Napaungol sa sakit si Hector at agad niyang inabot sa kaniyang ama ang tungkod nito. Napasimangot ako sa ginawang iyon ng matandang Valderama. Buong lakas itong sumigaw sa kaniyang anak.
"sabihin mo sakin ngayon. Ano ang gagawin mo para maayos ang kalokohang ginawa mo?""pakakasalan ko siya Papa, pananagutan ko kung ano man ang kasalanang ginawa ko sa kaniya."Ngumuso at halatang tutol si Don Antonio sa suhestyon ni Hector"pakakasalan mo si Anne? at pananagutan siya? sa itsura mong yan, hindi ikaw ang magdedesisyon tungkol diyan. Kailangan tanungin muna namin si Anne kung sang ayon siya sa gusto mong mangyari bago kami sumang ayon sa suhestyon mo!""Yaya, dalian mo at kunin mo ang latigo ko"Hindi naman ito kaagad sumunod sa pinag-uutos ni Don Antonio, nanatili itong nakatayo sa gilid ng matanda at nagmakaawa ito para kay Hector ."Don Antonio, baka po hindi pa kayanin ni Sir Hector? Hindi pa siya nakaka recover sa aksidenteng kinasangkutan niya, bakit hindi niya kayanin ang hagupit ng latigo niyo.""tumigil ka! huwag mo akong pangunahan. Sinabi ng kuhain mo ang latigo ko!" singhal ni Don AntonioNanlilisik ang matandang nakatingin sa kaniyang kasamunit kaya't hindi na ito nangahas pang magsalita. Hindi nagtagal ay kumuha ng mahabang latigo ang mayordomo. Hawak ng matanda ang isang magaspang na latigo na gawa sa katad sa kanyang kamay saka sumulyap sa akin."Ako , si Don Antonio, sampu ng aming angkan. Willing ka bang pakasalan ang bastardong anak kong to?Kung hindi ka naman sasang-ayon ay lalatiguhin ko ang loko-lokong ito hanggang sa bawian siya ng buhay sa harapan mo bilang kabayaran sa kaniyang ginawa! at saka natin pag-uusapan iba pang compensation na makukuha mo."Napatingin ako kay Hector, at nagkataong tumingala rin si Hector sa akin, bahagyang nakaawang ang manipis nitong labi."kung papayag kang pakasalan ako, bibigyan kita ng isang pamilyang ituturing mong unit. Kahit na wala akong kwentong tao ngayon, gagawin ko ang lahat para itrato ka ng maayos. Pero kung hi-hindi ka naman, sabihin mo lang. Diretso kang tumalikod at wag mo na akong panuorin habang hinahagupit."Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Hector ay pinuwersa na ni Don Antonio ang kaniyang mayordoma at pwersahan itong pinaluhod sa harapan ng kanilang Ancestral Tablet. Isang malakas na tunog ng hagupit ng latigo ang biglang umugong sa hangin. Sa isang iglap ang latigong iyon ay lumapat sa likod ni Hector."a..." mahina niyang inda. pilit nitong tinatago ang sakit na dulot ng latigo. Ang kaniyang puting damit ay mabilis na nalintayahan ng dugo mula sa kaniyang likod.Parang kinurot ang puso ko sa nakikita ko. Pakiramdam ko ay walang pinagkaiba ang sitwasyon ni Hector sa akin. Naalala ko ang mga sandaling inakusahan ako nuon na ninanakawan ko ang aking kapatid. Walang nakinig sa paliwanag ko , wala ni isang naniwala sa akin. Kagaya ni Hector na animo'y hayop na nilalatigo sa harapan naming lahat ngayon. Na-touch din ako sa sinabi niyang bibigyan niya ako ng isang tahanan na mauuwian. Siguro nga kung papayag akong magpakasal sa kaniya ay makakawala na ako sa mala-impyernong bahay namin. Pero pano si Vince... ang tatlong taong relasyon namin! ano bang dapat kong gawin? Napa-pikit ang aking mata , iniisip ang masakit na katotohanang dahil sa pangyayaring ito ay siguradong mawawala na sa akin si Vince.Parang kahapon lang ay kausap ko pa si Vince dahil sa masamang pinaplano para sa akin ng aking pamilya, sinabihan ko siyang kahit na walang magarbong okasyon ay unahin na naming kumuha ng marriage certificate para mahinto na ang masamang balak sa akin ng aking parents. Hanggang ngayon ay paulit ulit na tumatakbo sa aking isip ang kaniyang mga sinabi sa huli naming pag-uusap.
"Anne, naniniwala akong walang inang magpapahamak sa kaniyang anak kahit na ano pang mangyari. Bakit Mahal, meron ba kayong mis understanding ng parents mo?""Wag kang mag-alala mahal, kahit naman na nasa malayo ako ay aalagaan ka ni Mommy, walang masamang mangyayari sayo. Basta magpahinga ka muna sa unit ng may kapayapaan sa isip mo.""Mahal, hindi naman sa ayaw kitang pakasalan, pero gusto ko sanang bigyan ka ng isang magarbong proposal bago tayo magpakasal,.""Mahal, naiinitindihan mo naman ako diba" malambing niyang sabi "alam mo namang bihira lang ang ganitong oportunidad, hindi ko maaring palampasin ang project na to. Basta pangako, pagbalik ko magpapakasal na tayo. Hihintayin mo ako hindi ba?"Naririnig ko pa rin ang malumanay na pananalita ni Vince na tila naka rehistro na sa aking tainga, para itong isang tape recorder na paulit ulit na umaandar sa aking isipan. Parang nahahati ang puso ko sa huling mga salitang binitawan ni Vince ."pagbalik ko magpapakasal na tayo, hihintayin mo ako hindi ba?..." parang may palasong tumama sa aking puso. Gayunpaman, bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang tunog ng hagupit ng latigo, sunod-sunod. Wala ng atrasan ito. Wala ng KAMI ni Vince. Binuksan ko ang aking mata at buong tapang na sumigaw."Pumapayag na ako! Payag na akong pakasalan si Hector!"Nakahinga ng maluwag si Don Antonio ng marinig ang sinabi ko, bahagyang nanigas ang kaniyang mukha at napasinghap ng hangin."Kung ikakasal ka kay Hector, magmula ngayon hindi mo na ko tatawaging lolo...""Papa na ang itatawag mo sa akin. Ayokong magkaruon ng pagkalito sa mga susunod na henerasyon. Ang lahat ng nakaraan mo ay wala na, ang tanging pag-uusapan na lang natin ay ang kasalukuyang sitwasyon."Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya.Pasimpleng napangiti si Hector sa naging tugon ko, napakapit siya sa kaniyang sugat. Ramdam ko na nasasaktan siya, ang bawat pag ngiwi ng kaniyang mukha at ang biglang pamumutla niya ay sapat na para malaman ang nararamdaman niya kahit di niya sabihin. Mabilis akong tinawag ng mayordoma ng buong galang."Mam Anne, tulungan niyo po akong iakayat natin si Sir Hector."Nahihiya man dahil hindi pa rin ako sanay na tawagin sa ganung pangalan ay sumunod ako "sige po Manang." maiksi kong tugon. Pinagtulungan naming iupo si Hector sa kaniyang wheeelchair ng sa mga sandaling ito ay nakasalampak sa sahig na duguan, bahagya itong tumingin sa Mommy ni Vince at matalim na tumingin."siguro naman Jennie natuwa ka sa kinalabasan ng lahat ng pangyayaring ito?"Mayabang itong nakatayo at diretsong nakatingin kay Hector "oo Hector satisfied ako, huwag kang magagalit sa akin, alam mo naman bilang ina handa kong protektahan ang anak ko. Sa ngyari sa inyo ni Anne at sa pagkuha mo ng puri niya dapat na panagutan mo siya." maamo nitong sabiPagtakatapos niyang sabihin iyon ay lumapit siya sa akin, malumanay niyang hinaplos ang aking kamay habang nagsasalita . " Anne, kung hindi mo man tayo inadya ng panahon para maging mag manugang, palagi mong tatandaan na pamilya mo pa rin ako. Kung may kailangan ka , lumapit ka lang sakin. Huwag kang mahihiya okay?!" malambing ang tono niyang sabi.Hindi ako tanga, alam ko ang lahat ng ngyari kagabi. Kaya imposibleng maging mabait ako sa kaniya na parang wala lang ang ginawa niya. Kaya hinatak ko ang kamay ko at malumanay na nagsalita. Gusto mo ng laro, pwes ibibigay ko sayo. "ahhh Jennie, kung maikakasal ako ngayong araw kay Hector, ang posisyon nating dalawa sa pamilyang ito ay wala ng pinagkaiba , hindi ba?. Kaya inaasahan kong tatawagin mo bilang sister -in-law mo at ibibigay mo ang respetong nararapat para sa akin." seryoso kong sabi.Bahagyang natigilan siya sa kaniyang kinatatAnnean, napilitan siyang ngumiti sa harapan ng lahat. Lalo na sa harapan ng kaniyang ama. "oo naman, siyempre. Walang problema" sagot niya sakin.Maaninag sa mukha ng bruhang ito ang sobrang pagkatuwa at relaxed niya sa lahat ng ngyari, walang bahid ng kahit na anong panghihinayang sa kaniyang mukha na hindi na matutuloy ang kasal namin ng kaniyang anak. Naalala ko pa ang sinabi ni Vince bago siya umalis na aalagaan ako ng Mommy niya at walang mangyayaring masama sa akin sabay ngiti na animo'y nanunuya. Hindi siteacher akalain ni Vince na ang magaling niyang ina ang siyang dahilan kung bakit ako napunta sa kama ng kaniyang tiyuhin at nawala ang puri ko!THIRD PERSON POVNang makita ni Hector ang ugali ni Anne laban sa kaniyang sister-in-law ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi "mukhang umaayon lahat ng pabor sayo Jennie. Hindi ba't ilang beses ng nakipag usap ang mga Ayala sa atin, at pag nakasal na kami ni Anne, pwedeng pwede na nating i-welcome si Deborah sa pamilya. So, anu pang masasabi ko. Congratulations sa hipag ko." sarkastiko nitong sabi.Pagkasabi ni Hector ay tila hindi naman maintindihan ni Madam Jennie ang kaniyang gagawin. Sabay na nagbigay ng matalim na tingin sina Hector at Anne sa kaniya. " Yes Papa, totoo lahat ng sinabi ni Hector. Nakausap na namin ang mga Ayala, sila yung may ari ng pinaka malaking golf course sa may Santa Rosa Laguna. Ilang beses na nila akong tinatawagan para magkaruon ng koneksyon sa pagitan ng pamilya Valderama at Ayala. Sinabi nilang napupusuan nila si Vince para kay Deborah dahil sa magandang pag-uugali ng aking anak, sinabi din nilang tapat at may ambisyon si Vince. Alam kong bihira lang mangyari ang ganitong sitwasyon sa pulo ng mga mayayamang kalalakihan na mismong mga Ayala pa ang kokontak. ALam natin at kilala naman natin si Deborah, pero paulit ulit akong tumanggi. AYokong pang himasukan ang buhay ng aking anak. Ayokong sirain ang kasunduan ginawa natin sa pamilya Mendoza. Pero ngayong magpapakasal na si Anne kay Hector, siguro naman Papa pwede ko ng kontakin ang mga Ayala?"Matalas ang utak ni Don Antonio, naiitindihan niya ang ngyayari ngayon. Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa lupa at nanahimik. Walang kahit na anong opinyon ang lumabas sa kaniyang bibig. Dahil sa hindi sigurado si Madam Jennie sa iniisip ng byenang lalaki ay sinudutan pa niya ito ng panunulsol "Papa kilala ang mga Ayala bilang may magandang family background. Kung matutuloy ang kasalan sa pagitan ni Vince at Deborah siguradong malaking tulong ang magagawa nito sa pamilya Valderama.""alam ko" maiksi pero makahulugang sabi ni Don Antonio.Natumbok ni Hector ang totoong motibo ng Mommy ni Vince kung bakit niya nagawa ang lahat ng ito. Halos maputol naman ni Anne ang sarili niyang daliri sa kahihiyang ginawa ng kaniyang dapat ay magiging byenan. Malaking pag ngiti ang pinakita nito kay Don Anotion " Papa, narinig niyo naman ang sinabi ni Hector, kaya walang magiging problema pa dito." saad pa nito.Tumayo si Don Antonio dala ang kaniyang tungkod, nanatili siyang tahimik at mukhang malalim ang iniisip. Napangiti naman si Hector at biglang nagsalita."buntis si Deborah sa kambal niyang anak. Kapag nakasal si Vince sa kaniya ay para na rin tayong nanalo sa lotto, buy one get two for free. Masaya ka na ba, my dear sister in law?" sarkastikong tanong ni Hector sa hipag.Matinding pagkagitla ang rumehistro sa mukha nito "ikaw... anong sinabi mo?" tanong nito."Ito ang umuugong na balita na narinig ko mula sa aking mga kasosyo. Sinabi nilang aksidente itong nabuntis ng isang bata sa isang nightclub. Meron siyang espesyal na kondisyon kaya hindi niya pwedeng ipalaglag ang bata. Kaya depserado ang mga Ayalang maghanap ng sasalo sa kakahiyan ng pamilya nilang iyon. Totoo man o hindi ang balita, gusto kong i check itong maigi ng iyong asawa, Jennie..." seryosong sabi ng matanda.Nagsimulang maglakad si Don Antonio, lulugo-lugo at mabilis na umalis.Naiwang nakatulala si Jennie at nag-iisip.Napabuntong-hininga si Don Antonio, hindi siya makasagot. Kaya isinama na ni Hector si Rachel at kinontak si Drew. Samantala, sa hotel room. Pinupunasan ni Drew ang luha niya gamit ang tissue, gamit ang namumula at matabang mga daliri. "Wow, ang galing niya..." "Wow, ilang taon siyang naghukay ng ligaw na gulay..." Anne: ... "Pero ngayon, trending ang meme tungkol sa paghuhukay ng ligaw na gulay. Gusto mo ba malaman pa?" Kinuha ni Drew ang cellphone niya gamit ang pulang kamay, pinindot ang isang button, at sabay sigaw: "Aahh!" Anne: ... Pagkatapos basahin ang paliwanag tungkol sa meme, tumingin si Drew kay Anne na parang lutang: "Ano ang ibig sabihin ng ‘love brain’?" **"Love brain ay yung iniisip mo na ang pag-ibig ang pinakamahalagang bagay sa lahat. Pero sa totoo lang, marami pa tayong puwedeng maranasan sa mundo. Tulad ng pagbibiyahe, pagpupursige sa career, pakikipagkuwentuhan at pag-inom ng tsaa kasama ang mga kaibigan... Kapag sobra ang foc
"Kung gano’n, wala ka nang pera. Paano mo planong dalhin si Rachel sa abroad?" "Iniwanan ako ni Papa ng insurance money." "Ah." Tumango si Anne. "Kaya pala may pera ka para planuhin ‘tong lahat. Sa totoo lang, matalino ka rin—nagawa mo akong dukutin kahit nasa ilalim ng ilong ni Hector." "Talaga?" Napangiti si Drew, tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Eh paano mo naman nakilala ang pangalawang kuya ko?" tanong ni Anne. "Hindi ko kilala ang pangalawang kuya mo. Pero may nakilala akong importanteng tao! Nang mawala si Papa, sobrang lungkot ko, kaya nagpunta ako sa bar para uminom. Hindi ko inaasahan, narinig ko si Euleen at ang mga kaibigan niya—pinag-uusapan nila na kasal ka na raw kay Hector at buntis na ang babae nito!" "Noong araw din na ‘yon, may mga nakilala akong kaibigan. Kinuwento ko sa kanila ang love story namin ni Rachel, lalo na ‘yung dalawang taon na sinundan ko siya abroad—naiyak sila sa kilig!" Anne: ... Sigurado ka bang hindi sila naiyak dahi
Tumaas ang kilay ni Anne nang marinig ang pamilyar na boses. Nahanap na agad nila ang kidnapper niya? Ayos ah. Ang galing ng asawa ko~ Medyo na-excite si Drew nang marinig ang boses ni Hector. "Ano'ng gusto kong gawin? Gusto kong ilayo si Rachel! Gusto ko siyang ilabas mula sa dagat ng paghihirap! Gusto ko siyang isama palayo! Gusto kong protektahan ang dakila naming pag-ibig!" Nanindig ang balahibo ni Anne sa narinig. Hindi niya inakala na sobrang busilak ang pagmamahal niyo para kay Rachel. "Dakilang pag-ibig? Sinong nagsabi sa’yo niyan?" Yung mapanuyang tono ay agad nagpabalik ng alaala kay Drew—ganoon din ang tono ni Hector noong mga nakaraang taon, noong tinanong siya kung bakit niya inakalang kaya niyang protektahan si Rachel, o kaya niyang pasayahin ito. Biglang sumabog si Drew "Ang babae mo ang nagsabi! Mabait siya, hindi tulad mo na ubod ng sama. Hector, ang babaeng kagaya niya na napunta sa’yo? Para lang bulaklak na itinanim sa tae!" Na
Naglakad-lakad si Hector, seryoso at tahimik. “Renz, ilang tao na ba ang may apelyidong Yang na nakaalitan ko?” Binuksan ni Renz ang notepad ng cellphone at tumingin. Nag-scroll siya nang ilang beses. “Hector, hindi ko pa natatapos. Medyo mahirap pong bilangin lahat.” Hector: … Grabe. Ganun kadami? Napakaraming apelyido sa mundo, bakit Yang pa?! Napahawak sa sentido si Hector, saka biglang may naisip: “Bilis! I-review n’yo lahat ng CCTV sa labas ng hotel. Tingnan kung may malalaking maleta—‘yung kasya ang tao!" Sa loob ng hotel room. Lumapit si Drew habang hawak ang isang matalim na patalim sa kanyang pulang, namamagang mga daliri. Dahil masakit ang kanyang daliri, napapahiyaw siya habang nagsasalita: "Ah~ Kahit ano pang sabihin mo ngayon, ah~ hiss~ hindi na ako maniniwala! Ako... ah~ hiss~ Kapag naniwala pa ulit ako sa’yo, sobrang tanga ko na talaga!” Nakangiti si Anne, kalmado habang nakaupo sa sofa, at may hitsura ng pagiging mapagkakatiwalaan.
Nagkunwaring walang narinig si Anne at agad binago ang usapan: "Durugin mo lang ang mga halamang ‘yan at ipahid sa sugat." "Hmm," tugon ni Drew. Kumuha siya ng kalahati ng damo, dinurog ito, at ipinahid sa kanyang sugat. Makaraan ang isang oras, lalo pang namaga ang kanyang daliri. Para na itong martilyo, at bawat daliri ay parang pulang lobo na hinipan. "Aray~ Ang sakit~" Tinitigan niya si Anne ng masama. "Niloko mo ba ako?!" “Naku! Kumalat na ang lason—pero huli na ang lahat!” Nakaseryoso si Anne, pilit pinipigil ang pagtawa sa mga pulang daliring parang mga minartilyo ni Drew. Hindi pa rin siya makapaniwala. Nagawang lokohin ni Rachel ang isang lalaki ng ilang taon. Hindi siya papayag na hindi rin niya magawa iyon. “Anne, akala mo ba gano’n ako kadaling lokohin, ha?” Nagngangalit ang ngipin ni Drew habang bumunot ng patalim at dahan-dahang lumapit. “Ngayon, hindi na kita paniniwalaan! Kapag naniwala pa ulit ako sa’yo, aso na ako!” Samantala, sa kabilan
Nag-isip sandali si Drew: "Mas tama siguro kung sabihing hubad mula baywang pataas si Hector at may suot na pantalon. Importante rin 'to! Magulo ang buhok ni Rachel at halatang... may nangyari." Napabuntong-hininga si Anne: "Pero hindi 'yan sapat para patunayang natulog sa kanya ang mahal mo." "Natulog nga! May ebidensya ako! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Rachel sa ibang bansa nitong mga taon na 'to. Kasama niya ako sa lahat ng ‘yon. At saka..." Naputol si Drew, hindi itinuloy ang sasabihin. "Basta, natulog na rin kami. Privacy ‘yon ni Rachel kaya hindi ko pwedeng ikwento nang buo. Pero nasabi niya, pinapahalagahan niya ang pananatili ko sa tabi niya—pero sinasabi rin niyang hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal ko. Ipinahiwatig niyang may nangyari sa kanila ni Hector, kaya hindi raw siya karapat-dapat mahalin." Anne: (palihim na napailing) Ang tanga mo, alam ba ‘yan ng nanay mo?! Biglang tumindig si Drew, itinuro ang ilong ni A