로그인Kabanata 60: Groom "Are you okay? Pulang-pula na mukha mo." Agad akong napaiwas ng tingin nang mapuna niya agad ang mukha ko. Buwisit na ’to! May gana pa talaga siyang tanungin ako ng ganyan?! Malamang, namumula ako dahil sa sinabi niya! Pero dahil mukhang wala naman siyang ideya sa naging epekto ng litanya niya sa akin, napilitan akong magpanggap. "Alam mo, tutal sobrang yaman n’yo naman, palagyan n’yo na rin kaya ng aircon ang labas niyong ’to? Ang init dito masyado, e!" palusot ko at pinaypayan pa ang sarili gamit ang isa ko pang kamay. "Talaga?" waring kumbinsido niyang tanong. Tumango ako. Mukhang naniwala naman siya kaya sinamahan ko na rin ng hilaw na ngiti ang pagpaypay sa sarili. "Air-conditioned ang loob ng bahay. Pagpasok natin sa loob, baka mawala na ang pamumula ng pisngi mo," suhestiyon pa niya. Sandaling nawala ang pilit kong ngiti dahil sa pagpuna na naman niya sa pamumula ng pisngi ko, pero agad ko rin naibalik. "Oh, e ’di kung gano’n, tara na sa loob?" Agad
Kabanata 60: Groom"Are you okay? Pulang-pula na mukha mo."Agad akong napaiwas ng tingin nang mapuna niya agad ang mukha ko. Buwisit na ’to! May gana pa talaga siyang tanungin ako ng ganyan?! Malamang, namumula ako dahil sa sinabi niya!Pero dahil mukhang wala naman siyang ideya sa naging epekto ng litanya niya sa akin, napilitan akong magpanggap."Alam mo, tutal sobrang yaman n’yo naman, palagyan n’yo na rin kaya ng aircon ang labas niyong ’to? Ang init dito masyado, e!" palusot ko at pinaypayan pa ang sarili gamit ang isa ko pang kamay."Talaga?" waring kumbinsido niyang tanong.Tumango ako. Mukhang naniwala naman siya kaya sinamahan ko na rin ng hilaw na ngiti ang pagpaypay sa sarili."Air-conditioned ang loob ng bahay. Pagpasok natin sa loob, baka mawala na ang pamumula ng pisngi mo," suhestiyon pa niya.Sandaling nawala ang pilit kong ngiti dahil sa pagpuna na naman niya sa pamumula ng pisngi ko, pero agad ko rin naibalik."Oh, e ’di kung gano’n, tara na sa loob?"Agad siyang su
Kabanata 59: Holding Hands"Atasha, we don't need to do this. Kung 'di ka naman komportableng makita si Mama, kahit 'wag na muna."Mariin kong inilingan si Rev. "Nakabihis na tayo, oh? Ngayon pa ba tayo hindi tutuloy?"Naitikom niya ang kaniyang bibig, siguro ay natanto niyang wala na talaga siyang magagawa kundi sumang-ayon na lang.Today is Friday. Two days have passed since his sister, Erich, showed up at his office. Dalawang araw na ring naudlot ang lakad na ito dahil ayaw talaga niyang pumunta kami sa Mama niya."Hindi naman kailangang pumunta pa tayo doon. Believe me, my mom’s not sick. Alibi lang niya 'yon kasi alam na niyang aatras na naman ako sa kasal namin ni Veronica."Blangko ko na siyang nilingon bago ko siya sinamaan ng tingin."Nandito na tayo sa kotse mo. Hahawakan mo lang ang manibela para makalarga na tayo. Bakit ba ayaw mo?"He rested one arm on the wheel, then looked at me."Hindi naman sa ayaw ko..." mahinahon niyang sabi. "Wala akong trabaho bukas. We can just..
Kabanata 58: SisterAt tama nga ako na mahaba-habang araw ito, kasi halos wala rin naman akong ginawa kundi panoorin siyang magtipa ng kung anu-ano sa kaniyang laptop, mag-sign ng mga papeles, at tumawag kung kani-kanino.Aaminin ko, hindi nakakasawa ang kapogian niya, lalo na ngayon na panay ang titig ko sa pagnguso, pagkukunot ng noo, at kung anu-ano pa niyang reaksyon sa mukha. Pogi talaga siya... pero seryoso, nauumay na ako rito.Mag-aalas-onse pa lang pero pakiramdam ko ay isang taon na akong nakaupo rito sa isa sa mga sofa niya. Gustuhin ko mang manood ng palabas sa cellphone o ‘di kaya sa malapad niyang TV rito, hindi ko rin magawa dahil baka maistorbo ko lang ang trabaho niya.Problemado akong bumuntong-hininga at tumayo na. Awtomatiko naman siyang napatingin sa akin."I'm bored here. Ito-tour ko lang sarili ko sa labas," paalam ko sa kaniya.Tumayo rin siya mula sa kaniyang swivel chair at lumapit sa akin."Samahan na kita. Magla-lunch break din naman na."Umiling ako. "Tapu
Kabanata 57: StayI took another bite of the hotcake on my fork before finally speaking again."Ang hassle mag-aral ulit, Rev. Stable ka naman na, kaya hindi mo na siguro kailangan pahirapan ang sarili," sabi ko sa mahinahong boses.Hindi ko sa kaniya masabi nang direkta ang gusto kong iparating, pero sana ay makuha pa rin niya kahit papaano. Totoo naman kasing hindi na niya kailangang patunayan ang sarili sa pamilya niya, lalo na sa mapagkumpara niyang mama. He's doing well, actually.Hindi siya umimik sa sinabi ko kaya nilingon ko na siya. Bahagya akong nagtaka nang makitang tumigil siya sa kaniyang almusal at nakatitig lang nang malalim sa plato niya.Okay… that’s concerning."Hoy, Rev! Natahimik—""You know what? You’re right," putol niya sa akin, saka ako nilingon.Naitikom ko na lang ang bibig at lihim na napatikhim nang ngitian niya ako.“It’s not like I’ll gain anything by constantly competing with my brothers. Iba ako, iba si Riel at Rex sa akin," aniya, sabay tusok ng isang
Kabanata 56: AbsThe moment I slammed the door, I leaned against it, panting like I had just run a marathon. My heart was pounding uncontrollably, and I swear I could still see his smug face in my head.“Punyetang Miss Universe,” tiim-bagang kong bulong sa sarili.Hindi ko na nga kinaya ang pa-save niya ng Ganda sa contacts niya, tapos may pa-Miss Universe pa siyang nalalaman ngayon?Ano nang kasunod? Miss Galaxy na, gano’n?Naihilamos ko na lang ang mga palad ko at mariing napakagat sa labi.Buwisit! Buwisit! Buwisit ka talagang kurimaw ka!Natigil ako sa kakasigaw sa isip nang kumatok siya sa pintuan. Pero dahil para na akong ewan dito, hindi ko siya pinagbuksan.Sa halip ay ni-lock ko pa ang pintuan at patakbong tumalon sa kama. Padarag kong hinigit ang isang unan at saka iyon niyakap nang sobrang higpit.Nakakabaliw, sa totoo lang!Gumulong-gulong na ako sa kama habang yakap-yakap pa rin ang unan. Ayaw ko mang mapangiti sa pa-Miss Universe niya, pero hindi ko talaga mapigilan.Oo







