Gayunpaman, may kaunting pag-aatubili si Queenie na iwan si Juancho.Napatingin siya kina Irina, Mari, at Dahlia, at bahagyang ngumiti nang nahihiya—nasa gitna ng pagnanais na manatili at pangangailangang umalis.Justo naman, tumunog ang tawag ni Alec at agad itong sinagot ni Irina. “Alec?”“Umuwi ka na, at isama mo si sister-in-law mo. Nandito na si Jiggo,” utos ni Alec.“Sige, pauwi na kami,” tugon ni Irina.Pagkababa ng tawag, humarap si Irina kay Queenie at pabirong sinabi, “Queenie, hindi pa nga kayo kasal, sumusunod ka na agad kay Jiggo na parang mabait at masunuring asawa. Paano na lang pag kasal na kayo?”Namula nang husto ang pisngi ni Queenie. “Naku, Irina naman!”“Tama na, tama na, tinutukso lang kita. Sige na, umalis ka na,” sabi ni Irina habang natatawa.“Oo na!” mabilis na sagot ni Queenie habang nananatili pa rin ang pamumula ng mukha. Agad siyang sumakay ng taxi at umalis.Pagkatapos, tumingin si Irina kay Mari, pero agad na ‘tong tumakbo palayo na parang natatarant
“Alec…” tawag ni Irina sa mahinang tinig.“Hm? Kumusta ang pamimili niyo ngayon? Marami ba kayong nabili? Gusto mo ba akong magpadala ng sasakyan para sunduin ka?” malumanay na tugon ni Alec mula sa kabilang linya.Ngunit biglang naging seryoso ang tono ni Irina.“Alec, tumawag sa akin si Duke kanina…”“Ano?” Agad na tumalim ang boses ni Alec, at tila may malamig na kilabot na dumaan sa kanyang likuran nang marinig ang pangalang iyon.“Sinabi niyang napakaganda raw ng trato sa mga Jin sa isla. Sina Nicholas, Zoey, at ang anak nila—lumipat na sila sa King’s Mansion. Halos pantay na ang turing sa kanila ng mga Mercadejas. Alam mo ba kung anong ibig sabihin niyan? Ibig sabihin, nagbigay ng malaking pabor sina Don Pablo at ang mga Jones sa isla. May bulung-bulungan pa na nagpadala na sila ng mga tao…”Hindi pa natatapos si Irina nang putulin siya ni Alec.“May ipinadala na namang mga tao ang isla papuntang syudad?”Tumango si Irina. “Oo.”“Naiintindihan ko,” mahina ngunit matatag na sagot
Agad na naunawaan ni Irina—ang tinutukoy ni Duke ay sina Zoey at ang pamilya nito.Sa kabilang linya, kinumpirma iyon ni Duke.“Pero huwag kang mag-alala, Irina. Hahanap ako ng paraan para tapusin sila. Sa ngayon, nakikituloy ang tatlong iyon sa mga Mercadejas. Lumipat sila sa kanlurang bahagi ng mansiyon ng mga Mercadejas—dati, ang dalawang magkapatid lang na Pan ang nakatira roon. Ngayon, buong pamilya ni Zoey ang nandoon.”Sandaling tumigil siya, saka mariing nagdagdag, “Balak pa nga ni Peter—panganay na anak ng Mercadejas—na ipakasal si Zoey sa bunso niyang kapatid.”Nanahimik si Irina.Nagpatuloy si Duke, “Nalaman ko rin na sinabi ni Zoey kay Peter na kaya raw sabik si Alec na sakupin ang isla ay dahil ikaw ang pumilit sa kanya. Kaya ngayon, may binabalak sina Peter at ang mga Jin—nais nilang magpadala ng mga tao sa Nancheng para tapusin ka, habang abala si Alec sa isla. Kaya kita tinawagan—para bigyan ka ng babala.”“Mag-ingat ka nang husto, Irina. Ipagako mo sa akin na iingatan
Kuminang ang mga mata ni Anri sa tuwa. “Masaya! Syempre masaya ako!”“Kung gano’n, maghintay tayo nang buong tiyaga kay Uncle,” malumanay na sabi ni Irina, nilambing siya ng isang banayad na ngiti. “Gagaling ang kanyang binti, at babalik din siya sa atin, ha?”Masunuring tumango si Anri.Pero si Anri lang ba ang nakaka-miss kay Zeus? Hindi—malalim din ang pangungulila ni Irina sa kapatid.Paano ba naman niya hindi mami-miss ang kaisa-isa niyang sandigan sa loob ng anim na mahabang taon?Nanginginig ang tinig ni Irina nang tanungin niya, “Sinabi ba ng kapatid ko… sinabi ba niyang nami-miss niya ako?”Sa kabilang linya, lalong naging banayad ang boses ni Duke. “Oo. Sinabi niya. Sinabi niya na kahit siya ang naglayo sa’yo mula sa syudad, ikaw pa rin ang nag-alaga sa kanya sa loob ng mga taon ng pagtakas n’yo. Noong bagong panganak ka pa lang, hindi na niya magamit ang binti niya. Pinagsabay mo ang pag-aalaga sa sanggol mo at sa kapatid mo—mag-isa. Ibenta mo man ang sariling dugo para la
Mas lalo pang walang modo si Queenie. Isang palengkera—walang pinagaralan, walang hinog na asal, at walang matinong pinanggalingan. Ngunit siya pa ang napangasawa ni Juancho, ang panganay na anak ng mga Jones!Bakit?!Nakakasuka! Walang kapantay ang kabastusan!At si Dahlia naman—Hindi ba’t naging pulubi siya noon? Isang babaeng ibinenta na parang kalakal. Swerteng-swete lang siya na napunta kay Jiggo!Kung hindi siya ipinagtanggol ni Jiggo nitong anim o pitong taon na ang nakalipas, kailanman ay hindi siya tatanggapin ng mga tao sa mataas na lipunan ng Kyoto! Imposible!Isang babae na walang tahanan noon, halos mamatay sa gutom habang naglilimos sa lansangan, ngayon ay namumuhay pa nang mas marangya kaysa kay Yvonne—ang lehitimong panganay na anak ng angkan ng Jun.Tahimik na pinanood ni Yvonne ang apat na babaeng masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Habang tumatagal ang kanyang pagtitig, lalong bumibigat ang pait at inggit sa kanyang dibdib.Apat na babae—lahat mababa ang pinagm
Yvonne ang pangalan ng babae.May dahilan kung bakit siya, na mula sa kilalang pamilya Jones ng Kyoto, ay napangasawa ng isang taga-pamilyang Altamirano mula sa syudad.Isa ang angkan ng mga Jones sa pinakamakapangyarihan sa buong Kyoto, kaya hindi maikakaila na matagal nang minamaliit ni Yvonne si Zeke. Subalit noong siya’y nasa kalagitnaan ng kanyang kabataan, nabighani siya sa isang dayuhang lalaki.Ang hindi niya alam, ang lalaking iyon ay isa palang espiya. Ginamit lamang siya ng dayuhan upang mapalapit sa pinuno ng angkan ng Jones, si Ceasar—ama ni Yvonne.Kalaunan, nabunyag din ang tunay na pagkatao ng lalaki. Ngunit huli na ang lahat. Si Yvonne ay limang hanggang anim na buwang buntis na sa anak nila.Sa kabutihang-palad, sapat ang kapangyarihan at impluwensya ng mga Jones upang itago ang iskandalong ito. Sa lihim na paraan, ipinalaglag nila ang sanggol sa sinapupunan.Itim ang kulay ng sanggol mula ulo hanggang paa—parang munting uling na isinilang sa mundong ito. Buo na ang