresa niya ako. Pero may kakaiba sa titig niya ngayong umaga. Parang kabado rin siya. Parang may tinatago, ganoon.Sa araw-araw na kasama ko siya, aba, walang araw na hindi ako nai

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 43

    Tisay POVLimang buwan na pala ang lumipas simula nang malaman kong buntis ako. Sa loob ng panahong ‘yon, parang isang panaginip lang ang lahat. Hindi ko akalaing habang lumalaki ang tiyan ko, palawak naman nang palawak ang mundong ginagalawan ko. Paris. Italy. South Korea. Iceland. Vietnam. Isa-isang tinupad ni Kaiser ang pangarap kong makalibot sa mundo. Para kaming nasa honeymoon kahit buntis ako. Panay ang date, panay ang gala. Sabi nga niya, gusto niyang bago pa dumating si baby, maiparamdam niya muna sa akin kung gaano niya ako kamahal. Para na ring nagde-date pa rin kami.“You deserve the world, Tisay. So let me take you around it,” bulong niya sa akin habang nasa Eiffel Tower kami. Kinilig ako, siyempre. Sino ba naman ako para hindi matunaw sa mga ganoong linyahan, ‘di ba?Pero kahit anong saya ko, may isang bahagi pa rin ng puso ko ang may bigat. Si Jamaica kasi, e. Nalulungkot ako para sa kaniya… sa tuwing mababalitaan kong may problemang nangyayari sa kaniya.Nakilala ko si

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status