Share

Kabanata 003

Penulis: twinkle star
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-15 05:35:59

THIRD PERSON POV

Pagkasabi ni Anne ay mabilis siyang tumayo , walang magawa si Hector kundi hayaan ito sa kaniyang desisyon. Hindi niya maaring pilitin ang dalaga. Nakatingin lang siya kay Anne habang pilit itong tumatayo ngunit kitang kita ang panginginig sa kaniyang mga binti, bago pa siya tuluyang bumagsak ay mabilis na pinaandar ni Hector ang kaniyang wheelchair papalapit sa kinatatayuan ni Anne. Kinapitan niya ang braso nito at magkasabay silang bumagsak sa sahig. Nalaglag si Anne sa dibdib ni Hector. Ang mabangong aroma ng katawan ni Anne ang nagpabalik sa ala-ala ng ngyaring iyon kagabi sa pagitan nila ni Hector. At ang laway ng pagnanasa ay gumuhit sa adams apple ni Hector. Sa sobrang kahihiyan ni Anne, gusto niyang bumitaw, ngunit nanghina ang kanyang mga binti at hindi siya makatayo. Muli na naman siyang bumagsak sa katawan ni Hector ng subukan niyang tumayo. Pagkatapos, narinig niya ang banayad ngunit seryosong tanong ni Hector sa ibabaw ng kanyang ulo,

"nasaktan ba kita kagabi?"

Hindi makatingin ng diresto si Anne ang kaniyang mukha ay pulang pula. Pilit niyang nilaban ang pangangalay ng kaniyang paa at tinulak ang dibdib ni Hector para makatayo siya, maaaninag sa kaniyang mata ang matinding pagkainis. Pero sa bisig ni Hector ay nakaramdam ng sense of secuirty si Anne. Ang pakiramdam na ito ay nakapagbigay sa kaniya ng kaginhawaan, ngunit sa mga sumunod na segundo ay gusto na naman niyang pagalitan ang sarili sa katangahang pumapasok sa isip niya.

"ano bang pumapasok sa isip mo Anne? Uncle ni Vince yan!" Tila napahiya sa sarili si Anne sa kaniyang naiisip. Ngunit mukhang hindi alintana ni Hector ang nararamdaman ni Anne. Marahan niyang hinawakan ang palad ni Anne at nagtanong "am i too rude?"

Sa pagkabigla ay mabilis niyang binawi ang kamay sa pagkakapit nito. Hindi niya makuha ang tamang sagot sa tanong nito. Alam niyang mali ang tumango siya pero sa kabilang banda alam din ng utak niyang mali ang umiling siya.

"i'm sorry" sabi ni Hector

Tumingala si Anne at nakita niya ang taos pusong paghingi ng tawad ni Hector. Habang tinititigan ko siya, nasasabi ko na lang sa isip ko na mali ang tsismis tungkol sa taong ito. Pero sa huli seryosong inamin ni Hector ang ngyari .

"maniwala ka man o hindi, hindi ko alam kung anong ginagawa ko kagabi" ang kalmado ng mukha ni Anne ay biglang muling namula.

"pakshit, anong pumapasok sa isip niya? bakit pa niya kailangan ulit-ulitin ang nangyari sa pagitan naming dalawa kagabi?. hindi na niya inisip na tiyuhin siya ng fiance ko" sigaw ng isip ni Anne. Halos masubsob si Anne sa pagkakAnneko niya sa matinding pagkahiya niya kay Hector.

Samantalang si Hector ay pasimpleng napapangisi habang tinitignan ang nakayukong ulo ng dalaga. Ngunit sa mga sandaling iyon, isang lumalagabog na katok mula sa pintuan ang pumigil sa kanilang pag-uusap. Halos matanggal ang pinto sa lakas nito.

"Hector, buksan mo ang pinto!"

"Hector, hayop ka! Ilabas mo ang manugang ko!"

Patuloy ang ngyayaring komosyon sa labas ng pintuan iyon.

"oh shit... si Tita..." namumutla at tila natatarantang sabi ni Anne. Dahil ang boses nayun ay walang iba kundi mula ang Mommy ni Vince. Ang kaniyang future mother-in-law.

"Sinabi ng buksan mo ang pintong 'to Hector! kung hindi mo 'to bubuksan, tatawag ako ng taong gigiba nito. Hindi ako nagbibiro... HECTOR!..." malakas nitong sigaw.

"anong gagawin ko?!" Sa sobrang pagkataranta ni Anne ay nawala sa isip niya na ang taong ito, na kaniyang magiging biyenan ang siya ding dahilan kung bakit siya naruruon sa sitwasyong iyon ngayon. Hindi malaman ni Anne ang kaniyang gagawin, isang malapad at mainit na palad ang kumapit sa kaniyang kamay sa kalagitnaan ng pagpapanik niya.

"huwag kang matakot Anne, ibigay mo ang lahat ng sisi sa akin."

Hindi na sumagot si Anne. Tahimik lang siyang nakatitig kay Hector.

Makalipas ang ilang sandali, binitawan siya ni Hector, itinulak nito ang sarili niya habang sakay sa kaniyang wheelchair patungo sa kaniyang kama nang may kalmadong ekspresyon. Dahan-dahan niyang inayos ang magulo niyang kama. Naningkit ang kaniyang mga mata ng makita niya ang bahid ng dugo sa kaniyang bed sheet, pasimple niya itong tinakpan ng kaniyang comforter ng walang sali-salita.

Mapait na napabuga ng hangin si Anne sa ginawang iyon ni Hector. Wala na siyang magagawa, sa mga sandaling iyon, si Hector na ang nakakuha sa kaniyang puri.

Isang malakas na "click" mula sa pintuan ang nagpabalik sakinng atensyon. Niluwa ng pintuang ito si Madam Jennie Alcantara Valderama, nagmamadali nitong binuksan ang pintuan at tumakbo papasok.

Nanigas sa kaniyang kinatatAnnean si Anne, hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Naramdaman niya ang pag-angat ng kaniyang dugo sa kaniyang ulo.

"Tita, i'm sorry...." mahinang bulalas ni Anne pero walang balak si Madam Jennie na sisihin siya o kagalitan siya. Bagkus ay matinding drama ang ginawa nito. Walang sali-salita ay hinablot niya si Anne at itinago ito sa kaniyang likod.

"sumosobra ka na Hector! Sa tingin mo ba ay gawain pa ng tao ang ginagawa mo? Wala kang kunsensya, pati ang fiance ng pamangkin mo ay winalanghiya mo!" malakas na sigaw ni Madam Jennie "wala ka na ba talagang natitirang respeto para sa pamilya natin?" Patuloy na pagbubunganga nito sa kapatid , sa ganuong paraan ay wala ni sinumang makakaisip na may kinalaman siya sa mga ngyari.

Pagkasabi niya ay agad niyang binaling ang kaniyang tingin kay Anne na sa mga oras nayun ay namumutla na sa sobrang kahihiya.

"Huwag kang mag-alala Anne, akong bahalang umayos nito" mahinahon nitong sabi. Hindi na nakasagot pa si Anne, tumingin lang siya sa kaniyang former mother-in-law, naguguluhan ang utak niya sa ngyayari.

Habang ang tensyon ay mas lumalala, si Uncle Hector ay tahimik lang na nakaupo sa kaniyang wheelchair, sarkastiko niyang itinaas ang sulok ng kanyang labi at nagpakawala ng mahinang tawa.

"Wow! ang galing naman ng timing ng sister-in-law ko! Magaling mong na-execute ang plano mo! Hindi na ko magtataka kung maya-maya lang ay darating na si Don Antonio." sabi niya ng buong kumpyansa.

Napasimangot si Anne dahil sa sinabi ni Hector . Napatingin si Madam Jennie sa kaniya at mabilis siyang hinila nito palabas ng silid na iyon.

"huwag kang makikinig sa hayop nayun Anne! naghahanap lang si Hector ng mapagbabalingan niya ng sisi sa kawalanghiyaan niyang ginawa. Huwag kang matakot sa kaniya. Akong bahala sayo" sabi nito sa kaniya

Gulong gulo na ang isip ni Anne sa nangyayari, pano pa niya malalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo sa pagitan ni Madam Jennie at Uncle Hector, wala siayng magawa kundi sarilinin ang kaniyang naiisip.

"Tita pasensya na po kayo pero gusto ko po munang mapag-isa" lutang na pakiusap ni Anne ngunit hindi pinagbigyan ni Madam Jennie ang kaniyang kahilingan bagkus ay mahigpit siya nitong hinawakan at buong pwersa siyang hinila na halos pakaladkad . Dinala siya nito sa Matandang Valderama na sa mga sandaling iyon ay nagkakape sa veranda ng kanilang ancestral home.

"Papa, dinungisan ng magaling mong anak ang aking mamanugangin . Kinuha ng walanghiyang iyon ang puri ni Anne ng hindi pa siya nakakasal, kailangan niyang magpaliwanag sa ginawa niya ngayon din!" galit na galit na sabi ni Madam Jennie.

Nang marinig iyon ng matanda ay agad itong tumayo sa kaniyang kinauupuan , dala ang kaniyang tungkod ay mabilis itong naglakad papasok ng unit at malakas itong sumigaw na paniguradong narinig ng lahat ng tao sa buong unit. Halos maputol ang ugat nito sa leeg sa sobrang galit.

"Hayop ka.... bumaba ka dito Hector!"

ANNE MENDOZA

"Lord... ano bang kamalasan ang ngyayari sakin." bulong ko sa aking sarili.

Napako na ang aking mga paa sa aking kinatatayuan, kinukurot ko ang aking palad gamit ang aking mga kuko sa kahihiyan na aking nararamdaman, pakiramdam ko ay parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko. Lahat ng gulong ngyayari sa pamilya nila ay dahil sakin. Hindi ko maiwasang mapaluha, alam ng lahat ng tao na ikakasal ako sa kaniyang apo. Pero dahil sa ngyaring ito? hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang nuno ng mga Valderama?

"Papa... wag mong masyadong stress-in ang sarili mo!.. tumataas na naman ang BP mo." malambing na sabi ni Madam Jennie, ang Mommy ni Vince.

Napakapit ang matanda sa kaniyang dibdib at matalim na tumingin sa kaniyang kasamunit.

"dalhin mo sa harapan ko ngayon din ang rebeldeng iyon" sigaw nito na tila hindi humupa hupa ang galit.

Nagmamadaling umakyat ang kasamunit nila at itinulak ang wheelchair ni Hector papuntang elevator , inalalayan niya ito hanggang sa makababa ito at makarating sa harapang ng matandang Valderama. Pagdating na pagdating nila sa sala, itinaas ni Don Antonio ang kanyang tungkod at kumatok sa mesa .

"sabihin mo sakin Hector, anong ngyayari?" galit nitong tanong

Bago pa man makapagsalita si Hector ay tumakbo na kagad si Madam Jennie sa tabi ni Don Antonio, pinangunahan nito ang paliwanag ni Hector

"Papa, ano pa nga ba? may nakakitang gumamit ng droga iyang si Hector kagabi sa isang bar. Pag uwi niya nalaman niyang pansamantalang tumutuloy dito sa unit si Anne, plinano talaga niya ang lahat. Pinakidnap niya si Anne sa kasamunit natin at pinadala ito sa kaniyang kwarto."

Pagkatapos nitong magsalita, hila hila naman ng mga bodyguard ang katulong nito na halatang binugbog para mapaamin. Pagpasok na pagpasok ng katulong, humahagulgol itong lumuhod sa harapan ni Don Antonio "patawarin mo ako Don Antonio! Nilinlang ako ni Sir Hector, nakinig ako sa sinabi niya. Hindi ko dapat ginawa ang inutos niya sa akin"

Sa kasamaang palad, lahat ng ebidensya ang tinituro ay si Hector! Pero alam kong may mali. Napakunot ang aking noo habang pilit kong kinakalikot sa isip ko ang iba ko pang natatandaan sa ngyari. Hindi ako naniniwalang si Hector ang may kagagawan ng lahat ng ito! Kagabi , ng dumating sa kaniyang kwarto si Hector ay parang tigre ito sa sobrang galit ng makita niyang may babae sa kaniyang kama, pilit din niya akong pinalalabas sa silid na iyon. Sa tono ng pananalita niya ay halatang wala itong alam sa kung anumang ngyari kagabi. Hindi ko din maipaliwanag kung bakit bigla niya akong hinila palapit sa kaniya. Siguro nga ay dahil iyon sa epekto ng kung anumang nainom o pinainom sa kaniya.

Iniisip kong maagi ang nangyari sa akin, hinele ako sa matinding antok pagkatapos kong uminom ng gatas, at ang gatas nayun ay bigay ng Mommy ni Vince! Alam kong lahat ng ito ay gawa ni Madam Jennie , buong araw lang na nakaupo si Hector sa kaniyang wheelchair kaya imposibleng siya ang may gawa nito. Sa putla ng mukha nito at sa hina ng kaniyang pangangatawan pano pa niyang magagawang gumawa ng masama.

Bahagya namang natawa ng mahina si Hector , sabay sabay kaming napatingin sa kaniya ng may pagtataka.

"alam kong kahit anong sabihin ko ay wala na ding kwenta, kaya...OO... kasalanan ko ang lahat ng nangyari at handa akong tanggapin ang kahit na anong parusa."

Matapos na sabihin iyon ni Hector ay napansin ko ang simpleng pag ngiti ni Madam Jennie may kakaibang kislap ito na may bakas ng pagmamalaki. Binalik ko ang aking tingin kay Hector ng may pagtataka. Hindi ko maintindihan kung bakit inamin ni Hector ang isang bagay na hindi naman niya ginawa.

"BANG..." Sa isang iglap isang lumalagutok na tunog ang umalingawngaw sa pagitan naming lahat ng hampasin ni Don Antonio si Hector ng kaniyang tungkod. Tumama ito sa balikat ni Hector.

"hayop ka!"

"napakawalanghiya mo..."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
napaka Tanga ng bida na babae sa kwento mo" Dami pang kaartihan eh gusto din nmn ung uncle ng jowa nya" busit" kapangit ng kwento mo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 522

    Napabuntong-hininga si Don Antonio, hindi siya makasagot. Kaya isinama na ni Hector si Rachel at kinontak si Drew. Samantala, sa hotel room. Pinupunasan ni Drew ang luha niya gamit ang tissue, gamit ang namumula at matabang mga daliri. "Wow, ang galing niya..." "Wow, ilang taon siyang naghukay ng ligaw na gulay..." Anne: ... "Pero ngayon, trending ang meme tungkol sa paghuhukay ng ligaw na gulay. Gusto mo ba malaman pa?" Kinuha ni Drew ang cellphone niya gamit ang pulang kamay, pinindot ang isang button, at sabay sigaw: "Aahh!" Anne: ... Pagkatapos basahin ang paliwanag tungkol sa meme, tumingin si Drew kay Anne na parang lutang: "Ano ang ibig sabihin ng ‘love brain’?" **"Love brain ay yung iniisip mo na ang pag-ibig ang pinakamahalagang bagay sa lahat. Pero sa totoo lang, marami pa tayong puwedeng maranasan sa mundo. Tulad ng pagbibiyahe, pagpupursige sa career, pakikipagkuwentuhan at pag-inom ng tsaa kasama ang mga kaibigan... Kapag sobra ang foc

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 521

    "Kung gano’n, wala ka nang pera. Paano mo planong dalhin si Rachel sa abroad?" "Iniwanan ako ni Papa ng insurance money." "Ah." Tumango si Anne. "Kaya pala may pera ka para planuhin ‘tong lahat. Sa totoo lang, matalino ka rin—nagawa mo akong dukutin kahit nasa ilalim ng ilong ni Hector." "Talaga?" Napangiti si Drew, tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Eh paano mo naman nakilala ang pangalawang kuya ko?" tanong ni Anne. "Hindi ko kilala ang pangalawang kuya mo. Pero may nakilala akong importanteng tao! Nang mawala si Papa, sobrang lungkot ko, kaya nagpunta ako sa bar para uminom. Hindi ko inaasahan, narinig ko si Euleen at ang mga kaibigan niya—pinag-uusapan nila na kasal ka na raw kay Hector at buntis na ang babae nito!" "Noong araw din na ‘yon, may mga nakilala akong kaibigan. Kinuwento ko sa kanila ang love story namin ni Rachel, lalo na ‘yung dalawang taon na sinundan ko siya abroad—naiyak sila sa kilig!" Anne: ... Sigurado ka bang hindi sila naiyak dahi

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 520

    Tumaas ang kilay ni Anne nang marinig ang pamilyar na boses. Nahanap na agad nila ang kidnapper niya? Ayos ah. Ang galing ng asawa ko~ Medyo na-excite si Drew nang marinig ang boses ni Hector. "Ano'ng gusto kong gawin? Gusto kong ilayo si Rachel! Gusto ko siyang ilabas mula sa dagat ng paghihirap! Gusto ko siyang isama palayo! Gusto kong protektahan ang dakila naming pag-ibig!" Nanindig ang balahibo ni Anne sa narinig. Hindi niya inakala na sobrang busilak ang pagmamahal niyo para kay Rachel. "Dakilang pag-ibig? Sinong nagsabi sa’yo niyan?" Yung mapanuyang tono ay agad nagpabalik ng alaala kay Drew—ganoon din ang tono ni Hector noong mga nakaraang taon, noong tinanong siya kung bakit niya inakalang kaya niyang protektahan si Rachel, o kaya niyang pasayahin ito. Biglang sumabog si Drew "Ang babae mo ang nagsabi! Mabait siya, hindi tulad mo na ubod ng sama. Hector, ang babaeng kagaya niya na napunta sa’yo? Para lang bulaklak na itinanim sa tae!" Na

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 519

    Naglakad-lakad si Hector, seryoso at tahimik. “Renz, ilang tao na ba ang may apelyidong Yang na nakaalitan ko?” Binuksan ni Renz ang notepad ng cellphone at tumingin. Nag-scroll siya nang ilang beses. “Hector, hindi ko pa natatapos. Medyo mahirap pong bilangin lahat.” Hector: … Grabe. Ganun kadami? Napakaraming apelyido sa mundo, bakit Yang pa?! Napahawak sa sentido si Hector, saka biglang may naisip: “Bilis! I-review n’yo lahat ng CCTV sa labas ng hotel. Tingnan kung may malalaking maleta—‘yung kasya ang tao!" Sa loob ng hotel room. Lumapit si Drew habang hawak ang isang matalim na patalim sa kanyang pulang, namamagang mga daliri. Dahil masakit ang kanyang daliri, napapahiyaw siya habang nagsasalita: "Ah~ Kahit ano pang sabihin mo ngayon, ah~ hiss~ hindi na ako maniniwala! Ako... ah~ hiss~ Kapag naniwala pa ulit ako sa’yo, sobrang tanga ko na talaga!” Nakangiti si Anne, kalmado habang nakaupo sa sofa, at may hitsura ng pagiging mapagkakatiwalaan.

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 518

    Nagkunwaring walang narinig si Anne at agad binago ang usapan: "Durugin mo lang ang mga halamang ‘yan at ipahid sa sugat." "Hmm," tugon ni Drew. Kumuha siya ng kalahati ng damo, dinurog ito, at ipinahid sa kanyang sugat. Makaraan ang isang oras, lalo pang namaga ang kanyang daliri. Para na itong martilyo, at bawat daliri ay parang pulang lobo na hinipan. "Aray~ Ang sakit~" Tinitigan niya si Anne ng masama. "Niloko mo ba ako?!" “Naku! Kumalat na ang lason—pero huli na ang lahat!” Nakaseryoso si Anne, pilit pinipigil ang pagtawa sa mga pulang daliring parang mga minartilyo ni Drew. Hindi pa rin siya makapaniwala. Nagawang lokohin ni Rachel ang isang lalaki ng ilang taon. Hindi siya papayag na hindi rin niya magawa iyon. “Anne, akala mo ba gano’n ako kadaling lokohin, ha?” Nagngangalit ang ngipin ni Drew habang bumunot ng patalim at dahan-dahang lumapit. “Ngayon, hindi na kita paniniwalaan! Kapag naniwala pa ulit ako sa’yo, aso na ako!” Samantala, sa kabilan

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 517

    Nag-isip sandali si Drew: "Mas tama siguro kung sabihing hubad mula baywang pataas si Hector at may suot na pantalon. Importante rin 'to! Magulo ang buhok ni Rachel at halatang... may nangyari." Napabuntong-hininga si Anne: "Pero hindi 'yan sapat para patunayang natulog sa kanya ang mahal mo." "Natulog nga! May ebidensya ako! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Rachel sa ibang bansa nitong mga taon na 'to. Kasama niya ako sa lahat ng ‘yon. At saka..." Naputol si Drew, hindi itinuloy ang sasabihin. "Basta, natulog na rin kami. Privacy ‘yon ni Rachel kaya hindi ko pwedeng ikwento nang buo. Pero nasabi niya, pinapahalagahan niya ang pananatili ko sa tabi niya—pero sinasabi rin niyang hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal ko. Ipinahiwatig niyang may nangyari sa kanila ni Hector, kaya hindi raw siya karapat-dapat mahalin." Anne: (palihim na napailing) Ang tanga mo, alam ba ‘yan ng nanay mo?! Biglang tumindig si Drew, itinuro ang ilong ni A

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status