Share

Kabanata 4.2

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2025-10-22 17:10:53

“Paano mo nalaman?” gulat kong tanong. Ni hindi ko man lang itinanggi. Nang marealize ko ang sinabi ko ay iniwas ko ang paningin ko.

“Hindi ba obvious sa hawak mo?” tiningnan ko ang hawak ko. Kitang kita ang hawak kong baby booklet kaya wala na akong maililihim pa sa kaniya.

“Kung pwede sana Uncle Asher, huwag mong sasabihin sa kaniya ang tungkol dito.” Pakiusap ko. Seryosong napatingin sa akin si Uncle Asher na tila ba naaamoy niya na kung anong nangyayari sa relasyon namin ni Gabriel.

“Magpap
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Zanilla Kim
c Asher yata Ang ama may nangyari sa knila na di matandaan ni Claire dhil sa kalasingan c Asher lng nkaalam..
goodnovel comment avatar
Archie Love Archie
bet c Asher ang tatay ng pinagbbuntis mo Claire,,,,
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   EPILOGUE 4

    Masaya si Claire na makitang malaya na ang kapatid niya.“Kumusta ka na? Bakit hindi ka nagsasabi na lalaya ka na pala?”“Nagpadala ako ng sulat ate pero mukhang na-late na. Nalaman ko lang na dito pala kayo magcecelebrate ng birthday ni Archer noong nakalaya na ako. Hindi ba ako nakakasira ng celebration ate? Mukhang pinagbubulungan na ako ng ibang bisita eh.” Tiningnan ni Claire ang ibang bisita na nakatingin sa kanila.“Huwag mo silang pansinin. Wala akong pakialam sa kanila. Kumain na ba kayo? Maraming pagkain diyan, kumain na muna kayo.” Ani ni Claire saka ito nagtawag ng staff para asikasuhin si Mia. Masaya naman si Mia na tanggap pa rin siya ng pamilya niya at napatawad ni Claire.Napapangiti na lang si Gabriel kay Claire nang magsalubong ang mga mata nila.“Happy birthday sa unico hijo mo, Claire. Parang lalo kang bumabata ah.” Ani ni Gabriel. Natawa naman si Claire.“Huwag mo na akong bolahin. Sabayan mo na si Mia na kumain. Mabuti at nakarating ka rin. Kasama mo ba si Mia na

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   EPILOGUE 3

    Simula nang manganak si Claire, si Asher naman ang nag-aalaga ng baby nila. Nagleave siya ng tatlong buwan sa kompanya niya. Pumapasok lang siya kapag mahalagang meeting at kailangan siya.Ayaw niyang mapagod at mapuyat ang asawa niya lalo na at nakita niya kung paano ito nahirapan sa panganganak. Nagreready na lang si Claire ng mga gatas na napump niya na.Gabi-gabi ay hinehele ni Asher ang anak nila at hindi siya nagrereklamo kapag napupuyat siya. Kapag araw naman ay maraming nag-aalaga kay Archer kaya dun naman siya natutulog.Nang mapatulog ni Asher si Archer ay dahan-dahan niya itong ibinaba sa crib saka siya tumabi sa asawa niya sa kama.“Good night love,” bulong niya saka niya ito hinalikan sa noo.Kinabukasan, kinuha na ni Claire si Archer para makapagpahinga naman si Asher. Dahan-dahan na lumabas ng pintuan si Claire, ganito na ang routine nila sa araw-araw. Dire-diretso ang pagtulog ni Claire sa gabi kaya maaga siyang nagigising para pasikatan ng araw ang anak nila.“Mommy,

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   EPILOGUE 2

    Nang mailipat na si Claire ay pumasok na sila kaagad. Unang nilapitan ng mga lalaki ay ang apo nila habang si Elena, Naomi at Asher ay dumiretso kay Claire.“Okay lang ba natutulog siya?” tanong ni Elena kay Naomi.“Okay lang naman siguro. Grabe yung pagod niya kanina sa panganganak. Parang ayaw ko na tuloy sundan pa si Archer.” Sagot ni Asher. Natawa naman si Elena.“Normal naman talaga ang reaksyon ni Claire. Mahirap naman talaga manganak pero kapag gusto pa ng babae na sundan ang anak niyo, wala kang magagawa dun.” Sagot ni Elena. Napabuntong hininga naman si Asher. Kapag tinitingnan niya ang asawa niya, para bang huwag na ulit sundan ang anak nila. Gusto niya rin magkaroon ng anak na babae pero kapag iniisip niya ang hirap ni Claire para bang di bale na lang.“Ang gwapo gwapo naman ng apo ko. Syempre sa akin yan ng nagmana.” Tuwang tuwang sambit ni chairman. Nilingon ni Elena ang tatlong lalaki na nakafocus kay Archer. Napapailing na lang siya. Mas excited talaga ang mga lalaki sa

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   EPILOGUE 1

    Abala si Asher na nagsasalita sa harap ng conference room kasama ang mga board members para sa business expansion nila. Hindi pa man siya tapos na magsalita nang lumapit sa kaniya si Rolan.“Sir, tumawag ang ate Elena mo. Idinala raw nila sa hospital si Ma’am Claire.”“What?” gulat na tanong ni Asher. Nakatingin sa kanilang dalawa ang lahat ng kasama nila sa conference room.“Mukhang pumutok na ang panubigan niya.” bulong pa ni Rolan. Napalunok si Asher at ginapang ng kaba ang dibdib niya.“Go on, Mr. Cruz. Mas mahalaga ang araw na ito para salubungin ang bagong tagapagmana. We can continue our discussion kapag marami ka ng oras.” Nakangiting saad ng isang board members dahil naririnig ng nasa harapan ang usapan nilang dalawa.“Oo nga naman, Mr. Cruz. Anyway, congratulations.” Tuwang-tuwang sambit ng mga ito. Lahat sila ay binati na si Asher dahil magiging ama na ito at lalaki ang una nilang anak. Napapangiti na lang si Asher. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman niya.Lumabas n

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 85.3

    Tuwang tuwa silang lahat nang makarating sila ng isla. May mga pagkain na kaagad na nakahanda para sa kanila.“Wow seafoods,” tuwang tuwang sambit ni Claire. Bigla siyang natakam kahit na kumain sila sa eroplano.“Hali na kayo, kumain na tayo para sabay-sabay na.” tawag ni Naomi sa mga kasama pa nila. Hinayaan na nila ang mga caretaker ng isla na ayusin ang mga gamit nila.“Ang ganda naman dito, Claire. Kailan mo nabili ‘tong isla na ‘to?” tanong ni Elena habang kumakain sila.“Hindi po ako ang bumili nito mom. Niregalo sa akin ni mommy at daddy noong kasal namin ni Asher.” Sagot niya. Namamangha namang napatingin si Elena sa mag-asawang Mendoza.“Pambawi na rin namin sa kaniya lalo na at napabayaan din namin siya.” Sagot ni Naomi. Ngumiti at tumango na lang si Elena.“Love, dahan-dahan lang sa seafoods ha? Baka biglang tumaas ang dugo mo.” Pagpapaalala ni Asher. Tumango lang naman si Claire pero patuloy ang pagkain nito ng mga seafoods.Si Asher ang nagbabalat ng mga hipon saka nito

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 85.2

    Busy silang lahat na magprepare ng mga dadalhin nila sa private island na iniregalo kay Claire. Nasa sofa naman si Claire at naghihintay sa pamilya niya na naggagayak. Hindi naman siya pinapakilos ni Asher dahil malaki na rin ang tiyan niya.“Mommy!” rinig ni Claire sa boses ni Sofia, nilingon niya ito. Binitiwan ni Claire ang hawak niya para buhatin si Sofia.“Hello baby ni mommy. Kumusta ikaw? Are you excited?” nakangiting tanong ni Claire. Mabilis namang tumango si Sofia.“Mommy, is there a pool there?” inosenteng tanong ni Sofia.“Oo naman, may malaking pool dun at may dagat din. Pwede kang maligo dun pero dapat palagi mong kasama si Ate Andeng, okay? Hindi ka pwedeng umalis ng hindi siya kasama. Do you understand?” habilin ni Claire.“Opo, mommy. I will remember what you said po.”“Very good,” ginulo ni Claire ang buhok ni Sofia. Nagpaalam naman muna si Sofia dahil may kukunin pa ito sa room niya. Napapangiti na lang si Claire dahil ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, nahih

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status