MasukNang nasa loob na siya ng bar. Agad siyang nag order. Hinayaan lang niya ang kanyang sarili na magpakalasing at eenjoy ang bawat alak na nilalagok niya at humahagod sa kanyang lalamunan. Alam niya naman na tinamaan na siya pero gusto pa rin niyang mag inom. Hanggang sa medyo umiinit na ang buong katawan niya kaya naman naengganyo na siyang sumayaw. Naglakad siya patungo sa dance floor at nagsimula ng sumayaw. Maraming nakikipag sayaw sa kanya pero dedma lang siya at hinayaan lang niya ang sarili niya na mag enjoy. Lingid sa kanyang kaalaman na may matang nagmamatyag sa kanya sa malayo. Isang camera na bawat galaw ng kanyang baywang ay kinukuhaan. Nakaupo siya sa malayo pero tanaw na tanaw niya pa rin si Mira na walang tigil sa pagsasayaw. Nang mapagod ito naupo sandali at doon na natigil ang pagcapture ng isang tao. Maya maya lang tumayo na ito at umalis. Naiwan si Mira na masayang masaya pero ng makita niya ang oras nawindang siya dahil kailangan na niyang makabalik ng bahay ku
Hindi alam ni Mira ang kanyang gagawin. Nakaramdam siya agad ng selos ng nakita niya ang babae na halos nakadikit na kay Troy. Wala naman siyang karapatang magselos dahil walang sila. Pero hindi niya maiwasan talaga at dala ng bugso ng kanyang damdamin. Nakapag taray siya ng hindi sinasadya. "Sir Troy you have meeting later. Don't be late." wika niya at taas noong naglakad palabas ng opisina nito. Hindi naman naka imik si Carla at Troy ng iwan sila ni Mira. Pero mukhang nakikita na ni Carla ang liligawan ni Troy base sa mga mata nito kung tingnan nito ang babae. Tulala pa rin kasi ito kaya nag finger snap siya sa harapan nito. "Mata mo--" pang aasar niya. "Huh? What did you say?" tanong niya rito at baka nabingi siya kasi at gusto niya lang iklaro. "Nothing. Oo na payag na ako na turuan ka paano mapasagot iyong babae kanina-- ay este iyong gusto mong ligawan."pabirong wika ni Carla. Natahimik naman si Troy at nagpasalamat ng sobra. "Thank you ate Carla. You're always the
Three days later at pakiramdam naman ni Mira na fully recover na siya kaya naman pumasok na siya sa kumpanya. Nahihinayangan siya sa araw dahil alam niya naman na marami pa siyang pwedeng gawin kung pumasok siya sa opisina. Pagdating niya sa table niya agad siyang sinutsutan ni Gerlie. "Psssst." Napalingon siya sa sutsot nito. Pero hindi siya tumayo para puntahan ito dahil nakita niya ang pagpasok ni Troy kasunod ang isang sopistikadang babae. Hindi man lang sila pinansin ng mga ito at nagdiretso sa loob. Si Gerlie na ang lumapit sa kanya dahil alam naman nito na masasaktan ang kanyang kaibigan. "Oh! Ang mata mo at ang puso. Sabi ko naman sayo kalimutan mo na si boss Troy. Nakita mo iyong kasunod niya na magandang babae?" tanong nito. Pero dedma lang si Mira kunwari wala siyang naririnig na kahit ano. Pero may ideya naman na siya kung sino ang babae. "Hoyy! Si Ma'am Carla iyon. College friend ni boss Troy. Ang balita ko nililigawan niya yan--" hindi na niya pinatapos a
Katatapos lang ibaba ni Troy ang tawag pero hindi pa rin mawala wala sa isipan niya si Mira. Lalo na nang makita niya ang picture nila together noong bata pa lamang sila. Chubby pa ito noon at noong una nga di niya ito nakilala maliban lang sa sinabi ni Gerlie na kaibigan nito. Doon na lang niya napagtanto ang hugis ng mukha nito ay parehas. Mula noon di na nawaglit sa isipan niya ang mukha ni Mira. Madalas nakakagalitan niya ito dahil tulala na parang tanga kung minsan. Pero kung kumilos naman ay pulido at maayos ang pagta trabaho kaya hinayaan na lang rin niya. Ringing..... Natigil ang pag-iisip niya ng magring ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito at boses ng daddy Thomas niya ang nasa kabilang linya. "Hello, dad. Is there something wrong? Bakit ka napatawag ng biglaan?" tanong niya at kilala naman niya ang daddy Thomas niya ayaw nito ng paligoy ligoy na usapan. "Yah! Can you meet Mr. Yolo at 10 am sharp. I will send you the details." ani nito. "Ok, sure dad." sagot
"Boss Troy bakit ho kayo napatawag?" tanong ulit nito. "Ah! Nothing. I just want to check on you. Mukha ka namang ok. I have to go." ani ni Troy sabay baba ng call. Hindi nga siya pinatapos ng sasabihin. "Sig--" Tooot! Toooot! Ibinaba na niya ang kanyang cellphone at wala naman nang tatawag pa. Bumalik siya sa kanyang pagtulog. At muli na naman niyang naalala ang mga naganap sa kanilang dalawa ng kanyang boss. Natigil lang ang kanyang pag-iisip ng biglang kumatok ang kanyang Mommy Grace. Nagmamadali siyang buksan at baka siya'y makagalitan pa nito. Hindi na nga siya umuwi kagabi at madaling araw na yata. "Po?" wika niya. Nang mabuksan niya ng tuluyan ang pintuan. "Hija, wala ka bang work ngayon? Bakit hindi ka sumama sa amin ng daddy at kapatid mo. We're going out for lunch later." yakag ng kanyang Mommy Grace kaso wala naman siya sa mood gumala at masama pa ang kanyang pakiramdam. "Wala po pero marami po akong workload Mom. Kayo na lang po muna ulit. Mas kailangan ni
Nagkaroon ng butil butil na pawis si Mira ng pumasok ang kanyang boss na si Troy. Hindi niya tuloy malaman kung iiwas nga ba siya o hindi. Maraming tanong sa kanyang isipan na hindi masagot sagot miski siya. Alam niyang noon pa lang may gusto na siya sa boss niya pero hindi talaga niya pinupursue at para sa kanya kung sila silang dalawa talaga. Pero ngayon iba nandito ito sa harapan niya hindi galit, mukhang nag aalala naman sa kanya kahit papaano. May bulong na nagsasabi sa kanya na hindi naman mukhang nag-aalala. Pero gusto pa rin niyang kiligin kahit papaano ng malaman niyang naroon ito. "Boss Troy, medyo ok naman na siya. Kailangan lang ng pahinga at mukhang nakipag--" hindi natuloy ni Gerlie ang gustong sabihin ng kurutin siya ni Mira sa braso. Mukhang ipapahamak pa siya ng kanyang kaibigan dahil sa katabilan ng dila. Ayaw naman niya na malaman nito na siya ang naging kaulayaw nito kagabi. "Pasensya na kayo boss sa kaibigan ko.. Ok naman na ako at makakapasok na ako toda







