Share

Kabanata 29.1

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-12-07 23:57:55

Nang dumating ang mga magulang ni Gabriel ay tumayo na silang dalawa. Kasama na rin nila ang chairman na seryoso ang mukha. Nakayuko lang si Mia habang nilalaro ang mga daliri niya.

“Ano bang pag-uusapan natin ngayon? Bakit niyo kami ipinatawag?” tanong ni Gabriel. Umaasa na sana ay ibalik ng chairman ang kalahating mana niya. Seryosong nakatingin si Elena kay Mia na nakayuko. Alam ni Elena na mukha at itsura pa lang ni Mia ay guilty na ito.

Isa-isang tinitingnan ni Gabriel ang pamilya niya. Ang nakangiti niyang mga labi ay nawala dahil pansin niya ang pagiging seryoso ng mga magulang niya at ni Chairman. Napalunok si Gabriel nang tingnan siya ni Chairman. Tila ba ang tingin nito ay handa na siyang ipakain ng buhay sa mga tigre.

Tiningnan ni Gabriel ang kaniyang ina na nilapitan si Mia.

“Mom

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 29.3

    Hinihila-hila ni Naomi si Mia na para bang isa itong bata papasok ng bahay nila nang makauwi sila.“Mom, you’re hurting me.” Reklamo ni Mia pero walang pakialam si Naomi sa mga reklamo niya. Nang makapasok sila sa loob ng sala ay hinarap ni Naomi ang bunso niyang anak.“Mom, pl—” hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Mia nang sampalin na rin siya ng kaniyang ina. Nagulat si Mia sa ginawa ng kaniyang ina sa kaniya. Galit na galit si Naomi dahil sinira na nga ni Mia ang career nito, bakit kailangan pa niyang awayin si Claire?“Bakit Mia?! Saan ako nagkulang sayo?! Binusog kita ng mga pagpapaalala pero bakit?!” naiiyak na lang si Naomi sa sobrang galit. Hindi niya matanggap na ganito ang nangyayari sa mga anak niya. Naabot na ni Mia ang pangarap niya pero bakit kung kailan nasa kalagitnaan ito ng ka

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 29.2

    Tila bata naman nang umiiyak si Mia. Hindi niya na iniaangat ang ulo niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Gabriel si Mia. Napalunok si Gabriel. Kagustuhan niya rin noon na ipalaglag ang pinagbubuntis ni Claire pero bakit unti-unti siyang nagagalit kay Mia?“You push her?” tanong ni Gabriel kay Mia. Mabilis namang umiling si Mia.“No, ang gusto ko lang naman ay ang kausapin siya. Please believe me, hindi ko siya itinulak. Umatras siya,” pagpapaliwanag ni Mia. Hilaw na natawa si Gabriel. Bakit naaapektuhan siya? Bakit nasasaktan siya dahil sa ginawa ni Mia kay Claire? Bakit naguguluhan siya?Ito naman ang gusto niya hindi ba? Ang gusto niya naman talaga ay ang mawala ang magiging anak nila ni Claire pero bakit? Bakit ganito ang nararamdaman niya?“Sa tingin mo ba gagawin ni Clai

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 29.1

    Nang dumating ang mga magulang ni Gabriel ay tumayo na silang dalawa. Kasama na rin nila ang chairman na seryoso ang mukha. Nakayuko lang si Mia habang nilalaro ang mga daliri niya.“Ano bang pag-uusapan natin ngayon? Bakit niyo kami ipinatawag?” tanong ni Gabriel. Umaasa na sana ay ibalik ng chairman ang kalahating mana niya. Seryosong nakatingin si Elena kay Mia na nakayuko. Alam ni Elena na mukha at itsura pa lang ni Mia ay guilty na ito.Isa-isang tinitingnan ni Gabriel ang pamilya niya. Ang nakangiti niyang mga labi ay nawala dahil pansin niya ang pagiging seryoso ng mga magulang niya at ni Chairman. Napalunok si Gabriel nang tingnan siya ni Chairman. Tila ba ang tingin nito ay handa na siyang ipakain ng buhay sa mga tigre.Tiningnan ni Gabriel ang kaniyang ina na nilapitan si Mia.“Mom

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 28.3

    Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Asher. Seryosong nakatingin sa kaniya si Claire. Hindi naman sila malapit ni Gabriel sa isa’t isa kaya napatango-tango sya.“Anong gusto mong gawin ko?” tanong ni Asher. Umiling naman si Claire.“Wala akong gustong gawin mo. Hindi mo ako kailangang tulungan dahil alam kong ang chairman ang makakalaban mo oras na nalaman niyang may ginawa ka sa pamangkin mo.”“I don’t care,” sagot ni Asher. Napatingin ulit sa kaniya si Claire. “I won’t tolerate what he did to you. If you want revenge, just tell me kung anong gusto mong gawin. Gusto mo bang sirain ang career nilang dalawa? Sa anong paraan mo sila sisirain?” tanong ni Asher. Napaisip naman si Claire. Ayaw niya nang minsanan lang na masaktan at masira ang dalawang taong nanloko sa ka

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 28.2

    Nang magising si Claire ay nakatulala siyang nakatingin sa kisame. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng gana. Hindi niya iniinda ang sakit na natamo niya sa ulo niya. Wala ng mas masakit para sa kaniya ang mawalan ng anak. Muling tumulo ang mga luha niya at tahimik na umiyak. Hindi niya alam kung ano bang nagawa niyang kasalanan para mangyari ang lahat ng ito sa kaniya.Niloko siya ng asawa at kapatid niya. Ngayon ang anak niya naman ang nawala sa kaniya. Anong klaseng sakit pa ba ang kailangan niyang maranasan bago siya maging masaya?Pigil ang paghikbi ni Claire dahil ayaw niyang magising ang dati niyang byenan. Nagpapasalamat siya dahil kahit hiwalay na sila ni Gabriel, nandyan pa rin para sa kaniya ang byenan niyang babae.Napahawak si Claire sa lower abdomen niya. Ramdam niyang wala na talaga ang anak niya dahil lumiit na ang tiyan niya. Pini

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 28.1

    Nang may makakitang staff ng kompanya kay Claire ay itinakbo na siya ng hospital. Marami ng dugo ang dumadaloy sa pagitan ng mga binti ni Claire. Iyak naman na nang iyak si Claire dahil nag-aalala siya para sa anak niya.“Anong nangyari?” tanong ng doctor ng makita nila si Claire.“Nalaglag daw sa hagdan doc.” Sagot ng nurse. Ipinasok naman na sa loob si Claire. Nang malaman ni Elena ang nangyari kay Claire ay nagtungo ito kaagad sa hospital.“Claire Cruz, idinala siya dito kanina lang. Nasaan siya?” tanong niya sa nurse station.“Nasa loob pa ng operating room, ma’am.” Sagot ng nurse. Mabilis namang nagtungo si Elena sa operating room. Naghintay siya sa labas ng OR. Tinawagan niya kaagad ang anak niya pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status