“Alam mo ba ang kasabihang die for money?” basag ni Gideon sa katahimikan. Tumama ang malamig na tingin nito kay Mariette. “Sinumang babaeng nagpapakasak sa ‘kin, iisa lang ang habol… pera.”
Biglang nanikip ang lalamunan ni Mariette, pero ngumiti siya. Kung malulunod na rin lang, mas mabuti nang sumisid nang tuluyan.
“O baka naman,” aniya, pilit na kalmado, “plano ko na ’to matagal na. Noon pa lang… mahal na mahal na kita.”
Natawa si Gideon, puno ng pang-uuyam. “Mahal mo ako… o ang pera ko. Magkaiba iyon.”
Napakagat ng labi si Mariette. Alam niyang kitang-kita na nito ang kasinungalingan niya. Kung pwede lang siyang lamunin ng lupa at maglaho, ginawa na niya.
Pinatay ni Gideon ang sigarilyo at mariing pinisil ang upos sa ashtray. Pagkatapos, bigla siyang sinenyasan na lunapit pa rito.
Kahit ayaw niya, wala siyang nagawa kundi sumunod.
Sa isang iglap, hinila ni Gideon ang kamay niya at napasubsob siya sa matigas nitong dibdib. Bago pa siya makakilos, iniangat nito ang baba niya… hindi gamit ang kamay, kundi gamit ang matalim na dulo ng marriage certificate. Tumusok ang papel sa balat niya habang marahas na itinaas nito ang ang mukha. Kumislap ang galit sa berde nitong mga mata.
“Gusto mo ako?”
Sumikdo ang tibok ng puso ni Mariette pero hinarap niya ang tingin nito. “Lahat naman ng single dito sa Pilipinas… gusto ka.”
Umangat ang sulok ng labi nito at matagal siyang tinitigan. “At hindi ka takot mamatay?”
“Sino bang hindi natatakot sa kamatayan?” sagot niya, halos pabulong.
Bahagyang kumunot ang noo nito.
“Lahat tayo mamamatay,” dagdag ni Mariette. “Pero kung mamatay man ako bilang asawa ng isang tao… kung masasabi kong minahal ko kahit papaano… wala na akong pagsisisihan.”
Marahas siyang itinulak palayo ni Gideon. Kaagad itong kumuha ng panyo at pinunasan ang palad, para bang nadungisan sa kaniyang presensya.
“Divorce me,” malamig nitong sabi, sabay tapon ng marriage certificate sa mesa.
Napatitig si Mariette doon. Parang may matalim na kutsilyong tumusok sa puso niya.
“Walang divorce sa Pilipinas… baka annulment ang ibig mong sabihin,” mahinang sagot niya.
Natawa ito, malamig at mapanlait. “Divorce, annulment o kahit ano pa ang tawag do’n. Gagawin mo ang gusto ko.”
Napakagat siya ng labi at natahimik.
Tumayo ang lalaki mula sa sofa at nagsimulang humakbang palayo. Sa tangkad nito, tila mababali ang leeg ng sinumang nakatingala. Halos huminto ang hininga ni Mariette nang muling siya nitong sulyapan saka ito nagpatuloy.Mas malamig pa sa ihip ng aircon ang mga mata nito. Sa isang iglap, nabura ang kaunting paghanga na pilit niyang itinatanggi kanina.
“Hindi ako makikipaghiwalay sa ‘yo,” mariing sabi ni Mariette.
Napahinto ito at muling tumingin sa kaniya. “Tingin mo nagbibiro ako?”
“Hindi.” Matigas ang sagot niya. “Pinag-isipan ko na ’to. Asawa mo na ako. May karapatan akong alagaan ka… bigyan ka ng anak.” Nanikip ang lalamunan niya, pero nagpatuloy siya. “Kahit gaano kaikli ang oras mo, ayokong magsisi na hindi ko sinubukan. Tawagin mo akong makasarili kung gusto mo. Pero kung ang makasama ka ay kasakiman… handa akong mabuhay kasama ’yon.”
Nangilid ang luha niya. Kahit siya, nabigla sa sariling drama. Ganito ba ang epekto ng pera?
Bumalik ang mga yapak ni Gideon, mabagal, mabigat. Huminto ito sa harap niya. “Talaga?”
“Oo,” mahina ngunit buo ang tinig niya. “Handa akong gawin lahat… para sa ’yo.”
Ngumisi ito, parang hari na nakahanap ng laruan. Bumalik sa sofa at umupo roon. “Luhod.”
Napatigil si Mariette. Akala niya nagkamali siya ng dinig. Hindi siya makaimik.
“Ano? Ni ’yan hindi mo kaya?” puno ng pang-uuyam ang boses nito.
Tama si Flora. Baliw nga ang tulad ni Gideon Amir.
Nag-init ang pisngi ni Mariette, pero pinatatag niya ang sarili. Nandito na rin lang siya at asawa na niya ito. Bahala na si Batman.
Hinubad niya ang suot na manipis na cardigan at itinapon iyon sa tabi, saka itinali ang mahabang buhok. Lakas-loob siyang umangkas sa kandungan nito, nakaluhod ang tuhod sa magkabilang gilid.
“Ganito ba ang ibig mong sabihin?” malamig niyang tanong.
Nagulat ito sa tanong niya, pero saglit lang, mabilis ding nawala ang reaksiyon sa mukha ni Gideon.
Mas mataas siya sa puwesto nito ngayon, at mula sa kaniyang posisyon, kita niya ang biglang pagdilim ng mga mata ng lalaki. Ramdam din niya ang paghigpit ng tela ng suot niya sa katawan, pati ang hininga nilang halos magdikit. Pakiramdam ni Mariette, uminit bigla ang malamig na silid.
“Hubarin mo.”
Ano? Napaurong siya sa gulat. Pero dahil naroon na siya at wala nang kawala, kinagat niya ang ibabang labi at pinilit pakalmahin ang sarili. Marahan niyang inabot ang butones ng suot nitong itim na polo. Isa-isa niyang tinanggal ang mga iyon, at sa bawat kaluskos ng butones, lalo namang bumibilis ang tibok ng puso niya.
Gusto niyang kontrolin ang sarili pero bakit parang… nagugustuhan na niya ang ginagawa?
Nang iangat niya ang tingin, natagpuan niya ang mga mata ni Gideon. ‘Yong uri ng titig na parang hinuhukay ang kaluluwa niya sa sobrang lamig. Na para bang isa lang siyang laruan dito, at ito ang hari na naghihintay kung paano siya magpapaligaya.
Muli niyang kinagat ang labi pero hindi siya tumigil. Isa pa, isang butones na lang… hanggang sa dumikit ang mga daliri niya sa matitigas nitong abs. Kaagad namang dinakma ni Gideon ang kamay niya nang mahigpit.
Nagtagpo ang mga mata nila. May kung anong kumislot sa dibdib ni Mariette, pero pinilit niyang itago.
“Ang bagal mo,” malamig nitong wika. “Paano ka makakabuo ng anak kung ganyan kabagal ang galaw mo?”
Napangiti siya. “Hindi ka naman siguro nagmamadali, ‘di ba? Sabi nila, kapag parehong aroused ang magulang… mas matalino at mas maganda raw lumalabas ang anak.”
Tumaas ang gilid ng labi nito. “Talaga?”
“Ayaw mong maniwala?” pabulong niyang sagot, sabay pasok ng dalawang kamay sa ilalim ng polo nito.
Ngunit mabilis ding sinunggaban ni Gideon ang mga kamay niya at hinigpitan ang hawak. “At bakit ako lang ang maghuhubad?” malamig nitong tanong.
Samantalang nagulat ang driver ni Gideon na si Kobi nang makita kung gaano katapang si Mariette na sampalin si Jude sa harap ng maraming tao.“’Yung lalaking ‘yon, Señorito ay si Jude, ex ni Señorita,” panimula ni Kobi. “Kumalat pa nga sa Facebook ang isang video tungkol sa kanya. At ang nag-record at naglabas noon ay si Señorita Mariette mismo.” Saka nito iniabot ang cellphone kay Gideon at ipinakita ang naturang video.Tahimik na pinanood ni Gideon ang video clip at agad nagtagis ang mga bagang.“Panigurado, gaganti ’yon si Jude, Señorito. Napahiya siya, eh.”Ibinato pabalik ni Gideon ang cellphone kay Kobi at nagkibit-balikat. “Kasalanan ni Mariette ’yon.”Halos mabilaukan naman si Kobi. “Pero Señorito… itutuloy n’yo pa rin po ba ang annulment?”Agad dumilim ang mukha ni Gideon. Pumasok sa isip niya ang mga ngiti ni Mariette, ang pakunwari nitong pagkamasunurin at inosente. Para sa kanya, puro pagpapanggap lang iyon at lalo lang siyang nandidiri.“Tuloy pa rin ang annulment. Kung n
Tumingin si Gideon sa kanya mula ulo hanggang paa at hindi lang basta tingin, kundi parang hinuhubaran siya gamit lang ang mga mata. Alam na agad ni Mariette kung saan hahantong iyon.Mabilis niyang inangat ang laylayan ng suot niyang blusa, at lumitaw ang maliit niyang bewang. Kasabay niyon, bahagyang sumilip ang gilid ng kaniyang puting bra.Pero bigla na lang siyang itinulak ni Gideon nang malakas, na para bang sukang-suka ito sa presensya niya. Napaatras siya at muntik matumba. Sa totoo lang, gusto na sana niyang sigawan ang lalaki, pero nagkunwari na lamang siya at umarte na sobrang nasaktan sa ginawa nito.“UMALIS KA.” Mariing tumagis ang bagang nito.Napangiti siya nang lihim. Oo, aalis siya—ngayon din. Pero bago iyon, nagpakita muna siya ng kunwang pagkadismaya.“Pero Gideon—”“ANG SABI KO, ALIS!”Kaagad siyang bumaba sa kama, inayos ang gusot na damit, at dinampot ang cardigan na itinapon kanina. Hindi na siya lumingon pa at mabilis na lumabas.Pagkalabas niya ng kwarto, naka
“Alam mo ba ang kasabihang die for money?” basag ni Gideon sa katahimikan. Tumama ang malamig na tingin nito kay Mariette. “Sinumang babaeng nagpapakasak sa ‘kin, iisa lang ang habol… pera.”Biglang nanikip ang lalamunan ni Mariette, pero ngumiti siya. Kung malulunod na rin lang, mas mabuti nang sumisid nang tuluyan.“O baka naman,” aniya, pilit na kalmado, “plano ko na ’to matagal na. Noon pa lang… mahal na mahal na kita.”Natawa si Gideon, puno ng pang-uuyam. “Mahal mo ako… o ang pera ko. Magkaiba iyon.”Napakagat ng labi si Mariette. Alam niyang kitang-kita na nito ang kasinungalingan niya. Kung pwede lang siyang lamunin ng lupa at maglaho, ginawa na niya.Pinatay ni Gideon ang sigarilyo at mariing pinisil ang upos sa ashtray. Pagkatapos, bigla siyang sinenyasan na lunapit pa rito.Kahit ayaw niya, wala siyang nagawa kundi sumunod.Sa isang iglap, hinila ni Gideon ang kamay niya at napasubsob siya sa matigas nitong dibdib. Bago pa siya makakilos, iniangat nito ang baba niya… hindi
Nang araw na iyon, dumating siya kasama ang kaniyang ama sa mansyon ng mga Masterson. Hindi si Gideon ang sumalubong kundi ang mga magulang nito. si Doña Wilma at Don Philip Masterson. Kita agad sa mga mukha ng dalawa ang gaan ng loob nang marinig na handa na siyang magpakasal.Pero may kondisyon si Mariette: Wala nang kasalan. Wala nang engrandeng seremonya. Irehistro agad ang kasal.Hindi nagdalawang-isip ang mga Masterson. Agad na pumayag ang mga ito at isang tawag lang ang ginawa ni Don Philip. Sa loob ng kalahating oras, dumating na ang opisyal mula sa Local Civil Registrar, dala ang mga papel, notaryo, at dalawang saksi mula mismo sa staff ng pamilya.Wala nang bulaklak, wala nang imbitasyon. Isang pirma sa marriage contract, tatlong kopya ng dokumento, at isang simpleng basbas mula sa opisyal… at Mrs. Gideon Masterson na siya.Doon lang niya tuluyang nakita si Gideon, hindi pa sa personal kundi sa larawan na iniabot sa kanya ni Doña Wilma.Matikas ang pangangatawan ng lalaki. M
Kumikislap ang mga mata ni Mariette habang bitbit ang kaniyang maleta papunta sa apartment ni Jude. Dalawang taon silang nagkalayo bilang magkasintahan, at sa wakas… makikita na rin niya muli ang lalaki. Kahit ramdam niya ang matinding init ng panahon, wala siyang pakialam. Mas nangingibabaw ang pananabik niya na muling mayakap si Jude.Nakangiti pa siya na parang tanga nang i-dial ang code ng apartment nito.Click.At doon tuluyang nabura ang ngiti niya. Dalawang katawan agad ang bumungad kay Mariette—magkayakap, hubo’t hubad, at abala sa pagpapasasa sa isa’t isa.Para siyang binagsakan ng langit sa sandaling iyon. Nanlamig ang kaniyang katawan, tila tumigil ang mundo.Mga hayop!Gusto sana niyang sugurin at pagsasampalin ang mga ito, pero pinili niyang maging malumanay. Imbes na magwala, kinuha niya ang cellphone at pinindot ang record.Nang gumalaw ang dalawa, saka lang napansin ng mga ‘to ang presensya niya. Napasigaw ang babae nang malakas.Biglang napalingon si Jude, nanlaki an