Share

Kabanata 13.1

Author: Rhea mae
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-18 20:22:47

Maingay na sa buong gymnasium kung saan gaganapin ang family day ng mga bata. Masayang masaya si Zayn na kasama si Kian na kinikilala niyang Daddy niya. Hinayaan na lang ni Ayesha na paniwalaan ng anak niya na si Kian ang ama nito. Ipapaliwanag niya na lang balang araw.

May dalang camera si Ayesha para kunan ang bawat moment nilang mag-ina lalo na ni Zayn. Palihim na kinuhanan ni Ayesha ng picture si Kian at Zayn na magkasama. Nakatalikod ang dalawa sa kaniya.

“Good morning parents and kids. Ha
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Forbidden Heat Between US   Kabanata 14.3

    Pumasok na si Ayesha sa kompanya. Nasa lobby pa lang siya ay pansin niya ng may hindi normal sa ikinikilos ng mga empleyado. Nagbubulungan din ang mga ito kaya nagtataka siya kung ano bang nangyayari.May mga empleyado siyang nakasabay sa elevator pero tahimik naman ang mga ito. Paglabas nila ng elevator ay nagsimula na namang magbulungan ang mga empleyado. Nagtataka na siya kung ano bang nangyayari at kung anong meron ngayon sa kompanya.“Ayesha,” napatingin si Ayesha sa tumawag sa kaniya. Napahinto naman siya ng makita niya si Rafael. Nakangiti itong lumapit sa kaniya.“Balita ko naging maayos ang meeting niyo kasama ng mga investors. Alam mo ang galing mo talaga. Kahit mag-isa mo lang kaya mong gawin ang lahat. I’m so proud of you. Nagagawa mo palaging iligtas ang kompanya. Kung may anak lang akong lalaki, irereto talaga kita sa kaniya.” Blangko ang mukha ni Ayesha na nakatingin sa uncle Rafael niya. Iniisip kung ano bang dahilan ng paglapit nito sa kaniya.“May kailangan ka ba un

  • Forbidden Heat Between US   Kabanata 14.2

    Itinakbo nila si Zayn sa hospital dahil bigla na lang itong nawalan ng malay. Kinakagat ni Ayesha ang kuko niya habang naghihintay ng balita sa doctor. Hindi niya na rin maiwasang hindi maiyak sa pag-aalala para sa anak niya.“Stop crying. This is all my fault. I’m really sorry.” Nakokonsensyang sambit ni Kian. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat dahil pumasok pa siya sa buhay nilang mag-ina.“Doc, kumusta po ang anak ko? Anong nangyari sa kaniya?” nag-aalalang tanong ni Ayesha nang bumalik na ang doctor.“Too much emotion but he’s fine. Nawalan lang siya ng malay dahil sa sobrang pag-iyak. Magigising din siya mamaya. Pwede rin siyang iuwi mamaya kapag naubos na ang dextrose niya. Kung ano man yung dahilan ng pag-iyak niya ng sobra sana maiwasan yun. Hindi rin maganda na nawawalan ng malay ang bata dahil sa pag-iyak. Posibleng mawalan ng oxygen ang brain niya sa sobrang pag-iyak.” sagot ng doctor. Nakahinga naman ng maluwag si Ayesha pero hindi pa rin niya naiwasang hindi umiy

  • Forbidden Heat Between US   Kabanata 14.1

    Nagtungo silang dalawa sa hardin. Ibinaba ni Ayesha ang mga pagkain na kinuha niya sa kusina para makapagmeryenda sila ni Kian habang nag-uusap. Gustong malaman ni Ayesha kung anong mahika ang nangyari sa kanila sa loob ng hotel na yun.“Sabihin mo sa akin, anong nalaman mo?” tanong ni Ayesha. Hindi man siya komportableng pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Kian pero gusto niyang malaman ang totoo.“Si uncle Rafael ang nasa likod ng nangyari sa akin. Nauna ako sa meeting place dahil may gusto akong ayusin. Yung bottled water na ininom ko, may droga pala yun. Kapag nainom mo yun nagpapataas yun ng sexual desire at pagkahilo. Kung naamoy mo yung scent ng hotel room nang hilain kita. Insenso yun na may kasama ring droga. Yun ang dahilan kung bakit nahilo ka at tumaas ang sexual desire mo. Maniwala ka sa akin, Ayesha. Pinilit kong kontrolin ang sarili ko. Pinilit kitang paalisin dahil baka may magawa ako sayo pero hindi ka umalis. I swear, hindi ko alam na ikaw pala ang nahila

  • Forbidden Heat Between US   Kabanata 13.3

    “Bakit mo ginawa yun? Mas malala ka pa sa akin eh.” Wika ni Ayesha nang makalapit na sila ni Zayn sa kaniya. Naupo na si Kian saka niya pinaupo si Zayn sa mga hita niya.“Taste their own medicine.” Tanging sagot ni Kian. Napapailing na lang si Ayesha saka niya inayos ang buhok ng anak niya.“Siya nga pala, may mga nakakakilala sayo rito. Hindi ka ba nag-aalala na baka may lumabas sa news?” tanong ni Ayesha. Kalmado lang naman si Kian na para bang wala siyang iniisip.“Kaya kong kontrolin ang media. Nirereview pa lang yung ipapasa ng mga reporters, itatapon na yun ng director ng media.” Sagot niya. Napapakibit balikat na lang si Ayesha. Hindi na siya magtataka dahil malaki ang impluwensya ng mga Villanos sa bansa.“Pero ito ang tatandaan mo, hindi lahat ng news tungkol sayo ay makokontrol mo habang buhay.” Pagpapaalala ni Ayesha na hindi naman na sinagot pa ni Kian.Nang magsimula ang laro ay tumayo na sila at sumali. Punong puno ng tawanan ang buong gymnasium dahil sa mga bata at mga

  • Forbidden Heat Between US   Kabanata 13.2

    Nasa gitna nila si Zayn. Napapalunok na lang si Ayesha.“Are you guys ready?” tanong ng host na nasa stage. Nagtinginan si Kian at Ayesha.“Pwede ba kitang hawakan?” pagpapaalam ni Kian dahil kailangan nilang hawakan ang isa’t isa sa bewang. Bahagyang ngumiti at tumango si Ayesha dahil wala naman siyang magagawa.“Pwede naman.” Sagot niya. Hinawakan na siya ni Kian sa bewang at tila ba naramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente sa katawan niya. Humawak na rin siya sa bewang ni Kian dahil magsisimula na ang laro.“Are you ready?” tanong ni Ayesha sa anak niyang nasa gitna nila.“Ready na po mommy,” masayang sagot ni Zayn. Nagfocus na sila sa laro. Nang ibaba na ang flag ay nagsimula na rin silang naglakad nang mabilis.“Humawak kang mabuti anak ha?” pagpapaalala ni Ayesha dahil baka sumobsob sa semento ang mukha ng anak niya kapag nakabitaw ito.“Opo mommy,”Habang mabilis ang paghakbang nila ay napapasigaw na lang sila dahil dikit lang ang laban. Natatawa na rin si Ayesha dahil hindi la

  • Forbidden Heat Between US   Kabanata 13.1

    Maingay na sa buong gymnasium kung saan gaganapin ang family day ng mga bata. Masayang masaya si Zayn na kasama si Kian na kinikilala niyang Daddy niya. Hinayaan na lang ni Ayesha na paniwalaan ng anak niya na si Kian ang ama nito. Ipapaliwanag niya na lang balang araw.May dalang camera si Ayesha para kunan ang bawat moment nilang mag-ina lalo na ni Zayn. Palihim na kinuhanan ni Ayesha ng picture si Kian at Zayn na magkasama. Nakatalikod ang dalawa sa kaniya.“Good morning parents and kids. Handa na ba ang lahat for today’s event?” masiglang tanong ng host na sinagot naman ng lahat. Makulay ang buong paligid dahil sa mga balloons at banner. Hindi maalis sa mukha ni Zayn ang matamis niyang ngiti.“Zayn, sino siya?” kuryosong tanong ng mga kaklase ni Zayn. Nagmamayabang naman na ang ngiti ni Zayn dahil finally may maipapakilala na siyang daddy sa mga kaklase niya.“He’s my dad. Dumating na ang daddy ko kaya hindi niyo na ako mabubully na wala akong daddy.” Proud niyang sagot. Tila nani

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status