Share

Kabanata 35.1

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-12-18 17:27:23

Pumasok ako kaagad sa kompanya kung saan nagtatrabaho si Gabriel. Tama nga ang nalaman ko, isa na lang siyang ordinaryong empleyado sa sarili nilang kompanya. Hindi ko pa rin nakikita ang chairman at si daddy Andrew. Siguro ay nasa ibang bansa pa rin para asikasuhin ang mga partnership nila sa ibang kompanya.

Dumiretso na ako sa office ko. Dala-dala ko ang mga design ko para isali sa runway show. Kailangan na rin itong umpisahan para hindi kami nagmamadali kapag ilang araw na lang ang natitira bago ang runway show.

Nagtungo ako kaagad sa Design Studio para makita ko na rin ang mga makakasama ko habang nagtatrabaho ako dito. Pagpasok ko sa room ay busy naman ang ibang mga designer at mga sewer.

“Miss Claire?!” napatingin ako sa biglang tumawag sa akin. Napahinto naman ang lahat ng mga nagtatrabaho. Ngumiti ako sa babaeng tumawag sa akin. Lumapit naman siya sa akin.

“Totoo nga, ikaw ang bagong head ng mga designer? Ikaw ang makakatrabaho namin?” bakas ang excitement sa tinig niya. Ngumi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 37.3

    Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko nang magising ako. Ramdam ko pa ang sakit sa mga mata ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa side table ko dahil dun ko naman ito palaging inilalagay. Nakapikit pa rin ang mga mata ko dahil sa puyat. Alas dos na ng madaling araw kami nakauwi.Nang maalala ko namang kasama ko si Asher na umuwi kagabi ay napabalikwas ako sa kama ko. Inilibot ko ang paninginn ko pero nasa loob naman ako ng sarili kong kwarto. Wala rin naman siya dito.Binuhat niya na ba ako kagabi pagkarating namin? Bakit hindi niya na lang ako ginising? Napapabuntong hininga na lang ako saka ko hinilot ang sintido ko. Sa pagod, antok at sa epekto ng alak ay hindi na siguro ako nakamalay. Ni hindi ko man lang naramdaman na binuhat niya na ako at ibinaba ng kama.Bumaba na ako saka ako naghilamos at nagmumog sa loob ng cr ko. Paglabas ko ng kwarto ko ay

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 37.2

    Tumayo si Mia saka niya tiningnan si Gladys. Hindi naman nagpapatalo si Gladys. Hindi na maganda ang patutunguhan nito lalo na at pare-pareho na kaming may alak ang katawan.“That’s enough, we came here to celebrate hindi para mag-away away kayo.” Pag-aawat ko na sa kanila dahil baka magkagulo pa. Napapairap naman si Mia.“Masyado kang pabida eh.” May diing sambit ni Mia sa akin. Nanlilisik na ang mga mata niya na para bang ano mang minuto ay hihilain na ang mga buhok ko.Tatlong oras na rin naman na kami dito sa resto kaya unti-unti ng nagkakaroon ng tension dahil sa alak.“Lasing ka na nga siguro, Mia. Mabuti ay umuwi na rin tayong lahat.” Saad ko, pinaparamdam ko na mas mataas pa rin ang posisyon ko sa kaniya. Ngumisi naman siya saka siya tumawa na para bang may na

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 37.1

    Nakarating kami sa restobar. Nagkakasiyahan naman na ang mga kasama naming nauna na. Nakapag-order na rin sila ng mga pagkain at alak.“Miss Claire, dito ka na maupo.” Wika ng isang model saka itinuro ang isang upuan. Naupo naman na ako habang si Gabriel naupo kaagad sa tabi ko. Makikipagsiksikan pa sana si Mia nang may magsalita.“Miss Mia, dito ka na maupo. May nakaupo na diyan eh.” Saad ng isang designer. Napataas ng kilay si Mia at ipipilit pa sana ang gusto niya nang maupo na kaagad ang nakaupo nang makabalik ito sa table.“Miss Mia, dito ka na sa tabi ko.” Tawag ng kapwa niya model. Napatingin sa akin si Mia pero blangko ko lang siyang tiningnan. Naupo na siya sa kabilang side ng lamesa kung saan katapat ko siya.“Cheers sa matagumpay na runway show!” siga

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 36.3

    Mabilis na lumipas ang araw, ngayong gabi na ang runway. Handa naman na kaming lahat pati ang mga models. Alam kong kinakabahan silang lahat dahil mga baguhan pa lang sila. Napatingin ako kay Mia na naglolollipop pa. Wala na talaga akong magagawa sa kaniya. Sana nga lang ay maging perfect ang performance niya. Kahit na nilagay ko siya sa likod at kung talagang magagawa niyang maagaw ang atensyon ng mga crowds, magagawa niya yun kahit nasa likod pa siya.Sikat at kilala siyang model diba?Pumwesto na ako sa harap kasama ng mga crowd. Umattend din si mommy Elena at Gabriel. Nagsimula na ang paglalakad nila. Napapatango at napapangiti na lang ako dahil may improvement naman sa performance nila kesa noong last week na nakita ko sila.Tahimik akong pumalakpak. Sunod-sunod na silang lumabas hanggang sa makita ko si Mia. Ipinakita niya ang pinaka

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 36.2

    Inis akong tiningnan ni Mia.“Are you questioning my professionalism?” aniya sa akin.“I’m questioning your priorities. This collection is built around timing and precision.” Tinaasan niya ako ng kilay.“I’m still the one wearing your centerpiece design.” Nginisian ko siya. Sino ang nagsabi sa kaniya na siya ang magsusuot ng centerpiece design ko.“Hindi ikaw ang magdedesisyon, Miss Mia. Like what I said, wala akong pakialam kung isa kang sikat na model. Ako ang mamimili kung sino ang magsusuot ng centerpiece ko. Siguro kung nalaman ko ng mas maaga na kasama ka pala sa model list baka napag-isipan ko pa lalo na kapag nakita ko kung paano ka maglakad.” Sagot ko sa kaniya. Tahimik lang naman silang lahat habang inis na inis na si Mia sa akin.

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 36.1

    Itinuon ko ang oras ko para sa preparation sa paparating na runway show dito. Maayos namang kasama at katrabaho ang mga nasa Design Studio. Lahat ng mga gusto ko ay nasusunod naman nila at kung may mga idea sila ay sinasabi rin nila sa akin. Nagkakasundo kaming lahat.Inayos na sa mga mannequin ang mga natapos ng gown. Next time ay meeting naman kasama ng mga magiging model. Nang makalabas ako ng Design Studio ay bumalik na muna ako sa office ko para makapagpahinga. Hinilot ko ang sintido ko nang pumintig ito.“Come in,” sagot ko nang bumukas ito. Pumasok naman si mommy Elena. Ayaw ko na sanang tawagin pa silang mommy at daddy dahil ex-husband ko na lang si Gabriel pero ayaw naman nilang pumayag. Gusto pa rin nilang ganun ang itawag ko sa kanila.“Kumusta ka? Mukhang hellweek para sa inyo ang linggong ito ah. Magpahinga ka nama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status