LOGINTahimik lang si Ayesha habang kumakain sila ng dinner. Si Kian na naman ang nag-aasikaso kay Zayn. Hindi niya na lang pinakialamanan ang mga ito. Alam niyang nangungulila sa ama ang anak niya kaya hindi na lang siya kumontra.
“May balita na ba sa pag-iimbestiga niyo o hindi niyo na inalam kung sino talaga ang may gawa para iframe up ka, Kian?” tanong ni Dexter habang kumakain sila.
Tahimik lang si Kian at Arianne habang nasa byahe sila habang si Ayesha naman ay tulog na tulog pa rin. Nakatulalang nakatingin sa labas ng bintana si Arianne, malalim ang iniisip habang si Kian naman ay pasulyap-sulyap kay Ayesha.Hindi niya maiwasang isipin kung ano bang dahilan bakit nagpakalasing si Ayesha ng sobra ngayon. Naging busy siya nitong mga nakalipas na araw dahil kailangan siya sa Tagaytay. Hindi siya umalis dun ng ilang araw kahit na gusto niya nang bumalik sa main branch.“Okay ka lang?” tanong ni Kian kay Arianne. Nagsalubong naman ang mga tingin nila sa salamin.“I’m fine,” sagot ni Arianne. Napapatango na lang si Kian.“I’m sorry,” ani ni Kian kaya muli siyang tiningnan ni Arianne. Nagsalubong ang mga kilay.“Sorry for what?” tanong niya. Hindi sumagot si Kian. “May itinatago ka ba sa akin?” tanong pa ni Arianne. Napapabuntong hininga naman si Kian.“Wala lang naman, pakiramdam ko kasi kailangan kong humingi ng sorry sayo.” Sagot ni Kian. Hindi naman na pinilit ni
Pareho nang lasing si Arianne at Ayesha pero mas lasing na lasing si Ayesha. Magkaakbay na silang dalawa habang naglalakad papuntang highway para mag-abang ng taxi. Hindi na nila kayang magdrive pa at kahit na lasing na sila, ayaw naman nilang mamatay kapag pinilit pa nilang magdrive.Nagtatawanan na silang dalawa habang pagewang-gewang na naglalakad.“Ilang beses ka na bang nagmahal, Arianne?” lasing na tanong ni Ayesha. Umiikot na ang mundo nila pero nagagawa pa rin nilang tumayo ng diretso habang magkaakbay.“Why do you want to know? Ano bang connection nun sa nararamdaman ko ngayon?” natatawang sagot ni Arianne. Ngumiti naman si Ayesha, namumungay na ang mga mata niya. “How about you, Ayesha? Ilang lalaki na ba ang minahal mo? Siguro you’re a heartbreaker.” Tanong naman ni Arianne.Natawa naman si Ayesha. Tama naman ang sinabi ni Arianne, ilang lalaki na ba ang binasted niya noong nag-aaral pa lang siya? At ngayon naman, kailangan niyang saktan ang lalaking mahal niya para kay Ari
Matapos ang pag-amin ni Kian ay hindi na yun nawala sa isip ni Ayesha. Sa mga nakalipas din na araw ay hindi niya nakita si Kian. Hindi rin sila nagkakasalubong o nagsasabay sa elevator. Hindi alam ni Ayesha kung nagpalipat ba ng branch si Kian o kung bumalik na ba ito ng Germany. Wala siyang balita, pinipigilan niya rin ang sarili niya na magtanong tungkol kay Kian.Nasabi niya na ang bagay na ayaw niya sanang sabihin pero hindi niya naman na pwedeng bawiin.Nang matapos ang maghapon na iyun ay hindi na muna umuwi si Ayesha. Dumiretso siya sa isang bar. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa kakaisip. Ito ang dapat niyang gawin, ang pigilan ang nararamdaman niya.Humingi kaagad si Ayesha ng alak sa bartender nang makaupo na siya sa counter. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang imahe ni Kian noong huli silang nag-usap. Kumikirot ang puso niya sa tuwing naaalala niya ang mga mata ni Kian na nasasaktan.“Isang bote ng alak please,” saad ni Ayesha sa bartender.“Anong alak po ma’am
Diretsong tiningnan ni Kian sa mga mata si Ayesha. Tila ba may hinahanap. Gusto niyang marinig ang isang sagot pero nananatili pa ring tahimik si Ayesha. Napayuko si Ayesha, humugot ng malalim na buntong hininga.Hindi pa rin niya alam ang sasabihin dahil kahit anong sabihin niya, pakiramdam niya pagsisisihan niya pa rin yun sa huli. Ayaw niyang makasakit ng kapwa niya babae lalo na at wala namang ginagawa si Arianne sa kaniya.Umatras si Ayesha habang umiiling.“This is wrong,” wika niya. Hindi niya sinagot ang tanong ni Kian. Mali naman talaga, isang malaking pagkakamali ang mahalin nila ang isa’t isa. Kahit na sabihin niyang tanggap siya ni Kian, tanggap ni Kian ang anak niya, mali pa rin ito.“Ano bang mali sa mahalin ka, Ayesha?” tanong ni Kian. Punong puno ng tanong ang isip niya.“Maling-mali ito Kian. Because we’re not supposed to feel this,” sagot niya. Dahan-dahan na nagsalubong ang mga kilay ni Kian. Hindi niya alam kung ano bang sagot ni Ayesha. Tiningnan nila ang isa’t is
Nakafocus si Ayesha sa laptop niya dahil nagbobook na siya ng ticket niya pabalik ng Las Vegas. Nagbobook na rin siya ng hotel dahil mag-istay siya dun ng isang linggo. Gusto niyang kahit pangalan lang ang makuha niya sa Las Vegas. Pangalan ng lalaking nakasama niya ng isang gabi.“Shane, pwede mo ba akong ipagtimpla ng kape?” Utos ni Ayesha nang may pumasok sa office niya. Hindi naman sumagot sa kaniya ang secretary niya kaya iniangat niya ang ulo niya. Nagulat naman siya ng makita niya si Kian.“K-Kian, anong ginagawa mo dito?” nautal pang tanong ni Ayesha. Seryosong nakatingin si Kian sa kaniya. Hindi niya alam kung may mali na naman ba sa mga trabaho niya o kung may ikinagagalit na naman si Kian sa kaniya.Napapalunok na lang si Ayesha. Malalaki ang hakbang ni Kian na lumapit kay Ayesha. Napatayo naman si Ayesha at ramdam niya ang bilis ng kabog ng puso niya. Napaawang ang mga labi niya at rumihistro ang gulat sa mukha niya nang bigla siyang yakapin ni Kian.Walang lumabas na sali
Tulalang nakatingin sa kawalan si Kian habang pinapaikot niya sa mga daliri niya ang hawak niyang ballpen. Mag-iisang linggo na simula nang umamin siya kay Ayesha ng nararamdaman niya pero hindi niya akalain na tatanggihan siya nito.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka niya mariing ipinikit ang mga mata niya.“What the fuck?!” usal niya nang magulat siya dahil pagmulat ng mga mata niya ay nasa harap niya na si Arianne.“Are you sure you’re okay? Kanina ka pa buntong hininga nang buntong hininga. What exactly is your problem?” kunot noong tanong ni Arianne. Sumandal naman si Kian sa upuan niya at hinilot ang sintido niya. Nakatitig naman si Arianne sa kaniya at hinihintay ang sagot niya.“Tell me, Kian. Is there someone else?” tanong pa ni Arianne kaya napapatitig na rin si Kian kay Arianne. Parehong blangko ang mga mata nila, tila may gustong malaman sa isa’t isa. Hindi naman galit ang tono ni Arianne. Hindi nagkaroon ng problema ang relasyon nila sa mga nakalip
Nagbubulungan ang mga empleyado nang pumasok kinabukasan si Kian. Alam nilang lahat ang nangyayari sa kompanya at ang pag-alis kay Kian bilang CEO. “Ang gwapo pa naman niya. Crush na crush ko pa naman siya.” Tila nanghihinayang na sambit ng isang empleyado nang daanan ni Kian ang mga ito. “Pansam
Pagkatapos ng meeting ay pinuntahan kaagad ni Ayesha ang stepdad niya. She wants to talk to him. Gusto niyang salungatin ang binitiwan nitong desisyon sa board. Masyado ng malalim ang galit ni Kian sa sarili niyang ama pero dahil sa mga nangyayari lalo iyung lumalalim. Hindi rin ito tungkol sa pami
Dumating na ang araw ng meeting kasama ng mga board members. Tahimik ang buong boardroom ng Villanos Prime Developments.Mabigat ang hangin habang isa-isang nakaupo ang mga board members sa mahaba at makintab na mesa. Sa unahan ng mesa, nakaupo si Kian Reeve Villanos, malamig ang ekspresyon at wal
Nang makita ni Ayesha na nagtungo ng pool area ang stepdad niya ay sumunod siya dito. Nasa mommy niya naman si Zayn na naglalaro kaya iniwan niya na muna ito para puntahan ang kaniyang ama.May hawak-hawak na wineglass si Dexter at blangko itong nakatitig sa tubig.“Dad,” agaw atensyong usal ni Aye







