Share

Chapter 5

Auteur: EessaArkisha
last update Dernière mise à jour: 2025-11-01 09:00:18

Agad nanlaki ang mga mata ko. Kasi naman, sa dami ng pwedeng kainan, bakit andito kami sa iisang cafe? Paano ako makakakain nang matiwasay ngayon?

Agad akong napayuko at mabilis na nagsimulang kumain. Naramdaman ko namang napatingin sa akin ang apat and it's making me feel uncomfortable.

"Wag nga kayong tumingin nang ganyan," bulong ko pero nakita ko lang napangisi si Clarisse.

"Uyyyyyy," she teased. Sinamaan ko siya ng tingin to shut her up. Pero nginisihan lang niya ulit ako.

"Hi sir," rinig kong bati ni Clarisse kay Sir 'nong nasa malapit na siya.

Bigla ay naramdaman ko ang matinding pagkabog ng dibdib ko. Bakit naman kasi?

"Oh hi, Miss... Abarquez. Am I right?" I heard him said.

"Yes, sir," sagot naman ni Clarisse. I could tell she's smiling now kahit hindi ko nakikita ang mukha niya. Nakayuko pa rin kasi ako because I don't want to be noticed. Ayaw kong maging awkward.

"Hi there too, Miss Rivera," narinig kong bati ni Sir. Hindi ko inasahan 'yon kaya the moment na narinig ko 'yon ay parang bigla na lang may humarang sa lalamunan ko saka ako napaubo.

Tahimik lang akong kumakain dito eh!

Agad akong inabutan ni Lio ng isang baso ng tubig and I hurriedly drank it. Binagalan ko pa ang pag-inom para hindi agad mabaling ang atensyon ko sa kanila na ngayon ay todo tingin sa akin.

But all good things must come to an end. Matapos kong uminom ng tubig ay dahan-dahan kong inilibot ang mga mata ko, only to see Sir Troy looking at me.

"Are you okay?" He asked.

"Ahh.. Y-yes po, Sir. I'm okay," I replied softly.

"No, you're not," narinig kong bulong ni Clarisse. I glared at her but she just kept on grinning.

"Good," he said then smiled. "By the way this is Tracy," pakilala ni Sir Troy sa kasama niya.

Why is he even introducing her to us? Di naman kami close.

I should remind myself to slap myself later.

"My sister," he continued.

Ohh. It's his sister.

And why the heck am I feeling relieved? Anong problema sa akin?

"Hi. Are you all his students?" Tanong 'nong magandang babaeng kasama niya na kapatid niya pala. I can see how good their genes are.

"Hindi po, hindi po. Silang tatlo lang po," narinig kong sagot ni Love as she pointed at Clarisse, Lio, and me. "Kapatid po kami ni Hope," she added as she pointed me.

Nakita kong napakunot-noo iyong Tracy while looking at us.

"If you're wondering po how is it possible we're in the same university at the same time, 'yon po ay dahil triplets kami. Not identical, but yeah, we're triplets," Love added. She was even smiling while saying it at nakatingin pa kay Sir Troy. Ang daldal niya talaga!

"Oh my gosh, that's cool!" Tracy commented. "By the way, is it okay if we sit right next to you?"

Oh no.

Paano ako lalamon ngayon?

"No problem po!" Masiglang sagot ni Clarisse.

Sir Troy and her sister then took the table at my right. Malas ko pa kasi ako ang nasa gilid kaya ako ang pinakamalapit sa kanila.

"Mabait naman ba 'tong si Troy as an instructor?" Tanong ni Tracy after taking her seat. Siya 'yong nakaupo malapit sa akin while si Sir Troy ay nakaupo sa harapan niya, which is somehow ay harapan ko rin. I could see all his moves which is so uncomfortable for me.

Talagang mahihirapan akong lumamon!

"Ay, opo! Ang talino pa!" Clarisse replied.

"I told you. Mabait naman talaga ako," Sir Troy said while chuckling.

Bakit ganyan siya humalakhak?

Bakit ang manly?!

And what the hell am I thinking?!

Sa kagustuhan kong hindi masali sa usapan nila ay bumalik na lang ako sa pagkain. Which is a wrong move.

"Hope, allergic ka diyan," biglang sabi ni Faith. Napatingin naman ako sa kamay kong may hawak ng tinidor na nakatusok na ngayon sa isang shrimp.

Ohh, allergic pala ako nito?

Fudge. Bakit ba natanga na naman ako bigla? Lagi na lang akong ganito whenever Sir is around. Ugh. Wala talagang magandang maidudulot ang presensya niya sa akin. Lagi ko na lang napapahiya ang sarili ko.

"Ba't niyo ba kasi nilagay malapit sa akin?" Mahinang sabi ko. Nakakahiya na talaga.

When I looked up, I saw Love and Clarisse stopping themselves from laughing. Alam kong pinipigilan lang nila ang mga sarili nila because their faces are all red now.

"Allergic ka rin pala sa shrimp? Ito rin allergic diyan," sabi 'nong Tracy sabay turo kay Sir. Napatingin naman ako kay Sir and he's looking at me right now and amusement was written all over his face. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Akin na nga 'yan," narinig kong sabi ni Lio saka inabot ang plate ng shrimp saka inilayo mula sa akin. "Baka makakain ka na naman niyan, ako na naman magbuhat sa 'yo."

I looked at him and glared.

"Why? What happened?" I heard Sir Troy ask. Bakit ako na ngayon ang pinag-uusapan?

Narinig ko ring katatapos lang nila mag-order. Sana tinagalan nila para di na ako required kausapin pa sila at para matuon ko na lang ang atensyon ko sa kinakain ko.

"Kasi Sir, one time nag-field trip kami. Buffet 'yong lunch tapos di namin alam na may shrimp pala 'yong food. Napadami ang kain ni Hope kaya ayon, maya-maya bigla na lang siyang nangati at namula tapos nahirapang huminga. Sobrang nag-alala kami kaya agad siyang binuhat ni Lio para masakay sa sasakyan at madala sa ospital. Grabe 'yong happening na 'yon. Naiyak nga ako kasi akala ko machu-chugi na si Hope. Sobra kaming nag-alala," kwento ni Clarisse. I suddenly felt the urge to pinch her. But I stopped myself. Bakit pa kasi kailangan ikwento 'yon?

But yeah. It did happen. I even stayed at the hospital for 24 hours. Napagalitan pa nga ako ng parents ko kasi di daw ako nag-iingat.

"Oh my gosh. Buti naman at naagapan," Tracy mumbled.

"May malapit naman po kasing hospital doon kaya agad siyang napatingnan," Lio replied. Naalala ko rin kung paano siya nag-alala noon. I never saw him as worried as he was that time.

"You should be extra careful next time," Sir Troy said. He said it like he really cares. And that earned my sisters stare. Sabay kasi silang napatingin kay Sir Troy. Hindi ata sila nakapaniwalang nanggaling iyon sa bibig ni Sir. Kahit ako ay hindi nakapaniwala. But I acted like it was nothing kahit na sobrang pagkabog sa dibdib ko ang naidulot ng mga sinabi niya.

My sisters then looked at me. I even saw Love mouthed 'Omg'.

"O-opo," sagot ko na lang as I began eating again.

Baka naman caring lang talaga siyang tao.

Dumating naman na ang order nila Sir kaya natahimik kami at nag-focus na lang sa pagkain.

It was so awkward for me. Napapansin ko kasing napapatingin si Sir sa akin. Or maybe I was just being delusional. Bakit naman niya ako titingnan, diba?

When we almost finished eating, we were surprised when Sir Troy ordered some desserts for us. Tatanggi na sana ako pero itong mga kasama ko ay mukhang na-excite pa ata at agad nang nagpasalamat.

Come on, I can treat them some desserts next time! Basta ba makaalis na kami ngayon din.

Kaso it was like their butts were already glued on their chairs at ni wala man lang sa kanila ang tumayo para umalis. I had no choice but to stay too. Kaasar.

Nagkunwari na lang akong busy sa phone while they're also busy chatting.

"Are you kids single?" Narinig kong tanong ni Tracy.

"Yes po," Clarisse replied.

"Really? Even you, Hope?" She asked. Napatingin naman ako sa kanya, shocked with her question.

"Po?"

"Nako, choosy po 'yan," Love grumbled.

"Talaga? What do you like in a guy pala?"

Oh no. What to say? What to say?

"I actually don't know po. Di ko po 'yan naiisip eh," I just said. In my peripheral vision, I saw Sir Troy looking at me. It was like he's waiting for my answer.

Ugh. Ang ilusyunada ko talaga.

"Well, yeah. Sometimes 'yong magugustuhan mo is far from your ideal guy," she mumbled as she laughed. "Experienced by me."

"Eh ikaw po, Sir? Anong experiences niyo sa relationships?" Narinig kong tanong ni Clarisse. Sa sobrang kadaldalan niya ay sinipa ko ang paa niya.

"Aw!" I heard Faith grunted. Oh shoot, it was my sister's foot.

Pinanlakihan ako ni Faith ng mga mata so I just mouthed 'sorry'. Nang ibaling ko naman ang tingin ko kay Clarisse ay natatawa lang siya.

"Not much," Sir replied. "Isa pa lang naman naging girlfriend ko."

"Yeah. Pihikan rin 'to eh. 'Yong naging girlfriend niya hindi niya naman natagalan kasi nga daw 'she's not the one'," Tracy said. "Ang arte, 'no?"

Natawa naman sila (except kay Sir at sa akin) sa sinabi ni Tracy.

Nang dumating ang desserts ay mabilis ko lang na kinain 'yong akin. They were still talking like they're all good friends. Introvert ako kaya hindi ako masyado madaldal. I'm only talkative kapag komportable ako sa kausap ko.

Nang sa wakas ay nagkayayaan nang umuwi ay ako pa ang naunang tumayo.

"Wow, ang excited natin umuwi ah?" Love teased to which I didn't pay attention to. Gusto ko na talagang makauwi at makalayo dito.

Sabay kaming naglakad palabas ng cafe. Si Lio at Clarisse ang nauna since di na sila makakasabay sa amin dahil didiretso na kaming umuwi. Ayaw rin naman nilang magpahatid kasi hassle na daw.

"You girls have a car?" Tanong ni Tracy.

"Opo," sagot ko.

"Who's driving?" She asked.

"Ako po," I replied.

"Oh. Ingat sa pag-drive ha. Gabi na pa naman," she said.

"Opo. Ingat rin po kayo."

Pumasok na sa loob ng kotse si Tracy samantalang kaming tatlo ay nasa labas pa. I was still looking for my car keys in my bag. And when I finally got it ay agad ko nang binuksan ang pinto ng kotse.

But even before we can get inside the car ay sabay kaming napalingon kay Sir when he spoke.

"Careful sa pagdrive, Miss Rivera. Ingat kayo."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Forbidden   Chapter 27

    "Hi," Troy greeted smilingly. Medyo weird pa ring tawagin siyang Troy without the Sir. But I like it, and I know I'll get used to it.I went to school early and when I reached the classroom, he was already there, sitting on the teacher's table in front. There was no one other than us."Hi," I replied. Sa pinakalikod pa rin ako umupo."Ang layo mo naman," he mumbled. Natawa na lang ako habang inilalabas ang phone ko. Ilang beses kasi 'yong nag-vibrate when I was still in the car on the way here. Hindi ko ma-check because I was focusing on driving.Nagulat na lang ako, after I got my phone, Troy's already sitting on the chair beside mine."Go back there. Baka may

  • Forbidden   Chapter 26

    I haven't confessed in my whole life. I didn't think I even liked someone before. Hindi naman kasi ako 'yong tipong madaling magkagusto. I had crushes, yes, but it never reached the point where I felt like this.This is really different. What Troy's making me feel is a whole different thing.And it was enough for me to conclude I really like him.Pero bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi kasi siya agad nakapagsalita. I suddenly have the urge to hide my face."Oh my god," I murmured as I fanned myself. Biglang nag-init ang buong mukha ko because of what I just said. Nakakahiya!Was it a wrong timing? Am I not supposed to say it this early? Gosh, I'm feeling so

  • Forbidden   Chapter 25

    It was like I was counting every minute that passed. I paid attention on the lectures but my eyes would always land on my wrist watch almost every minute. Tila ba hinihintay na pumatak 'yong oras na pwede na akong umalis at magtungo sa kung saan kami magkikita ni Sir.I never felt like this before. Ngayon lang ulit ako na-excite sa mangyayari. The feeling was so strange but in a good way.So this is what it feels like to be in love..."Sabay ba tayo magdi-dinner ngayon?" I heard Clarisse ask when we were finally going out of the classroom. Mabilis akong napalingon sa kanya. She was on her phone so she probably hasn't seen my reaction."Sorry. Pass," Lio ans

  • Forbidden   Chapter 24

    Last night, I wasn't able to sleep well. Maybe I was too overwhelmed because of what he said. Tapos sabayan pa ng realization kung gaano ko siya kagusto. It was really a mess inside my head. Kinabukasan tuloy ay tinubuan ako ng isang pimple. And God, of all the spaces in my face, sa tungki ng ilong ko pa talaga tumubo!"Uy si Hope, in love!" Love teased when she saw me walking out of my room. Iyong tigyawat ko talaga ang unang nakita.I tried to keep a straight face as I took my seat to eat my breakfast. Pero hindi rin nakatakas sa akin ang nangingiting si Faith. She's looking at me like she knows my secret.Shocks, did she saw what happened last night? Nakita niya kaya kami kagabi?Oh God.

  • Forbidden   Chapter 23

    I wasn't able to quickly move. Nanatili pa akong nakatitig sa screen ng phone ko.I read his message again and again and it still says the same. I'm not hallucinating. He's really outside.I just got back to my senses when the heater made a noise, which meant the water's boiling now. 'Yon ang una kong nilapitan at tinanggal mula sa pagkakasaksak sa plug. Saglit pa akong tumitig doon, looking so crazy for waiting for it to tell me what to do.I slapped myself. Nababaliw na ata ako.After exhaling for the nth time, I decided to just go out and ask him why he's here when it's already so late.Dahan-dahan lang akong naglakad palapit sa pinto, afraid I'll make a noi

  • Forbidden   Chapter 22

    I haven't seen Sir Troy for a week. He wasn't there during our Lab class. Si Ma'am Gel 'yong pumasok on his behalf and said he was on a seminar or something.Medyo nalungkot ako, I admit. Usually he makes announcement on our facebook page or he messages me, but that time, he didn't. Hindi ko rin siya nakausap even during the weekend.I want to be mad at myself because I waited for him to contact me. Medyo nasanay kasi akong madalas siyang kausap at ngayong hindi nga kami nagkausap, pakiramdam ko hinahanap iyon ng sistema ko and I hate it. Ayaw kong masanay sa isang bagay na anytime ay pwedeng mawala. It will just hurt me.It was Tuesday again and I have to attend his class. Hindi ko nga lang alam kung nakabalik na siya or what. I didn't try to find out.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status