공유

Kabanata 69.2

작가: Rhea mae
last update 게시일: 2026-02-15 18:38:29

Salubong ang mga kilay ni Claire habang nakaharap sa glass wall ng office niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan at matakot dahil hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam ang mga taong nagtangka sa buhay niya.

Kung malaki at makapangyarihan ang organisasyon na tumutugis sa kaniya, bakit hanggang ngayon buhay pa rin siya? Natatakot din siya para sa sarili niya pero nagtataka lang siya. Kung nahihirapan ang mga kapulisan na huliin ang organisasyon nila, bakit nahihirapan ang mga ito n
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   EPILOGUE 4

    Masaya si Claire na makitang malaya na ang kapatid niya.“Kumusta ka na? Bakit hindi ka nagsasabi na lalaya ka na pala?”“Nagpadala ako ng sulat ate pero mukhang na-late na. Nalaman ko lang na dito pala kayo magcecelebrate ng birthday ni Archer noong nakalaya na ako. Hindi ba ako nakakasira ng celebration ate? Mukhang pinagbubulungan na ako ng ibang bisita eh.” Tiningnan ni Claire ang ibang bisita na nakatingin sa kanila.“Huwag mo silang pansinin. Wala akong pakialam sa kanila. Kumain na ba kayo? Maraming pagkain diyan, kumain na muna kayo.” Ani ni Claire saka ito nagtawag ng staff para asikasuhin si Mia. Masaya naman si Mia na tanggap pa rin siya ng pamilya niya at napatawad ni Claire.Napapangiti na lang si Gabriel kay Claire nang magsalubong ang mga mata nila.“Happy birthday sa unico hijo mo, Claire. Parang lalo kang bumabata ah.” Ani ni Gabriel. Natawa naman si Claire.“Huwag mo na akong bolahin. Sabayan mo na si Mia na kumain. Mabuti at nakarating ka rin. Kasama mo ba si Mia na

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   EPILOGUE 3

    Simula nang manganak si Claire, si Asher naman ang nag-aalaga ng baby nila. Nagleave siya ng tatlong buwan sa kompanya niya. Pumapasok lang siya kapag mahalagang meeting at kailangan siya.Ayaw niyang mapagod at mapuyat ang asawa niya lalo na at nakita niya kung paano ito nahirapan sa panganganak. Nagreready na lang si Claire ng mga gatas na napump niya na.Gabi-gabi ay hinehele ni Asher ang anak nila at hindi siya nagrereklamo kapag napupuyat siya. Kapag araw naman ay maraming nag-aalaga kay Archer kaya dun naman siya natutulog.Nang mapatulog ni Asher si Archer ay dahan-dahan niya itong ibinaba sa crib saka siya tumabi sa asawa niya sa kama.“Good night love,” bulong niya saka niya ito hinalikan sa noo.Kinabukasan, kinuha na ni Claire si Archer para makapagpahinga naman si Asher. Dahan-dahan na lumabas ng pintuan si Claire, ganito na ang routine nila sa araw-araw. Dire-diretso ang pagtulog ni Claire sa gabi kaya maaga siyang nagigising para pasikatan ng araw ang anak nila.“Mommy,

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   EPILOGUE 2

    Nang mailipat na si Claire ay pumasok na sila kaagad. Unang nilapitan ng mga lalaki ay ang apo nila habang si Elena, Naomi at Asher ay dumiretso kay Claire.“Okay lang ba natutulog siya?” tanong ni Elena kay Naomi.“Okay lang naman siguro. Grabe yung pagod niya kanina sa panganganak. Parang ayaw ko na tuloy sundan pa si Archer.” Sagot ni Asher. Natawa naman si Elena.“Normal naman talaga ang reaksyon ni Claire. Mahirap naman talaga manganak pero kapag gusto pa ng babae na sundan ang anak niyo, wala kang magagawa dun.” Sagot ni Elena. Napabuntong hininga naman si Asher. Kapag tinitingnan niya ang asawa niya, para bang huwag na ulit sundan ang anak nila. Gusto niya rin magkaroon ng anak na babae pero kapag iniisip niya ang hirap ni Claire para bang di bale na lang.“Ang gwapo gwapo naman ng apo ko. Syempre sa akin yan ng nagmana.” Tuwang tuwang sambit ni chairman. Nilingon ni Elena ang tatlong lalaki na nakafocus kay Archer. Napapailing na lang siya. Mas excited talaga ang mga lalaki sa

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   EPILOGUE 1

    Abala si Asher na nagsasalita sa harap ng conference room kasama ang mga board members para sa business expansion nila. Hindi pa man siya tapos na magsalita nang lumapit sa kaniya si Rolan.“Sir, tumawag ang ate Elena mo. Idinala raw nila sa hospital si Ma’am Claire.”“What?” gulat na tanong ni Asher. Nakatingin sa kanilang dalawa ang lahat ng kasama nila sa conference room.“Mukhang pumutok na ang panubigan niya.” bulong pa ni Rolan. Napalunok si Asher at ginapang ng kaba ang dibdib niya.“Go on, Mr. Cruz. Mas mahalaga ang araw na ito para salubungin ang bagong tagapagmana. We can continue our discussion kapag marami ka ng oras.” Nakangiting saad ng isang board members dahil naririnig ng nasa harapan ang usapan nilang dalawa.“Oo nga naman, Mr. Cruz. Anyway, congratulations.” Tuwang-tuwang sambit ng mga ito. Lahat sila ay binati na si Asher dahil magiging ama na ito at lalaki ang una nilang anak. Napapangiti na lang si Asher. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman niya.Lumabas n

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 85.3

    Tuwang tuwa silang lahat nang makarating sila ng isla. May mga pagkain na kaagad na nakahanda para sa kanila.“Wow seafoods,” tuwang tuwang sambit ni Claire. Bigla siyang natakam kahit na kumain sila sa eroplano.“Hali na kayo, kumain na tayo para sabay-sabay na.” tawag ni Naomi sa mga kasama pa nila. Hinayaan na nila ang mga caretaker ng isla na ayusin ang mga gamit nila.“Ang ganda naman dito, Claire. Kailan mo nabili ‘tong isla na ‘to?” tanong ni Elena habang kumakain sila.“Hindi po ako ang bumili nito mom. Niregalo sa akin ni mommy at daddy noong kasal namin ni Asher.” Sagot niya. Namamangha namang napatingin si Elena sa mag-asawang Mendoza.“Pambawi na rin namin sa kaniya lalo na at napabayaan din namin siya.” Sagot ni Naomi. Ngumiti at tumango na lang si Elena.“Love, dahan-dahan lang sa seafoods ha? Baka biglang tumaas ang dugo mo.” Pagpapaalala ni Asher. Tumango lang naman si Claire pero patuloy ang pagkain nito ng mga seafoods.Si Asher ang nagbabalat ng mga hipon saka nito

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 85.2

    Busy silang lahat na magprepare ng mga dadalhin nila sa private island na iniregalo kay Claire. Nasa sofa naman si Claire at naghihintay sa pamilya niya na naggagayak. Hindi naman siya pinapakilos ni Asher dahil malaki na rin ang tiyan niya.“Mommy!” rinig ni Claire sa boses ni Sofia, nilingon niya ito. Binitiwan ni Claire ang hawak niya para buhatin si Sofia.“Hello baby ni mommy. Kumusta ikaw? Are you excited?” nakangiting tanong ni Claire. Mabilis namang tumango si Sofia.“Mommy, is there a pool there?” inosenteng tanong ni Sofia.“Oo naman, may malaking pool dun at may dagat din. Pwede kang maligo dun pero dapat palagi mong kasama si Ate Andeng, okay? Hindi ka pwedeng umalis ng hindi siya kasama. Do you understand?” habilin ni Claire.“Opo, mommy. I will remember what you said po.”“Very good,” ginulo ni Claire ang buhok ni Sofia. Nagpaalam naman muna si Sofia dahil may kukunin pa ito sa room niya. Napapangiti na lang si Claire dahil ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, nahih

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 53.3

    Tulala akong naglalakad papuntang elevator. Matapos kong makapagpahinga ay napagdesisyunan ko nang pumasok ng trabaho ko. Walang alam ang iba sa nangyari sa akin. Kaming pamilya lang ang nakakaalam at ang mga pulis na nag-iimbestiga.

    last update최신 업데이트 : 2026-03-28
  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 53.2

    Nagngitngit ang mga ngipin ni Mia sa inis. Nagpunta ba siya rito para masiguro niya ang kalagayan ko? Sigurado namang matutuwa siya kapag naabutan niyang bedridden na lang ako pero sorry siya dahil hindi yun nangyari.“Hindi

    last update최신 업데이트 : 2026-03-28
  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 52.3

    Hindi ko alam kung may katapusan pa ba ang pagtakbo ko. Pagod na ako at hingal na hingal na. Sa tuwing sinusubukan kong buksan ang mga pintuan sa bawat floor ay nakalock ang mga ito. Napapahawak na lang ako sa railings para alalayan ang sarili ko.

    last update최신 업데이트 : 2026-03-28
  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 53.1

    Nanatili ako ng hospital at si Asher ang nagbantay sa akin. Hindi niya ako iniwan kahit isang minuto. Nagpapadala na lang siya ng mga gamit niya sa mga secretary niya. Napatingin ako kay Asher habang itinutulak niya ang wheelchair ko.

    last update최신 업데이트 : 2026-03-28
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status